
Klarisse de Guzman
MATAPANG na ni-reveal ng Kapamilya singer na si Klarisse De Guzman sa buong universe ang tunay niyang pagkatao.
Diretsahang inamin ng biriterang singer sa “Pinoy Big Borther Celebrity Collab Edition” sa mga kapwa niya housemates na hindi siya straight – kundi isang bisexual.

Sa katunayan, ayon kay Klarisse, meron siyang karelasyon ngayon at mag-aapat na taon na sila.
“Sa tingin ko, ito na yung time para sabihin sa inyong lahat, and to tell the world, that I am not straight. I am bi (bisexual),” ang rebelasyon ng singer.




