Piolo sa umano’y relasyon nila ni Shaina: “She’s able to put up with me through the years”
– Natanong si Piolo Pascual ukol sa estado umano ng kanilang relasyon ni Shaina Magdayao
– Matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating ang dalawa subalit tila walang label sa kanilang relasyon
– Sa ngayon, abala si Piolo sa kabi-kabila niyang proyekto at matatandaang pinasok na rin niya maging ang Teatro
– Pabiro na rin niyang sinagot ang napabalita kamakailan na nabuntis niya umano si Shaina
Nausisa ng ilang press people ang tungkol sa umano’y matagal nang relasyon nina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

Source: Instagram
Matatandaang minsang napabalitang exclusively dating ang dalawa subalit walang malinaw na pag-amin kung ano ang label ng kanilang relasyon.
“Tingnan po natin anong mangyayari. First there is pressure in the family, in the society and she’s good friends with my family. She’s always in our celebration… Let’s see. It’s just for now, I’m really busy and It’s just something I don’t have any time for so I don’t wanna be unfair,” ani Piolo.
“I’m not dating anyway. So what you see when we’re together is just how we are. So, I hope she’s not dating too.”
“Matagal no? Dapat pala ganu’n talaga. Walang commitment. Sabay ganun e (laugh) Para tumagal. Walang pressure. Bata pa rin naman siya.”
Sa ngayon, abala si Piolo sa kabi-kabila niyang proyekto lalo na sa pelikula niya na isa sa mga ito ay ang ‘Mallari’ na pasok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
“Busy po ako. ‘Di ko talaga siya priority kasi nga there’s mutual respect And she’s able to put up with me through the years. Thru ups and downs. We’ve gone to so many not necessarily problems, but issues. She, you know, stuck by me… That’s one thing I really appreciate about Shai. That’s why we are still around.”
Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag mula sa YouTube ni MJ Marfori:
Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang ‘Breakup Playlist’ kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at ‘Starting Over Again’ kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.
Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual.
Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.
Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin.
Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte.
News
Kumpirmado na! Dingdong Dantes, Nagsalita na at Inanunsyo: Magkakaroon na sila ni Marian Rivera ng Baby No.3 – Ano ang mga Emosyon at Kwento sa Likod ng Maligayang Balita?
Kumpirmado na! Dingdong Dantes, Nagsalita na at Inanunsyo: Magkakaroon na sila ni Marian Rivera ng Baby No.3 – Ano ang…
BREAKING: Kathryn Bernardo Opens Up in Exclusive Interview – She and Alden Richards Are Now Officially Together
BREAKING: Kathryn Bernardo Opens Up in Exclusive Interview – She and Alden Richards Are Now Officially Together BREAKING: Kathryn Bernardo…
SHOCKING VIDEO! Kathryn Bernardo, NAGPAKITA ng TENDER MOMENT kasama ang MYSTERY PERSON
SHOCKING VIDEO! Kathryn Bernardo, NAGPAKITA ng TENDER MOMENT kasama ang MYSTERY PERSON SHOCKING VIDEO! Kathryn Bernardo, NAGPAKITA ng TENDER MOMENT…
LATEST NEWS: Ang pag-amin ni Kathryn Bernardo ay ikinagulat ng maraming tao at agad na naglabas ng pahayag ang Star Magic, which is…!
LATEST NEWS: Ang pag-amin ni Kathryn Bernardo ay ikinagulat ng maraming tao at agad na naglabas ng pahayag ang Star…
Andrew Schimmer at misis na si Dimpz, pinakilala sa publiko ang kanilang anak na si Jasmine Andrei
Andrew Schimmer at misis na si Dimpz, pinakilala sa publiko ang kanilang anak na si Jasmine Andrei – Pinakilala nina…
Queen D, napasugod sa Bahay ni Kuya dahil umano kay Ashley Ortega
Queen D, napasugod sa Bahay ni Kuya dahil umano kay Ashley Ortega – Napasugod ang content creator na si Queen…
End of content
No more pages to load