Uminit ang usapan online matapos mag-post si Carla Abellana ng linyang “Last Christmas as a Miss” sa Instagram. Simpleng caption lang ba ito o may mas malalim na kahulugang tinutukoy? Maraming netizen ang nagtatanong kung ito ba’y paalam sa isang yugto ng buhay o pahiwatig ng malaking pagbabago na paparating. Alamin ang buong kuwento sa mga komento.

Posted by

Kay Carla Abellana na mismo nanggaling na ngayong taon na ang huling Pasko niya bilang isang “Miss.”

Sa kanyang Instagram Story ngayong Biyernes, December 26, 2025, nag-post si Carla ng isang phrase kung saan mababasa rito ang mga salitang “Last Christmas as a Miss.”

Carla Abellana Instagram Story
Ang post na ito ni Carla ay kumpirmasyon sa iniulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na bukas, December 27, gaganapin ang kasal niya sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Dr. Reginald Santos.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin nag-atubiling i-post ni Carla ang mga larawang kuha sa kanyang tila bridal shower na handog ng kanyang beauty clinic sponsor.

Makikita ritong nakasuot si Carla ng sash na may nakasulat na “Bride to Be.”

CARLA ABELLANA AND HER DECEMBER 27 WEDDING IN TAGAYTAY

Sa ulat ng PEP Troika noong December 19, isang showbiz insider ang nagsabing tiyak na hindi makakadalo si Carla sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 dahil kasabay ito ng kasal ng aktres sa Tagaytay.

Kasali si Carla sa MMFF 2025 official entry na Shake, Rattle & Roll: Evil Origins ng Regal Entertainment, Inc..

Noong December 1, proud na ibinahagi ni Carla ang larawan ng engagement ring niya mula sa kanyang fiancé, na hindi pa niya ipinakikilala sa publiko.

Makikita sa larawan ang kamay ng aktres na suot ang engagement ring. Nakahawak ito sa kamay ng kanyang fiancé.

Ang unang bahagi ng caption ni Carla ay may tatlong white heart emojis.

Sinundan niya ito ng mga salita mula sa Jeremiah 29:11: “\’For I know the plans I have for you,\’ declares the LORD, \’plans to prosper you and not to harm you, plans to give you a hope and a future.\’”

Carla Abellana engagement