Challenges in Catriona Gray & Sam Milby’s Relationship

Cornerstone: “We kindly request that everyone respect their privacy.”
Catriona Gray, Sam Milby "working on resolving issues together"
Cornerstone Entertainment on engaged couple Catriona Gray and Sam Milby: “While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”

PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Naglabas ng statement ang Cornerstone Entertainment, ang management company nina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Kapamilya actor Sam Milby, kaugnay ng mga ulat na hiwalay na umano ang engaged couple.

Sa pamamagitan ng social media ngayong Miyerkules, February 28, 2024, inamin ng Cornerstone na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam. Pero sinusubukan daw ng dalawa na ayusin ito.

Bahagi ng pahayag: “We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.

“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”

Nakiusap ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang pinaplantsa nila ang kanilang gusot.

“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.

“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”

 

CATRIONA NOT WEARING ENGAGEMENT RING

Kumalat ang balitang nagwakas na umano ang relasyon nina Catriona at Sam nang mapag-usapan ito sa vlog sa YouTube ni Ogie Diaz noong Febuary 24, 2024.

Ayon kay Ogie, may nakapagsabi sa kanyang source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.

Sa katunayan daw, noong nangdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6 ay wala na sila ni Sam.

ANONGBALITA: Agency says Sam Milby, Catriona Gray working out 'relationship  challenges' - Manila Standard

Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos nitong mag-propose noong February 16, 2023.

Hindi ito ang unang beses naintriga ang relasyon nina Catriona at Sam.

Noong February 4, 2024, umugong ang espekulasyong hiwalay na ang dalawa matapos mapansin ng mapanuring netizens na hindi suot ni Catriona ang kanyang engagement ring.

February 8, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.

Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel kina Catriona at Sam.

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon sina Catriona at Sam tungkol sa estado ng kanilang relasyon.