Hold Me Close ang pamagat ng pelikula nina Carlo Aquino at Julia Barretto na opisyal na kalahok sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF).

Nang tanungin kung sino ang gusto niyang sabihan ng “hold me close,” ang madamdaming sagot ng 39-year-old actor: “Yung daughter ko, yeah, si Mithi.”

Patunay pa sa matinding pagmamahal ni Carlo kay Mithi ang malaking letra ng M na naka-tattoo sa pulso ng kanyang kanang kamay.

Julia Barretto and Carlo Aquino publicity photo from VAA

carlo and julia’s “catch up”

May anak na si Carlo pero binata pa ito nang umpisahan ang shooting ng Hold Me Close sa Saga Prefecture, Japan.

Unang nagtambal sina Carlo at Julia sa Expensive Candy noong 2022 at hindi pa siya kasal dahil naganap lamang noong Hunyo 9, 2024 ang pag-iisang-dibdib nila ng kanyang asawa na si Charlie Dizon.

Ikinuwento ni Carlo na “catch up” ang nangyari sa muling pagkikita nila ni Julia para sa promo ng kanilang pelikula.

“Catch up lang, kasi nga nung time na ginawa namin yung Expensive Candy, hindi pa ako kasal.

“Ngayon lang uli kami nagkita na married na ako. So itinatanong niya lang, how’s your married life?

“Noon naman [shooting ng Hold Me Close], kumustahan, kinukumusta ko si Ge [Gerald Anderson] dahil nakatrabaho ko si Ge. ‘Tapos si April [tunay na pangalan ni Charlie] kinukumusta rin niya.”

Malaki na na raw ang ipinagbago ni Carlo, ayon kay Julia.

Noong ginagawa raw nila ang Expensive Candy, “isang tanong, isang sagot” lamang ang kanyang leading man na iba na ngayon ang mindset kaya malalim na ang kanilang pagkakaibigan.

Carlo Aquino, Julia Barretto to star in new movie 'Hold Me Close' | ABS-CBN  Entertainment

Gaya ni Julia, masaya si Carlo na ipinagmamalaki ang kanyang 27-inch-waistline dahil mararanasan niya muli na sumakay sa float para sa Parade of Stars ng 50th MMFF.

Matagal na panahon na ang nakalilipas mula nang magkaroon si Carlo ng filmfest entry at ayon sa kanya, “Puro Pinoy movies ang mapapanood this Christmas, saka excited nga din ako sa float.”