Maagang binati ni Dennis Padilla ang stepdaughter na si Dani Barretto sa ika-29 kaarawan nito bukas

Dennis Padilla's advance birthday greeting to Dani Barretto

Sa Instagram, ibinahagi ni Dennis ang kanyang handwritten birthday message kay Dani ngayong Miyerkules ng gabi, October 19.

Makikita rin dito ang isang lumang larawan ni Dani na, ayon kay Dennis, lagpas labinlimang (15) taon nang nakatago sa kanyang pitaka.

Nakalagay sa kanyang sulat na birthday message: “OCT. 20, 2022

Dennis Padilla pens birthday message for stepdaughter Dani Barretto |  ABS-CBN Entertainment

“DEAREST DANI,

“HAPPY B-DAY ANAK!!! YOU ARE A VERY GOOD MOTHER & WIFE!

“AN EFFECTIVE VLOGGER & BUSINESSWOMAN! WE ARE PROUD OF YOU ANAK!!

“GOD BLESS YOU MORE!!

“[HEART EMOJI] PAPA”

“PS: THIS PICTURE HAD BEEN IN MY WALLET FOR MORE THAN 15 YEARS ALREADY…”

Nakasulat sa caption: “Happiiii bday anak… Love you ate dani [praying hands, heart, gift emojis] @danibarretto”

Wala pang reaksiyon si Dani.

Si Dani ay anak ni Marjorie Barretto sa dating karelasyong si Kier Legaspi.

Nang nagkarelasyon sina Dennis at Marjorie, lumaki si Dani sa piling ng actor-comedian kaya naman sariling anak ang turing ni Dennis kay Dani.

Kahit may naging lamat ang relasyon ni Dennis sa mga kapatid ni Dani sa inang si Marjorie, hindi naman nagkaroon ng balitang may alitan si Dani at sa ama nina Julia, Claudia, at Leon Barretto.

Nitong mga nakaraang buwan, naging maingay sa social media ang tungkol sa hindi pagkakaintindihan ni Dennis at panganay na anak na si Julia.

Ayon kay Julia, makailang beses na silang nagkaayos ng ama ngunit muli ring nagkakatampuhan.

Hindi pa rin daw siya handang patawarin ito.

Sabi pa ni Julia sa panayam sa kanya ni Karen Davila noong September 15, “I’ll be very honest, we have not spoken, and it’s because there’s just so much fear inside me now, if I’m being very open.

“I’m just really scared because I feel, like, over the years, it’s been a cycle of making up and getting hurt and then making up and then getting hurt.

“You know, I kinda just want to huminga lang muna from that cycle.

“And, you know, I’ve just been praying also na, I don’t know, maybe in God’s time and way na, you know, mag-meet kami in the middle without having to get hurt again.”