Kim: “When you make a ‘mistake,’ don’t look back at it long.”
Napaiyak si Kim Chiu habang pinapanood ang trailer ng bago niyang serye, ang Bawal Lumabas.
Ang serye ay inspired ng kantang ini-release ng 30-year-old Kapamilya actress noong May 25, 2020, at may kaparehong titulo.
Mahaba, masalimuot, pero maganda ang ending ng kuwentong nasa likod ng “Bawal Lumabas” song ni Kim.
Ito raw ang “parang nag flashback” sa aktres kaya hindi niya naiwasang maging emosyunal nang mapanood ang trailer ng bago niyang serye.
Ibinahagi ni Kim sa Instagram nitong Martes ng gabi, December 1, ang video nang mapaiyak siya habang pinapanood ang trailer ng Bawal Lumabas.
Kuha ang video ng make-up artist ni Kim na si Haidz Fernandez.
Nang mga oras kasing iyon, nasa dressing room si Kim at inaayusan ni Haidz para sa gagawing paghu-host sa It’s Showtime.
Sa video, panay ang pahid ni Kim sa kanyang luha.
Sinikap daw ni Kim na pigilan ang kanyang pag-iyak dahil “nahihiya” siya sa make-up artist.
“Pero naiiyak talaga ako,” sabi ni Kim habang tuluy-tuloy sa pag-iyak.
Kalaunan, napaluha na rin ang make-up artist.
Dahil dito, natawa ang noon ay humihikbi pa ring aktres.
Sa caption, inilarawan ni Kim na “iyak tawa” ang nangyari sa loob ng dressing room nang sabayan siya ng make-up artist sa pag-iyak.
THE CLASSROOM ANALOGY
Paliwanag ni Kim, napaiyak siya nang “nag flashback skin lahat simula nag start ang bawal lumabas.”
Ang mga salitang “bawal lumabas” ay bahagi ng emosyunal na pahayag ni Kim sa “Laban Kapamilya” Facebook Live protest noong May 8.
Ikinasa ang online protest na iyon kasunod ng pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa broadcast operations ng ABS-CBN noong May 5.
Nagtigil-operasyon ang network makaraang mapaso ang 25-year legislative franchise nito.
Naging kontrobersiyal ang pagtatanggol na iyon ni Kim sa kanyang home network nang ikumpara niya sa pagpapatupad ng mga rules sa classroom ang pagpapasara ng NTC sa ABS-CBN.
Sabi noon ni Kim: “Sa classroom, may batas. Bawal lumabas, o, bawal lumabas.
“Pero pag sinabi… pag nag-comply ka na bawal lumabas, pero may ginawa ka sa ipinagbabawal nila…
“Inayos mo yung law ng classroom niyo at sinubmit mo uli, ay puwede na pala ikaw lumabas.”
NON-STOP BASHING
Hindi naipaliwanag ni Kim ang punto ng pagkukumpara niyang ito, kaya inulan siya ng pambabatikos mula sa netizens.
Nag-viral ang sinabing ito ni Kim at maghapon siyang nag-trending kinabukasan, May 9.
Kaagad na humingi ng paumanhin ang aktres at inaming siya mismo ay hindi naintindihan ang kanyang sinabi.
Pero sa halip na tigilan ng pambabatikos, lalong kinuyog ng bashers si Kim sa sumunod na mga araw.
Pawang masasakit na salita ang ibinato kay Kim, kaya napilitan siyang mamahinga sa social media sa loob ng ilang araw.
Kasabay ito, sari-saring memes at jokes ang ipinakalat ng netizens online gamit ang pahayag ni Kim tungkol sa “law ng classroom.”
May naglapat din ng musika sa statement na iyon ni Kim, na ginawan pa ng dance challenge.
Sa kainitan ng kontrobersiya, todo-tanggol sa aktres ang mga kapwa niya Kapamilya talents.
Kabilang sa kanila ang boyfriend ni Kim na si Xian Lim, sina Maja Salvador, Korina Sanchez, Ellen Adarna, Angelica Panganiban, at Regine Velasquez.
FUNDRAISING THROUGH “BAWAL LUMABAS” SONG, MERCHANDISE
Nang magbalik sa social media noong May 18, inanunsiyo ni Kim na magre-release siya ng full version ng kantang “Bawal Lumabas” na nag-viral sa social media.
Naging matagumpay ang release ng single na iyon, na nilapatan pa ng dance steps ng choreographer na si DJ Loonyo.
Kalaunan, naglabas din si Kim ng “Bawal Lumabas” T-shirts, na ibinenta niya online.
Ang kinita rito ay ginastos ni Kim sa pagbili ng COVID-19 test kits para sa mahihirap.
Namahagi rin siya ng relief packs sa maraming pamilyang walang pinagkakakitaan dahil sa quarantine.
Sa huli, nakatulong pa ang kontrobersiyal na pahayag ni Kim para maabutan ng ayuda ang mahihirap at mapondohan ang mass testing.
“ONE MISTAKE WON’T DEFINE YOU AS A PERSON”
Ito mismo ang natutuhan ni Kim sa kanyang “Bawal Lumabas” journey.
Inilahad ng aktres ang realizations niyang ito sa kanyang Instagram post nitong Martes ng gabi.
Sabi ni Kim: “One Mistake won’t define you as a person.
“When you make a ‘mistake,’ don’t look back at it long.
“Take the reason of the thing into your mind and then look forward.
“’Mistakes’ are lessons of wisdom.
“The past cannot be changed. The future is yet in your power.
“Kasama ko kayo sa journey na to sana sa pag tatapos ng taon samahan niyo pa din ako.”
Streaming na ang Bawal Lumabas series simula sa December 14, sa iWant TFC.
Kasama ni Kim sa serye sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Rafael Rosell, Paulo Angeles, at Trina Legaspi.
News
Sumama si Kathryn Bernardo sa ’12 grapes under the table’ trend para salubungin ang Bagong Taon! Handa na ba siya sa bagong pag-ibig?
As the clock struck midnight on New Year’s Eve, people around the world celebrated with unique traditions and rituals believed…
Wala na ba sa Market si Daniel Padilla? Nakita sa isang Mahiwagang Bagong Babae!
Daniel Padilla, the heartthrob of Philippine cinema, has once again sent his fans into a frenzy. Recently, the actor was…
Fan Spotted: Minsan ba nabuntis si Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla?
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla, often referred to as the “King and Queen of Hearts,” are among the most iconic…
Inihayag ni Sofia Andres Kung Bakit Ang Pagbubuntis sa 21 Ang Pinakamagandang Desisyon sa Kanyang Buhay!
“I wouldn’t trade it for anything in the world.” Sofia Andres (left) on welcoming her daughter Zoe Miranda (right) at…
Sinimulan ni Kathryn Bernardo ang 2025 na may Nakagagalak na New Year Revelations!
Kathryn Bernardo took to social media to share a glimpse of her 2025 so far. On her Instagram page, the…
Marian Rivera, Kathryn Bernardo, at Alden Richards Gumawa ng Kasaysayan sa Malaking Panalo sa 2024 TAG Awards Chicago!
Marian Rivera, Kathryn Bernardo and Alden Richards were among the several Filipino artists who earned recognition at the 2024 TAG…
End of content
No more pages to load