
Narito ang istorya na isinalin sa Tagalog, na may dagdag na mga panipi para sa mga diyalogo, at naka-format na may 1.5 spacing pagkatapos ng bawat talata:
Maligayang pagdating o maligayang pagbabalik, Kabayan, sa Tagalog Crime Stories kung saan ibinabahagi ko ang aking obsession sa true crimes at isinasalaysay ko ito sa Tagalog. Kung gusto mo ng ganitong contents, make sure to subscribe at turn on all the notifications para lagi kang updated sa mga bago kong videos. Kung gusto mo naman na suportahan ang aking channel sa ibang paraan, you may do so by checking these options.
Noong buwan ng Oktubre taong 2021, ang ilang mga residente ng Barangay Inangayan sa bayan ng Santa Barbara sa Iloilo ay nakapansin ng isang SUV na naka-park sa tabing kalsada. Pero dahil sa hindi iyon ang kauna-unahang pagkakataon na may nag-park sa bahaging iyon ay hindi nila ito gaanong binigyan ng pansin.
Sa mga sumunod na araw ay hindi na mabilang ang mga sasakyan at mga tao ang dumaan sa SUV. Ang pagiging abala ng mga tao sa kani-kanilang mga responsibilidad at trabaho ang rason kung bakit kahit mahigit 24 oras na itong nakatigil ay walang gaanong pumapansin sa SUV. Ngunit ayon sa interview sa ilan, sa tuwing sila ay dadaan sa kalsada kung saan naka-park ang sasakyan ay laging may naaamoy silang masangsang.
Ang ilan ay nagkibit-balikat lamang sa amoy sapagkat normal lamang naman sa lugar na iyon ang maging tapunan ng patay ng mga hayop tulad ng daga. Pero dahil sa hindi pa rin nawawala ang amoy, isang residente na ang naglakas-loob na siyasatin ang pinagmumulan ng masangsang na amoy. Bagama’t masuka-suka na siya ay napagtanto naman nito na habang papalapit siya sa SUV ay mas lalong lumalakas ang masangsang at napakabahong amoy.
Nang silipin nito ang likuran ng sasakyan ay tumambad sa kanya ang nabubulok na labi ng isang tao. Mabilis itong napatakbo at dahil sa tabi ng kalsada, mabilis na dumami ang mga taong gustong malaman kung ano ang nangyayari. Ang ilan sa kanila ay tinakpan ng ilang layer ng tela ang kanilang mga ilong sapagkat talagang napakabaho ng amoy. Ang iba ay kinunan ng cellphone video ang SUV habang ang unang tao na nakakita sa bangkay ay mabilis na pumunta sa barangay at ang kapitana ang tumawag sa mga awtoridad.
Sa footage na ito ay makikita mo na mabilis na dumating ang mga pulis at nilagyan nila ng tape ang paligid ng sasakyan. Nang dumating ang ilang miyembro ng SOCO ay mabilis ang mga itong kumilos at siniyasat ang loob at labas ng sasakyan para makakalap ng ebidensya. Ang mga awtoridad ay kaagad ding nagbukas ng homicide case dahil sa inisyal nilang imbestigasyon ay lumalabas na ang biktima ay hindi namatay sa natural cause.
Sa ulat ay nakalagay na ang tao sa loob ng SUV ay biktima ng isang karumal-dumal na krimen. Bagama’t naaagnas na, klaro sa mga imbestigador na ito ay nakatanggap ng napakaraming saksak. Habang nagkakagulo ang mga residente doon, ang mga awtoridad ay kaagad namang na-identify ang pagkakakilanlan nito gamit ang license plate number na WRQ46 at mga identification cards na nakita sa compartment ng sasakyan.
Nang makuha ang impormasyon ay kinontact nila ang mga kamag-anak nito at kahit naaagnas at bloated na ang bangkay ay nagawa pa ring ma-identify ng kapatid nito na ang labi ay kay Claire Diergos. Ang balita ay mabilis na kumalat sa social media at ang hashatag na #JusticeForClaire ay nag-trending sa social media. Pero ang pamilyang Diergos na pinakaapektuhan sa nangyari ay hindi makapaniwala na may kayang gumawa noon sa pinakamamahal nilang si Claire.
Sa ulat ay nakalagay na ang 36 na taong gulang na biktima ay born and raised sa probinsya ng Iloilo. Bagama’t uso na ngayon ang magladlad ng bawat detalye ng buhay sa social media, si Claire ay inilarawan na isang pribadong tao. Bilang panganay sa anim na magkakapatid, bata pa lamang ay naintindihan na agad ni Claire ang hirap ng buhay.
Ang pagiging panganay din nito ang naging dahilan kung bakit mas nagpursigi ito na makatapos at makapagtrabaho para matulungan ang kanyang mga magulang. Si Claire ay inilarawan na tahimik, mahiyain at hindi basta-bastang nakikipag-usap sa mga hindi niya ka-close kaya ang ilan ay inakala itong isnab at suplada.
Ngunit para naman sa mga taong personal na nakakilala kay Claire ay inilarawan nila ito na isang mabait na anak at kaibigan. Ayon sa pamilya nito noong 2017, ito ay merong nakilalang isang lalaki. Ang dalawa ay nagkamabutihan hanggang isang araw ay inamin na lamang ni Claire na siya ay nagdadalang-tao. Ngunit dahil sa ang nobyo nito ay may asawa na ay naging komplikado ang lahat.
Tinangka nilang maging normal ang lahat para sa bata. Ngunit kalaunan ay hindi lamang nito iniwan si Claire, ngunit pati ang mga responsibilidad dito sa bata ay pinutol na rin ito. Bagama’t nadismaya ang pamilyang Diergos ay pinatunayan ni Claire na hindi porket naging single mother at nagkamali siya sa pagpili ng lalaki ay doon na matatapos ang kanyang buhay.
Sa halip ay ginamit niya ang pagiging isang nanay para mas magpursigi sa buhay. At upang maibigay ang lahat ng pangangailangan ng kanyang unika iha ay nagdoble kayod si Claire. Bukod sa pagiging lisensyadong guro, isa rin itong isang licensed insurance agent at part-time medical representative. Ang mga tao ay hinangaan ito dahil bukod sa kanyang mga side gigs, ito ay nagnegosyo na rin tulad ng pagbebenta ng herbal supplements, face masks at mga damit.
Bagama’t sa panlabas ay isang matagumpay na single mother, para naman kay Claire ay malaki ang pasasalamat niya sa kanyang pamilya na nag-aalaga at umaalalay sa kanilang mag-ina. Sa post na ito ay makikita mo na proud si Claire na maging isang single mother sapagkat napatunayan niya hindi lamang sa ibang tao pero pati na rin sa kanyang sarili na kayang-kaya niyang magtagumpay sa buhay kahit siya ay walang katuwang.
Bagama’t halos wala na siyang oras sa ibang bagay dahil sa dami niyang mga responsibilidad, sinisigurado naman ni Claire na maglalaan pa rin siya ng oras para sa kanyang anak. At pagkalipas ng ilang taon na walang tigil na pagtatrabaho, masaya ang mga kapamilya nito nang nagkaroon siya ng sariling bahay sa Deca Homes na isang subdivision na makikita sa Pavia, Iloilo.
Sa panlabas ay talagang punong-puno ng papuri ng mga tao ang madiskarteng si Claire. Kaya isang malaking katanungan talaga kung sino ang kayang pumatay dito. Sa mga sumunod na araw, ang dating pribadong pamumuhay ng mga Diergos ay naging laman ng headlines. Mas nagalit at nalungkot ang publiko dahil ayon sa official autopsy report, lumalabas na ang biktima ay nagtamo ng dalawang saksak sa kanyang leeg.
Lima sa kaliwang kamay, dalawa sa kanang kamay nito na indikasyon na nanlaban pa ang biktima. Pero ang talagang tumapos sa buhay ni Claire ay ang paglaslas sa leeg nito na talaga namang overkill. Sa tindi ng ginawa dito, si Celoso na Hepe ng Santa Barbara Police ay sinabi na napakaraming mga anggulo ang kanilang tinitingnan tulad na baka ang negosyante ay maaaring biktima ng robbery.
Ngunit ang motibo na iyan ay mabilis na naglaho sa pagdaan ng araw sapagkat wala naman itong nawawalang mga gamit. Nang balikan ng mga awtoridad ang crime scene ay nakakita sila ng dalawang unan sa sapa na malapit lamang sa SUV. Sa loob ng sasakyan ay nakakita sila ng pailang-ilang patak ng mga dugo at wala ring indikasyon na may nangyaring struggle sa loob ng sasakyan.
Kaya malakas ang paniniwala ng mga pulis na hindi sa SUV pinatay ang biktima. Nang kumpirmahin ng mga kapamilya nito na pagmamay-ari ni Claire ang kumot at unan na nakita ay pumunta ang mga imbestigador sa bahay nito sa Deca Homes. Doon ay naabutan nila ang tatlong taong gulang nitong anak at ang kasambahay na si Rodelyn.
Ayon sa mga awtoridad ay tiningnan din nila ang anggulo na baka ang motibo ng suspect ay paghihiganti. Kaya tiningnan nilang maigi ang mga customers nito sapagkat maaaring ang sila rin ay may malaking utang sa biktima. Hindi rin nila isinasantabi ang posibilidad na baka may nakaalitan itong tao. Pero kalaunan ay inetsapwera ng mga awtoridad ang anggulo na iyan.
Nang puntahan ng mga ito ang bahay ng biktima sa Deca Homes at ginamitan ng forensic expert ng kemikal ng Luminol ang bahay ay nagliwanag ang buong paligid na nangangahulugan na tama nga ang kanilang hinala na doon mismo pinatay ang biktima. Sa ulat ay sinabi ng mga imbestigador na napakalinis ng bahay at hindi mo iisipin na iyon ay crime scene.
Ngunit ayon sa mga pulis, kung sino man ang pumatay sa biktima ay may access sa bahay sapagkat ang mga dugo ay nilinis na. Ngunit gamit ang Luminol test ay napatunayan na maraming talsik ng dugo sa dingding, higaan. Kahit sa kumot ng anak ni Claire ay may dugo rin. Nagliwanag rin sa banyo, dressing room at pati sa cover ng washing machine ay nakakita rin sila ng dugo kaya mabilis nilang inimbitahan si Rodelyn.
Sa police interview ay lumalabas pa na wala pang linggo itong naninilbihan sa biktima. Ibinahagi nito na sa Facebook post niya nalaman na naghahanap ng kasambahay si Claire. At dahil sa matagal na siyang walang trabaho ay hindi na niya pinalagpas ang pagkakataon na iyon dahil 4,000 rin ang kanyang sasahurin.
Nang siya ay mapili ay sinundo na siya ng biktima at kaibigan nito sa Tagbak Terminal sa Jaro ng 4:30 ng hapon noong October 24. Mula doon ay nagtungo sila sa restaurant at doon na rin sila kumain ng hapunan. Sinabi ni Rodelyn na noong makarating siya sa bahay ng biktima sa Deca Homes ay sinabihan siya ni Claire na gusto nitong matulog dahil ito ay pagod na pagod.
Ngunit bago ito matulog ay tinanong niya muna dito ang tungkol sa gate. At ang reply umano noon ng kanyang amo ay ito na ang magsasara ng gate. Kalaunan ay nagpahinga na rin siya. Minsan siya di-umanong nagising dahil sa agos ng tubig. Nang bumangon ay nakita pa niya si Claire na binibigyan ng pagkain ang anak nito kaya natulog na ulit siya.
Nagising na lamang siya di-umano bandang 5:00 ng madaling araw. At dahil sa binabayaran siya para mapanitiling malinis ang bahay ay sinimulan na niya ang paglilinis. Nanindigan si Rodelyn na wala siyang napansin na kakaiba. Ni hindi niya rin alam na wala na pala ang kanyang amo sa bahay. Nalaman na lamang niya na wala pala ito sa tahanan nang magising at hanapin ng anak ng biktima ang kanyang ina.
Pagkatapos niyang makita na wala ang sasakyan nito at wala rin ito sa kwarto ay sinabi niya sa bata na baka nagtatrabaho na si Claire. Pero sinabi ni Rodelyn sa mga awtoridad na may nakita siyang dugo sa kama nito. Ngunit hindi niya iyon pinansin dahil akala niya na meron lamang itong buwanang dalaw. Ipinagkibit-balikat lamang din niya na hindi ito umuwi ng hapon noong October 25 dahil akala niya umano na ito ay nag-o-overtime lamang.
Kinabukasan, October 26, nang hindi pa rin ito umuuwi ay nag-text na siya kay Claire para tanungin kung paano gamitin ang gas burner at hindi niya rin alam kung ano ang ipapakain niya sa anak nito dahil wala ng pagkain sa ref. Nang masilip ng mga awtoridad ang call history nito ay napansin nila na mahigit 20 beses nitong tinawagan ang kanyang nobyo noong October 24 at noong October 25.
Napansin rin nila ang mga maliliit na gasgas sa braso ni Rodelyn. Pero dahil sa wala namang sapat na ebidensya laban dito at kinumpirma din ng boyfriend nito ang kanyang alibi, ang mga awtoridad ay walang choice kundi pakawalan ang kasambahay. Nang wala pa ring pag-usad sa kaso, ang kaibigan, kapamilya, kahit ang mga taong hindi ito personal na kilala ay nag-alok ng reward sa makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon para maresolba ang kaso.
Sa footage na iyan ay makikita mo ang emosyonal na pamamaalam ng pamilyang Diergos kay Claire. Sa tindi ng kanilang nararamdaman, ang babaeng kapatid ng biktima ay hindi mapigilan na isumpa ang tao o mga taong pumatay sa kanyang minamahal na ate. “Kabay pa mapatay ka man!” (Sana mamatay ka rin!)
Ang libing ay dinaluhan ng halos 1,000 mga tao at ang ilan sa mga ito ay nagsuot ng white t-shirts na nananawagan ng hustisya.
Dahil sa tila mabagal ang pag-usad ng kaso, isang women’s group ang kinuwestiyon kung bakit napakatagal naman ng imbestigasyon. Kaya ang special task group na binuo para tutukan ang nangyari kay Claire ay ibinahagi na sa press conference na meron na silang nakahalap na mga security footage. Gamit ang kuhang ito sa Pavia kung saan nakatira ang biktima ay mapapansin na bandang 4:00 ng madaling araw noong October 25 ay may dumating na sasakyan.
Pumasok ito sa subdivision at bumaba ang isang lalaki. Nang 4:20 na ay makikita naman ang pag-alis ng SUV ni Claire. Ngunit sa halip na sa harap, ito ay nahagip na lumabas sa likod na bahagi ng subdivision kung saan ay walang nagbabantay na gwardya. Ito ay nahagip na lumabas sa Barangay Balabag hanggang makarating sa Inangayan.
Sa nasabing barangay ay nahagip muli ito ng CCTV na nakatigil sa harap ng motor pool. Nang sumapit ang 4:48 ay dumating naman ang isang motorsiklo at kapansin-pansin na patay-sindi ang ilaw nito at ganun din ang nakitang ginawa ng sasakyan ni Claire na para bang nagpapalitan ang mga ito ng signal. Kasunod niyan ay tuluyan nang umalis ang SUV ng biktima at sa footage ay kitang-kita na ito ay sinundan ng Pajero na bumubuntot sa sasakyan ng biktima.
Pero ayon sa mga awtoridad, iyan na ang huling beses na nahagip sa CCTV ang SUV dahil umano’y wala ng security camera sa lugar kung saan ito inabandona. Ngunit ang mga tao ay nadismaya sa paghawak ng Iloilo Police sa kaso sapagkat lumalabas pala na may ibang parte ng CCTV na nakuha noong October 26 na nawawala tulad ng video clip kung kailan nadiskubre ang bangkay at yung kuha ng security footage sa harap ng Iloilo Provincial Motorpool Office.
Ang ilan ay hindi na nagulat sapagkat kung matatandaan mo ang kasong ito na hinawakan rin ng Iloilo City Police ay hindi pa rin nareresolba magpahanggang ngayon. Diyan pa lamang ay magkaka-idea ka na ng kalidad ng kanilang imbestigasyon. Kaya para hindi mabaling sa kanila ang sisi, ang pinuno ng Special Task Group ay sumulat sa kapitan ng Santa Barbara para kuwestiyunin kung ano ang nangyari sa kopya ng CCTV footage na nabura.
Nakalagay din doon na ang video clip ay isa sa mga susi para malutas ang kaso. Ngunit ang kapitan ay sinabi na hindi niya alam kung papaano i-access ang mga kopya ng security footage. Sa halip ay sinabi nito na tatlong tao lamang sa kanilang barangay ang kayang mag-access ng mga nasabing files.
At idiniin ng mga ito na kaya hindi makita ang ilang security footage ay baka na-corrupt ang mga files o talagang nag-crash. Ang mga tao ay duda at naniniwala sila na baka tikom ang bibig ng mga ito dahil maaaring maimpluwensyang tao ang nasa likod ng krimen. Mas naging kontrobersyal at nabalot pa ng misteryo ang nangyari kay Claire nang sumapit ang taong 2022.
Naging sunod-sunod ang paglitaw ng mga saksi at lahat sila ay sinabi na kung gusto ng mga awtoridad na mahuli ang salarin ay dapat simulan ng mga ito ang kanilang imbestigasyon kay Solita “Sally” Lopez na pangalawang misis ng dating mayor ng Iloilo na si Peter Paul Lopez. Nang lumabas ang mga saksi, ang pamilyang Diergos ay gumawa ng Facebook page at tinawag nila itong “Piso Para sa mga Testigo”.
Bukod sa pagbibigay ng update, ang layunin din nila ay kumalap ng pondo para maprotektahan at matulungan ang mga taong lumutang na saksi sa paglaban ng mga ito upang makamit ni Claire ang hustisya. Sa nalagdaang Affidavit ng mga saksi ay sinabi nila na ang anak ni Sally na si Chad ay hindi lamang karelasyon ng biktima, pero ito rin ang umanong ama ng anak ni Claire. Noong January 2021 ay ginawang opisyal muli ng dalawa ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpapakilala ni Claire kay Chad sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Ang mga ito ay madalas kumain sa restaurant na pagmamay-ari ng mga Lopez. Ngunit hindi lahat ng tao ay masaya para sa kanila. Tulad na lamang ni Sally.
Ayon sa mga kaibigan ng biktima nang minsan silang kumain sa resto ay napakasamang tumingin ni Sally kay Claire. Kalaunan ay ibinahagi sa kanya ng biktima na ang pakikipagrelasyon nito kay Chad ay matatawag na “You and Me Against the World”. Dahil ang buong pamilya pala ni Chad ay ayaw na ayaw sa kanya dahil naniniwala ang mga ito na hindi talaga si Chad ang ama ng babaeng anak ni Claire.
Bukod sa duda ay ‘di pa daw nakuntento si Sally at umano’y pinapasundan nito ang bawat galaw ng biktima. Sapagkat para sa ginang, ang single mother na tulad ni Claire ay hindi karapat-dapat sa kanyang anak. Kaya bandang 4:00 ng madaling araw noong October 25, ayon sa isang saksi na nakatira din sa Deca Homes ay napansin niya ang dalawang lalaki na lumabas sa bahay ng biktima.
Ang mga ito ay buhat-buhat ang mabigat na bagay. Pagkalagay ng mga ito ng bagay sa loob ng SUV ay isinara ng kasambahay na si Rodelyn ang gate. Kinilala nito na ang nag-drive ng sasakyan ng biktima ay si Raffy Sorioso at ang kasamahan nito na si Gardo Ibrahim. Ang dalawa ay napatunayan na minsang nanilbihan bilang driver at personal bodyguard ng dating alkalde.
Isa sa mga saksi ang nagsabi rin na kaya nawawala ang kopya ng CCTV sa harap ng motor pool ay dahil makikita ng publiko na ang mag-asawang Lopez ang mga taong sakay ng puting Pajero. Isa pang witness ay sinabi na kitang-kita niya na noong pumarada ang Pajero ay lumabas ang mag-asawa. Idinagdag ng parehong witness na noong muli siyang dumaan sa motor pool ay wala na ang sasakyan ngunit nakita niya ang pulang kotse.
Sa dahilan na bukas ang bintana ay malinaw niyang nakita ang mukha ng magkapatid na si Carlos at Felix na parehong anak din ni Sally. Mas nadiin pa ang dating alkalde at si Sorioso sa nangyaring krimen dahil nang idinaan sa interview at ipakita sa tatlong taong gulang na anak ng biktima ang larawan ng dalawa ay sinabi nito ang katagang “Bad, Bad”. Nang ipakita naman nila ang larawan ni Sally, ang bata ay umanong nanginig na tila ba ito ay takot na takot.
Kahit walang physical evidence, ang Iloilo Police ay sinampahan pa rin ng kaso ang sampung mga tao at iyon ay kinabibilangan ng limang miyembro ng Lopez Family. Nangako rin sila na poprotektahan ang buhay ng mga taong lumutang na mga saksi. Ngunit kahit tila umuusad na ang kaso, ang pamilyang Lopez ay nanindigan na walang relasyon si Chad at ang biktima sapagkat malayo ang edad ng mga ito.
Si Chad ay 24 na taong gulang lamang habang si Claire naman ay 36 na taong gulang. Hinamon rin nila ang pamilya ng biktima na handa silang idaan sa paternity test si Chad para mapatunayan na hindi ito ang ama ng anak ni Claire. Bukod diyan ay nanindigan sila na nakilala lamang nila ang biktima nang bilhin ni Claire ang napaglumaan nilang SUV.
Sinabi rin ng mga ito na wala silang puting Pajero. Dahil sa nakakaladkad at dudungisan na ang kanilang pangalan, ang pamilyang Lopez ay sinampahan ng kasong perjury ang sampung mga saksi. Kabilang sa mga nakasuhan ay ang ama, dalawang kapatid at bayaw ni Claire dahil sa pinipilit ng mga ito na si Chad ay karelasyon si Claire kahit ito ay matagal ng may kinakasama.
Dalawang buwan pagkatapos ng mga itong magsampa ng kaso, ang korte naman ay opisyal na ibinasura ang murder charges na isinampa laban sa mga Lopez dahil sa kakulangan ng mga ebidensya na ipinresenta ng mga awtoridad. Kasabay ng pagbasura sa kaso, ang hukom ay nilagdaan naman ang arrest warrant laban kina Sorioso, Ibrahim at kasambahay na si Rodelyn.
Sa takot sa posibleng mangyari sa kanila, si Sorioso at Rodelyn ay kusang sumuko pero sa arraignment ay nag-plead sila ng not guilty. As of this recording, si Ibrahim ay hinahanap pa rin. Si Rodelyn ay nakakulong pa rin habang naghihintay ng trial. Ang huling balita naman kay Sorioso ay lumabas noong December 2024 kung saan kinumpirma ng jail warden na ito ay isinugod si Sorioso sa ospital pagkatapos nitong saksakin ng kasamahan nito sa selda.
Bagama’t nasangkot ang kanilang buong pamilya sa high profile murder case, ang mga tao ay naniwala na wala talagang kinalaman ang pamilyang Lopez sa nangyari kay Claire. Sapagkat as of this recording, si Sally ay naninilbihan bilang isang alkalde.
Kung ikaw ay nakinig hanggang sa dulo ng video na ito, maraming salamat sa panonood sa episode na ito. Please consider leaving a comment or i-like ang video na ito at kung may kaso ka na gusto mong i-cover ko, please let me know. Magandang araw sa inyo, kabayan.






