Coco Martin, may magandang mensaheng ipinarating sa ex na si Katherine Luna
– May magandang mensaheng ipinarating si Coco Martin sa ex-girlfriend niyang si Katherine Luna
– Sa pamamagitan ni Ogie Diaz, matutulungan ni Coco si Katherine
– Ito ay matapos na maipalabas at mag-viral ng panayam ni Julius Babao kay Katherine kamakailan
– Matatandaang minsang umugong ang balitang may anak umano si Coco sa ex-girlfriend nitong si Katherine na kalaunan ay napatunayang hindi siya ang ama
Nagpahatid ng magandang mensahe si Coco Martin para sa dating nakarelasyon na si Katherine Luna.

Source: Facebook
Sa pamamagitan ni Ogie Diaz, nasabi ni Coco ang tulong na nais niyang ipaabot sa ex gayundin ang kanyang reaksyon sa naging interview nito mula kay Julius Babao kay Katherine.Sa pamamagitan ni Ogie Diaz, nasabi ni Coco ang tulong na nais niyang ipaabot sa ex gayundin ang kanyang reaksyon sa naging interview nito mula kay Julius Babao kay Katherine.
“Sabi nga ni Coco ay naaawa siya kay Katherine at gusto ko siyang tulungan. Nakulong pala siya. Gusto ko sanang mapaopera ang mga mata niya para makapagtrabaho ulit siya.”
Isa sa magandang balita para kay Katherine ay ang alok ni Coco na role para sa kanya sa Batang Quiapo.
Ito ay sa kabila ng pagkakaroon umano niya ng problema sa mata dahilan bakit hindi na muli siya nakabalik pa sa showbiz.
“Sabihin mo kukunin ko siya sa Batang Quiapo… Kahit hindi pa ayos ang mata niya. Para magkaroon siya ng trabaho at patuloy na maayos ang kanyang buhay at lalo sa mga bata.”
Gayunpaman, paalala ni Coco na sa oportunidad na ibibigay niya kay Katherine, kaakibat nito ang pangakong hindi na raw ito dapat na bumalik pa sa bisyo.
“Pero sana maipangako niya sa akin na aayusin niya ang buhay niya at hindi na babalik sa dating bisyo.”
Isa rin s mensaheng ipinabatid ni Coco kay Katherine ay ang kanyang pagpapatawad dito kaugnay sa pag-aakalang nagkaanak sila subalit kalaunan ay nalaman niyang hindi pala siya ang ama.
“Pakisabi, napatawad ko na siya at kalimutan na namin ‘yun. Ang importante yung ngayon. Gusto ko siyang tulungang makabalik muli sa trabaho para sa panibagong buhay niya.”
Samantala, narito ang kabuuan ng mensahe ni Coco na naibahagi ni Ogie sa kanyang Showbiz Update channel:
Si Coco Martin na may tunay na pangalan na Rodel Pacheco Nacianceno ay isang aktor, direktor at producer sa Pilipinas.
Labis siyang hinangaan sa pagganap niya bilang si Ricardo Dalisay sa FPJ: Ang Probinsyano na tumagal sa ere sa loob ng pitong taon. Sa pagtatapos ng naturang serye, namahinga lamang ng ilang buwan si Coco at balik taping muli siya para sa Batang Quiapo.
Matatandaang naikwento ni Coco Martin sa panayam sa kanya ni Bernadette Sembrano na nabigyan na umano niya ng kanya-kanyang bahay at kanya-kanyang negosyo ang apat pa niyang mga kapatid.
Ang dalawa pa sa mga ito ay bahagi na rin ng FPJ Batang Quiapo. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging mapagbigay, minsan na rin niyang naikwento kung bakit ayaw niyang ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan.
Ito ay dahil sa hindi niya malilimutang karanasan noong bata pa siya na hanggang sa kanya umanong pag-edad ay nadala pa rin umano niya.
Minsan na ring napuri ni Cristy Fermin ang pagiging matulungin ni Coco. Aniya, kulang na lamang ay magpatayo ito ng bahay ampunan sa dami umano ng natutulungan ng aktor.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load