
“Abby, ikaw ba ‘yan?” gulat na tanong ni Mika pero agad ding napalitan ng pait ang mukha nito. “Aba, saan ka nagnakaw ng gown? O baka naman inutang mo ‘yan tsaka balak mong takbuhan?”
“Ma’am Mika, invited po ako rito gaya ng lahat,” mahinahong sagot ni Abby.
“Invited? ‘Di ba sinabi ko sa’yo na puno na ‘yung slot para sa mga intern? Tsaka tingnan mo nga ‘yung kasama mo,” turo ni Mika kay Caleb na nakatayo lang sa likod ni Abby, nakayuko ng bahagya. “Sino ‘yan? Driver mo? O baka naman ‘yan ‘yung kinakalantari mong construction worker?”
Nagtawanan ang mga tao sa paligid.
“Nakakahiya ka, Abby. Pinilit mo pa talagang pumunta rito kahit magmukha kang cheap. Pati ba naman driver isasama mo rito para lang masabing may escort ka? Magkanong binayad mo sa kanya para magpanggap?” pang-uuyam ni Mika.
“Excuse me, ladies,” malalim na boses ni Caleb ang bumasag sa tawanan. “May problema ba rito?”
“At ikaw naman kuya driver, huwag ka ngang sumasabat sa usapan na may usapan. Umalis ka na rito. Doon ka sa parking lot. Don ‘yung lugar mo,” taboy ni Mika kay Caleb.
Sa pagkakataong ‘yon, dahan-dahang tinanggal ni Caleb ang kanyang shades. Isinuot niya ng maayos ang kanyang toxido jacket at hinarap ang lahat. Ang kanyang mukha ay puno ng awtoridad at galit.
“Anong sabi mo? Sa parking lot ang lugar ko?” tanong ni Caleb habang nakatitig nang diretso sa mga mata ni Mika.
Nanlaki ang mata ni Mika at ni Joy. Halos mabitawan ni Mika ang hawak niyang wine. Ang buong ballroom ay biglang tumahimik. Ang mga stockholders na kanina pa nag-uusap ay napalingon sa kanila.
“Sir Caleb?” sabay na sabi nina Mika at Joy. Namutla sila nang husto na para bang nakakita ng multo.
“Yes, it’s me. ‘Yung driver na sinasabi ninyo,” malamig na sabi ni Caleb. Inakbayan niya si Abby sa harap ng lahat. “At para malaman ninyo, si Abby hindi lang siya basta isang intern. Siya ang escort ko ngayong gabi at siya ang pinakaimportanteng tao sa buhay ko.”
Nagkaroon ng malakas na bulungan sa buong hall. ‘Yung mga empleyadong kanina ay tumatawa, biglang nag-iwas ng tingin. Si Abby naman ay nakatayo lamang, gulat na gulat din sa bilis ng pangyayari.
“Sir, sorry po hindi po namin alam. Akala po namin…” nauutal na sabi ni Joy.
“Akala ninyo ano? Akala ninyo pwede niyo siyang tapakan dahil simple lang siya? Akala ninyo na pwede niyo siyang insultuhin dahil sa kinakain niya at saka sa suot niya?” bulyaw ni Caleb. “Nakita ko lahat. Lahat ng naging pambu-bully ninyo sa kanya. Lahat ng panlalait ninyo. Alam niyo ba kung sino ang pamilya ni Abby? Kababata ko siya. ‘Yung pamilya ko ang nagmamakaawa sa kanya na pumasok dito. Pero pinili niyang magsimula bilang intern dahil gusto niyang magpakumbaba. Isang bagay na hinding-hindi ninyo matututunan.”
Humarap si Caleb sa mga stockholders. “Ladies and gentlemen, pasensya na sa eksenang ‘to. Pero hindi ko mato-tolerate ang ganitong klaseng ugali sa kumpanyang pinaghirapan ng tatay ko. Ang mga taong mapanghusga sa kapwa, walang lugar sa kumpanyang ‘to.”
Tumingin si Caleb kina Mika at Joy. “Mika, Joy at lahat kayo na nakisali sa pambubully kay Abby. Consider this ball your farewell party. Sumadya kayo sa HR bukas ng umaga. You’re all fired.”
Parang gumuho ang mundo ni Mika. “Sir, please. Breadwinner din po ako ng family ko. Kailangan ko po ng trabahong ‘to,” pagmamakaawa ni Mika habang umiiyak.
“Breadwinner din naman si Abby pero kailanman hindi siya nangapak ng tao para lang umangat. Umalis na kayo sa paningin ko bago ko patawagan ang security,” utos ni Caleb.
Umalis ang mga ito na may hiya na dala-dala. Humarap si Caleb kay Abby at ngumiti ng malapad. “Pasensya ka na kung kailangang humantong sa ganito, Abby. Pero hindi ko na kayang makitang sinasaktan ka nila.”
Pero bago pa makasagot si Abby, lumapit ang ilang board members. “Sir Caleb, sino ba talaga siya? Is she just a friend?” tanong ng isa.
Tumingin si Caleb kay Abby pagkatapos ay sa lahat ng tao. “Actually hindi lang siya basta kaibigan. She’s my girlfriend,” anunsyo ni Caleb na ikinagulat hindi lamang ng lahat kundi pati ni Abby mismo.
“Caleb,” gulat na bulong ni Abby pero hindi siya binitawan ni Caleb.
“Coincidence lang ba ‘to, sir? O baka naman nilandi lang kayo niyan,” bulong ng isang chismosang empleyado sa likod pero narinig ito ni Caleb.
“Hindi siya ang lumandi sa akin. Ako ang matagal nang nanliligaw sa kanya pero ayaw niyang tanggapin dahil iniisip niya ang sasabihin sa inyo. Ngayon, malinaw na ba?” mariing sagot ni Caleb.
Natahimik ang lahat. Ang mga negatibong bulungan ay biglang napalitan ng takot at paghanga, habang si Abby ay hindi malaman kung magagalit ba o mahihiya sa ginawa ni Caleb.
Kung bago ka pa lang sa channel na ito, Ibang Kwento ni Ate Jane, istorya mo ikukwento ko, huwag kalimutang pindutin ang notification bell at subscribe button.
Maagang nagising si Abby para maghanda ng kanyang dadalhing baon sa opisina. Kahit napuyat sa pag-aasikaso ng mga bayarin sa bahay bilang breadwinner, kailangan niyang kumilos ng mabilis. Habang nagigisa ng sardinas na hinaluan ng sariwang talbos ng kamote at maraming kamatis, biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niya ang pangalan ni Caleb sa screen.
“Abby, gising ka na ba? Malapit na ako sa kanto ninyo. Sabay ka na sa akin,” sabi ni Caleb sa kabilang linya. Ang boses nito ay puno ng sigla na para bang hindi ito ‘yung CEO ng isang malaking kumpanya na kakaharap lang sa sandamakmak na meeting kahapon.
“Naku Caleb huwag na. Nakakahiya naman sa’yo. At saka baka may makakita sa atin, isipin pa nila kung ano. Intern lang ako doon, tandaan mo,” sagot naman ni Abby habang mabilis na isinilid ang kanyang baon sa isang plastic na container. Isinuot niya ang kanyang simpleng polo shirt na medyo kupas na at ang kanyang luma pero malinis na sapatos.
“Eh ano naman kung intern ka? Magkababata tayo, Abby. Halos sa bahay niyo na nga ako lumaki, ‘di ba? Alam mo namang gustong-gusto ka nina Mama at saka ni Papa para sa akin. Eh kulang na nga lang kaladkarin ka nila papunta sa bahay namin para doon ka na tumira,” biro pa ni Caleb. Pero may bahid ng katotohanan ang mga sinabi niya. Sa totoo lang, noon pa man ay botong-boto na ang pamilya ni Caleb kay Abby dahil sa kabutihan ng loob nito at saka sa pagiging masipag.
“Alam mo namang kapatid lang ang turing ko sa’yo ‘di ba? Parang kuya na kita eh. Kaya sige na mauna ka na. Magji-jeep na lang ako para normal lang ‘yung dating ko sa opisina,” giit ni Abby.
Hindi niya alam na sa kabilang linya medyo napangiti pa nang mapait si Caleb. Para kay Abby magkaibigan lang sila pero kay Caleb higit pa doon ang nararamdaman niya. Itinatago lang niya ‘to dahil ayaw niyang masira ang kung anong meron sila.
Nang makarating si Abby sa kumpanya, agad siyang dumiretso sa kanyang desk. Gusto sana ng pamilya ni Caleb na bigyan siya agad ng mataas na posisyon bilang manager o executive assistant man lang. Pero tumanggi si Abby. Gusto niyang dumaan sa tamang proseso at matuto mula sa baba. Ayaw niyang masabing nakasandal siya sa impluwensya ni Caleb.
“Good morning po,” bati ni Abby sa mga katrabaho niyang andun na. Pero imbes na batiin siya pabalik, tiningnan lang siya ng mga tao mula ulo hanggang paa.
“Ang aga-aga amoy ginisang ewan na ‘yung paligid. May nagdala na naman yata ng pagkaing pang squatter,” bulong ni Mika na isa sa mga regular na employees doon. Sapat na para marinig ni Abby.
Nagtawanan ang mga kasama nito habang nag-aayos ang kanilang mamahaling makeup. Hindi na lang kumibo si Abby at nagsimula nang mag-ayos ng mga papeles.
Maya-maya lang, pumasok na si Caleb sa opisina. Lahat ng empleyado ay agad na tumayo at nagbigay pugay sa kanya. Pagdaan ni Caleb sa harap ni Abby, sandali itong huminto at ngumiti ng palihim.
“Ayos ka lang ba rito, Abby? Kung may kailangan ka, sabihin mo lang sa akin ha,” saad ni Caleb sa mahinang boses na silang dalawa lang ang nakakarinig.
Sobrang caring ni Caleb sa kanya at palagi nitong sinisiguro na komportable siya kahit na intern lang ang posisyon niya.
“Okay lang ako Caleb. Sige na, pumasok ka na sa opisina mo baka mahalata tayo ng mga tao rito,” pabulong namang sagot ni Abby habang kunyari ay busy sa pag-aayos ng files.
Nang makaalis si Caleb, agad na lumapit si Mika at ‘yung grupo nito kay Abby.
“Hoy, intern, anong pinagsasasabi mo kay Sir Caleb? Bakit kinakausap ka niya? Huwag mo sabihing sinusubukan mong akitin ‘yung boss natin sa ganyang itsura mo?” mataray na tanong ni Mika.
“Ah, nagtanong lang po siya tungkol sa mga report na ginagawa ko,” pagsisinungaling ni Abby para makaiwas sa gulo. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang kamay pero pinilit niyang magpakatatag.
“Siguraduhin mo lang, isang hamak na intern ka lang dito, Abby. At tingnan mo nga ‘yung suot mo. Para kang pupunta ng palengke. Nakakahiya ka sa image ng kompanya. Jologs na nga ‘yung pananamit, jologs pa ‘yung kinakain,” dagdag pa ng isang empleyado bago sila tuluyang umalis para mag-coffee break.
Napabuntong hininga na lang si Abby. Sanay na siya sa hirap ng buhay pero hindi niya akalain na magiging ganitong kahirap ang pakikitungo sa mga taong nasa paligid niya sa trabaho. Sa kabila ng lahat, iniisip na lang niya ang kanyang pamilya at ‘yung pagkakataong ibinigay sa kanya para makapag-aral at makapagtrabaho.
Sa kabilang banda sa loob ng kanyang opisina, hindi naman mapakali si Caleb. Gusto niyang protektahan si Abby pero alam niyang kailangang hayaan ang dalaga na tumayo sa sariling mga paa. Gayunpaman, hindi niya mapigilang mag-alala. Alam niyang hindi madali ang mundong pinasok ni Abby lalo na’t napapaligiran ‘to ng mga taong mapanghusga sa panlabas na anyo.
“Sana lang hindi ka masyadong mahirapan Abby. Nandito lang ako palagi para sa’yo,” bulong ni Caleb sa sarili habang nakatingin sa litrato nilang dalawa nung bata pa sila na nakatago sa drawer ng kanyang lamesa. Isang simpleng pagkakaibigan na para sa kanya ay higit pa sa anumang kayamanan sa mundo.
Lumipas ang mga oras at dumating ang lunch break, inilabas ni Abby ang kanyang baon. ‘Yung amoy ng tuyo at sardinas ay muling kumalat sa pantry. Ramdam niya ‘yung mga matang nakatingin sa kanya ng may pandidiri pero binaliwala niya ito. Masarap ‘yung luto ng kanyang nanay at para sa kanya ito ang pinakamasarap na pagkain sa buong mundo.
Habang kumakain, biglang dumaan si Caleb sa pantry. Nakita niya si Abby na mag-isang kumakain sa sulok. Gusto niya itong tabihan pero alam niyang lalo lang itong mapapag-usapan ng mga tao. Nagtagpo ang kanilang mga mata at isang tipid na ngiti ang ibinigay ni Caleb kay Abby bago ito tuluyang lumabas. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Abby na kahit papaano may isang tao pa ring naniniwala at nagpapahalaga sa kanya sa gitna ng mapanghusgang mundong ito.
Sa paglipas ng mga araw, lalong naging malapit si Caleb kay Abby sa loob ng opisina kahit na pilit itong tinatago ng dalaga. Tuwing umaga bago magsimula ang shift, sinisiguro ni Caleb na nakakapag-iwan siya ng paboritong kape o kaya meryenda sa desk ni Abby na madalas iniisip ng iba na nanggaling lang sa kung saang promo.
“Abby, nakita mo ba ‘yung kape sa lamesa mo? Galing daw sa HR ‘yon para sa mga top performing intern,” pagsisinungaling ni Caleb nang magkasalubong sila sa hallway.
Ngumiti lang si Abby dahil alam niyang gawa-gawa lang ‘yan ni Caleb para hindi siya mahiya. “Salamat Caleb. Pero tigilan mo na ‘yan baka mahalata ka ng mga tao rito. Kanina pa ako tinitingnan ni Mika oh. Parang gusto akong lumulon sa talim ng tingin niya,” bulong ni Abby habang naglalakad sila ng mabilis patungo sa elevator.
“Hayaan mo sila. Hindi naman nila alam na magkababata tayo at isa pa concern lang ako sa’yo. Alam mo namang simula nung bata pa tayo, ako na ‘yung tagapagtanggol mo sa mga batang nang-aagaw ng tsinelas mo sa kalsada ‘di ba?” biro ni Caleb na pilit na pinapagaan ang loob ng dalaga.
“Iba na ngayon ‘to Caleb. CEO ka na. Intern lang ako. Breadwinner ako. Kailangan ko ‘yung trabahong ‘to. Kaya kung magkaroon ng issue, alam mo naman ‘yung pamilya ko umaasa sa akin,” seryosong saad ni Abby.
Sa puntong ito, naramdaman ni Caleb ang bigat na dala ni Abby. Gusto niya itong tulungan ng higit pa sa pagbibigay ng kape. Pero iginagalang niya ang prinsipyo nito.
“Alam ko, Abby. Hanggang ngayon hangang-hanga pa rin ako sa’yo. Kahit hirap kayo hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo. At kahit ngayon na pwede naman kitang bigyan ng posisyon sa isang pitikulang, pinipili mo pa ring magpakahirap bilang intern. ‘Yan ang dahilan kung bakit gustong-gusto ka ni mama para sa akin,” sabi ni Caleb na may halong seryosong tingin.
Natawa na lang nang mahina si Abby. “Naku, Caleb, tumigil ka na nga. Alam mo namang parang kapatid na kita. At saka masyado kang mataas para sa akin. Humanap ka na lang ng babaeng kapantay mo. ‘Yung katulad kong nagbabaon ng sardinas tsaka tuyo araw-araw.”
Hindi na sumagot si Caleb. Pero sa loob-loob niya gusto niyang sabihin na wala siyang pakialam sa katayuan sa buhay. Para sa kanya si Abby ang pinakaespesyal na babaeng nakilala niya. ‘Yung pagiging simple nito at ‘yung pagmamahal sa pamilya. ‘Yun ang dahilan kung bakit lihim siyang nagmamahal dito sa loob na ng maraming taon.
Nang makarating sila sa palapag kung nasaan ang department ni Abby, agad na bumalik sa pagiging pormal si Caleb.
“Good morning everyone. I hope you all have a productive day,” bati ni Caleb sa lahat bago naglakad palayo.
Agad namang lumapit ang mga katrabaho ni Abby na sina Mika at Joy.
“Oh. Anong sinabi ni Sir Caleb sa’yo? Parang haba naman yata ng usapan niyo sa hallway ah. Nag-a-apply ka ba bilang personal maid niya?” pangungutya ni Mika.
“Ah wala po. Tinanong lang po niya kung nakuha ko na ba ‘yung pinapagawa niyang inventory report kahapon,” sagot ni Abby nang hindi tumitingin sa kanila. Tinuloy na lang niya ang kanyang ginagawa habang pilit na hindi dinadamdam ang mga salita ng mga ito.
“Siguraduhin mo lang Abby kasi kahit anong gawin mong pagpapapansin hinding-hindi ka magugustuhan ng isang tulad ni Sir Caleb. At tingnan mo nga ‘yang suot mo. Parang galing sa ukay-ukay na hindi mo lang naitama ang kulay. Jologs na jologs ang dating mo,” sabi ni Joy habang tumatawa silang dalawa ni Mika.
Hindi alam ni Abby na naririnig pala ni Caleb ang usapang iyon bago tuluyang pumasok sa kanyang sariling opisina. Kumuyom ang mga palad ni Caleb. Galit na galit siya sa naririnig pero pinigilan niya ang kanyang sarili.
“Hayaan mo lang, Abby. Malapit na ‘yung araw na malalaman nilang lahat kung sino ang totoong mahalaga sa kumpanyang ‘to,” bulong ni Caleb sa kanyang sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng kanyang opisina.
Sa loob ng sumunod na ilang oras, naging mas mahigpit ang mga katrabaho ni Abby. Binibigyan siya ng sandamakmak na trabaho na hindi naman na dapat sa kanya at sinasabayan pa ‘to ng mga panlalait tungkol sa kanyang pananamit at kanyang simpleng pamumuhay bilang breadwinner. Pero si Abby nananatiling matatag. Para sa kanya ang mahalaga ay ang sahod na matatanggap niya para sa kanyang pamilya.
“Hoy intern, bilisan mo diyan sa pag-aayos ng files ha. At saka pakidala na rin itong mga basura sa labas. Bagay sa’yo ‘yan. Pareho kayong amoy basura,” utos ni Mika sabay tapon ng isang supot ng basura sa paanan ni Abby.
Napapikit na lang si Abby at huminga ng malalim. “Opo. Gagawin ko na po,” mahinang sagot niya.
Kinuha niya ‘yung basura at lumabas ng opisina. Habang naglalakad siya sa hallway, hindi niya mapigilang mapaluha. Hindi niya alam kung hanggang kailan niya kayang tiisin ang ganitong trato sa kanya. Pero sa tuwing naiisip niya ang kanyang mga magulang at kapatid, muli siyang nagkakaroon ng lakas ng loob.
Sa kabilang banda, si Caleb ay patuloy na nagmamasid sa kanyang CCTV monitor. Nakita niya ‘yung ginawa ni Mika kay Abby. Ramdam niya ‘yung sakit na nararamdaman ng kanyang matalik na kaibigan.
“Hindi na ako makapaghintay pa ng matagal, Abby. Kailangan na nilang malaman ang totoo. Pero gagawin natin ‘to sa paraang hindi nila malilimutan,” saad ni Caleb nang may determinasyon sa kanyang mga mata.
Nang matapos ang araw, nagkitang muli ang dalawa sa parking lot kung saan walang masyadong tao.
“Abby, sumakay ka na. Ihahatid na kita. Huwag ka ng tumanggi. Gabi naman na tsaka delikado sa kalsada,” utos ni Caleb na para bang hindi tumatanggap ng hindi bilang sagot.
“Salamat Caleb. Pasensya ka na kung lagi na lang kitang naaabala,” sabi ni Abby habang sumasakay sa mamahaling sasakyan ni Caleb.
“Kahit kailan hindi ka naging abala sa akin Abby. Sana alam mo ‘yan,” sagot ni Caleb habang tinititigan si Abby ng may pagmamahal.
Sa sandaling iyon para bang tumigil ang mundo para sa kanilang dalawa. Pero agad ding binasag ni Abby ang katahimikan.
“Sige na, Caleb, baka may makakita sa atin. Umuwi na tayo,” sabi ni Abby at pilit na tinatago ang kanyang nararamdaman.
Alam niya sa sarili niya na nagsisimula na ring mahulog ang loob niya kay Caleb. Pero pinipigilan niya ito dahil sa takot na baka hindi siya karapat-dapat para sa lalaki.
Maagang pumasok si Abby kinabukasan dahil alam niyang tambak ang trabaho niya bilang intern. Habang naglalakad sa hallway, nakasalubong niya ang secretary ni Caleb na si Mrs. Reyes, isang matanda at mabait na babae na alam ang tunay na ugnayan nina Abby at Caleb dahil matagal na itong naninilbihan sa pamilya ng lalaki.
“Abby, Iha, kamusta ka rito? Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ni Mrs. Reyes habang matamis na nakangiti.
“Ayos naman po, ma’am. Medyo nakakapagod lang po pero kailangan eh para sa pamilya,” sagot ni Abby sabay ayos ng kanyang lumang bag.
“Naku, alam mo namang si Caleb halos araw-araw akong kinukulit kung ayos ka lang ba rito. Eh sabi ko sa kanya, hayaan ka muna dahil alam ko namang matatag kang bata. Pero alam mo naman ‘yung batang ‘yon. Simula nung mga paslit pa kayo sa probinsya, buntot na ‘yan ng buntot sa’yo,” saad ni Mrs. Reyes habang tumatawa ng mahina.
Nahihiya namang napakamot ng ulo si Abby. “Si Caleb talaga napaka-overprotective. Minsan nga po naiisip ko baka kaya ako napag-iinitan ng iba rito dahil sa sobrang pag-aalaga niya. Pero hindi ko naman siya magawang tanggihan kasi alam kong concern lang siya.”
“Iha, hindi lang concern ang tawag do’n. Alam mo namang simula’t sapul, ikaw lang ang babaeng dinala niyan sa bahay na hindi business partner ang turing. At ‘yung pamilya ni Caleb, excited na excited na nga silang maging official lahat eh. Sabi nga ni madam kahit bukas na bukas din handa silang ipakasal kayo,” biro pa ni Mrs. Reyes.
“Hala ma’am, huwag naman pong ganon. Malayo pa po ako sa narating ni Caleb. At saka gaya nga ng sinabi ko sa kanya, kapatid lang talaga ‘yung tingin ko sa kanya. Ayoko masira ‘yung friendship namin dahil lang sa mga ganyang bagay,” seryosong sagot ni Abby.
Sa totoo lang, natatakot si Abby na kapag naging sila, lalong lalayo ang agwat niya sa mga tao. Ayaw niyang bansagang gold digger o kaya naman ay swerte lang. Gusto niyang patunayan ang sarili niya. Habang nag-uusap sila, hindi nila napansin na nakatayo na pala si Caleb sa likuran nila. Kanina pa siyang nakikinig.
“Anong pinag-uusapan niyo rito? At bakit narinig ko ang pangalan ko?” sagot ni Caleb na may kasamang nakakalokang ngiti.
“Ah, Sir Caleb, wala po itong si Abby. Sinasabi ko lang na kailangan niyang kumain ng maayos dahil napansin kong pumapayat siya,” mabilis na pagdadahilan ni Mrs. Reyes bago nagpaalam para bumalik sa kanyang pwesto.
Naiwan ang dalawa sa hallway. Tinitigan ni Caleb si Abby. Napansin niya ang medyo maduming laylayan ng palda ni Abby dahil sa pagsakay nito sa jeep kanina. Agad siyang kumuha ng panyo sa kanyang bulsa at yumuko para punasan ito.
“Caleb, ano ba? Tumayo ka nga diyan. Maraming nakakakita,” gulat na sabi ni Abby habang pilit na inilalayo ang kanyang binti.
“Hayaan mo sila. Madumi ‘yung palda mo, Abby. Baka kung ano pang sabihin ng mga tao sa department ninyo at saka bakit ba kasi ayaw mong magpapahid sa akin. Tingnan mo, nadudumihan ka sa kalsada,” sermon ni Caleb habang patuloy na pinupunasan ang mantsa.
Ang kanyang kilos ay puno ng lambing at pag-iingat na para bang isang mamahaling kristal si Abby na ayaw niyang mabasag.
“Kaya ko naman ang sarili ko Caleb. Sanay ako sa hirap ‘di ba? Nakalimutan mo na yata na ako ang tagaakyat sa puno ng mangga nung bata pa tayo kasi takot ka sa heights,” pang-aasar ni Abby para mawala ang tensyon.
Napatawa naman si Caleb at tumayo na. “Oo na. Ikaw na ‘yung matapang. Pero Abby, seryoso ako. Huwag mong papabayaan ang sarili mo dito. Alam kong mahirap maging intern lalo na’t maraming matapobre rito. Pero tandaan mo, isang tawag mo lang tatakbo ako para sa’yo.”
“Alam ko, Caleb. Salamat talaga,” matapang na sagot ni Abby.
Nang makarating si Abby sa kanyang desk, sakto nakita nina Mika at Joy ang pag-alis ni Caleb mula sa kinaroroonan ni Abby.
“Aba, tingnan mo nga naman. Mukhang gumagana ‘yung charms ng ating jologs intern. Ano bang pinahid mo sa mukha mo at mukhang naakit mo pati ‘yung CEO?” tanong ni Mika na punong-puno ng sarkasmo.
“Wala po akong ginagawa ma’am. Nagkataon lang po na dumaan si Sir Caleb,” maikling sagot ni Abby.
“Nagkataon? O baka naman sinusundan mo siya? Alam mo Abby, payong kapatid lang ha. Huwag kang masyadong ambisyosa. Isang hamak na tagaiklop ka lang ng mga papel dito. Ang kailangan ni Sir Caleb, isang babaeng marunong magdala ng sarili. Hindi ‘yung amoy ng sardinas pagsapit ng tanghalian,” dagdag pa ni Joy habang tinitingnan ang kanyang sariling designer bag.
Hindi na sumagot si Abby. Binuksan niya ang kanyang computer at nagsimulang mag-encode. Pero sa loob-loob niya, nasasaktan siya. Bakit ba ‘yung tingin ng mga tao sa kanya ay palaging mababa dahil lang sa mahirap siya? Hindi ba pwedeng maging magkaibigan ‘yung isang CEO at isang intern nang walang malisya?
Tanghalian na nang muling buksan ni Abby ang kanyang baon. Ngayong araw ang dala niya ay tuyo, kamatis at pritong talong. Para sa kanya, ito ang pinakamasarap na pagkain lalo na’t galing ‘to sa pinaghirapan niyang sweldo noong nakaraang raket niya. Habang kumakain siya sa isang bakanteng lamesa sa gilid ng pantry, biglang may tumapon na tubig sa kanyang pagkain.
“Ay sorry Abby, hindi ko sinasadya,” sabi ni Mika. Pero bakas sa mukha nito ang pagkukunwari. “Ang baho kasi ng pagkain mo. Akala ko tuloy basura na nakalagay sa lamesa kaya tinapunan ko ng tubig para mawala ‘yung amoy.”
Napatitig si Abby sa kanyang pagkain na ngayon ay basa na at hindi na pwedeng kainin. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang luha.
“Bakit niyo po ginawa ‘yun? Pagkain ko po ‘yan,” mahinang sabi ni Abby.
“Pagkain ba ‘yan? Akala ko pagkain lang ‘yan ng mga aso sa kalye. Oh sige na. Huwag ka ng umiyak diyan. Bibigyan na lang kita ng barya para makabili ka ng cup noodle sa labas. ‘Yan lang naman ‘yung afford mo ‘di ba,” sabi ni Mika sabay hagis ang bente pesos sa harap ni Abby.
Tumayo si Abby. Kinuha ang kanyang basang baon at mabilis na lumabas ng pantry. Hindi na niya napansin na mula sa pinto nakita ni Caleb ang lahat. Gustong sumugod ni Caleb at bugbugin ng sermon si Mika. Pero pinigilan niya ang sarili. Gusto niyang bigyan ng leksyon ang mga tao sa tamang panahon at sa paraang hindi na nila makakalimutan.
Sinundan ni Caleb si Abby sa rooftop ng building. Doon niya nakita ang dalaga na tahimik na umiiyak habang nakatingin sa malayo. Dahan-dahan siyang lumapit at inabutan ‘to ng panyo.
“Abby,” tawag niya sa mahinang boses.
Nagulat naman si Abby at agad na pinunasan ang kanyang mga mata. “Caleb, anong ginagawa mo rito? Dapat nasa meeting ka na ‘di ba?”
“Huwag mo ng intindihin ‘yung meeting. Bakit ka umiiyak? Dahil ba sa ginawa nila sa pantry?” tanong ni Caleb na halata ang galit sa kanyang boses.
“Wala ‘to Caleb. Kasalanan ko rin naman. Masyado kasing maamoy ‘yung dala kong pagkain. Tama sila. Hindi bagay ‘yung ganitong pagkain sa ganitong kagandang opisina,” pagsisinungaling ni Abby para lang hindi na lumaki ang gulo.
Hinarap siya ni Caleb at hinawakan ang kanyang mga balikat. “Makinig ka sa akin, Abby. Walang masama sa kinakain mo. ‘Yan ‘yung pagkaing kinalakihan natin sa probinsya. ‘Yan ‘yung pagkaing nagpalaki sa’yo para maging matatag na babae. Huwag mong hahayaang tapakan nila ang pagkatao mo dahil lang sa kung anong meron ka sa lamesa. Mahalaga ka, Abby. Higit pa ‘yan sa iniisip mo.”
Tinitigan ni Abby si Caleb. Sa mga mata ng lalaki, nakita niya ‘yung tapat na paghanga at pagmamahal. Sa sandaling iyon, bahagyang gumaan ang kanyang pakiramdam.
“Salamat, Caleb. Buti na lang andiyan ka palagi.”
“Palagi lang ako andito, Abby. Hinding-hindi kita iiwan,” sagot ni Caleb. Ngumiti siya at kinuha ang kamay ni Abby. “Halika na. Huwag mo ng isipin ‘yung pagkain mo. Ilalabas kita. Kakain tayo sa labas. My treat.”
“Pero Caleb, baka may makakita.”
“Hayaan mo silang makakita. CEO ako eh. Ano ngayon ‘di ba? Sabi ko lunch break ko rin ngayon. So tara na,” hila ni Caleb sa kanya ng may kasamang tawa.
Kahit na natatakot sa pwedeng sabihin ng iba, sumunod na lamang si Abby. Sa isip niya, kahit sandali lang, gusto niya namang maramdaman na hindi siya nag-iisa sa laban na ‘to. Pero hindi niya alam ‘yung simpleng paglabas lang na iyon ay magiging mitsa ng mas malalang pambu-bully sa kanya sa mga susunod na araw.
Pagbalik nila mula sa lunch, pansin ni Abby na mas lalong umingay ang bulungan sa paligid. Kahit na sinubukan nilang mag-ingat ni Caleb, hindi nakaligtas sa mapanuring mata ng mga empleyado ang pagsakay ni Abby sa sasakyan ng boss nila.
“Oh tignan niyo bumalik na ‘yung senyorita natin. Saan ka dinala ni Sir Caleb? Sa mamahaling restaurant ba o sa karinderya lang sa kanto para hindi siya masyadong gumastos sa’yo?” pang-aasar ni Mika pagkapasok na pagkapasok ni Abby sa kanilang departamento.
“Kumain lang po kami sa labas. Trabaho pa rin naman po ‘yung pinag-usapan namin,” mahinahong sagot ni Abby. Inilapag niya ang kanyang gamit at agad na hinarap ang tambak na folder sa kanyang lamesa.
“Trabaho? O baka naman working on how to get a promotion through the easy way?” sabat ni Joy habang nagkukulay ng kuko. “Alam mo Abby, ang kapal din naman ng mukha mo. Isang hamak na intern ka lang pero nagagawa mong landiin ang boss natin. Hindi ka ba nahihiya sa itsura mo? Tingnan mo nga ‘yung buhok mo parang hindi mo lang nakatikim ng conditioner.”
“Wala po akong nilalandi. Magkaibigan po kami ni Caleb noon pa,” depensa ni Abby.
Pero lalo lang nagtawanan ang dalawa. “Caleb? Wow. First name basis sila. Feeling close talaga ‘tong jologs na ‘to,” tawa ni Mika. Bigla nitong hinablot ‘yung notebook ni Abby kung saan nakasulat ang kanyang mga budget at listahan ng bayarin sa bahay.
“Akin na po ‘yan Ma’am Mika. Gamit ko po ‘yan,” sigaw ni Abby habang pilit na inaabot ang notebook.
“Wait, tingnan natin kung ano ‘yung priorities ng isang breadwinner,” basa ni Mika ng malakas. “Kuryente, tubig, gamot ni nanay, tuition ng kapatid… Naku Abby, ang bigat naman pala ng dinadala mo. Kaya ba kapit-tuko ka kay Sir Caleb para makakuha ng bonus?”
Naramdaman ni Abby ang pamumula ng kanyang mukha sa hiya. Ang kanyang pribadong buhay ay pilit na ibinubulgar sa harap ng maraming tao.
“Ibalik niyo po ‘yan. Please lang.”
“Ayoko nga. Gusto ko munang makita kung gaano ka talagang kahirap. Baka naman pati pambili ng sabon nakalista dito,” patuloy na pang-iinis ni Mika.
Dahil sa ingay, lumabas si Caleb mula sa kanyang opisina na nasa dulo ng hallway. Agad na tumahimik ang lahat nang makita ang seryosong mukha ng boss nila.
“What’s going on here? Bakit ang ingay sa department na ‘to?” malamig na tanong ni Caleb.
Agad na itinago ni Mika ang notebook sa likuran niya at nagkunwaring nag-aayos ng kanyang buhok. “Wala po sir. Nagbibiruan lang po kami ni Abby. Tinuturuan lang po namin siya kung paano maging mas efficient sa trabaho.”
Tumingin si Caleb kay Abby. Nakita niya ang panginginig ng mga labi ng dalaga at ‘yung namumula nitong mga mata.
“Abby, is there a problem?”
Umiling si Abby. “Wala po, sir. Okay lang po.”
“Sigurado ka? Kung may nanggugulo sa’yo, huwag kang mag-atubiling magsumbong. I don’t tolerate bullying in this company,” mariing pahayag ni Caleb habang nakatitig ng diretso kina Mika at Joy.
Kita ‘yung takot sa mga mata ng dalawang babae. Pero agad din itong napalitan ng inis nang tumalikod na si Caleb.
“Swerte mo ngayon Abby. Pero tandaan mo hindi ka habang buhay mapoprotektahan ni sir,” bulong ni Mika bago padabog na ibalik ang notebook sa lamesa ni Abby.
Nang matapos ang oras ng trabaho, dumiretso si Abby sa banyo para maghilamos. Pagtingin niya sa salamin, nakita niya ang kanyang sarili. Isang simpleng babae na puno ng pangarap pero para bang tinatapak-tapakan ng tadhana. Sa puntong iyon, pumasok si Mrs. Reyes.
“Abby, Iha! Huwag mo na lang silang pansinin. Alam mo naman ‘yung mga ‘yan, naiinggit lang ‘yan dahil malapit ka kay Caleb,” pag-aalo ng matanda.
“Minsan po kasi ma’am nakakapagod din. Gusto ko lang naman po na magtrabaho ng maayos para sa pamilya ko. Hindi ko naman ginusto na maging ganito ang sitwasyon namin,” maluha-luhang sabi ni Abby.
“Alam ko, Iha. At alam din ni Caleb ‘yan. Alam mo ba nung mga bata pa kayo, tuwing inaasar ka ng ibang bata dahil sa butas-butas mong tsinelas, palihim na umiiyak ‘yang si Caleb sa nanay niya kasi gusto niyang ibigay sa’yo ang lahat ng tsinelas niya. Ganon ka kamahal ni Abby noon pa man.”
Napangiti ng bahagya si Abby sa kwento ni Mrs. Reyes. “Sobrang bait po talaga ni Caleb. Kaya nga po ayokong maging pabigat sa kanya. Ayoko hong masabing kaya lang ako nandito eh dahil sa kanya.”
“Hindi ka kailanman naging pabigat Abby. Ikaw ‘yung inspirasyon niya para maging mabuting leader ng kumpanyang ‘to. Kaya magpakatatag ka ha?” sabi ni Mrs. Reyes sabay tapik sa balikat ni Abby.
Paglabas ni Abby ng building, andun na naman ang sasakyan ni Caleb. Pero sa pagkakataong ‘to, hindi lamang si Caleb ang nandoon. Kasama niya ang nanay niya na si Madam Elaine.
“Abby iha!” masayang tawag ni Madam Elaine nang makita ang dalaga. Agad itong bumaba ng sasakyan at niyakap si Abby. “Kumusta ka na? Sabi ko kay Caleb dalhin ka sa bahay ngayong gabi. Nagluto ako ng paborito mong adobo.”
“Naku, Madam Elaine. Nakakahiya naman po. Galing pa po ako sa trabaho tsaka medyo madumi po ‘yung suot ko,” sagot ni Abby na nagulat sa presensya ng ginang.
“Anong nakakahiya? Pamilya na ‘yung turing namin sa’yo Abby. At saka gusto naming marinig kung kamusta ang unang mga linggo mo rito sa kumpanya. Eh sabi nitong si Caleb, napakagaling mo raw,” nakangiting sabi ni Madam Elaine habang hinahawakan ang kamay ni Abby.
Tumingin naman si Abby kay Caleb na nakasandal sa sasakyan at nakangiti sa kanya.
“Sige na Abby. Ayaw mo namang mabigo si mama ‘di ba? Isang gabi lang naman.”
Wala ng nagawa si Abby kundi sumama. Habang nasa loob ng sasakyan ramdam niya ang init ng pagtanggap ng pamilya ni Caleb. Pero sa likod ng kanyang isip, natatakot siya sa sasabihin ng mga katrabaho niya kung sakaling malaman nilang naging bisita siya sa mansyon ng mga boss nila.
“Abby, alam mo ba,” panimula ni Madam Elaine habang nasa biyahe sila, “gustong-gusto talaga namin na ikaw ang makatuluyan ni Caleb. Wala kaming ibang gustong maging bahagi ng pamilya kundi ikaw.”
Nabulunan si Abby sa sarili niyang laway. “Madam, ano po? Magkaibigan lang po talaga kami ni Caleb. Parang kapatid ko lang po siya.”
Napatawa si Caleb nang mahina habang nagmamaneho. “Oh, narinig mo Ma? Friendzone na naman ako pero ayos lang sanay naman na ako.”
Kahit na nagbibiruan sila, ramdam ni Abby ang seryosong tingin ni Caleb sa rear view mirror. May kung anong kurot sa kanyang puso na hindi niya maipaliwanag. Gusto niya rin ba si Caleb? O natatakot lang siyang aminin dahil sa malaking agwat ng kanilang katayuan sa buhay?
Nang gabing iyon sa mansyon, pansamantalang nakalimutan ni Abby ‘yung pambubully sa kanya sa opisina. Busog na busog siya tsaka punong-puno ng pagmamahal mula sa pamilya ni Caleb. Pero alam niya na pagdating ng kinabukasan, kailangan niyang muling harapin ang realidad. ‘Yung realidad na isa siyang jologs na intern sa mata ng marami, habang si Caleb naman ay makapangyarihang CEO na para bang bituin sa langit na mahirap abutin.
Kinabukasan, masayang-masaya si Abby na pumasok. Bitbit niya ang isang maliit na paper bag na naglalaman ng adobong niluto ni Ma’am Elaine kagabi. Ipinabalot talaga iyon ng ginang para raw may masarap siyang tanghalian. Pero pagtapak pa lang niya sa pintuan ng opisina para bang biglang nagbago ang ihip ng hangin.
“Oh tingnan niyo blooming ‘yung intern natin. Mukhang masarap ‘yung tulog pagkatapos ng overtime sa kung saan,” bungad ni Mika na may kasamang matalim na ngiti. ‘Yung mga mata nito ay nakatuon sa paper bag na dala ni Abby.
“Hindi po. Maaga po ako nakauwi kagabi,” maikling sagot ni Abby. Tumuloy siya sa kanyang desk at sinubukang mag-focus sa kanyang mga gagawing reports.
Pero hindi siya tinantanan ni Joy na lumapit pa sa kanya at kunwaring tiningnan ang kaniyang suot. “Abby, pansin ko lang. Pare-pareho lang ‘yung style ng suot mo araw-araw. Wala ka na bang ibang damit? ‘Yung hindi naman mukhang binili sa talipapa?” tanong ni Joy habang tinitingnan ang kanyang sariling reflection sa screen ng computer ni Abby. “Kasi kung gusto mong mapansin ni Sir Caleb ng matagal, kailangan mo namang mag-upgrade. Hindi sapat ‘yung paawa-api-apihan look mo.”
“Maayos naman ‘yung suot ko ah. Malinis naman po tsaka desente para sa trabaho,” depensa ni Abby. Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis. Bakit ba palaging ‘yung damit niya ang nakikita ng mga tao at hindi ‘yung kalidad ng trabaho niya?
“Desente? Abby naman. This is a corporate office. Hindi ‘to charity event. Mukha ka tuloy out of place,” dagdag ni Mika.
Biglang hinablot ni Mika ‘yung paper bag mula sa lamesa ni Abby. “Ano ‘to? Mukhang may amoy na naman ah. Adobo? Ang mantika naman ‘yan. Amoy palengke na naman ang buong floor dahil sa’yo.”
“Ibalik niyo po ‘yan please. Bigay po ‘yan sa akin,” sabi ni Abby at pilit na kinukuha ‘yung supot. Ayaw niyang masayang ang pagkain galing sa pamilya ni Caleb.
“Bigay ng sino? Nung squatter mong construction worker?” tawa ni Mika. Itinaas niya ang supot kaya hindi ito maabot ni Abby.
Sa gitna ng kanilang pag-aagawan, biglang bumukas ang pinto ng elevator at lumabas si Caleb kasama ang ilang board members. Agad na ibinaba ni Mika ang supot at itinago ito sa ilalim ng desk niya. Pero huli na ang lahat dahil nakita ni Caleb ‘yung tensyon sa mukha ni Abby. Gayunpaman, dahil may mga kasama siyang importante, hindi siya pwedeng basta-basta lumapit.
Nagpatuloy si Caleb sa paglalakad patungo sa kanyang opisina. Pero bago siya pumasok, binigyan niya si Abby ng isang tingin na para bang nagtatanong kung ayos lang ba ito. Tumango nang bahagya si Abby para hindi na lumaki ‘yung gulo.
Pero nang makaalis ang mga board members, muling binalikan nina Mika at Joy si Abby.
“Alam mo Abby, ang galing mo rin magpa-victim. Ano? Akala mo ba hindi namin alam na sinusubukan mong akitin si sir? Feeling mo ba dahil pinapansin ka niya magiging Cinderella ka na?” inis na sabi ni Mika. “Tandaan mo, ‘yung katulad ni Sir Caleb, hindi ‘yan pumapatol sa mga jologs na kagaya mo. ‘Yung escort niya sa mga events, mga model tsaka anak ng mga mayayaman. Hindi ‘yung amoy tuyo tulad mo.”
“Hindi ko po siya inaakit. Magkaibigan po kami,” ulit ni Abby kahit alam niyang hindi sila naniniwala.
“Friendship in your dreams. Baka naawa lang niya noon kaya kayo magkakilala,” halakhak naman ni Joy.
Sa loob ng kanyang opisina, hindi mapakali si Caleb. Tinawagan niya ang kanyang secretary na si Mrs. Reyes. “Reyes, pakitingnan nga kung anong nangyayari sa labas. Parang pinagkakaguluhan na naman si Abby nina Mika.”
“Opo, sir. Pupuntahan ko na po,” sagot ni Mrs. Reyes.
Paglabas ni Mrs. Reyes, nakita niya si Abby na nakayuko na lang habang tinitiis ‘yung mga masasakit na salita ng mga katrabaho. Lumapit ‘yung matanda at kunwaring magtatanong. “Mika, Joy, tapos na ba ‘yung mga reports na hinihingi ni Sir Caleb? Kailangan daw ‘yun bago mag-lunch.”
Dahil sa takot kay Caleb, agad namang nagsibalikan sa kani-kanilang pwesto ang dalawa. Nilapitan naman ni Mrs. Reyes si Abby at hinawakan ang kamay nito. “Ayos ka lang ba, Iha? Huwag mo na silang intindihin. Alam mo naman na sadyang may mga taong hindi masaya sa tagumpay ng iba.”
“Salamat po, ma’am. Nasasaktan lang po ako kasi wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Ginagawa ko lang naman po ‘yung trabaho ko,” malungkot na sabi ni Abby.
Nang sumapit ‘yung lunch break, imbes na sa pantry kumain, napagpasyahan ni Abby na lumabas na lang at pumunta sa isang maliit na park malapit sa building. Ayaw niyang maulit ‘yung nangyari kahapon na natapunan ng tubig ang pagkain niya. Habang kinakain niya ‘yung adobong bigay ni Madam Elaine, biglang may tumabi sa kanya.
“Sabi ko na nga ba dito kita matatagpuan,” sabi ni Caleb habang may dalang dalawang bottled water.
“Caleb, bakit nandito ka? Baka may makakita sa’yo,” gulat na sabi ni Abby.
“Hayaan mo lang silang makakita sa akin. Lunch break ko rin naman. At saka gusto ko lang makasiguro na kinakain mo ‘yung luto ni mama. Alam mo namang magtatampo ‘yun kapag nalaman niyang hindi mo naubos,” biro ni Caleb habang umuupo sa tabi ni Abby.
“Sobra-sobra na ‘yung ginagawa niyo para sa akin, Caleb. Minsan pakiramdam ko hindi ko deserve ‘yung ganitong treatment. Intern lang naman ako. Samantalang ikaw, ikaw ang boss ko,” seryosong sabi ni Abby habang nakatingin sa kanyang pagkain.
“Abby, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo, hindi kita tinitingnan bilang intern. Tinitingnan kita bilang si Abby, ‘yung kababata ko, ‘yung taong laging nandiyan nung wala pa akong kahit ano. Walang boss o intern pagdating sa atin,” sabi ni Caleb at hinawakan ang kamay ni Abby.
Ramdam ni Abby ang init ng palad nito at ang katapatan sa kanyang mga salita. “Pero ang daming nagsasabi na hindi daw tayo bagay. Na jologs daw ako, na pang-mahirap lang ‘yung level ko. Nasasaktan ako para sa pamilya ko, Caleb. Kasi ‘pag nilalait nila ako, pakiramdam ko pati sila nalalait din,” pag-amin ni Abby habang may luhang pumatak sa kanyang pisngi.
Nagtago ang galit sa mga mata ni Caleb nang marinig iyon. “Hayaan mo sila, Abby. Malapit na silang matauhan. Sa ngayon, hayaan muna natin silang mag-isip ng kung anu-ano. Pero tandaan mo, hinding-hindi kita hahayaang masaktan ulit.”
Nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan tungkol sa kanilang kabataan sa probinsya. Ikinwento ni Caleb kung paano niya laging sinusundan si Abby sa bukid at kung paano siya palaging pinagtatanggol nito sa mga asong gala. Sa sandaling iyon, nawala ‘yung lahat ng bigat sa dibdib ni Abby. Nakalimutan niya ang mga mapanghusgang mata sa opisina at ‘yung mga masasakit na salita nina Mika.
Nang matapos ang lunch break, sabay silang bumalik sa building pero naghiwalay rin bago makarating sa lobby. Hindi nila alam sa ‘di kalayuan, nakita sila ni Mika na magkasama at tumatawa.
“Aha. So talagang may namamagitan nga sa kanila. Akala mo Abby ha. Tingnan natin kung hanggang saan ‘yang tapang mo kapag nalaman ng buong opisina ‘yang kalandian ninyo,” bulong ni Mika habang kinukunan sila ng picture gamit ang kanyang cellphone.
Pagbalik sa opisina, hindi mapakali si Mika sa kanyang natuklasan. Agad niyang ipinakita kay Joy ang litrato.
“Tingnan mo ‘to. Sinasabi ko na nga ba. Ginagamit nitong si Abby ang pagkainosente niya para makuha ang loob ni Sir Caleb. Ang landi talaga. Naku, kailangang malaman ‘to ng lahat. Hindi pwedeng basta-basta na lang niyang maloloko si Sir,” sagot ni Joy.
Dito na nagsimula ang mas matinding bulungan laban kay Abby. Pero si Abby, dahil sa lakas ng loob na binigay ni Caleb kanina, ay nanatiling nakatutok sa kanyang trabaho. Lumipas ang ilang araw at para bang lalong bumigat ang hangin sa loob ng opisina. Si Abby, sa kabila ng sipag niya, ay unti-unting nararamdaman ang pag-iwas ng ibang mga empleyado na dati naman ay neutral sa kanya. Dahil sa mga kumalat na picture tsaka chismis nina Mika, naging tampulan siya ng kantyaw tuwing dadaan siya sa hallway.
Isang umaga, pagpasok ni Abby, nakita niyang puno ng post-it notes ang kanyang computer screen. May nakasulat na “gold digger,” “social climber,” at “amoy sardinas.” Imbes na umiyak, dahan-dahan niyang tinanggal ang mga ‘to at tinapon sa basurahan. Alam niyang kapag nagpakita siya ng kahinaan, lalo lang siyang pagpipiyestahan.
“Oh, Abby, mukhang busy ka sa paglilinis ng kalat mo ah. Hmm… bagay sa’yo. Parang janitress lang,” saad ni Mika habang naglalakad papunta sa water dispenser.
“Ma’am Mika, kung may problema po kayo sa trabaho ko, pwede niyo po akong kausapin ng maayos. Pero sana po huwag niyo po sanang idamay ‘yung personal na buhay ko,” mahinahong sagot ni Abby.
Tumigil si Mika at hinarap siya nang may pandidiri. “Personal na buhay? Abby, ikaw ‘yung nagpasok ng personal na buhay mo rito nung nilandi mo si Sir Caleb. Akala mo ba hindi namin alam na nagpapakipot ka lang para mapansin niya? Isang hamak na intern na breadwinner na taga-probinsya. Tapos boss ‘yung tina-target. Ang kapal din naman ng mukha mo eh ‘no?”
“Hindi ko siya tina-target. Magkaibigan lang kami noon pa at wala akong hinihingi kahit ano sa kanya,” giit ni Abby.
“Kaibigan? Baka naman friends with benefits o baka naman ginagamit mo ‘yung pagiging mahirap mo para kaawaan ka niya,” singit naman ni Joy na kararating lamang. “Tingnan mo ‘yung baon mo ngayon. Ano na naman ‘yan? Tuyo tsaka kamatis. Nakakasulasok ‘yung amoy Abby. Nakakahiya sa mga kliyente na pumunta rito.”
Hindi na lang sumagot si Abby. Binuksan niya ang kanyang files at nagsimulang mag-type. Maya-maya pa, lumabas si Caleb mula sa kanyang opisina para sa isang meeting. Tulad ng dati, tiningnan niya si Abby at napansin ang mga basang tissue sa tabi ng basurahan nito. Alam ni Caleb na katatapos lang umiyak o uminom ng tubig ni Abby para kumalma.
“Abby, pakidala nitong mga document sa conference room sa 10th floor. Ngayon na,” utos ni Caleb sa pormal na tono para hindi mahalataan ng iba.
“Opo, sir,” sagot ni Abby. Kinuha niya ‘yung mga papeles at sumunod kay Caleb sa elevator.
Nang magsara ang pinto ng elevator at sila na lang dalawa ang nandoon, agad na humarap si Caleb sa kanya. “Inaapi ka na naman ba nila? Nakita ko ‘yung mga sulat sa desk mo kanina bago mo itapon. Bakit hindi mo sinasabi sa akin, Abby?”
“Caleb, ayoko namang maging sumbongera at saka intern lang ako dito. Kung papatulan mo sila dahil sa akin, lalong sasama ang tingin nila sa akin. Hayaan mo na. Matatapos din ‘tong internship ko,” paliwanag ni Abby.
“Hindi ko hahayaang matapos ang internship mo na ganyan ang trato nila sa’yo. Hindi ka pumasok dito para bastusin. Pamilya mo kami, Abby. Sabi ni mama kung nahihirapan ka na, umalis ka na diyan at gawin ka na lang naming manager sa ibang branch. Pero ayaw mo naman,” frustrated na sabi ni Caleb.
“Kasi gusto ko ring patunayan na kaya ko. Na hindi lang dahil kakilala niyo ako kaya ako nandito. Gusto kong matuto Caleb kahit mahirap,” sagot ng dalaga.
Hinawakan ni Caleb ang pisngi ni Abby. “Napakabuti mong tao Abby. Kaya kitang-kita ko kung bakit gustong-gusto ka nila mama at papa para sa akin. At kung alam mo lang, hindi lang dahil sa pamilya ko kaya kita pinoprotektahan. Mahalaga ka sa akin. Higit pa sa pagiging kababata.”
Nag-iwas ng tingin si Abby. “Caleb, huwag ngayon. Marami tayong ginagawa.”
Nang makarating sila sa 10th floor, bumalik sila sa trabaho. Pero habang tumatagal ang araw, lalong lumalala ang pambu-bully kay Abby. May mga pagkakataon na sinasadya siyang banggain sa hallway o kaya naman ay itatago ang kanyang mga gamit para mapagalitan siya ng supervisor.
Isang hapon habang nag-aayos si Abby ng mga photocopy, lumapit si Mika at may bitbit na kape. Tinasadya nitong tisurin ang sarili at natapon ang mainit na kape sa braso ni Abby.
“Aray!” napasigaw si Abby sa hapdi. Namula agad ang kanyang balat dahil sa init ng kape.
“Ay sorry, nakaharang ka kasi sa daan Abby. Kita mo namang may dala akong kape doon ka pa talaga tumatambay sa tapat ng printer,” singhal ni Mika, imbes na humingi ng paumanhin.
“Kayo po ‘yung lumapit sa akin ma’am. Nagfo-photocopy lang naman po ako rito,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Abby habang hinahawakan ang kanyang braso.
“Sumasagot ka pa ha? Gusto mo bang isumbong kita sa HR dahil sa pambabastos mo sa regular employee? Isang salita ko lang, tanggal ka rito,” banta ni Mika.
Dahil sa takot na mawalan ng trabaho, nanahimik na lamang si Abby. Pumunta siya sa banyo at binuhusan ng malamig na tubig ang kanyang braso. Habang nandoon siya, hindi niya napigilang humagulgol. Bakit kailangang maging ganito kahirap? Ginagawa naman niya ‘yung lahat pero bakit hindi pa rin sapat?
Nang gabing ‘yon, hindi na muna nagpahatid si Abby kay Caleb. Sinabi niya na may bibilhin lang siya sa mall. Pero ang totoo, ayaw niyang makita ni Caleb ‘yung paso niya sa braso. Pag-uwi niya sa kanilang maliit na bahay, sinalubong siya ng kanyang nanay.
“Abby, anak! Bakit namumula ‘yung braso mo?” tanong ng kanyang nanay na puno ng pag-aalala.
“Wala lang ‘to ‘nay. Natapunan lang po ng mainit na tubig sa opisina. Aksidente lang po,” pagsisinungaling niya.
“Anak, kung nahihirapan ka na sa trabaho mo, sabihin mo lang. Alam ko namang breadwinner ka pero ayoko namang makita kang nasasaktan,” sabi ng nanay niya habang nilalagyan ng ointment ang kanyang braso.
“Ayos lang po ako ‘nay. Para sa inyo ‘to ni bunso. Konting tiis na lang,” pilit na ngiti ni Abby.
Samantala, sa kabilang dako naman ng lungsod, si Caleb ay hindi rin mapakali. Tinawagan niya ang isa sa mga security guards na kaibigan niya.
“Kuya Roger, patingin naman ng CCTV sa may photocopy room kaninang bandang 3:00. Gusto ko lang i-check kung may nangyari bang hindi maganda.”
Matapos ang ilang minuto, pinadala ni Roger ang video clip kay Caleb. Doon nakita ni Caleb ang sinasadyang pagtapon ni Mika ng kape kay Abby. Kumuyom ang kanyang kamao. ‘Yung galit na kanyang nararamdaman ay hindi niya na kayang pigilan.
“Sobra na kayo. Hindi niyo kilala kung sino ang kinakalaban ninyo,” bulong ni Caleb sa sarili habang madilim ang tingin sa screen ng kanyang laptop.
May plano na si Caleb. Alam niyang malapit na ang annual company ball at doon niya naisip na turuan ng leksyon ang lahat. Gusto niyang ipakita sa kanila kung sino ba si Abby sa buhay niya at kung gaanong kalaki ang pagkakamali nila sa pagtrato rito ng masama.
Kinabukasan, pumasok si Abby na may bandage sa braso. Maraming nagbulungan pero wala siyang pakialam. ‘Yung tanging iniisip niya ay matapos ang araw ng payapa. Pero hindi niya alam, si Caleb ay nagsimula na ring magmanman ng mas maigi. Hindi na lang bilang kababata kundi bilang isang tagapagtanggol na handang itaya ang lahat para sa kanya.
“Abby,” tawag ni Caleb sa kanya nang magkasalubong sila sa pantry. “Handa ka na para sa party sa susunod na linggo? Gusto kong nandoon ka.”
“Caleb. Alam mo namang hindi ako bagay sa mga ganong event tsaka wala akong maisusuot. Tsaka sinabihan na rin nila ako na hindi raw ako invited,” tanggi ni Abby.
“Anong hindi? Hindi ka naman invited. At huwag kang mag-alala sa isusuot mo. Akong bahala. Basta mangako ka sa akin, pupunta ka,” mariing sabi ni Caleb.
Tumango na lang si Abby kahit na labag sa kalooban niya. Hindi nagtagal, nagpatuloy ang paghahanda ng buong kumpanya para sa annual company ball. Pero para kay Abby, parang ordinaryong araw lang ‘to na puno ng pasakit. Habang ang lahat ay abala sa pag-uusap tungkol sa kani-kanilang mga gown at suit, si Abby naman ay abala sa pag-aayos ng mga resibo at pag-e-encode ng datos na ibinato sa kanya nina Mika para siya ang gumawa.
“Hoy Abby, nabalitaan ko. Required daw lahat ng interns umatend sa ball. Siguraduhin mo naman na hindi ka magmumukhang basahan doon ha. Baka mapahiya ‘yung department natin nang dahil sa’yo,” pang-aasar ni Mika habang nag-aayos ang kanyang mamahaling alahas.
“Susubukan ko po Ma’am Mika. Pero baka hindi rin po ako magtagal doon. Kailangan ko rin kasing bantayan si nanay sa bahay,” sagot ni Abby nang hindi tumitingin sa kanila.
“Mabuti pa nga huwag ka na lang pumunta kasi kahit ano namang gawin mo, jologs ka pa rin sa paningin namin. Isipin mo na lang ‘yung presyo ng isang plate ng pagkain doon eh baka pang isang buwan mo na ng sahod bilang intern. Sayang lang kung sa’yo mapupunta,” dagdag ni Joy sabay tawa ng malakas.
Hindi na kumibo si Abby. Sanay na siya sa ganitong trato. ‘Yung tanging nagpapasaya na lang sa kanya ay ang mga palihim na text ni Caleb. Kagabi lang, nag-video call pa sila at pinakita ni Caleb ‘yung mga bago niyang aso na para bang walang problemang kinakaharap si Abby sa opisina. Sobrang caring ni Caleb. Kahit pagod sa trabaho, sinusiguro nitong kamustahin ang kanyang pamilya at ang kalagayan ng kanyang sugat sa braso.
“Abby, huwag ka nang makikinig sa kanila ha. Magtiwala ka lang sa akin,” sabi ni Caleb sa text na kababasa lang ni Abby sa ilalim ng mesa.
Napangiti naman si Abby. “Salamat, Caleb. Pero seryoso, kailangan ko ba talagang pumunta? Baka naman lalo lang akong pag-initan ng mga tao don.”
“Kailangan, dahil may special na surpresa ako para sa’yo at huwag kang mag-aalala sa damit, may ipapadala ako sa bahay ninyo. Isuot mo ‘yon. Okay?” reply ni Caleb.
Nang sumapit ang huling araw bago ang ball, lalong naging malala ang pambu-bully kay Abby. Dahil alam ng mga empleyado na malapit siya kay Caleb, sinadya nilang tambakan siya ng trabaho para hindi siya makapag-ayos.
“Abby tapusin mo ‘yang lahat bago ka umuwi ha. Kapag hindi ‘to natapos, huwag ka nang papasok bukas,” utos ng kanilang supervisor na tila kampi rin kina Mika.
“Pero ma’am, 5:00 na po at ball na po mamaya,” reklamo ni Abby.
“Wala akong pakialam. Trabaho muna bago landi Abby. ‘Yan ang hirap sa inyong mga ambisyosa. Akala niyo porke pinapansin ng boss exempted na sa rules,” bulyaw ng supervisor.
Napilitan si Abby na mag-stay habang ang lahat ay nagsisialis na para maghanda. Siya ay naiwan sa malamig at tahimik na opisina. 8:00 na ng gabi nang matapos niya ang lahat. Pagod na pagod na siya at ang kanyang simpleng polo shirt ay gusot na gusot na. Paglabas niya ng building, nagulat siya dahil may isang itim na sasakyan na naghihintay sa kanya. Bumaba ‘yung driver at pinagbuksan siya ng pinto.
“Ma’am Abby, pinapasundo po kayo ni Sir Caleb.”
“Ha? Pero uuwi pa ako para mag-ayos,” sabi ni Abby.
“Doon na po kayo sa suite mag-aayos ma’am. Nandun na po lahat ng kailangan ninyo,” sagot naman ng driver.
Puno ng kaba ang dibdib ni Abby habang papunta sa hotel kung saan gaganapin ‘yung event. Sa loob ng suite, nandoon si Mrs. Reyes at ilang mga professional na makeup artist. Nagulat si Abby sa ganda ng gown na nakahanda para sa kanya. Isang simpleng emerald green na gown na para bang kumikinang sa ilalim ng ilaw.
“Iha, maupo ka na. Gagawin ka naming pinakamagandang babae ngayong gabi,” nakangiting sabi ni Mrs. Reyes.
“Ma’am, totoo po ba ‘to? Baka nananaginip lang ako,” hindi makapaniwalang sabi ni Abby.
“Totoo ‘to Abby. Gusto ni Caleb na makita ng lahat kung sino ka talaga. Hindi ka lang isang intern, Abby. Ikaw ang babaeng mahalaga sa buhay niya,” seryosong sabi ni Mrs. Reyes.
Habang inaayusan si Abby, hindi niya maiwasang maisip ang sinabi ni Mrs. Reyes. Mahalaga ba talaga siya kay Caleb? O ginagawa lang ‘to ni Caleb dahil sa awa at dahil magkababata sila? Para kay Abby, kapatid lang ‘yung turing niya kay Caleb. Pero habang tumatagal, nararamdaman niyang para bang may nagbabago sa kanyang puso. ‘Yung bawat pag-aalaga ni Caleb, ang bawat pagtatanggol nito ay unti-unting bumabasag sa pader na itinayo niya sa kanyang sarili.
Pagkatapos ng ilang oras, natapos na ‘yung pag-aayos kay Abby. Tumingin siya sa salamin at hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Wala na ‘yung jologs na intern. ‘Yung nasa harap niya ay isang sopistikada at napakagandang babae.
Samantala, sa venue ng ball, nagsimula na ‘yung program. Andoon na lahat ng stockholders at mga empleyado. Sina Mika at Joy ay nakasuot ng kani-kanilang mamahaling gown at abala sa paghahanap kay Caleb.
“Nasan na kaya si Sir Caleb? Sabi niya may escort daw siya ngayong gabi,” ani Mika habang umiinom ng wine.
“Sigurado ako isang sikat na model ‘yan. ‘Di katulad ni Abby na malamang nasa bahay ngayon tsaka kumakain ng sardinas,” tawa pa ni Joy.
Hindi nila alam, sa labas ng venue pababa na ng sasakyan si Abby at doon sa dilim naghihintay si Caleb. Nakasuot ng tuxedo pero may suot na shades at nakapatong lang ang jacket sa kanyang balikat. Nagpapanggap na isang driver o bodyguard sa simula para sa kanyang plano.
“Handa ka na ba, Abby?” tanong ni Caleb nang makalapit siya sa dalaga.
“Ha? Kinakabahan ako, Caleb. Baka pagtawanan nila ako,” bulong ni Abby.
“Huwag kang matakot. Kasama mo ako. Ngayong gabi, lahat ng nang-aapi sa’yo, magsisisi,” mariing sabi ni Caleb.
Hinawakan niya ang kamay ni Abby at sabay silang naglakad papunta sa entrance ng grand ballroom. Nagsisimula na ‘yung tugtugan sa loob ng ballroom nang makarating si Abby at Caleb sa tapat ng malaking pinto. Ramdam ni Abby ‘yung panginginig ng kanyang mga kamay kaya mas lalo niyang hinigpitan ‘yung kapit sa braso ni Caleb.
Pero si Caleb nananatiling kalmado. Nakasuot pa rin siya ng kanyang shades at ‘yung tuxedo jacket niya ay nakasampay lang sa kanyang balikat. Mukha siyang bodyguard o driver na escort ng isang mahalagang bisita.
“Caleb, sigurado ka ba rito? Baka mapagalitan ka ng board members kapag nakita nilang ganito ang ayos mo,” bulong ni Abby habang papalapit sila sa guard.
“Huwag kang mag-aalala Abby. Kasama mo ako. ‘Di ba, trust me on this,” sagot ni Caleb na may kasamang pilyong ngiti.
Pagpasok nila sa loob, hindi agad nakilala ng mga empleyado si Caleb dahil sa dilim ng paligid at sa ayos nito. Pero lahat ng mata ay natuon kay Abby. ‘Yung emerald green na gown ay kuminang sa ilalim ng mga chandelier. Mukha siyang prinsesa na naligaw sa isang corporate event.
“Wait. Sino ‘yun? Ang ganda naman ng babae,” bulong ng isang empleyado mula sa accounting department.
“Parang pamilyar siya. Pero imposible naman na si Abby ‘yan ‘di ba?” sagot naman ng isa pa.
Nang makalapit sila sa table nina Mika at Joy, agad na napatayo ang dalawa. Tinitigan nila si Abby mula ulo hanggang paa. Kahit na naka-makeup at maayos ang buhok, nakilala pa rin nila ang mukha ng intern na palagi nilang binubully.






