Magbibida si Robin Padilla sa remake ng ‘80s movie na tungkol sa Sulu Sultan at China Emperor na may pamagat na Hari sa Hari, Lahi sa Lahi.
In the bag na raw ito at umoo na ang senador. Pumunta na rin daw si Sen. Robin ng China upang malaman ang totoong kuwento nito ayon sa chairman ng Award for Promoting Philippines-China Understanding (APPCU) na si Atty. Raul Lambino.
Tumalakay ang nasabing pelikula sa magandang relasyon ng Pilipinas at China noong araw at gusto raw sana nila itong ipaalala sa mga tao sa gitna ng territorial dispute na namamagitan sa dalawang bansa.
Pahayag pa ni Atty. Lambino nang makausap namin sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery na pag-aari ni Wilson Lee Flores kamakailan, handa na ang mga producer na sila at inaayos na nila ang script nito para mas maging detalyado at magkaroon ng bagong approach sa kuwento. “I’m being asked by the Chinese producers and talagang gusto nilang i-revive iyong pelikula. Tinanong nila ako kung sinong pwedeng the best na magbida sa pelikula? At sinabi ko na si Sen Robin Padilla,” pag-amin ng abogado.
Dagdag pa niyang pahayag : “He will be the best to do this because, well aside from being a good politician he’s a multi-talented awarded actor. And he is a Muslim.
“If there is one Filipino actor who understands ‘yung mga nangyari about Muslim and Sen Robin is also a very avid historical researcher. Nag-aaral talaga.”
Bilib din aniya siya sa talino ng actor / pulitiko : “I’m very very impressed of Sen Robin’s intellectual capacity. Minamaliit lang kung minsan ang mga artista.”
Ang pelikulang Hari sa Hari, Lahi sa Lahi ay tungkol din sa magandang pagkakaibigan nina Sulu Sultan Paduka Pahala at China Emperor Zhu Di.
Ipinrodyus ito noon ni dating Unang Ginang Imelda Romualdez-Marcos sa pamamagitan ng Cultural Center of the Philippines (CCP) at isinulat naman at idinirehe ito ni Eddie Romero.
Tatlo ang asawa ng Sultan kaya naman bahala na raw si Robin na pumili kung sino ang gaganap na mga asawa. “Siguradong he will consult Mariel (Rodriguez) pagdating diyan,” sabi pa ni APPCU chairman.
Samantala, nananawagan ang APPCU para sa 2025 Pinoy nominees na open simula Feb. 26 to March 25, 2025.
Ang nominasyon ayon sa APPCU ay pagkilala para sa mga nakagawa ng kontribusyon “to fostering friendly ties and mutual understanding between the Philippines and China.”
Ang mga mananalo ay tatanggap ng trophy, certificate, at prize money sa isang formal ceremony sa June 3, 2025. Bukod kay Atty. Lambino kasama sa paglulunsad ng patimpalak sina APPCU president Sixto Benedicto at Laureate Dr. Rommel Banlaoi, Pangasinan province civil leader George Cham, foreign affairs and security analyst Dr. Lucio Pitlo III, at Kamuning Bakery owner Wilson Flores.
Para sa ibang impormasyon sa nomination process at guidelines, bisitahin ang www.apcu.org.ph/appcu. For inquiries, contact the APPCU Secretariat at [email protected] or call +639278959126.
Ang APPCU ay inilunsad noong 2021 na joint effort ng Association for Philippines-China Understanding (APCU) at ng Embassy of the People’s Republic of China in the Republic of the Philippines.
Layunin ng APPCU na i-honor ang mga nag-contribute sa pagpapalawig ng mutual understanding at friendship ng mga Pinoy at China, gayundin ng dalawang nation, para hikayatin ang karagdagang suporta para sa at pagtataguyod ng relasyon ng Pilipinas-China.
Ang APPCU ay may tatlong categories: ito ay ang Hall of Fame, Outstanding Contributions, at Major Contributions.
News
Bea Alonzo’s mom ‘very much affected’ after actress’ split with Dominic Roque
Bea Alonzo (second from left) with her mother Mary Anne (leftmost) and ex-partner Dominic Roque. Images: Instagram/@beaalonzo Bea Alonzo admitted that…
Diamonds complete Andrea Brillantes’ look—and year
Andrea Brillantes will collaborate with LVNA on a Barbie-themed jewelry collection. —ALLAN POLICARPIO Andrea Brillantes showed up to a recent…
‘Wag Paglaruan’ by Fana, Tiara Shaye wins Philpop Himig Handog Festival
Rising singer-songwriters Fana and Tiara Shaye were overwhelmed with gratitude after their song “Wag Paglaruan” won the grand prize at…
Alexie Brooks tops Miss Eco International 2025 online race
SERVING LOOKS. Alexie Mae Brooks. Combined images from her Instagram. The Philippines’ Alexie Mae Brooks topped a pre-arrival race in the upcoming…
Bea Alonzo intrigues netizens after getting cozy with mystery man
Bea Alonzo with her mystery man. Images: Instagram/@beaalonzo, @josetflores Is Bea Alonzo seeing someone new? Shortly after her ex-fiance Dominic Roque made the headlines…
How Andrea Brillantes deals with the ‘curse’ of being beautiful
Andrea Brillantes during the “Star Magic: Spotlight” press conference. Image: Courtesy of Star Magic Andrea Brillantes is owing up to being…
End of content
No more pages to load