
VIRAL NA KASO NG INA SA CDO CITY, SUSPEK KUNWARI UMIIYAK-IYAK PA SA CRIME SCENE
Tatlong bata ang natulog kasama ang ina at paggising nila ay wala na ito. Isang ama ang humahagulgol habang kumukuha ng video at yakap ang kanyang mga anak. Tila ibinubuhos ang lahat ng luha sa nangyaring trahedya. Sa harap niya ay ang nakahandusay na katawan ng kanyang asawa sa isang bakanteng lote, naliligo sa sariling dugo. Ngunit ang tanong ay: sino ang tunay na biktima at sino ang salarin sa kasong ito na nangyari sa Cagayan de Oro City at nag-viral sa social media nitong nakaraang Disyembre 13, 2025?
Sila ang pamilya ng mag-asawang John Lloyd at Graceln Ramayat kasama ang kanilang tatlong anak. Sa unang tingin, tila sila ay larawan ng isang masaya at buong pamilyang maraming pangarap. Ngunit sino ang mag-aakalang ang mga pangarap at pagmamahalang binuo nila ay hahantong sa isang madilim at masakit na trahedya?
Si Graceln Agravante Dualio ay ipinanganak noong Mayo 21, 1988 at bunso sa kanilang magkakapatid. Nakapagtapos siya ng BS Psychology mula sa Xavier Ateneo de Cagayan University sa Cagayan de Oro City noong taong 2011. Agad siyang nagtrabaho pagkatapos ng kolehiyo, una sa isang shopping plaza sa loob ng isang taon. Naging promo clerk siya, telemarketer, at kinalaunan ay naging call center agent mula 2020 hanggang ngayon. Para sa mga nakakakilala sa kanya, siya ay isang simpleng babae—mabait, masayahin, kung minsan ay tahimik pero napaka-friendly.
Noong taong nakilala ni Gracelyn si John Lloyd Ramirat, 21 taong gulang pa lamang ang lalaki habang si Graceln ay 30 na. Nagsimula ang lahat sa simpleng pagkakaibigan hanggang sa nauwi sa pag-iibigan. Kahit may siyam na taon na agwat sa edad, hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsasama. Ang kabaitan ni John Lloyd at pagiging masayahing kasama ang agad na nagparamdam ng ginhawa kay Graceln. Sa kanyang mga post sa Facebook, tila masayahin din siya, maraming kaibigan, at mahilig sa basketball. Sa mga larawan kasama ang pamilya, tila nagmula siya sa isang mabuti at masayang tahanan. Ngunit sa likod ng mga ngiti at masasayang larawan, may mga bagay na hindi agad nakikita—mga senyales na huli na bago napagtanto.
Bilang mag-asawa, naging masaya sina Graceln at John Lloyd. Matapos ang isang taon, nagbunga ang kanilang pagmamahalan sa pagsilang ng isang anak na lalaki noong taong 2021. Labis ang tuwa ng dalawa, lalo na si John Lloyd na madalas makitang kasama ang bata sa mga larawang ibinabahagi niya sa Facebook—mga bakas ng ngiti at dangal bilang isang ama. Dito nagsimula ang kanilang buhay pamilya sa isang simpleng tahanan sa Barangay Indahag, Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.
Mas naging kumpleto sila nang biyayaan ng isa pang anak na babae noong taong 2022. Para sa kanila, tila perpekto na ang kanilang maliit na pamilya. Kaya noong Hulyo 7, 2023, nagpasya silang gawing ganap ang kanilang pagsasama at nagpakasal bilang mag-asawang Ramayat. At isang taon ang lumipas, noong Disyembre 2024, sinundan muli ang kanilang mga anak.
Laking pasasalamat ng mag-asawa sa mga biyayang ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Sa mga post ni Graceln sa social media, meron pa noong isang linggo lang na maraming matatamis na larawan nilang magkasama ni John Lloyd. Sa kanilang tahanan, si Graceln ang nagsilbing breadwinner bilang call center agent habang si John Lloyd ang naiwan sa bahay upang mag-alaga sa kanilang mga anak. Isang setup na sa mata ng marami ay tahimik at maayos.
Ngunit tulad ng maraming pamilya, dumaan din sina Graceln at John Lloyd sa karaniwang pagsubok ng buhay. Walang kakaiba hanggang sa dumating ang isang araw na ganap at marahas na sumira sa kanilang buo at masayang pagsasama. Isang trahedya na nag-iwan sa tatlong maliliit na bata sa gitna ng matinding pangungulila habang ang karamihan ay abala sa paghahanda para sa nalalapit na Pasko.
Ang pamilyang Ramayat na binuo nina John Lloyd at Graceln ay hindi na muling magkakaroon ng maligayang Pasko. Ngayong umaga lamang ng Disyembre 13, 2025, isang napakalungkot na balita ang umabot sa buong Cagayan de Oro City at mabilis ding kumalat sa social media. Isang ordinaryong umaga sa Barangay nang mabulgar na may isang residenteng dumaan sa gilid ng kalsada katapat lang ng isang kapilya. Napansin niya ang isang bagay sa malayo—isang nakahandusay sa madamong bahagi ng bakanteng lote, ilang metro lang ang layo mula sa kalsada.
Nang siya ay lumapit, tumambad ang bangkay ng isang babae. Agad niya itong iniulat sa barangay at sa mga awtoridad. Makalipas ang ilang sandali, nakumpirma na ang biktima ay si Graceln Ramayat. Kalunos-lunos ang kanyang kalagayan, naliligo sa sariling dugo. Agad na ipinaalam ang kakilakilabot na balita sa kanyang asawa na kasama na ang tatlong anak sa bahay. Pagkatapos ay tinawagan din ang kanilang mga kamag-anak na hindi pa nakakatanggap ng impormasyon.
Dumating sa pinangyarihan si John Lloyd kasama ang kanilang mga anak. Sa isang video na kumalat na sa social media, makikita ang isang eksenang umantig sa damdamin ng marami—isang asawang umiiyak habang akay ang kanyang mga anak. Isang nakakadurog ng pusong eksena ng tatlong inosenteng bata na tahimik lang na nakatingin, tila nagtataka at may mga katanungang hindi pa masagot ng kanilang mga batang isipan.
Matapos ang malagim na eksena, dumating ang mga tauhan ng SOCO Team upang magsagawa ng imbestigasyon at pagproseso sa crime scene. Sa masusing pagsusuri sa bangkay, natuklasan ang mga sugat sa leeg at mukha ng biktima sanhi ng saksak. Ang mga sugat ay nagpapahiwatig ng matinding galit ng salarin. May mga sugat din sa kanyang kamay na indikasyon na sinubukan niyang lumaban. Base sa dami ng dugo sa lupa at sa mga palatandaan sa paligid, lumabas ang paunang teorya ng mga imbestigador na malamang ay doon mismo nangyari ang pananaksak.
Naging malaking palaisipan hindi lamang sa mga awtoridad kundi maging sa pamilya, kaibigan, at kapitbahay ni Graceln kung sino ang makakagawa ng ganitong karumal-dumal na krimen. Ayon sa kanila, wala siyang kaaway o anumang dahilan para pag-initan ng ganito. Habang patuloy ang imbestigasyon, napansin ng SOCO na maayos at buo pa ang suot ng biktima kaya walang indikasyon ng panggagahasa. Hindi rin masasabing pagnanakaw ang motibo dahil hindi kinuha ang pera at hawak pa niya ito.
Sa kabila ng masusing paghahanap, hindi narekober ang kutsilyong ginamit sa pananaksak. Gayunpaman, may isang mahalagang piraso ng ebidensya na naiwan sa crime scene—isang piraso ng itim na tsinelas. Dahil ang suot na tsinelas ng biktima ay kumpleto, naniwala ang mga awtoridad na ang nakitang itim na tsinelas ay pagmamay-ari ng salarin at naiwan ito sa pagmamadaling tumakas. Isang tahimik ngunit mahalagang ebidensya, isang piping saksi na sa susunod na ilang oras ay makakatulong upang sa wakas ay malutas ang kaso.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa crime scene, may ilang pulis na agad na napansin ang mga bagay na itinuturing nilang kahina-hinala sa asawa ni Graceln na si John Lloyd. Para sa kanila, hindi karaniwan ang reaksyon nito bilang isang lalaking nawalan ng asawa. Tila kulang ito sa emosyon at hindi tumutugma ang kanyang pag-iyak sa bigat ng nangyari sa biktima. Bagama’t hindi pa sila kumbinsido, kinausap siya bilang bahagi ng imbestigasyon. Sa gitna ng kanilang pag-uusap, napansin din ng pulisya ang ilang bakas ng mga kalmot o maliliit na sugat sa ilang bahagi ng kanyang katawan. Noong una ay hindi nila ito pinansin nang hayagan, ngunit isinama nila ito sa kanilang…






