
“Madam, pasensya na po pero hindi ka po pwedeng pumasok. Bilin po sa amin ‘yun ng may-ari ng kumpanya,” wika ng gwardya.
Napaangat naman ang kilay ni Veronica. “I am his wife! So bakit bawal akong pumasok?” galit na tanong ni Veronica sa gwardya.
Nakita nito si Lian sa loob ng kumpanya at tila naka-executive attire na tila ba isa siyang sekretarya o chairwoman nitong kumpanya.
“Bakit hindi mo siya inaala na makapasok at ako isa sa mga associate dito sa kumpanya baka ako pwedeng pumasok?” turan ni Lance.
Kaagad naman itong sinagot ng gwardya. “Pasensya na po pero sumusunod lang ako sa utos kaya umalis na po kayo at huwag ng mag-eskandalo pa,” wika naman ang gwardya.
Napailing naman si Veronica. “Ano? Even me? Hindi naman pwede ‘yon!” inis na turan ng lalaki at hindi ito makapaniwala sa sagot sa kanila ng gwardya. “Unbelievable!”
“Eh bakit ‘yung babaeng nasa loob ng opisina? Tapos ako na asawa ng may-ari ng kumpanya hindi pwedeng pumasok? Isang malaking kalokohan ‘yan!” galit na turan nito.
“Ay siya po, newly hired po ‘yan eh sir,” wika ng gwardya.
“Newly hired? Anong posisyon?” gigil na tanong ni Veronica.
At doon ay dumating si Rene. “She is my secretary,” tipid na sagot nito sa kanyang asawa.
Doon ay nanlaki ang mga mata ni Veronica. “Nakakarinig ka na?”
Kung bago ka pa lang sa channel na ito, Ate Jane TV, huwag kalimutang pindutin ang notification bell and subscribe button. Sana po hindi naman malaking abala sa inyo ang pagpindot ng subscribe button dahil ang kapalit po nito ay ang pagsuporta para makapag-produce ng mga libreng stories sa mga channels ni Ate Jane. Maraming salamat!
“Hay naku Rene naman, huwag ka ngang magwala. Ang aga-aga sinisira mo ang araw ko,” wika ni Veronica sa kanyang asawa at sumenyas ito na huwag magwawala upang maunawaan ni Rene.
Lumapit naman ang katulong kay Veronica at doon na inayos nito ang mga sira-sirang gamit dahil sa pagwawala ng kanilang amo.
“Ma’am, nabasag po ‘yung paborito mong vase dahil sa pagwawala ni sir,” wika ng katulong sa kanyang madam.
“Ano ba ‘yan? Nakakaasar! Asikasuhin mo nga ‘yang sir ninyo at aalis lang ako,” asar na turan nito sa katulong.
Nananatiling walang kibo si Rene dahil hindi naman ito naririnig ang asawa. “Honey, saan ka pupunta?” utal-utal na tanong ni Rene sa kanyang asawa.
Agad na sumenyas si Veronica sa kanyang asawa. “Pupunta lang ako sa kumpanya dahil may meeting ako na pupuntahan,” senyas ni Veronica.
Napatango naman si Rene. “Sige, mag-ingat ka,” wika nito’t humalik sa kanyang asawang si Veronica.
Matapos na magpaalam ay umalis na si Veronica. Si Rene ay naaksidente noon at ang naapektuhan sa kanya ay panginig kung kaya’t nabingi ito. Simula noong araw na ‘yun ay tila ba nagbago ng pakikitungo sa kanya ng asawang si Veronica. Nagbago din ang pag-uugali ng ginoo buhat ng mangyayari sa kanya ang bagay na iyon. Naging mainitin ang ulo nito at palagi na lamang nagwawala kung kaya’t ni isa sa kanyang mga naging katulong ay walang tumagal, na siyang lalong ikinainis ng asawa nitong si Veronica.
Samantalang sa kabilang banda naman, si Lian ay isang dalagang kapus-palad. Hindi ito binayayaan ng magandang buhay.
“Nanay, bakit ganun po si tatay? Panay na lang inom,” tanong ng kapatid ni Lian sa kanilang ina.
“Hayaan niyo na ang tatay niyo, ang mahalaga hindi niya nakakalimutan ang obligasyon niya sa inyo. Kahit na isang kahig isang tuka ang buhay natin at hindi nakapag-aral kayong dalawa, ang mahalaga’y buhay tayo at sama-sama,” turan ng ina ni Lian.
Napailing na lamang ang dalaga sa maling paniniwala ng kanyang ina. May pangarap sa buhay si Lian ngunit dahil sa pagiging mahirap at kapos-palad ay hindi na nakapag-aral pa ang dalaga, maging ang kanyang kapatid. Ang mga magulang ni Lian ay kapwa may kanya-kanyang bisyo at ayos na sa mga ito na makakain kahit isang beses lamang sa isang araw.
“Mama, kailan ka ba hihinto sa pagsusugal mo? Kung si Papa panay ang inom, ikaw naman palaging nagsusugal. Ano na lang pong buhay na maibibigay niyo sa amin kung palagi kayong ganyan?” tura ni Lian sa kanyang ina.
“Abay kang bata ka! Nakikita mo naman ‘di ba na may ginagawa ako? Tapos nagda-drama ka diyan. Ang mahalaga hindi kayo ginugutom. Umalis ka nga sa harapan ko at baka hindi kita matansya, mamalasin pa ako ng dahil sa’yo!” galit na wika ng ina ni Lian sa kanya at akma pa itong sasampalin.
“Mama! Hayaan mo po si Ate, may punto din naman po siya,” pagtatanggol naman ni Lori, ang bunsong kapatid ni Lian.
“Hay naku, magsama kayong magkapatid, mga malas!” galit na galit na turan ng kanilang ina at tinulak ang dalawa niyang anak.
Napailing na lang si Lian sa inasta ng kanyang ina. Nasanay na lamang ang magkapatid sa ganoong buhay ngunit may pangarap si Lian kung kaya’t nang tumungtong ito sa tamang edad ay nagpasyang dalaga na maghanap ng mapapasukan. Ngunit dahil walang pinag-aralan ay nahirapan ito na makapasok sa mga trabahong ina-applyan nito.
“Lori, aalis lang ang ate ha? Maghahanap ako ng trabaho para naman makaalis na tayo sa pesteng buhay na ‘to. At saka gusto mong mag-aral ‘di ba? Tutuparin mo ‘yun. Gagawa ako ng paraan para magawa mo gusto mo, para matupad ang mga pangarap mo. Babalik si ate okay? Pakabait ka muna kila Mama para hindi ka nila pagdiskitahan,” paalam ni Lian sa kanyang kapatid.
“Sige po Ate, nauunawaan ko. Ako na pong bahalang magpalusot kila Mama. Ingat ka po at good luck!” wika ni Lori sa kanyang ate at matamis na ngumiti.
Hanggang sa isang araw habang may naglalakad ay napaupo si Lian sa isang upuan at natanaw nito ang isang mansyon na may nakalagay na karatula.
“Hiring… Tatanggapin kaya ako doon?” kunot-noong tanong ni Lian sa kanyang sarili at kaagad na nagtungo sa bahay na may nakalagay na karatula.
Kahit na tila ba nag-aalinlangan ay nag-doorbell si Lian doon at isang babaeng balingkinitan ang nagbukas ng gate.
“Bawal ditong pulubi, wala akong ibibigay sa’yo,” mataray na wika ng babae.
“Hindi po ako mamamalimos. Nakita ko po kasi na naghahanap kayo ng katulong. Gusto ko po sanang mag-apply,” tura ni Lian na tinignan naman nito ang babae mula ulo hanggang paa.
“Hmm, pasok ka. Kakausapin kita,” wika ng babae at pinapasok si Lian.
Pagpasok sa loob ay namamanghang inilibot ni Lian ang kanyang mga mata. “Ang ganda!” hindi makapaniwalang wika ni Lian at natuwa ito sa ganda ng tahanan.
Napailing naman si Veronica dahil sa sinambit ng dalaga na halatang ignorante sa ganoong mga bagay. “First of all, bakit mo gustong magtrabaho? Kilala mo ba kami? May nag-utos ba sa’yo na pumasok dito?” sigunda ni Veronica.
Napakunot naman ang noo ni Lian. “Hindi po ah! Hindi ko po kayo kilala at higit sa lahat wala pong nag-utos sa akin. Napadaan lang po ako kanina dito sa lugar ninyo at nakita ko ‘yung nakalagay na karatula sa labas ng bahay niyo eh. Eh kailangan ko po ng trabaho kaya nagbakasakali po ako dito,” kaagad na paliwanag ni Lian.
Napatango naman si Veronica. “Lilinawin ko lang, hindi bata ang aalagaan mo, mas lalong hindi ka katulong dito sa bahay kundi aalagaan mo ang bingi kong asawa. Madami na kaming nakuha na katulong pati caregiver na mag-aalaga sa kanya pero kadalasan umaalis ang mga ito. Sana lang ikaw ay tumagal,” wika ng babae at ipinaliwanag nito ang kalagayan ng kanyang asawa.
“Ayos na ayos lang po sa akin ‘yun basta po may trabaho ako. Kailangan na kailangan ko po kasi ng trabaho kaya kahit gaano po ‘yan kahirap, ayos lang,” wika ni Lian at matamis pa ngumiti.
“Kung ganon tanggap ka na. Stay-in ka dito sa bahay. Pwede kang umuwi tuwing Sabado at Linggo depende sa’yo pero pakiusap ko lang, know your place. Ayoko ng pabibo at mas lalong ayoko ng pakialamera. Nagkakaintindihan ba tayo?” tura ni Veronica.
“Opo, kuha ko po. Nga po pala, tanggap na po ako?” paninigurado lang na tanong ni Lian.
“Oo, tanggap ka na. Pwede ka na magsimula bukas at pwede din ngayon depende sa’yo. Anyway, madalas akong umaalis kaya ikaw at ang ibang katulong ang bahala dito sa bahay but ikaw ang pagtutuunan mo ay ang asawa ko. ‘Yun lang naman, you may go now,” paglilinaw ni Veronica na naintindihan naman ang dalaga.
Matapos na makapag-usap ay masayang umuwi si Lian ngunit pagdating sa kanilang bahay ay wala na doon ang kanyang mga magulang at kanyang nag-iisang kapatid.
“Aling Nena, nasan po sila Mama at Papa? San nila dinalang kapatid ko?” nag-alalang tanong ni Lian sa kanilang kapitbahay.
“Ang papa mo kasi napaaway, dinala sa ospital. Baka nandoon ang mama’t kapatid mo,” sagot nito sa kanya.
Napahilamos naman sa kanyang mukha si Lian at napatabog na lang dahil sa inis dahil wala naman nakakaalam kung saan dinala ang kanyang ama. Naghintay si Lian sa pag-uwi ng kanyang ina’t kapatid.
“Ate!” bungad na sigaw ni Lori sa kanyang ina.
Kaagad naman niyakap ni Lian ang kanyang kapatid. “Nag-alala ako sa’yo,” wika nito sa kapatid at mahigpit itong niyakap.
“Ate, wala na po si Papa,” umiiyak na turan ng kapatid at doon ay napahagulgol ang kanilang ina.
Nagulat naman si Lian sa kanyang nalaman. “Bakit? Ano bang nangyari?” nauutal na tanong nito sa kapatid.
Kahit na may galit si Lian sa kanilang ama, kahit kailan ay hindi niya hiniling na mawala na ito.
“Nakipag-away si Papa dahil sa akin Ate! Mahal tayo ni Papa kahit na ganon siya,” umiiyak na wika ni Lori at naguguluhan naman si Lian.
“Mama, iiyak ka na lang po ba diyan? Gulong-gulo na ako. Ano po bang tunay na nangyari? Baka gusto mo pong magkwento,” tura ni Lian sa kanyang ina.
“Napaaway ang kapatid mo, inano siya ng isang bata. Pinagtanggol siya ng Papa niyo. Akala namin ay ayos na dahil humingi ng dispensa ang ama ng nakaaway ni Lori pero nung nag-iinuman sila, papa mo ang bigla na lang inundayan ng saksak at hindi na…”
Nakapanlulumong nag-uunahan na rumagasa sa kanyang mga mata. “Nasan po ‘yung taong sumaksak kay Papa? Dapat lang magbayad siya! Napakababaw ng dahilan niya bakit kailangan niyang patayin ‘yung tao? Walang hiya siya!” galit na galit na turan ng dalaga.
Kahit na hindi sila magkasundo ng kanyang ama ay may pagmamahal pa din sa puso ni Lian. Galit man siya sa kanyang ama, para kay Lian ay hindi pa din makatarungan ang ginawa sa kanyang tatay.
“Nakakulong na ata ‘yung sumaksak kay Papa pero hindi pa din ‘yun sapat. Buhay ang kinuha niya, hindi makatarungan na ganon-ganun lang ‘yon. Sila na ngang may kasalanan sila pang matapang,” naghihinagpis na wika ni Lori at niyakap ito ng kanyang ate.
“Bunso, kalma lang ha? Si ate ng bahala diyan, okay? Ikaw Ma, anong plano mo?” tura ni Lian at binalingan ang kanyang ina.
“Paano na tayo niyan?” tanong nito at doon ay napahilamos na lamang ang dalaga.
Nais sana ni Lian na iwan ang mga ito nang sa ganon ay magbago ngunit dahil sa nangyari ay nakonsensya ang dalaga at hindi niya kayang iwanan ang kanyang ina na ganoon ang kalagayan.
“Ma, natanggap ako sa isang mansyon bilang katulong. Stay-in po ako doon. Sabado’t Linggo lang po ako uuwi kaya sana bantayan mo po si Lori. Gusto ko din po na bumalik na siya sa kanyang pag-aaral at sana ihinto mo na po ‘yung pagsusugal. Maging aral na po sana sa’yo ang nangyari kay Papa,” wika ni Lian sa kanyang ina.
Natahimik naman ang kanilang ina at lumuhod ito sa kanyang anak. “Pasensya ka na anak kung ikaw ang tumayo bilang magulang sa iyong kapatid. Tama ka, ito na nga siguro ang karma namin ng papa mo dahil hindi kami naging mabuting mga magulang sa inyong magkakapatid. Patawarin mo ako anak, pangako simula ngayon aayusin ko ang buhay ko, babawi ako sa inyo,” paghingi ng ina ni Lian ng tawad sa kanilang magkapatid.
Nung araw na ‘yon ay nagluksa ang pamilya sa pagkawala ng haligi ng kanilang tahanan. Sobrang nasaktan si Lian at Lori ngunit iyon din ang naging tulay para magbago ang kanilang ina. Kahit na nakaburol pa ang kanyang ama ay walang naging choice ang dalaga at kinailangan ni Lian na magtungo sa bahay nila Veronica upang makapag-umpisa ng kanyang trabaho.
“Ate, mag-iingat ka doon ah? Huwag mong pababayaan ang sarili mo at saka kapag inano ka ng mga tao doon, ng mga boss mo, sabihan mo kami kaagad ire-report namin sila. At saka huwag mong hahayaan na kantiin ka nila aba! Huwag ka po papatalo,” turan ni Lori sa kanyang ate.
Napayakap naman siya sa kanyang kapatid. “Salamat, kayo din mag-iingat dito ha? Sisikapin ko na makapunta sa libing ni Papa para naman makita ko siya sa huling sandali,” wika ni Lian.
“Anak, pwede ba na mayakap kita kahit ngayon lang?” wika ng ina ni Lian at doon ay nagyakapan ang mag-iina.
“Dito na po ako ma. Mag-iingat kayo ma, sana tuparin mo ‘yung pinangako mo sa akin,” wika ni Lian at doon ay sumakay na sa isang dilaw na tricycle ang dalaga.
Saglit lang naman ang biyahe ni Lian dahil kabilang barangay lang naman ang address ng bahay ng kanyang magiging amo. Makalipas ang ilang sandali, nakarating na nga ang dalaga sa tahanan ng kanyang magiging boss. Kaagad na nag-doorbell si Lian at pinagbuksan naman ito ng ibang katulong.
“Sino ‘yung dumating?” tanong ni Veronica.
“Ako po madam, dala ko na po ang ilang gamit ko. ‘Di ba po mag-uumpisa po ako ngayon?” tura ni Lian sa babae.
“Yeah good. Kim, pakisamahan siya sa maid’s room para mailagay niya ang mga gamit niya at makapagsimula na siya ngayong araw,” tura ni Veronica at tumango naman ang katulong.
Kaagad na sinamahan ng dalagang si Kim si Lian sa magiging silid nito. “Dito ang magiging kwarto mo, kasama kita dito. Kada isang kwarto, dalawang katulong ang magkasama. Nga pala ako si Sally, ako ‘yung tagabantay noon ni sir Rene pero sumuko din ako kaya nilagay na lang ako ni Madam Veronica sa paglalabada. Ikaw pala ‘yung bagong tagapagbantay ni sir? Good luck sa’yo,” tura nito at nagpakilala pa.
“Bakit naman umaayaw ka sa pag-alaga doon sa asawa ni Madam?” takang tanong ni Lian.
“Hindi sa tinatakot kita ah, madalas kasing magwala si sir Rene at magbasag ng gamit lalo na kapag sinusumpong siya,” tura ni Sally.
Napakunot naman ang noo ni Lian dahil hindi nito maintindihan ang nais puntuhin ang katulong. “Ano bang sakit nung asawa ni Madam?” kunot-noong tanong ni Lian.
“Bingi ‘yun si sir tapos utal-utal magsalita. Naaksidente kasi si sir noon at naapektuhan ang kanyang pananalita at mas lalo na ang kanyang pandinig,” paliwanag ng katulong.
“Buti hindi siya iniwan ni Madam,” tura ni Lian at inayos ang kanyang mga gamit.
“Natural, sa yaman ba naman ni sir Rene, tanga na lang si Madam kung iiwan niya pa si sir,” wika ng katulong at napatango na lamang si Lian.
Matapos na makapag-usap at maiayos ni Lian ang kanyang mga gamit ay lumabas na ito sa silid. Doon ay rinig nila ang lahat ng masasakit na salita na binitawan ni Veronica.
“Isa kang inutil! Kaasar! Wala na ngang silbe, pabigat pa!” galit na galit na wika ng babae sa kanyang asawa.
Tahimik naman ang lalaki dahil hindi nito naririnig ang lahat ng masasakit na salitang binibitawan sa kanya ng asawa. Tila naaawa naman si Lian sa lalaki ngunit naaalala niya ang sinabi sa kanya ni Veronica kung kaya’t hindi na ito nangialam pa.
“Ganyan talaga ‘yan si Madam. Huwag mo na lang pansinin,” bulong sa kanya ni Sally.
Nanahimik na lamang ang mga ito at doon na binalingan sila ni Veronica. “The hell? Anong tinitingin-tingin niyo diyan? Ikaw Lian, kunin mo ang sir mo at dalhin mo sa kwarto niya. Nakakainis!” asar na asar na utos ni Veronica.
Nagmamadali naman na inalalayan ni Lian ang lalaki ngunit tinabig lamang nito ang kanyang kamay. Hindi naman kumibo si Lian dahil nauunawaan niya ang nararamdaman ng kanyang alaga. Kaagad na inayos ni Lian ang lahat ng bagay na binasag at sinira ni Rene. Nakita naman ng lalaki ang pagiging pasensyosa ng bago niyang tagapag-alaga.
“Pasensya na,” utal-utal na tura ni Rene at napahinto naman si Lian ngunit tumalikod na lang ang lalaki.
Matapos na malinis ang lahat ng kalat ay inihanda naman ni Lian ang pampaligo nito.
“Ayan, mabuti naman at marunong ka. Lian, aalis na muna ako dahil may kailangan pa akong asikasuhin. Ikaw na muna ang bahala sa asawa ko,” bilin ni Veronica at humalik ito sa pisngi ng kanyang asawa na nakahiga.
“Sige po Ma’am, ako na pong bahala kay Sir Rene,” magalang at masunurin na sagot ni Lian.
Tumango naman ang babae at umalis na. Ganon ang nangyari sa unang araw ng trabaho ni Lian sa mansyon at kita ng dalaga ang mga problema. Samantalang si Rene naman, matapos maligo ay tahimik lamang ito at walang kibo.
“Lian, kakain na. Isama mo na si sir Rene sa ibaba,” wika ng katulong kay Lian.
Tumango naman ang dalaga bilang tugon at doon ay bumaling sa kanyang alaga. Nung una ay hindi alam ni Lian kung paano kakausapin si Rene dahil hindi naman siya marunong ng sign language hanggang sa naisipan na lamang nito na i-type sa kanyang cellphone ang sasabihin sa lalaki.
“Sir Rene, kakain na po,” litanya ni Lian at ipinakita sa lalaki ang kanyang nais sabihin.
Napatitig pa doon si Rene nung una ngunit nang mabasa nito ang mensahe ng dalaga ay nagsalita ito. “Ayokong kumain,” utal-utal na wika ng lalaki at doon ay napakamot naman sa kanyang ulo si Lian.
Kaagad na nag-type muli si Lian sa kanyang cellphone at ipinakitang muli iyan sa lalaki. “Sir, kailangan mong kumain kung gusto mo talaga na gumaling. Kailangan mong magpalakas. Di ko man alam ang tunay na nangyari, naniniwala ako na habang may buhay may pag-asa. Basta magtiwala ka lang sa Poong Maykapal,” litanya ni Lian.
Kahit na itinype nito ang kanyang sasabihin sa lalaki, binabasa niya din ito at sincere na nakatingin sa mga mata ng kanyang alaga. Natigilan naman si Rene sa naging mensahe sa kanya ng dalaga at doon ay nauna na itong bumaba kaysa sa dalaga. Napangiti naman si Lian na mapasunod nito ang alaga. Kumain na sila at ni isa sa mga ito ay walang nagsalita. Kapwa tahimik ang mga ito at walang mga imik hanggang sa natapos na lamang silang kumain.
Naging ganoon ang routine ni Lian sa bahay nila Rene. Nung una ay suplado at nagmamaldito si Rene sa dalaga ngunit katagalan ay naging palagay din ang loob nito sa dalaga. Unti-unti na ngang napapalapit sa isa’t isa ang dalawa at doon naisipan ni Lian na tulungan ang kanyang alaga na muling makapagsalita ng diretso.
“Lian!” sigaw na tawag ni Veronica sa dalaga.
Nagkukumahog na lumapit si Lian sa kanyang boss at magalang itong sumagot. “Bakit po madam? May iuutos ka po ba?” tanong ni Lian sa amo.
“Nothing. May aayusin lang ako sa office. Ikaw na munang bahala sa asawa ko. Make sure na nakakain siya sa oras, okay?” bilin ni Veronica sa dalaga na siyang tinanguan naman ni Lian.
“Okay po madam, noted po,” wika ng dalaga.
“Ah… alis ka na naman?” utal na tanong ni Rene sa asawa.
Napairap naman si Veronica sa naging tanong sa kanya ni Rene. “Honey, you don’t need to worry about me. At the end of the day, sa’yo naman ako uuwi. At saka sa office lang naman ako, I need to fix something there,” turan ng babae habang nagsa-sign language sa kanyang asawa.
Matapos ang pangyayaring ‘yon ay naiwan na lamang si Lian sa bahay at tulad ng dati, ganun pa din ang ginawa ng dalaga.
“Sir Rene, tuturuan po kitang magsalita ng maayos,” sulat ni Lian sa kanyang cellphone.
Napatingin naman sa kanya ang lalaki na tila ba nagtataka. “Bakit ang bait mo sa akin?” utal-utal na tanong ni Rene sa dalaga.
“Syempre, damdam ko po na isa kang mabuting tao,” sulat muli ng dalaga.
“Salamat,” tipid na wika ng lalaki at matamis na ngumiti sa dalaga.
Sa tingin pala si Veronica ay tinuturuan ni Lian ang amo na magsalita sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa cellphone. Natuwa naman si Rene sa kabaitan sa kanya ni Lian at ginagawa ng dalaga ang kanyang trabaho.
Isang araw habang tinuturuan ni Lian si Rene na magsalita ng tuwid ay naabutan sila ni Veronica at galit na galit ito sa dalaga.
“Hindi ba’t sinabihan kita sa simula pa lang na ayoko ng pabibo at pakialamera, tama?” nanlalaking matang tanong ni Veronica kay Lian.
“Madam, wala naman po akong ginagawang masama. Pina-practice ko lang po ang asawa mo na magsalita ng tuwid. Masama po ba ‘yon?” pangangatwiran ng dalaga.
Doon ay sinampal ito ng babae at saka galit na bumaling sa kanyang asawa. “Isa ka pa! Nangarap ka pa talaga na makapagsalita ng tuwid, ano? Kahit anong gawin mo wala ka ng magagawa pa! Hindi na babalik ang dating buhay mo. Habang buhay ka na ngang walang pakinabang at pahirap ka dito sa bahay. Ako lang ang babaeng tatanggap sa’yo sa kabila ng kapansanan mo!” mapang-insultong wika ni Veronica.
“Madam, huwag ka naman pong ganyan sa asawa mo. Dapat po ikaw ang unang susuporta sa kanya pero sa pinapakita mo po, ikaw pa ang nag-do-down sa kanya,” wika ni Lian sa babae.
Hindi naman nagustuhan ni Veronica ang pagsagot sa kanya ni Lian. “Know your place, Lian! Hindi porket mabait ako sa’yo, sasagot ka na. Usapan naming mag-asawa ‘to. Labas ka na dito. O baka naman gusto mong mawalan ng trabaho? Wawarningan kita, ayoko ng mauulit ito, naiintindihan mo?” tura ni Veronica at dinuro-duro pa si Lian.
Hindi na sumagot pa ang dalaga sa takot na mawalan ng trabaho ngunit hindi nito pinakinggan ang sinabi ng babae. Pinagpatuloy pa rin ni Lian ang pagtuturo kay Rene at unti-unti ngang nag-i-improve ang lalaki.
“Pasensya ka na, nadamay ka pa sa amin,” tura ni Rene.
Ngumiti na lamang si Lian bilang tugon. Sa paglipas ng mga araw ay mas lalong napalapit ang dalawa sa isa’t isa na napansin naman ni Veronica kung kaya’t pinag-initan nito lalo ang dalagang si Lian.
“Lian, pakidala ito doon sa basement,” utos ni Veronica sa dalaga.
Bagamat nagtaka ay sinunod ni Lian ang utos sa kanya ng babae. “Ang bigat naman ng mga damit na ‘to,” tura ng dalaga sa kanyang sarili.
Buhat-buhat ni Lian ang isang sako ng damit na luma. Pababa na ng hagdan si Lian nang bigla itong natalisod dahilan para mahulog siya sa hagdan pababa sa basement. Dahil sa nangyari ay nawalan ng malay ang dalaga.
Sa kabilang banda naman, si Veronica ay naganda na nang dahil aalis na naman ito. “Nasan na ba si Lian? Aalis na ako,” bagot na wika ng babae’t nakailang tingin na ito sa kanyang relo.
“Nasa basement pa po ata Madam, hindi pa po siya bumabalik simula kanina,” paliwanag ni Sally.
“Okay. Pakisabi na lang na umalis na ako. Isa pa, one week akong mawawala kaya ayusin niyo ang trabaho ninyo. Isa pa, pakisabihan din ‘yung kaibigan mo at baka pagbalik ko inahas ‘yan ang asawa ko,” wika ni Veronica kay Sally.
“Opo, sasabihin ko po,” magalang naman ang sagot ng dalaga.
Kaagad naman na bumaling si Veronica sa asawa niyang walang kibo. “Honey, aalis ako. Isang linggo akong mawawala dahil may business trip. Hindi ka naman pwedeng sumama. Don’t worry, pagbalik ko babawi ako sa’yo,” wika ni Veronica sa asawa habang sinesenyas ang kanyang mga sinabi at saka humalik sa pisngi nito.
Hindi naman sumagot si Rene at tumango na lamang ito sa kanyang asawa. Umalis ang babae matapos na magpaalam sa kanyang asawa. Doon naman ay lumapit si Rene sa katulong na si Sally.
“Nasan si Lian?” tanong nito sa dalaga.
Nung una ay lumayo pa si Sally dahil natakot ito ngunit nakita nito na hindi naman siya sasaktan ng amo. Kaagad na kumuha ng papel ang dalaga at saka nito isinulat ang kanyang sasabihin.
“Nasa basement po, inutusan ni Madam,” sulat ni Sally.
At doon ay walang sabi-sabi ay nagtungo sa basement si Rene. Sumunod naman sa kanya si Sally at doon ay parehong nagulantang ang dalawa nang makitang walang malay ang dalaga.
“Lian!” wika ni Rene at binuhat ang dalaga.
“Naku! Ano bang nangyayari?” nag-aalalang wika ni Sally at inalalayan sila Rene.
Pagdating sa taas ay kaagad na nagpatawag ng doktor si Rene dahil sa labis na pag-aalala sa dalaga.
“Maayos naman ang kalagayan ng pasyente,” turan ng doktor.
Dahil bingi ay kinailangan niali na isulat ang sinambit ng doktor. Malalim na napabuntong-hininga si Rene dahil sa nangyari. Makalipas ang ilang oras ay nagising na din si Lian.
“Anong nangyari?” tanong nito at nagtatakang tumingin sa kanyang mga kasama.
“Naabutan ka na lang namin na walang malay kanina doon sa basement. Ano bang nangyari?” litanya ni Sally at tinanong ang kaibigan kung ano nga bang tunay na nangyari.
“Ang huli ko lang na natatandaan eh natalisod ako. Tapos ayun, nagblangko na ang lahat,” sagot ni Lian at napatingin naman ito sa alaga niyang si Rene na walang kibo sa isang sulok.
“Ganun ba? Sa susunod kasi mag-ingat ka. Ito naman kasi si Madam, alam na ang bigat-bigat ng mga damit na ‘yun eh ikaw pa talagang pinagbuhat niya. Akala mo may galit sa’yo eh! Tsaka nga pala umalis ‘yun si Madam, isang linggo daw siyang mawawala kaya bilin niya na ayusin daw natin ang trabaho. At saka sabi niya pa sa akin pagsabihan daw kita baka daw ahasin mo ang asawa niya. Kaloka ‘di ba?” naiiling na wika ni Sally at bahagyang natawa pa.
“Ah sige salamat at sinabi mo sa akin. Hindi ko nga din alam kung bakit ganon na lang ang turing ni Madam sa akin eh. Nung una hindi naman siya ganon. Bigla na lang nagbago ang pakikitungo niya sa akin nung makita niya na tinuturuan ko si sir Rene na magsalita ng diretso. ‘Di ba nga dapat matuwa pa siya kasi nag-i-improve na ang asawa niya? Imbes na suportahan niya eh minamaliit pa niya,” litanya ni Lian at napabuntong-hininga na lamang.
“Sige Lian, dito na muna ako. Kaya mo naman ang sarili mo ‘di ba? Kailangan ko na din asikasuhin ang mga gawain ko alam mo na. Madami pa namang sipsip dito,” wika ni Sally at natawa naman si Lian.
“Sabagay. Sige baka marami ka pang gagawin at saka kailangan ko na din asikasuhin si sir Rene,” wika ni Lian at tumayo na ito.
“Baka naman mapano ka? Magpahinga ka kaya muna,” wika ni Sally at ngumiti naman ng dalaga.
“Ayos lang, kaya ko naman at saka wala namang espesyal dito,” wika ni Lian at tumuyo na sa kamang kanyang hinihigaan.
“Sige. Sigurado ka? Dito na muna ako,” paalam nito at lumabas na sa silid na ‘yun.
Lumapit naman si Rene kay Lian nang makaalis ang katulong na si Sally. “Kamusta ka? Ah… ah… ayos ka lang ba?” tanong nito sa dalaga at matamis naman na ngumiti si Lian.
Kaagad na kinuha nito ang kanyang cellphone at doon ay nag-type ito. “Ayos na ayos lang po ako,” sulat ni Lian.
At doon ay nag-type din si Rene. Nanlaki ang mga mata ni Lian nang makita ang sulat sa kanya ng lalaki. Napatingin pa ito na tila ba nagtatanong. “Totoo ‘yan Lian. Sana lang walang ibang makaalam,” dire-diretsong wika ni Rene na siyang ikinagulat ni Lian.
“Ibig sabihin po peke lang pong lahat ng ‘to?” naguguluhang tanong nito.
“Hindi Lian. Nung nakaraan ko lang napagtanto na nag-improve na ang pandinig ko pero ayokong may ibang makaalam. Sana huwag mong sirain ang tiwala ko sa’yo,” wika ni Rene at mahina lamang ang usapan ng dalawa upang walang ibang makarinig sa kanila.
“Makakaasa ka po sir Rene,” wika ni Lian.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti sa kanya ang amo. Matapos ang araw na iyon, kahit na alam na ni Lian ang totoo ay patuloy pa din ito sa pakikipag-usap kay Rene sa kanyang cellphone upang walang makaalam ng totoo.
Habang tumatagal na wala si Veronica sa kanilang tahanan, unti-unting nawala ang pagmamahal ni Rene sa kanyang asawa. Sa paglipas ng mga araw, nahuhulog na ang loob ng lalaki sa kanyang tagapag-alaga si Lian ngunit pinigilan niya ang kanyang nararamdaman dahil alam niyang maaaring mapahamak ang dalaga kung ipagpapatuloy niya ang kanyang damdamin.
Matapos nga ng isang linggo ay bumalik na ang asawa ni Rene na si Veronica at kung umasta ito ay para bang reyna.
“Lian!” sigaw ni Veronica kung kaya’t nagmamadaling nagtungo si Lian sa babae kahit pa may ginagawa siya.
“Bakit po madam? Welcome home po,” matamis sa wika ni Lian at totoo ito sa pakikitungo sa amo.
“Nasan ang asawa ko? Inahas mo ba? Well panigurado naman na hindi ‘yun papatol sa katulong na kagaya mo. Anyway, pakidala na lang nito sa kwarto ko at pakiusap pakiingatan ang mga gamit ko dahil mahal pa ‘yan kaysa sa buhay mo,” turan nito kay Lian at puro masasakit na salita ang binitawan nito sa dalaga.
Hindi na lamang ‘yun pinansin ni Lian dahil alam niya na hindi naman siya ganong klaseng babae kahit na tila nahuhulog na siya sa kanyang alaga. “Nasa silid niyo po si sir Rene, doon ko po siya huling nakita kanina dahil nung nakaraan ka pa po niya tinatanong sa amin,” wika ni Lian.
Tumango naman ang babae. “Kita? Miss na miss na ako ng asawa ko,” uya ni Veronica at ngumisi pa sa harapan ng dalaga.
Ngumiti na lamang si Lian kahit na tila ba naiinis siya sa pag-uugaling ipinapakita ng babae sa kanya. Matapos ang tagpong ‘yon ay nagtungo si Lian sa silid ni Veronica kung saan nakalagay ang lahat ng gamit nito. Mahiwalay kasi na kwarto ang babae para sa kanyang mga gamit at iisa naman sila ng tinutulugan ng kanyang asawa.
Pag-akyat naman ni Veronica sa silid ng asawa ay bagong ligo lamang si Rene.
“Veronica! B-buti nakauwi ka na,” utal-utal na tura ni Rene at ngumiti sa kanyang asawa.
Kaagad naman na niyakap ng babae ang asawa at pagtalikod ay pairap na lamang ito sa hangin. “Na-miss kita,” senyas ni Veronica at ngumiti.
Walang kaalam-alam ang babae na nakakarinig na pala ang kanyang asawa. Wala itong ideya na nakakarinig na pala si Rene ngunit sinadya talaga ng lalaki na huwag ipaalam sa kanyang asawa ang totoo dahil tila ba may agam-agam na sa kanyang puso at isip.
“Kararating mo lang?” tanong ni Rene sa asawa.
Tumango naman ang babae. “Alam mo ang dami naming napag-usapan sa business trip. Sayang nga’t wala ka,” senyas pa ni Veronica.
“Ah ayos lang, mukhang nag-enjoy ka,” turan ni Rene at tumawa naman ang asawa nito.
“Of course honey,” tipid na sagot nito.
Nagkwento pa ng kung anu-ano si Veronica. Tanging pagtango na lang at saka pagngiti ang naisagot ni Rene sa kanyang asawa. Matapos ang pag-uusap na ‘yon ay bumaba ang mag-asawa at naghanda naman sila Lian ng mga kakainin ng mga ito. Ingat na ingat si Lian sa kanyang kilos dahil alam niya na mainit ang dugo sa kanya ng among babae.
“Ito na po ang pinaluto mo Madam,” wika ni Sally at inilapag ang pagkain na pinaluto sa kanya ni Veronica.
Tumango naman ang babae at kumain ang mga ito. Maya-maya ay nabilaukan bigla si Rene.
“Tubig!” sigaw ni Veronica.
Kaagad naman ay iniabot ni Lian ang tubig na may baso ngunit dahil sa taranta, nabuhusan nito si Veronica na siyang ikinagalit ang babae.
“Pasensya na po, nataranta lang po ako,” paliwanag ni Lian at humingi ng pasensya sa babae.
“Pasensya? Natataranta?! Eh tanga ka pala eh!” galit na galit na wika ni Veronica at doon ay sasampalin sana nito si Lian ngunit hinawakan ni Rene ang kamay ng kanyang asawa.
“Hayaan mo na, kumain na tayo,” utal-utal na wika ni Rene at senyas kay Lian na umalis na.
Kaagad naman na umalis si Lian at nagtungo sa kusina. Galit na galit naman na bumaling si Veronica sa kanyang asawa. “Bakit mo ginawa ‘yon? Bakit mo pinagtanggol ‘yung babaeng ‘yon?” galit na galit na wika ni Veronica at isinulat niya iyon sa kanyang cellphone at saka inis na ipinabasa sa kanyang asawa.
Hindi naman siya sinagot ni Rene at nagpatuloy lamang ito sa pagkain. Napailing na lamang si Veronica dahil sa ginawang ‘yon sa kanya ng kanyang asawa.
Matapos ang pangyayaring ‘yon ay pinag-initan na ng babae buong araw si Lian. “Ano ba itong kwarto na ‘to Rene? Bakit ang dumi? Papuntahin niyo nga sa akin ang walang hiyang Lian na ‘yan! Ano kayang ginawa niya habang wala ako’t ganito kadumi ang silid ng asawa ko?” galit na wika ni Veronica.
Napailing na lamang si Sally sa inasta ng kanilang amo dahil hindi naman madumi ang kwarto, sadyang mainit lamang ang dugo nito kay Lian. Kaagad na bumaba si Sally at tinawag ang kaibigan.
“Lian! Tawag ka ni ma’am,” tura nito sa dalaga.
“Ha? Bakit daw?” kunot-noong tanong ni Lian kay Sally.
“Linisin mo daw ‘yung kwarto ni sir Rene, sobrang dumi daw kahit napakalinis naman. Ang init talaga ng ulo n’un sa’yo ‘no? Akala mo buntis kung maglihi sa’yo eh,” wika nito at napatango na lamang si Lian.
Kaagad na itong nagtungo sa kwarto ni Rene at doon ay nakapamewang itong pinagbuksan ni Veronica. “Linti kang babae ka! Sinabi sabi ko sa’yo na ayusin mo ang trabaho mo eh! Bakit ang dumi dito?!” galit na wika ng babae at hinablot nito ang mahabang buhok ni Lian at saka nito isinubsob ang dalaga sa sahig.
“Madam nasasaktan po ako! Pasensya na po kung madumi ‘to para sa inyo, lilinisan ko na lang po,” umiiyak na wika ng dalaga.
At doon ay dumating si Rene. “Ah… Ano ba?!” awat ng lalaki sa kanyang asawa.
Agad naman na binitawan ni Veronica ang buhok ni Lian. Nilapitan naman ni Rene ang dalaga at doon ay tinulungan niya itong tumayo.
“Pasensya na po Madam, hindi na po mauulit. Lilinisin ko na lang po ito ulit,” umiiyak na tura ni Lian. Ito pa ang humingi ng pasensya sa babae kahit na ito pa ang nananakit sa kanya.
“Ah… Get out of here! Naiinis ako sa pagmumukha mo!” galit na galit na sigaw ng babae kay Lian.
Halos madapa-dapa pa ang dalaga habang palabas ang kwartong ‘yon. Napailing naman si Rene sa inasta ng kanyang asawa.
Samantala si Lian naman ay iyak ng iyak sa may hardin. “Lian, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Sally sa kaibigan.
“Ayos lang ako, iiyak ko lang ‘to Sally. Bakit ganon si Madam sa akin? May mali ba akong nagawa?” umiiyak na tanong ni Lian sa dalaga.
Niyakap naman ito ni Sally at saka hinimas ang likod ng dalaga upang gumaan ang pakiramdam nito. “Wala kang ginagawang masama. Siguro’y nagseselos lang si Madam kasi close kayo ng asawa niya. Isa pa, sa dami ng naging tagapag-alaga ni sir Rene, ikaw lang ang bukod-tanging nagtagal sa kanya kaya siguro ganon siya sa’yo. Pero ganon pa man, huwag kang susuko at saka huwag mong hahayaan na ganun-ganunin ka lang niya. Huwag kang papaapi,” wika ni Sally at patuloy lamang sa pag-iyak ang dalaga.
Pagsapit ng gabi, tulog na si Rene at ang iba pang mga katulong. Samantalang si Veronica naman ay dahan-dahang bumaba sa kanilang kama at nagtungo sa silid ni Lian.
“Sally! Buksan niyo ‘to!” galit na wika ng babae at doon nakailang katok pa ito.
Dahan-dahan namang binuksan ng pupungas-pungas na Sally ang pinto ng kanilang kwarto. “Madam? Bakit po?” pipikit-pikit pa na tanong ng dalaga.
“Anong Madam? Ngayong gabi aalis ka na dito sa bahay ko dahil tanggal ka na!” wika ng babae.
At doon ay tila ba nagising ang diwa ni Lian. “Po? Bakit po? May nagawa po ba akong mali?” tanong ni Lian sa babae.
“Mali? Oo meron! Dahil ahas ka, higad ka! Ang kati-kati mong babae ka!” wika ni Veronica.
At doon ay natigilan naman si Lian. “Madam, kung gusto mo po lalayo po ako sa asawa mo o kaya naman po ilagay mo po ako sa ibang trabaho. Please lang po, huwag niyo po akong tatanggalin. Kailangan na kailangan ko po ng trabahong ‘to,” nagmamakaawa ni Lian sa babae.
“No! Aalis ka ngayon mismo!” gigil na wika ng babae at doon ay kinaladkad nito si Lian palabas ang kanilang bahay at inutusan naman ito si Sally na bitbitin ang gamit ang dalaga.
Wala na ngang nagawa pa si Lian kung hindi umalis sa trabaho at umuwi sa kanilang tahanan. Mabuti na lamang ay may naipon si Lian kung kaya’t nakasakay ito ng tricycle pauwi sa kanila.
“Ate, gabing-gabi na?” takang tanong ni Lori at pinagbuksan ang kanyang ate.
“Oh anak, bakit gabing-gabi ka na umuwi? At saka bakit mo dala-dala ang mga gamit mo? May nangyari ba?” tanong ng ina nito.
At doon na bumuhos ang mga luha sa mata ni Lian. “Mama, Lori, wala na po akong trabaho. Pasensya na kung ganito ang kalagayan ko na umuwi pero may ipon naman ako huwag kayong mag-alala. Gagawa ako ng paraan para makahanap ulit ang trabaho,” umiiyak na wika ni Lian sa kanyang ina’t kapatid.
“Anak, ayos lang ‘yon. May sideline naman ako sa paglalabandera kaya wala ka dapat alalahanin. Kaya natin ‘to basta nagtutulungan,” turan ng ina nito at nagyakapan ang mga ito.
Matapos na mag-usap ay kinwento na ni Lian ang nangyari sa mansyon kung bakit siya napalayas.
“Eh walang hiya palang babaeng ‘yun eh! Akala mo kung sino, baka inggit lang ‘yan sa beauty mo ate,” tura ni Lori na ikinatawa naman ni Lian.
“Salamat sa inyo ha, kasi nandiyan po kayo para sa akin,” umiiyak na tura ni Lian.
“Pamilya po tayo ‘di ba? Dapat lang na maging sandigan natin ang isa’t isa sa kahit anong problema,” wika ni Lori at matamis na ngumiti sa kanyang ate.
Matapos ang araw na iyon ay nagpahinga na agad ang dalaga. Hindi pa din maalis sa kanyang isipan ang nangyari at maging ang alagang si Rene ay iniisip pa din niya.
Samantalang sa kabilang banda, kinabukasan ay hinanap ni Rene ang dalagang si Lian. “Wala na dito ang babaeng ‘yon. Nawawala ang mga pearl earrings ko tapos ilang alahas ko at kagabi nakita ko sa mga gamit niya kaya hindi ko na napigilan pa ang aking sarili. Pinalayas ko na siya,” pagsisinungaling ni Veronica at nilakihan nito ng mata si Sally upang matakot.
Gayon pa man, kahit ganon ang sinulat ni Veronica sa papel bilang paliwanag ay hindi naman naniwala si Rene dahil alam niya na isang mabuting tao si Lian. Hindi na lamang ito kumibo ngunit ang totoo ay galit na galit ito nang dahil sa nangyari.
Sayang-saya si Veronica dahil para sa kanya, naalis na ang salot sa kanilang tahanan. Doon na naisipan ng babae na sabihin sa kanyang asawa ang isang magandang balita. Kaagad na pinuntahan ni Veronica ang kanyang asawa sa kwarto nito. Dahil nakatalikod ay niyakap niya ito. Humarap naman si Rene at napatingin sa kanyang asawa na tila ba nagtataka sa biglang pagiging malambing nito sa kanya.
“Honey, may sasabihin ako sa’yo,” sulat ni Veronica sa isang papel.
Napakunot naman ang noo ni Rene. “Ah… Ano ‘yon?” utal na tanong nito.
Doon ay ibinigay ni Veronica ang isang positive na pregnancy test. “Buntis ako,” nakangiting senyas ng babae.
Nung una ay nagulat si Rene ngunit ang pagkagulat niyang ‘yon ay napalitan ng saya. Noon pa man ay pangarap na nilang mag-asawa na magkaroon ng anak ngunit hindi pa din sila biniyayaan ng Diyos. Kung kaya’t nang sabihin ni Veronica na buntis siya ay labis ang sayang nararamdaman ni Rene. Para bang bigla na lang nawala ang galit ng kanyang nararamdaman dahil sa pagpapalayas nito sa katulong na si Lian.
“A-ama na ako?” hindi makapaniwalang tanong ni Rene at tumango naman si Veronica.
“Ah… natupad na sa wakas ang matagal na nating pangarap,” mangiyak-ngiyak na wika ni Veronica habang sinisend niya sa mga bagay na iyon sa kanyang asawa. “May anak na ako,” wika nito at niyakap ang kanyang asawa.
Naniwala naman si Rene sa kanyang asawa at doon ay balak na sana nito na sabihin ang totoo sa asawa ngunit kinagabihan habang natutulog ay nakagisnan ni Rene si Veronica na may kausap sa cellphone.
“Oo, andito ‘yung tatanga-tanga kong asawa. Akalain mo paniwalang-paniwala siya na magkakaanak na kami. Hindi niya alam na niloloko ko lang siya at ikaw ang tunay na ama. Nasa tabi ko siya, hindi naman niya ako maririnig kasi nga bingi ‘di ba? Tapos uto-uto pa,” turan ng babae sa kanyang kausap.
Sa mga oras na ‘yon ay naluha na lamang si Rene dahil ang akala niya ay magiging masayang pamilya sila ngunit ito’y isang kasinungalingan lamang. Hindi naman alam ni Veronica na lahat ng kanyang sinasabi ay narinig lahat ng kanyang asawa.
Kinaumagahan ay nagising na nga lang si Veronica na wala na sa kanyang tabi si Rene.
“Magandang umaga po ma’am,” bati ng mga katulong kay Veronica.
“Nasan ang sir Rene ninyo?” kunot-noong tanong ng babae.
“Lumabas po. Bilin po ni sir na sabihin namin sa’yo na bibili lang daw po siya ng regalo para sa’yo,” sagot ni Sally at napatango naman si Veronica.
“Ganon ba? Aalis pala ako. Pasabi na lang kay Sir ninyo na may pinuntahan ako,” bilin ng babae at kaagad itong nagtungo sa kanyang silid at saka ito nag-ayos ng kanyang sarili.
Matapos na makapag-ayos ang sarili ay umalis na ang babae. Sa kabilang banda, si Rene naman ay nagtungo pala sa bahay nila Lian.
“Tao po,” katok ni Rene sa pinto ng bahay nila Lian.
Itinanong ng lalaki ang address ng bahay ng dalaga sa kapwa nito katulong na si Sally at mabuti na lang ay alam nito kung kaya’t napuntahan ng lalaki ang tahanan nila Lian.
“Ano po ‘yon? Sino pong hanap mo?” tanong ng batang si Lori.
“Umm… dito ba nakatira si Lian?” tanong ng lalaki.
“Opo, ate ko po siya. Bakit po?” tanong ni Lori at napangiti naman si Rene.
“Ah… Nandiyan ba siya? Pasabi naman na nandito kamo ako,” wika nito at napakunot naman ang noo ng bata.
“Ano pong pangalan mo?” kunot-noong tanong ni Lori.
“Rene,” wika ng lalaki.
Kaagad na tumango ang bata at saka ito nagtungo sa kanyang ate. “Ate, may naghahanap sa’yo, pangalan Rene, nasa labas po siya,” wika ni Lori.
At noon ay nagulat naman si Lian. “Rene?” pag-uulit ng dalaga sa pangalan.
“Opo, Rene daw po, andun siya sa labas. Papapasukin ko po ba?” turan ni Lori at tumango naman si Lian.
Kaagad na inayos ng dalaga ang kanyang sarili at doon ay pumasok sa loob ng kanilang bahay si Rene.
“Sir Rene? Ano pong ginagawa niyo dito sa amin?” nagtatakang tanong ni Lian at hindi ito makapaniwala na matutunton sila ng kanyang alaga.
“Pwede ba kitang makausap nang private sana?” wika ni Rene kay Lian.
“Bakit po? At saka alam po ba ni Madam Veronica na nandito ka? Baka mamaya sumugod po ‘yun dito. Ayoko po ng gulo lalo na’t baka madamay po ang mama’t kapatid ko,” wika ni Lian kay Rene.
“No, hindi niya alam kaya wala kang dapat ipag-alala,” turan ng lalaki sa dalaga.
Napatingin naman si Lian sa kanyang ina. “Sige na anak, baka importante ‘yan,” turan ng ina ng dalaga.
At doon ay nagtungo sa labas muna si Lori at ang kanilang nanay. Naiwan naman sa loob si Rene at Lian.
“Ano pong pag-uusapan natin? Kung ano man po ang sinabi sa inyo ni Madam Veronica, hindi na po ako magpapaliwanag. Ikaw na pong bahala kung maniniwala ka sa kanya,” kaagad na sigunda ni Lian.
“Alam ko naman ‘yon. Hindi ako naniniwala kay Veronica dahil alam ko na masama ang ugali niya, na hindi siya ang babaeng minahal at pinakasalan ko. Lian, I am so sorry kung wala ako nung pinalayas ka ni Veronica pero trust me, hinanap agad kita kaso nga lang nadala ako sa kasinungalingan niya,” litanya ni Rene at natahimik naman si Lian.
“Kasinungalingan? Ano po ‘yun? At saka bakit ka po pala pumunta dito?” sunod-sunod na tanong ni Lian sa lalaki.
“Akala ko magiging ama na ako gaya ng sinabi niya sa akin pero lahat ng ‘yon puro kasinungalingan lang pala. Niloloko niya ako Lian. At sa tingin ko ay matagal niya ng ginagawa ang mga bagay na ‘yon. Rinig na rinig ko kagabi ang lahat ng sinabi niya na isa akong tanga at uto-uto. Gusto ko na pagbayarin sila sa kasalanan nila. Pero kailangan ko ang tulong mo Lian,” turan ni Rene sa dalaga.
“Ano naman pong kinalaman ko diyan? Paano po kita tutulungan?” takang tanong ni Lian kay Rene.
“I have plans,” wika nito at doon ay napakunot ang noo ng dalaga.
“Plano? Ano po?” nakakunot-noong tanong ni Lian.
“Puntahan mo si Veronica, makiusap ka na ibalik ka sa trabaho and then takutin mo siya na alam mo na may kalaguyo siya, na meron siyang affair. At habang ginagawa mo ‘yun, ire-record ko. Please Lian, alam ko na mabuti kang tao and honestly I trust you kaya sana matulungan mo ako sa problema ko. I need an evidence para makasuhan ko ang asawa ko at kung sino man ang kalaguyo niya,” wika ni Rene.
At doon napabuntong-hininga naman si Lian. Nag-alinlangan pa ito ngunit dahil sa awang nararamdaman para sa lalaki at dahil na din may nararamdaman siya para kay Rene ay ayaw naman niya na maloko ito habang buhay.
“Sige tutulungan kita pero sana lang hindi madamay ang pamilya ko dito,” wika ni Lian at doon ay nagkasundo ang dalawa.
Matapos ang araw na iyon ay hinanda na ni Lian ang kanyang sarili upang isagawa ang kanilang plano ni Rene.
“Madam Veronica!” sigaw ni Lian mula sa labas ng gate at doon ay narinig naman ito ng kaibigan niya si Sally.
“Oh Lian? Anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sally kay Lian.
“Si Madam Veronica nandiyan ba? Kailangan ko siyang makausap,” wika ni Lian.
At doon ay lumabas si Veronica. “Oh bakit bumalik ka pa dito? Sige papasukin mo siya, balak atang umamin sa mga kasalanan sa sir ninyo,” nakangising wika ni Veronica.
At doon ay sakto naman dahil nasa sala si Rene. Kaagad na pinapasok ni Veronica ang dalaga at pagdating sa sala ay nagsa-sign language ito kay Rene.
“Madam, nandito po ako para humingi ng tawad. Pasensya na po kung may nagawa akong mali pero please lang po, kailangan na kailangan ko po ng trabahong ‘to. Sana po payagan mo po ako na muling bumalik dito sa mansyon at kahit na magpaalipin po ako sa inyo, ayos lang,” pagpapakumbaba pa ni Lian at lumuhod pa ito sa harapan ni Veronica.
“Hell no! Baka mamaya ikaw pa ang maging dahilan para masira ang plano ko!” wika ng babae.
At doon ay nadulas ito. “Plano po? E ‘yun po ba ‘yung plano mo na ipaako kay Sir Rene ang batang dinadala mo o ang plano na pagnanakaw niyo po sa kumpanya at kayamanan ni sir?” tanong ni Lian at doon ay tumayo ito.
Sa totoo lamang ay walang kaalam-alam patungkol doon si Lian noon ngunit nang madalas na umalis si Veronica at ginagabi ito sa pag-uwi ay minsang nakita ni Lian ang isang lalaki na naghatid kay Veronica at dinig niya ang usapan ng dalawa.
Matapos banggitin ni Lian ang mga katagang iyon ay nanlaki ang mga mata ng babae. “What are you saying? Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?” kinakabahan na tanong ni Veronica.
“Nakita ko po minsan na hinatid kayo ng isang lalaki at doon ko narinig ang lahat ng plano ninyo laban kay Sir Rene,” wika ni Lian.
“The hell? Sinabi mo na ba ‘to sa asawa ko?” kinakabahan na tanong ni Veronica.
Hindi nito magawang saktan si Lian at nananatili itong kalmado kahit na gustong-gusto niya ng saktan ang dalaga dahil nakaharap sa kanila si Rene. Ngunit ang hindi alam ni Veronica ay naririnig lahat ng kanyang asawa ang usapan nila Lian at higit pa doon ay nagre-record ito.
“Hindi ko po sinabi sa asawa mo pero baka gusto mo na sabihin ko sa kanya ora mismo kapag hindi mo ako binalik sa trabaho ko,” tila ba pananakot ni Lian.
Humagalpak naman ng tawa si Veronica. Gaya ng kanilang inaasahan ay hindi ito natinag sa pananakot ngunit iyon talaga ang kanilang plano.
“Come on Lian! Hindi… hindi mo ako madadaan sa ganyan! Luma na ‘yan, kumbaga sa panahon naglipas na, bulok na kung sa pagkain pa. Bakit, may ebidensya ka ba? Kahit sabihin mo kay Rene ang nakita mo, sa tingin mo maniniwala siya sa’yo? Asa ka, wala kang ebidensya na may kabit ako. Oo narinig mong plano namin eto… tanga ‘yung asawa ko! Alam mo ba tuwang-tuwa siya nung sinabi ko na magkakaanak na kami pero ang totoo niyan hindi naman niya talaga alam na hindi niya anak itong dinadala ko. At kapag nakuha ko na ang lahat ng kayamanan niya, pwede ko na siyang iwan,” nakangiting wika ni Veronica at yumakap pa kay Rene.
“Ah… Anong pinag-uusapan niyo?” pagkukunwari ni Rene.
“Nothing Honey, humihingi lang ng tawad si Lian. You may go now,” senyas ni Veronica sa asawa at doon ay kinaladkad na nito palabas si Lian.
Nagkatinginan pa ang dalawa at nagkunwari pa si Lian na nagmamakaawa ngunit pinaalis na ito ni Veronica. Kaagad naman na pinatay ni Rene ang recording at siyon upang kanyang magamit laban sa kanyang manlolokong asawa.
Matapos ang araw na iyon, upang malaman kung sino ang kalaguyo ng kanyang asawa ay nag-hire si Rene ng private investigator para pasundan si Veronica. Nang makakuha ng sapat na ebidensya si Rene, doon na ito gumawa ng hakbang.
“Salamat Lian sa pagtulong sa akin na makakuha ng sapat na ebidensya at bilang pasasalamat, I will hire you as my secretary. Alam ko naman na hindi mo tatanggapin kung perang ibibigay ko sa’yo bilang pasasalamat dahil ilang beses mo na iyong tinanggihan. Salamat din Lian sa pagtitiwala mo sa akin na kaya ko at higit doon, dahil sa pagiging maalagain mo at matulungin mo, namulat ako sa katotohanan,” pasasalamat ni Rene.
“Ah… Wala po ‘yon pero hindi ko po tatanggihan ang trabahong inaalok mo sa akin dahil kailangan ko po talaga ‘yon lalo na’t nag-aaral pa po ang kapatid ko. Nga po pala, ano pong balak mo sa asawa mo doon sa kalaguyo niya?” tanong nito kay Rene sa magiging hakbang nito.
“Kakasuhan ko sila,” tipid na sagot ng lalaki.
“Pero po buntis po ang asawa mo,” paalala ni Lian at doon ay natahimik si Rene.
“Hindi ko alam. Ano bang malay natin baka mamaya ay gawa-gawa lang din ‘yun ni Veronica,” wika ng lalaki.
“Pero siya na po ang nagsabi… Wala pong kasalanan ang bata sa ginawa ng kanyang mga magulang,” wika ni Lian.
At napabuntong-hininga na lamang si Rene. “Saka ko na iisipin ‘yan. Sa ngayon kailangan ko silang pagbayarin sa kasalanan nila,” turan nito at napatango na lamang si Lian.
Matapos ang araw na iyon ay nag-umpisa na si Lian na magtrabaho bilang sekretarya ni Rene at bumalik na sa kanyang kumpanya ang lalaki. Walang kaalam-alam ang asawa nitong si Veronica at kabit nito na isang associate sa kumpanya ni Rene.
Hanggang sa dumating ang araw na ‘yon, nagtungo si Veronica sa kumpanya upang magtungo sa isang meeting dahil siya ang chairwoman ng kumpanya simula nang magkasakit si Rene. Ngunit laking gulat nito nang harangin siya at ang kanyang kalaguyo na isang associate ng gwardya sa may lobby at hindi sila nito pinapasok.
“Madam, pasensya na po pero hindi ka po pwedeng pumasok. Bilin po sa amin ‘yun ng may-ari ng kumpanya,” wika ng gwardya.
Napaangat naman ang kilay ni Veronica. “But I am his wife! So bakit bawal akong pumasok?” galit na tanong ni Veronica sa gwardya.
Nakita nito si Lian sa loob ng kumpanya at naka-executive attire na tila ba isang sekretarya o chairwoman nung kumpanya.
“Bakit hindi mo siya inaala na makapasok at ako isa sa mga associate dito sa kompanya? Baka pwede akong pumasok?”
Kaagad naman sinagot ng gwardya. “Pasensya na po pero sumusunod lang po ako sa utos kaya umalis na po kayo at huwag ng mag-iskandalo pa,” wika ng gwardya.
Napailing naman si Veronica. “What? Even me? Hindi naman pwede ‘yon!” inis na turan ng lalaki at hindi ito makapaniwala sa sagot sa kanila ng gwardya. “Unbelievable!”
“Bakit ‘yung babae na ‘yon nasa loob ng kumpanya? Tapos ako na asawa niya na may-ari ng kumpanya hindi pwedeng pumasok? Isang malaking kalokohan ‘yan!” galit na tura nito.
“Ah… newly hired po ‘yan ni sir,” wika ng gwardya.
“Newly hired? Anong posisyon?” gigil na tanong ni Veronica.
At doon ay biglang dumating si Rene. “She is my secretary,” tipid na sagot nito sa kanyang asawa.
Doon ay nanlaki ang mga mata ni Veronica. “Nakakarinig ka na?” hindi makapaniwala ang tanong nito sa kanyang asawa.
Kapwa nagkatitigan pa ito at ng kanyang kabit. “Oo Veronica, nakakarinig na ako at lahat ng panloloko mo sa akin ay rinig na rinig ko,” galit na wika ni Rene.
At doon ay dumating naman ang mga pulis. “Miss Veronica at Mr. Lance, hinuhuli po namin kayo sa kasong pagnanakaw at adultery. May karapatan po kayo na manahimik at kumuha ng abogado upang magtanggol sa inyo. Anumang salita ang inyong sabihin ay maaaring gamitin laban sa inyo,” wika ng pulis habang pinuposasan ang dalawa.
“You will regret this!” galit na sigaw ni Veronica.
At noon ay bumalik na sa loob ng kanyang kumpanya si Rene. Dinampot na ng mga pulis ang dalawa at dinala sa kulungan.
Samantalang si Rene naman ay inumpisahan na ang pagsasaayos sa kanyang sariling kumpanya dahil matagal din siyang nawala.
“Sir, nakahanda na pong lahat para sa meeting na gaganapin,” wika ni Lian sa kanyang boss.
Simula nung araw na pinaalis ni Veronica si Lian ay kinuha naman ito ni Rene sa kanyang kumpanya bilang sekretarya dahil abala nga sa panlalaki si Veronica ng mga panahon na iyon ay hindi nito nalaman ang hakbang ng kanyang asawa at wala din itong kaide-ideya na nakakarinig na pala ang asawa niya.
“Ah sige, maraming salamat Lian,” wika ni Rene at doon ay nagtungo na ito sa loob ng conference room upang simulan na nga ang meeting.
“Nandito na po ang CEO ng kumpanya, si Mr. Rene Chavez,” wika ni Lian at doon ay pumasok na si Rene.
Nagulantang naman ang lahat nang pumasok si Rene sa loob ng conference room dahil walang nakakaalam na magaling na pala ang may-ari ng kumpanya dahil ‘yun ang palaging sinasabi sa kanila ni Veronica.
“Magaling ka na Rene? Bakit hindi man lang namin nalaman? Wala man lang sinabi si Veronica sa amin at ang alam ng lahat ay malubha ang iyong sakit dahil pinipilit kami ng iyong asawa na makipagkasundo sa kanya,” wika ng isa sa mga shareholder sa kumpanya ni Rene.
Napailing naman si Rene dahil sa kanyang narinig. “Hindi na ako magtataka kung napaniwala kayo ng aking asawa dahil kahit ako ay napaikot niya sa mahabang panahon. Oo tama naman ang sinabi niya sa inyo na lumalala na ang sakit ko pero iyon ang alam niya. Hindi niya alam na bumabalik na ang aking pandinig at ngayon na naririto na ako, gusto kong isaayos ang lahat ng bulok niyang pamamalakad. At kung tatanungin niyo naman kung nasaan na si Veronica, nasa kulungan na siya kasama ng kanyang kalaguyo na si Lance. Nalaman ko na matagal na nila ako niloloko at pinagnanakawan kaya ngayon itatama ko ang lahat,” mahabang salitain ni Rene at doon ay nag-umpisa ang bulung-bulungan ng mga ito.
Nung araw na ‘yon ay sinampahan ni Rene ang kanyang asawa at ang kabit nitong si Lance ng adultery at pagnanakaw. Isinaayos din ni Rene ang pamamalakad sa kanyang kumpanya na nag-iba simula ng si Veronica na ang nag-handle.
“Kumain ka po kaya muna sir Rene? Anong oras na po o hindi ka pa po nanananghalian,” tura ni Lian sa kanyang amo na si Rene.
“I need to finish this. Ang daming pera ang nanakaw sa akin ni Veronica at hindi ko alam kung saan niya dinala ang mga ‘yon. Siguro kung hindi ko pa nalaman ang totoo, malamang lugi ang kumpanya ko,” wika ni Rene.
Naupo naman si Lian sa kaharap na upuan. “Pwede mo naman pong ituloy ‘yan mamaya. Sa tingin mo po kapag nagkasakit ka, maaayos mo po ba ‘yan? Bumili po ako ng makakain natin, sasabayan na po kita para naman po ganahan kang kumain,” wika ni Lian.
“Mamaya na ako, mauna ka na,” pagtanggi ni Rene at tutukang atensyon nito sa kaharap na laptop.
“Hindi ako kakain hangga’t hindi ka kumakain,” wika ni Lian at kasabay noon ang pagkalam ng kanyang sikmura.
Doon na nakuha ng dalaga ang atensyon ng kanyang boss. “Sige na nga, sasabay na ako,” wika ni Rene at doon ay kaagad na inayos ni Lian ang kanyang pagkain. Sabay nga na kumain ang dalawa, tahimik lamang ang mga ito.
“Bakit po kailangan na humantong sa ganon ang lahat? Hindi mo po ba mahal si Madam Veronica?” biglang tanong ni Lian at naagaw nito ang atensyon ni Rene.
“Mahal na mahal ko si Veronica noon Lian, pero kasi simula ng maaksidente ako, nagbago na siya. Palagi siyang abala at umaalis kaya ‘yun ang dahilan kung bakit naging mainitin ang ulo ko. Palagi pa siyang nakasimangot at kahit na hindi ko noon naririnig ang lahat ng kanyang sinasabi, alam ko behind my back minamaliit niya ako kasi ramdam ko. At dahil doon, nawala ang pagmamahal ko sa kanya,” paliwanag ni Rene.
“Pero bakit kailangan pang kasuhan mo siya? ‘Di ba po buntis si Madam Veronica? Bakit hindi na lang kayo maghiwalay at patawarin niyo siya?” matamlay na tura ni Lian.
Malalim na napabuntong-hininga si Rene dahil sa sinabi ng dalaga. “Sa tingin mo ba mali ang ginawa ko? Pero kung hindi ko gagawin ang bagay na ‘yon, paano siya matututo? Paano niya malalaman na nagkamali siya, na hindi nga siya humingi ng tawad eh siya pa ang galit at nagbabanta. Kaya paano ko siya patatawarin kung siya mismo hindi nagso-sorry? Isa pa, kung lahat naman pala ay nadadaan sa sorry, para saan pa ang batas at kulungan?” dire-diretsong turan ni Rene.
Naunawaan naman ni Lian ang nais iparating at ipaliwanag ng lalaki. “Sabagay, tama ka naman po. Sige, kumain na lang po tayo,” wika ng dalaga at nagpatuloy pa sa kanyang pagkain.
Ilang sandali pa ay natapos din ang dalawa at doon ay napansin ni Rene na may kanin sa gilid ng labi ni Lian. “May kanin ka sa gilid ng bibig mo,” turan ni Rene.
“Saan?” takang tanong ng dalaga at doon ay kinapa nito ngunit hindi pa din ito natanggal.
“Ako na,” wika ni Rene at doon ay tinanggal nito ang kanin sa gilid ng labi ni Lian.
Doon ay nagkatitigan ang dalawa. Dahan-dahang naglapit ang kanilang mga labi ngunit bigla na lamang may kumatok kaya agad na lumayo si Lian at pinagbuksan kung sino man ang papasok.
“Sir Rene, na-file na po ang kaso sa inyong asawa at sa kalaguyo nito. Kailangan na lang natin na magtungo ka sa bawat hearing upang malaman ang desisyon ng korte,” wika ng attorney ni Rene.
“Mabuti naman kung ganon Attorney. Tanong ko lang po, ano pong gagawin sa sanggol na nasa sinapupunan ni Veronica kung sakaling manganak ito sa loob ng kulungan?” tanong ng lalaki sa kanyang attorney.
“Depende po ‘yun sa magulang ng sanggol. Kadalasan ibinibigay ang bata sa mga kamag-anak at ‘yung iba naman na walang talagang kamag-anak ay dinadala sa bahay ampunan lalo na kung ang sentensya ng magulang ay habang buhay na pagkakakulong. Nasa parents na po ng sanggol ang desisyon. Bakit mo naman naitanong?” turan ng attorney at doon ay nagkatinginan ang dalawa.
“Wala naman attorney, naitanong ko lang po,” sagot ni Rene.
“Okay, pero ang batang nasa sinapupunan ni Veronica ay magagamit natin na matibay na ebidensya na nagloloko talaga siya at pwedeng mapaboran ang iyong annulment na isinumite sa korte,” paliwanag ng attorney at doon ay napatango na lamang si Rene.
Matapos ang pag-uusap na ‘yon ng lalaki at ng kanyang abogado ay tinapos na rin ang lahat ng kanyang dapat asikasuhin. Doon ay inabot na sila ng madaling araw. Nakita ng lalaki ang dalagang si Lian na nakatulog na sa pwesto nito kung kaya’t hinubad na rin ang kanyang suit at inilagay sa balikat ng dalaga. Tinapos na ng lalaki ang kanyang ginagawa at doon ay nagising naman si Lian.
“Madaling araw na pala,” pupungay-pungay na wika ni Lian.
“Ah pasensya ka na at pati ikaw ay inabot na ng ganitong oras. Ihahatid na lang kita sa inyo,” wika ni Rene at doon ay inayos na nito ang kanyang mga gamit.
Nang matapos ay lumabas na ang dalawa at doon lamang napagtanto ni Lian na suot niya ang suit ng kanyang boss. “Ah sir, sa’yo po ‘to ‘di ba?” wika ni Lian.
“Oo pero suot mo muna, malamig dito sa labas. Baka sipunin ka pa’t ubuhin,” wika ni Rene at pinagbuksan nito ang pinto ng sasakyan si Lian.
“Salamat po,” pasasalamat ni Lian nang pagbuksan siya ni Rene.
Kaagad na pumasok sa loob ng sasakyan si Lian at ganun din si Rene. Kaagad naman na nag-seatbelt ang lalaki at ganun din si Lian ngunit nahirapan ito kung kaya’t si Rene na ang nag-ayos ng kanyang seatbelt. At doon ay biglang nag-angat ng tingin si Lian at dahil nakayuko si Rene kaya aksidenteng naglapat ang labi ng dalawa. Nagkatitigan pa ang dalawa at doon ay nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa gulat.
“Sorry,” sabay na wika nilang dalawa.
Kapwa napayuko naman sina Lian at Rene. Ilang minuto din na binalot ng katahimikan ang loob ng sasakyan tsaka iyon binasag ni Rene. “Pasensya ka na, hindi ko sinasadya,” paghingi ng lalaki ng pasensya.
“Ayos lang, wala ka namang kasalanan, aksidente ang nangyari,” wika ni Lian at doon ay pinaandar na ni Rene ang sasakyan.
Buong biyahe ay tahimik ang dalawa hanggang sa nakarating na sila sa bahay ng dalaga. “See you tomorrow,” wika ni Rene.
“Sige, salamat po sa paghatid. Ingat ka po,” paalam ni Lian at pumasok na ito sa kanilang bahay.
Umalis naman si Rene at pagpasok naman ni Lian sa kanyang silid ay napahawak ito sa kanyang labi at doon ay napangiti.
“Uy, si ate ngumingiti ng mag-isa,” biglang wika ng kapatid ni Lian.
“Lori! Bakit gising ka pa?” takang tanong ni Lian at doon ay naupo ito.
“Narinig ko kasi ‘yung sasakyan kanina nung boss mo kaya nagising ako tapos nakita kita diyan nakangiti. Siguro crush mo ‘yung boss mo ‘no?” panunudyo pa ni Lori sa kanyang ate.
“Lori! Tumahimik ka nga baka mamaya marinig ka pa ni mama mapagalitan pa ako,” saway ni Lian sa kanyang kapatid.
“Ay sus, bakit ka naman pagagalitan ni Mama ate eh nasa tamang edad ka naman na. Ni minsan nga hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Wala namang masama kung may paghanga ka kay Sir Rene. Age doesn’t matter naman,” wika ni Lori at natahimik naman ang dalaga.
“Che! May asawa na si sir Rene kaya tigilan mo ‘yan Lori. Ayoko din naman na umasa, masakit kayang masaktan,” wika ni Lian.
“Eh ‘di ba magpapa-annul? Eh ‘di may chance na kayo. Wala namang masamang umasa pero ingat din sa puso mo. At saka malay mo naman ‘di ba may pagtingin sa’yo si sir Rene,” tura nito at napabuntong-hininga na lamang si Lian.
“Siya, matulog na tayo. Antok lang ‘yan,” iyun na lamang ang nasambit ng dalaga sa kanyang kapatid.
Noon pa man ay takot na takot na si Lian na umibig lalo na’t lumaki ito sa pamilyang magulo. Pakiramdam ng dalaga noon ay halos lahat ng lalaki kapareho ng kanyang ama ngunit nang pumasok siya sa buhay ni Rene ay doon nagbago ang pananaw ng dalaga. Buong gabi hindi mawala sa isipan ni Lian ang halik na ‘yon kahit na aksidente lamang ang nangyari. Nakatulog na lamang si Lian sa kakaisip sa nangyari.
“Ate Lian! Gising na may naghihintay sa’yo sa baba,” gising ni Lori sa kanyang ate.
Napabalikwas naman sa kama si Lian dahil sa pagsigaw na ‘yon ang kanyang kapatid. “Ano bang trip mo Lori? Ang aga-aga naiinis ka eh,” wika ng dalaga sa kanyang kapatid.
Napahilamos pa sa kanyang mukha ang dalaga at nanlaki ang mga mata nito nang makita si Rene sa may pintuan at nakangiti ito. “Huh? Nananaginip ba ako?” kunot-noong tanong ni Lian sa kanyang sarili at napakusot pa ito sa kanyang mata.
“Ate si sir Rene talaga ‘yan. Kanina pa kita ginigising at hindi ka natitinag kaya sumigaw na ako para lang mapabangon ka,” wika ni Lori at kaagad na napatayo si Lian at nagtungo sa kanyang banyo.
“OMG! Ang cute niya pero teka may muta ba ako? Nakakahiya nakita niya ako na ganitong itsura ko. Yari sa akin ang batang ‘yon,” asar na asar na wika ni Lian at naghilamos ito ng kanyang mukha.
Kahit na hindi pa man nag-agahan ay naligo na ang dalaga dahil tinanghali na ito ng gising. Matapos na mag-ayos ang sarili ay bumaba na rin si Lian.
“Uy si Ate ang ganda oh ‘di ba kuya Rene?” nakangiting tura ni Lori at kuya pa ang tawag nito sa boss ng kanyang ate.
“Sir Rene, ‘di ba po marami ka pang gagawin sa opisina? Sana hindi ka na po nag-abalang sunduin ako, papasok naman po ako sadyang tinanghali lang,” wika ni Lian sa kanyang boss.
“Hindi na kasi ako makapaghintay na sabihin sa’yo ang magandang balita,” tanong ni Rene sa dalaga.
“Magandang balita? Ano po?” kunot-noong tanong ni Lian.
“Nakasuhan na sina Veronica at Lance, higit pa doon ay naaprubahan na ng korte ang annulment namin,” wika ni Rene at doon natuwa si Lian kahit na ba natuwa si Lian dahil may pag-asa na silang ni Rene ngunit naaawa pa din ang dalaga sa magiging anak nila Veronica.
“Eh nagkausap na po ba kayo ni Madam Veronica?” tanong ni Lian at napakunot naman ang noo ni Rene.
“Para saan pa? Tapos na ang lahat sa amin,” wika ni Rene.
Hindi na lang kumibo si Lian. “Uhm… kumain na tayo,” wika ng ina ni Lian at doon ay natahimik ang mga ito.
“Kuya Rene, may anak ka na po ba?” tanong ni Lori at doon ay nalakihan ito ng mata ng kanyang ate.
“Naku, wala kaming anak ni Veronica,” sagot ni Rene at doon ay kumain na nga ang mga ito.
“Kumakain ka po ng ganitong klaseng pagkain?” tanong ni Lian sa kanyang boss.
“Hindi naman ako maarte, basta nakakain ay ayos sa akin,” nakangiting wika ni Rene at nagsimula na itong kumain.
Naging tahimik ang mga ito habang kumakain. Hindi na din nagsalita pa si Lori dahil sinaway na ito ng kanyang ate. Matapos kumain ay nagpaalam na sila Lian at Rene. Tulad ng palaging ginagawa ng lalaki ay pinagbuksan nito ang dalaga ng pinto ng sasakyan. Nag-seatbelt naman nang kusa si Lian dahil muli niyang naaalala ang nangyari nung gabi.
“Nakatulog ka ba ng maayos?” tanong ni Rene kay Lian.
“Opo naman kaso nga lang madaling araw na kaya tinanghali ako ng gising kanina,” wika ni Lian sa amo.
“Ah pasensya ka na, tinapos ko na kasi lahat kagabi,” wika nito at ngumiti.
“Bakit mo po pala ako sinundo? May kailangan po ba na puntahan tayo? Nakakahiya naman po sa’yo,” wika ni Lian at natanong ang amo.
“Wala kasi akong gagawin sa office since natapos ko na siya kagabi. Gusto ko sanang mag-celebrate sa pagkapanalo ko sa kaso. May gusto ka bang puntahan?” tanong ni Rene sa dalaga.
“Hmm… kahit saan po, kung saan ka masaya,” nakangiting wika ni Lian.
“Sa’yo ako masaya eh,” biglang wika ni Rene at doon ay namula ang pisngi ng dalaga.
“Sir naman, napakamapagbiro mo po,” wika ni Lian at bahagya pa itong tumawa.
“Hindi naman biro ‘yan. By the way, maiba ako, may boyfriend ka na ba?” tanong nito sa dalaga.
“Wala po akong nobyo. Single po ako at No Boyfriend Since Birth po,” wika ni Lian at napatango naman si Rene.
“Well, kung manligaw ba ako sa’yo, papayagan mo ba ako?” direktang tanong nito kay Lian.
Nanlaki ang mga mata ng dalaga at hindi ito makapaniwala sa mga tanong na binibitawan sa kanya ng boss niya. “Nagbibiro ka lang po, tama?” kunot-noong tanong ni Lian kay Rene.
Ngumiti naman ang lalaki at saka nito inihinto sa gilid ng kalsada ang sasakyan. “Paano kung sabihin kong seryoso ako?” wika nito at natameme naman si Lian.
“Eh sir, hindi po ako nakikipagbiruan,” wika ni Lian at pulang-pula na ang pisngi nito.
Sa totoo lang ay napapaisip ang dalaga kung totoo nga bang sinasabi sa kanya ni Rene o nagbibiro lamang ito. Tila ba umaasa din ang puso ng dalaga na sana ay hindi nagbibiro ang kanyang boss ngunit ang isip ng dalaga ay taliwas sa kanyang puso. Para bang natatakot ito na umasa at baka masaktan lamang siya.
“Hindi din naman ako nagbibiro ah. Ang totoo kasi niyan Lian, nahulog na ang loob ko sa’yo,” pag-amin nito na siyang ikinabilis naman ng tibok ng puso ng dalaga. Para bang sasabog iyon anumang oras dahil sa kilig na kanyang nararamdaman.
“Kailan pa?” kunot-noong tanong ni Lian at doon hinawakan ng lalaki ang kanyang kamay.
“Noon pa Lian, nang nasa mansyon pa lang tayo, nang nakilala ko ang tunay mong pagkatao, nahulog ang puso ko sa’yo pero pinigilan ko kasi alam kong may asawa ako at ayokong mapahamak ka nang dahil sa akin. Pero ngayon na malaya na ako, hindi ko na sasayangin ang oras na meron ako. Lian, mahal kita at ngayon, ngayon sincere akong nakaharap sa’yo. Maaari ba kitang ligawan?” mahabang litanya ni Rene sa dalaga.
Hindi naman lubos maisip ni Lian na pareho pala sila ng nararamdaman ng kanyang boss ngunit tila ba may agam-agam siya sa kanyang puso at nandoon pa din ang takot.
“Hindi ko alam… aminado ako na may pagtingin po ako sa inyo. Pero may takot dito sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Alam ko na mabuti kang tao at ngayon ay malaya ka na pero hindi pa din mawala sa isipan ko na nandiyan pa din si Madam Veronica. Sa totoo lang hindi po ako masaya na nasa kulungan siya. Ang ibig ko pong sabihin, oo masaya ako para sa’yo kasi nakamit mo na ‘yung nais mo pero nandon pa din po ang awa. Paano ‘yung bata? Lalaki po siyang walang magulang. Sa tingin ko po kailangan niyo po munang mag-usap ni Madam Veronica para po makampante ang puso ko,” paliwanag ni Lian.
Napatango naman si Rene. “Kung iyon ang magpapakampante sa’yo, sige gagawin ko. Pero gusto ko kasama kita dahil nandon pa din ang takot na muli ko siyang makaharap na baka manumbalik ang sakit,” wika ni Rene at doon nagkasundo ang dalawa na sabay nilang haharapin si Veronica sa kulungan.
“Salamat sa pag-unawa. Lumaki kasi ako sir sa magulong pamilya kaya takot ako na baka ganun din ang mangyari sa pamilyang bubuuin ko kung sa umpisa pa lang ay may mali na,” dagdag pa ni Lian at matamis na ngumiti sa binata.
“Nauunawaan ko, wala kang dapat isipin,” turan ni Rene at doon ay nagyakapan ang dalawa.
Matapos nga ang pag-uusap na ‘yon ay nagtungo na sa isang pasyalan ang dalawa. “Tara, sakay tayo doon sa ferris wheel,” wika ni Lian.
“Pwede bang ibang rides na lang?” tanong ni Rene.
“Ha? Bakit? May takot ka ba sa rides?” tanong ni Lian sa binata.
“Hindi ah, hindi lang talaga ako mahilig,” palusot pa ni Rene sa dalaga.
Sa totoo lamang hindi pa nakasakay sa ganong mga rides ang binata dahil puro lamang siya trabaho noon at never naman silang lumabas o pumunta sa mga ganong pasyalan ni Veronica dahil pareho silang abala sa trabaho.
“Ganun ba? Sige huwag na nga lang, sa iba na lang,” wika ni Lian at dinala nito si Rene sa isang laruan at doon ay sumubok ang mga ito.
Labis ang sayang nararamdaman nilang dalawa. Enjoy na enjoy naman si Rene dahil iyon ang unang beses na nakapunta ito sa ganong klaseng lugar. Matapos mamasyal at magsaya sa lugar na iyon ay kumain naman ang mga ito ng turo-turo.
“Ano ‘to? Sure ka ba na malinis ‘to?” tanong ni Rene sa dalaga.
Ngumiti naman si Lian at saka nagtanong. “Oo naman, kakainin ko ba ‘yan kung madumi? At saka masarap ‘yan, tiwala lang,” wika ni Lian at doon ay tinikman na nga ng lalaki ang pagkain.
“Hmm… in fairness masarap siya. Anong tawag dito?” tanong nito sa dalaga.
“Yang kinain mo fishball ang tawag diyan. Tapos ‘yung kulay orange kwek-kwek naman, ‘yung isa naman ay kikiam. Street foods ang mga ‘yan, kumbaga turo-turo,” paliwanag ni Lian kay Rene.
“Wow ah, kakaibang lasa at masarap siya kahit mura at mababa ang presyo,” tura ng binata at nagustuhan nito ang lasa ng pagkain.
“Masarap ba?” tanong ni Lian kay Rene.
“Oo nagustuhan ko nga eh. Sige kumain ka pa kahit ilan pang bilhin mo. At saka ang sarap nitong sawsawan ah. Sa’n ba gumagawa nito? Binibili nila?” tanong ng binata.
“Kuya, sariling gawa mo ‘yung sauce?” tanong ni Lian sa tindero.
“Opo Ma’am, sarili ko pong gawa ‘yan,” sagot nito at namangha naman si Rene.
“Alam mo sir, pwede mo ‘tong gawing negosyo kasi masarap siya, panigurado papatok ito sa mga customer,” suhesyon ng binata.
Natawa naman si Lian sa sinambit ng kanyang kasamang si Rene.
“Sakto lang pong puhunan ko para lang dito sa mga paninda ko pero salamat po sa suggestion niyo sir,” wika ng tindero at doon ay ngumiti naman si Rene.
“Kuya, magkano po lahat?” tanong ni Lian.
“Ah… Php50 lang po,” sagot ng tindero at doon na inabot ng binata ang 1,000.
“Ito pong bayad ko, keep the change na po. Sana’y lumago pa itong negosyo mo,” nakangiting wika ni Rene at doon naman ay labis na nagpasalamat sa kanya ang tindero.
Matapos na kumain ay umalis na ang dalawa at dahil madilim na ay nagpasya na ang mga ito na umuwi.
“Nag-enjoy ka po ba?” tanong ni Lian sa kanyang amo.
“Huwag ka nang magpo-po, nakakatanda eh. At saka huwag na din sir kasi manliligaw mo na ako. Pero oo nag-enjoy ako, sobrang saya kasi first time kong maranasan ang ganon. Hindi ko kasi namin nagawa ni Veronica ang ganong bagay dahil pareho kaming abala sa trabaho tapos nagkaroon pa ako ng sakit. Salamat for making me happy Lian, kung hindi ka siguro dumating sa buhay ko, malamang nandon pa din ako sa madilim kong mundo,” makahulugang tura ni Rene sa dalaga.
“Salamat din sa pagdating mo sa buhay ko dahil kung wala ka siguro, malamang hanggang ngayon ang paniwala ko ay pareho lahat ng mga lalaki,” wika ni Lian.
At habang nasa byahe pauwi, nagkukwentuhan na ang dalawa. “Bakit naman? Ano bang dahilan kung bakit ganon ang paniniwala mo, tingin mo sa mga lalaki?” pag-uusisa ni Rene.
Nag-umpisa naman na magkwento si Lian. “Ang papa ko kasi noon lasinggero, uuwi lang ‘yun kapag lasing na lasing na siya pero kada uuwi ‘yon may dala-dala siyang bigas o kaya ulam. Lumaki ako na ganon si Papa tapos si mama naman nagsusugal kaya pinangako ko noon sa sarili ko na never akong magmamahal ng lalaki kasi akala ko pare-pareho lang kayong lahat. Pero nung namatay si Papa dahil sa pagtatanggol sa kapatid ko, na-realize ko na mahal niyo pala kami pero huli na ang lahat. Kaya bumawi na lang ako kila Mama at simula no’n nagbago na din si mama,” pagkukwento ni Lian.
“Medyo masaklap palang buhay mo noon pero hanga ako sa katatagan at kabaitan mo,” wika ni Rene at hindi na nila namalayan na nasa harap na pala sila ng bahay ni Lian.
“Oh nandito na pala tayo,” wika ng dalaga at doon ay tinanggal ni Rene ang seatbelt nito at pinagbuksan pa ito ng pinto.
“Good night,” wika ng binata at matamis naman na ngumiti si Lian.
“Ingat ka, good night din,” paalam ng dalaga at doon ay pumasok na ito sa kanilang bahay.
Umalis naman si Rene at doon ay abot-langit ang sayang nararamdaman ni Lian. Makalipas ang ilang araw ay napagpasyahan ng dalawa na dalawin si Veronica sa kulungan upang makausap ito.
“Rene… Lian…” nauutal na wika ng babae at malaki na ang tiyan nito. “Kamusta?” naiilang na tanong ni Rene.
Doon ay bigla na lamang bumuhos ang mga luha sa mga mata ni Veronica at lumuhod ito sa harapan ng dating asawa. “Rene, patawarin mo ako sa lahat ng ginawa ko. Hirap na hirap na ako dito sa kulungan at halos araw-araw pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa ko sa’yo. Sana mapatawad mo pa ako,” umiiyak na wika nito habang nakaluhod.
Kaagad naman itong tinayo ni Lian. “Nandito kami para kausapin ka Madam Veronica,” magalang na wika ng dalaga at kahit na hindi niya na ito amo ay Madam pa din ang tawag nito sa babae.
“Ano ‘yon? Alam ko na malaki ang pagkakasala ko sa’yo Lian at labis akong humihingi ng patawad. Nasentensyahan na ako ng anim na buwan na pagkakakulong samantalang si Lance, nagba-bail siya at hindi na ako binalikan. Alam ko na ang tanga ko sa part na hinayaan kong masira ang marriage natin Rene at tanggap ko naman kung bakit ka nakipag-annul sa akin. Kayo na ba?” tura ni Veronica at natanong ang dalawa.
Sa mga oras na ‘yon ay umiyak na ang babae. “Nandito kami Veronica dahil gusto ni Lian na mag-usap tayo at ayusin ang sigalot sa pagitan nating dalawa. Oo napatawad na kita pero nandito pa din ang sakit. Masaya ako na na-realize mo ang pagkakamali mo at sana ‘pag nakalaya ka, magbago ka na lalo na’t magkakaanak ka na. Tapos na ang lahat sa atin ngayon at si Lian na ang babaeng nilalaman ng puso ko. Kung may kailangan ka man, nandito naman ako bilang kaibigan na lang at handa kitang tulungan lalo na kung iyon ay para sa pagsisimula mo sa buhay,” tura ni Rene at doon ay naiyak lalo si Veronica dahil sa kabutihan ni Rene at ni Lian.
“Sana Madam Veronica, magsilbing aral sa iyo ang mga naganap. Nalulungkot ako dahil sa mga oras na ito ay wala ang taong pinili mo ngunit ano pa man ang pagsisising gagawin mo o nino man, huli na dahil nangyari na. Ang magagawa mo na lang po ay bumawi diyan sa magiging anak mo. Gaya nga ng sinabi ni Rene, kung kailangan mo ng tulong lumapit ka lang. Nagkaroon ka man ng kasalanan sa iyong dating asawa, ang mahalaga’y pinagbayaran mo na ‘yon at hindi mo na tinakbuhan,” wika ni Lian na mas lalong nagpahagulgol kay Veronica.
“How did I deserve this? Bakit ang bait-bait niyo sa akin? Dapat ‘di ba magalit kayo sa akin dahil malaki ang naging kasalanan ko sa inyo? Pero bakit ganito kayo?” umiiyak na tanong ni Veronica.
“Dahil lahat ng tao deserve ang second chance at nakita naman namin na pinagsisisihan mo na ang lahat ng iyong nagawang kasalanan. Sana lang ay totoo ang lahat at hindi pagpapanggap,” wika ni Rene.
“Sana ‘pag laya mo, magbagong buhay ka na hindi lang para sa’yo kundi para din sa sarili mo,” dagdag pa ni Lian.
“Salamat sa inyo, kahit papaano nabawasan ang guilt dito sa puso ko,” wika ni Veronica at pinahid nito ang luha sa kanyang mga mata.
Matapos ang pag-uusap, ngayon ay nakapagpatawad na ang magandang sekretarya. “Flowers for you, aking binibini,” matamis na wika ni Rene sa dalaga.
“Hay sus, bolero,” wika naman ni Lian at matamis na ngumiti sa binata.
“Bakit? Totoo naman ang sinabi ko ah. Maganda ka naman talaga, masyado mo lang dinadown ang sarili mo,” wika ni Rene at matamis na ngumiti sa dalaga.
Nagpatuloy ang binata sa panliligaw niya kay Lian at natapos ang ilang buwan ay sinagot na din ito ng dalaga. Naging masaya ang relasyon ng dalawa.
“Kuya Rene, kailan mo po ba balak pakasalan si ate Lian?” tanong ni Lori sa nobyo ng kanyang ate.
“Pinaplano ko na nga eh. Gusto mo bang tulungan ako?” turan nito sa bata.
“Sige ba, basta ihanda mo na po ang speech mo kasi masarap paiyakin si ate Lian,” wika ni Lori at napangiti pa.
“Naman, ako pa ba?” nakangiting wika naman ni Rene at doon ay plinano na nito ang marriage proposal para kay Lian.
“Hay naku Lori, kapag ito puro kalokohan malalagot ka sa akin,” tila ba pagbabanta ni Lian sa kanyang kapatid.
“Hindi nga ate! O siya diyan ka lang ha? Pwede ka na dumilat,” nakangiting turan ni Lori at sa pagdilat ni Lian ay namangha ito sa ganda ng paligid.
Doon ay nadinig nito ang boses ni Rene. “Time has come to become one from two. Let’s experience a life with me and you. We decorate our family with love and we keep each other in hearts. Life seems complete, so does living. Binigyan mo ng kulay ang madilim kong mundo, ikaw ang nagbigay buhay sa patay kong puso. I will keep you in my arms and never let you go. I want to take all your pains, I want to give you only happiness because your smile brings hope in my life. I will make you smile for the rest of my life. Lian, simula nang dumating ka sa buhay ko lahat ay nagbago. Ngayon nandito ako sa harapan mo asking you, will you marry me?” matamis na wika ni Rene at doon ay lumuhod ito sa harapan ni Lian.
Naiyak naman ang dalaga at hindi makapaniwala. “Ah yes Rene! I will marry you,” lumuluhang sagot ni Lian.
Makalipas ang ilang buwan na pagpasya ng dalawa na magpakasal at ngayon ay nasa resepsyon ng mga ito dahil tapos na ang seremonya, isang bisitang hindi inaasahan ng bride at groom ang dumating.
“Kamusta kayo?” bungad nito sa dalawa. Nung una ay bahagya pang nagulat ang mga bagong kasal.
“Veronica? Kailan ka pa nakalaya? At saka ang laki na ng baby mo,” tura ni Lian at doon ay matamis na ngumiti si Veronica.
“Hindi na ako nagsabi sa inyo, nakakahiya naman na lumapit sa mga taong sinaktan ko. Isa pa nung makalaya ako, hinanap kami ni Lance at humingi siya ng tawad sa pagpapabaya niya sa amin ng anak niya. Actually, kasama ko siya,” wika ni Veronica at doon ay dumating naman si Lance.
“Regalo namin sa inyo. Congratulations at saka gusto ko lang sanang humingi ng tawad sa inyo Rene dahil nasaktan ka namin at binalak ka pang nakawan. Pangako nagbago na ako,” tura ni Lance.
“Ayos lang. Kalimutan na natin ang nakaraan, ang mahalaga ‘yung ngayon at natutunan natin ang aral mula sa nakaraan. At least isa sa atin ay natuto sa bawat kamalian. Anyway, congratulations din sa inyo, ang laki na ng baby ninyo,” wika ni Rene at doon nagkapatawaran na nga ang mga ito.
Madami man ang dumating na problema sa mga buhay ng mga ito, nagkasira man ang dating mag-asawa, sa huli ay kapwa nagkapatawaran. Matapos ang kasal nila Lian at Rene, inimbitahan naman sila ng mga ito sa kaarawan ng anak nila Veronica.
“Anong pangalan ng baby niyo?” tanong ni Lian sa mga ito.
“Ah, Prince ang pangalan niya. Kayo ba? Kailan niyo balak magkaroon ng anak?” tanong ni Veronica sa dalawa.
“Naku, wala pa sa plano namin. Gusto muna naming enjoyin ang buhay bilang bagong mag-asawa,” wika ni Lian at doon napangiti ang mga ito.
“Sabagay, hindi naman minamadali ang pagkakaroon ng anak at saka kailangan may plano,” pagsang-ayon ni Veronica sa sinabi ni Lian.
Matapos noon ay nagkasiyahan ang mga ito. Naging masaya ang pamilya sa huli. Madami man silang pinagdaanan sa buhay at naging madali man ang buhay noon ni Rene sa piling ni Veronica, sa huli ang Diyos mismo ang gumawa ng paraan para maglapit ang mga landas nina Rene at Lian.
Makalipas ang tatlong taon ay binayayaan ng Diyos ang mag-asawa ng lalaking anak at ngayon ay ikalimang kaarawan na nito.
“Tita, nasan po sila Mama?” tanong ni Joseph sa kanyang tiyahin na si Lori.
Nasa wastong edad na din ang dalaga at nakapagtapos ito sa kursong Engineering at proud na proud sa kanya ang ate niyang si Lian dahil sa kabila ng mga pinagdaanan nila sa buhay ay natupad nito ang pangarap na mapagtapos ang kanyang kapatid sa kursong gusto nito.
“Wait mo lang, ang alam ko sinundo nila si kuya mo Prince. Kasi ‘di ba sabi mo na gusto mong sunduin sila dahil you want them to be here on your fifth birthday?” pagpapakalma ni Lori sa kanyang pamangkin.
“Nandito na ang Mommy!” magiliw na wika ni Lian at kaagad nung kinarga ang kanilang nag-iisang anak.
“Mommy, saan po kayo galing?” tanong ng bata sa kanyang ina.
“Sinundo namin si kuya mo Prince kaso nasa simbahan pa sila so susunod na lang daw sila,” paliwanag ni Lian sa kanyang anak.
“Ah okay po,” tipid na wika ng bata.
“Lori, nasaan si mama? Balak ko na dalawan natin si papa ngayon, mamaya pa naman ang handaan ni Joseph. Pinaayos ko na ang venue,” wika ni Lian sa kapatid.
“Hindi ba dito sa bahay niyo gaganapin ang birthday ni Joseph ate?” takang tanong ni Lori sa kanyang nakatatandang kapatid.
“Hindi ‘no. Darating ‘yung ibang kamag-anak nila kuya mo Rene at dadalo din ‘yung ilang katrabaho niya sa kumpanya,” sagot ni Lian at napatango naman ang kapatid nito.
Matapos na magkausap ay bumaba naman ang ina ni Lori at doon nagtungo ang pamilya sa puntod ng ama nila Lian.
“Papa, ang tagal na din simula ng mawala ka. Ang dami na pong nangyari at sayang po wala ka sa tabi namin pero alam ko po na ginagabayan mo kami,” wika ni Lori at napatingin na lamang ito sa langit.
Nilinis ng mga ito ang lapida at puntod ng kanilang ama dahil natabunan na ito ng mga dahon. Nagsindi ng kandila sila Lian at nag-iwan ng bulaklak. Hindi naman nagtagal ang mga ito doon at dumiretso na sa venue ng kaarawan ng anak nila Lian na si Joseph. Halos lahat ng bisita ay naroon na at kaagad na nagbihis sila Lian.
Matapos na mag-ayos ang kanilang mga sarili ay nag-umpisa na ang selebrasyon. Doon ay lahat ng bisitang dumating ay sinalubong nila Rene. Naging maayos at maganda ang kaarawan ng kanilang anak. Nang matapos ang kasiyahan ay kapwa pagod na pagod ang mag-asawa.
“Grabe, napagod ako sa birthday celebration ni Joseph,” wika ni Rene at minamasahe ni Lian ang paa nito.
“Sinabi mo pa pero naisip ko, ang bilis pala ng panahon ano? Parang kailan lang ang liit pa ni Joseph, ngayon tumatakbo na,” wika nito sa asawa.
At matapos masahihin ang asawa ay nagyakapan ang mga ito. Doon ay inalala nila ang lahat ng kanilang pinagdaanan sa buhay bago nila nakamit ang buhay na meron sila ngayon. Sa huli, naging masaya ang bawat isa sa kanila. Si Lian at Rene ay naging masaya sa piling ng isa’t isa at sa nag-iisa nilang anak na si Joseph. Samantalang si Veronica naman, bagamat nagkamali ay natuto ito at kasalukuyan na bumubuo ang kanyang pamilya kasama si Lance at ang anak nilang si Prince. At ang kapatid ni Lian na si Lori, sa wakas ay nakamit na nito ang kanyang pangarap at ngayon ay kasama nito ang kanilang ina.
Minsan nawawalan tayo ng pag-asa sa buhay, ‘yung tipong parang ayaw mo na. Hinahanda Niya tayo para sa mas malaking blessing sa buhay natin. Ituloy lang natin ang buhay kahit na ang hirap-hirap na dahil walang word na suko sa taong may tiwala sa Diyos. Fight lang ng fight! God has a plan for us. Never lose hope. Lahat ng pagsubok ay may dahilan, lahat ng paghihirap may katapusan. Maniwala ka at magtiwala sa Diyos, ano man ang problema natin, malalampasan natin ‘to.






