Pinapurihan ng madlang people ang trapeze stunt ni Kim Chiu sa kanilang “Magpasikat 2024″ performance sa It’s Showtime.

Ang team nina Kim, Ogie Alcasid, MC, at Lassy ang nakatokang mag-perform sa It’s Showtime kahapon, October 22, 2024.

Kim Chiu reflects on her Magpasikat performance

KIM CHIU THANKS PEOPLE WHO HELPED THEM

Sa Instagram ngayong Miyerkules, October 23, 2024, nagbahagi si Kim ng kanyang mensahe sa lahat ng naging katuwang nila upang maging matagumpay ang kanilang performance.

Sabi niya, “To #TEAMOgieKimMcLassy I just want to take a moment to express my deep gratitude for all the hard work, dedication, and team spirit each of you has shown. In such a short amount of time, we’ve managed to come together and deliver a performance that is nothing short of remarkable. (heart emojis)”

Hindi pa rin daw siya makapaniwalang nairaos nila ang pinaghirapan nilang production number.

Nagbunga raw ang pinagpaguran ng kanilang team.

Aniya, “It’s incredible what we’ve achieved, and it’s all thanks to everyone playing their part and going the extra mile.

“Each one of you brought your unique strengths to the table, and the way we collaborated was the true essence of teamwork. It’s not just about the outcome, but about how we worked as a team, supporting each other, and finding solutions together. I couldn’t have asked for a better group of people to work with. (face holding tears emoji)”

Kasunod niyang binanggit ang mga kasamahan at mga taong nasa likod ng kanilang produksiyon.

Aniya, “Thank you all for your commitment and contributions. I consider myself incredibly lucky to be part of this team.

“Sir @ogiealcasid and sa classmates ko @akolassy @mcmuah maraming salamat! (heart emoji) thank you @itsmorissette for saying yes to our team. (heart emoji) direks @norbsportales and coach @dr_dancab thank you so sooo so much! (heart emoji)”

Labis-labis din ang pasasalamat ng actress-TV host sa bumubuo ng kanyang trapeze team dahil hindi nagkaroon ng aberya habang sumisirku-sirko siya sa ere.

Kim Chiu trapeze performance
Photo/s: Courtesy: Facebook

Dagdag niya, “lalo na din sa trapeze team namin thank you po sa pagsalo at sa pagpapaalala na magtiwala lang sa sarili at sa inyo na di nyo ko bibitawan! (laughing emoji) haha sa @dance_royalties thank you sa energy, sa #ensemble amazing kayo, sa band headed by sir @chuckjoson thank you sa production team namin you guys are amazing, sa mga sponsors salamat sa budget, basta lahat lahat ng bumubuo ng team namin maraming salamat po.

“TIGIL. HINGA. KALMA.”

Tungkol sa pagpapahinga at pag-aalaga sa mental health ang tema ng production number nina Kim, Ogie, MC, at Lassy.