Hindi nagkakalayo ang mga karanasan ng South Korean actor na si Kim Soo Hyun at ng Flipino actress-TV host na si Kim Chiu.

Ang popularidad ni Kim Soo Hyun sa Pilipinas ang dahilan kaya sinusubaybayan ng mga Pilipino ang mga nangyayari sa kontrobersiyang hinaharap niya ngayon.

Ito ay kaugnay ng pagkakabunyag ng relasyon nila noon ng yumaong aktres na si Kim Sae Ron.

YOUR LES JOURS on PEP.ph

Ayon sa mga lumabas na ulat, menor de edad (15) pa lamang noon si Kim Sae Ron nang maging sila ni Kim Soo Hyun, na noon ay 27 anyos.

Noong una ay mariing pinabulaanan ng kampo ni Kim Soo Hyun na nakarelasyon nito si Kim Sae Ron.

 

Matapos maglabas ng mga larawan at iba pa umanong ebidensiya ang ilang Korean news sites, umamin ang kampo ni Kim Soo Hyun na nagkarelasyon nga ito kay Kim Sae Reon.

Ngunit taliwas sa alegasyong menor de edad lang noon si Kim Sae Ron at tumagal ng anim na taon ang kanilang relasyon (huling bahagi ng 2015 hanggang unang bahagi ng 2022), iginiit ng kampo ni Kim Soo Hyun na nasa hustong gulang na ang aktres at tumagal lamang ng isang taon ang relasyon ng dalawa — mula summer (June to August) ng 2019 hanggang autumn (September to November) ng 2020.

 

Ang malaking eskandalo at pagsubok na kinakaharap ngayon ni Kim Soo Hyun ang naging mitsa kaya naka-hold ang acting projects niya at nawalan siya ng product endorsements na milyun-milyong salapi ang halaga.

POPULAR BAKERY CHAIN CUTS TIES WITH KIM SOO HYUN

Ang Tous les Jours, ang sikat na bakery chain ng largest South Korean conglomerate na CJ Group, ang isa sa mga nagdesisyong tapusin ang kontrata nila kay Kim Soo Hyun dahil sa usaping kinasasangkutan nito.

Sinabi ng tagapagsalita ng CJ Group, “The contract was originally set to expire at the end of this month. The company has decided not to extend the deal.”

Kasunod ng anunsiyo ng CJ Group ang pag-aalis nila ng mga poster ni Kim Soo Hyun sa branches ng Tous les Jours, na may mga sangay rin sa Pilipinas.

kim soo hyun tour les jours

A worker removes promotional tarpaulin of Kim Soo Hyun in one of the branches of a popular bakery chain in South Korea. 
Photo/s: X (Twitter)

KIM CHIU GETS BASHED FOR “DASURV” SPIEL

Ang Kapamilya actress-TV host namang si Kim Chiu ay nakatanggap ng batikos mula sa mga tagasuporta ni ex-President Rodrigo Duterte dahil sa “Dasurv” opening spiels nila ng co-host na si Vhong Navarro sa It’s Showtime noong nakaraang Miyerkules, Marso 12, 2025.

Naniniwala ang Duterte supporters na patama sa dating Pangulo ang spiel na ito ni Kim sa noontime show ng ABS-CBN: “At para naman sa mga feeling nila ay hindi pa dumarating ang tamang panahon para sa kanila… ang masasabi namin, dasurv! Wait, hindi pa ako tapos… dasurv ninyong rumesbak sa buhay!!!”

 

Binigyan ito ng kahulugan ng mga sumusuporta kay Duterte dahil isang araw bago ito, noong March 11, dinakip ng International Criminal Police Ogranization (Interpol) ang dating Pangulo sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa bisa ng warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC).

Nahaharap si Duterte sa mabigat na paratang na crimes against humanity dahil sa drug war nito mula nang manungkulan siyang mayor ng Davao City hanggang maluklok bulang Presidente ng Pilipinas.

Paliwanag ni Kim Chiu, binasa lamang niya ang spiel kaya nagulat siya sa negatibong reaksiyon mula sa Dutete supporters.

Ito rin ang pinaghihinalaang dahilan kaya tinakpan ang mukha ni Kim sa promotional tarpaulin na nakalagay sa isang sangay ng iniendorso niyang baskeshop, ang Julie’s Bakeshop, sa Indangan, Davao.

Nakunan ng video at kumalat sa social media ang pagtatakip ng mukha ng actress-TV host.

 

Noong Sabado, Marso 15, 2025, nagpadala ng mensahe ang Cabinet Files sa official Facebook page ng bakery chain na iniendorso ni Kim para sa kanilang panig at reaksiyon tungkol sa pinag-uusapanng isyu.

Pero hanggang ngayon ay hindi pa sumasagot ang kanilang pamunuan.