Jam Ignacio flies to Japan after NBI visit

Jellie Aw is “getting better” after mauling incident.
Jam Ignacio shows up at the NBI
Jam Ignacio (left) visited the office of National Bureau of Investigation (NBI) director Jaime Santiago (right) on February 21, 2025, a day after he was supposed to present his counter-affidavit on the physical abuse complaint filed by his fiancée Jellie Aw (not in photo). 

PHOTO/S: Courtesy: GMA News on Facebook

Sikretong nagpunta si Jam Ignacio sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) noong February 21, 2025.

Ayon sa ulat ng GMA News, humarap si Jam kay NBI director Jaime Santiago at iba pang opisyal ng ahensiya.

Ito ay matapos hindi siputin ni Jam ang itinakdang araw kung kailan siya dapat pumunta sa tanggapan ng NBI, noong February 20, kaugnay ng reklamong physical abuse ng fiancée niyang si Jellie Aw.

Base sa maririnig na usapan sa pagitan nina Jam at Santiago, magsasampa ang NBI ng reklamo sa husgado at doon na lamang magpa-file ng counter-affidavit si Jam

Ito rin ang sinabi noon ng legal counsel ni Jam na si Atty. Oscar Karaan, na handa raw silang humarap sa anumang fiscal’s office sakaling maisampa ang reklamo doon.

Pahayag ng legal counsel ni Jam noong February 20 sa ABS-CBN News: “We already sent a letter to the NBI that my client will no longer appear during the hearing to be conducted by the NBI.

“The NBI can just refer the matter to the appropriate fiscal’s office with jurisdiction over the case and then we’ll answer the case that will be filed against my client.”

Noong panahon ding iyon, umaasa ang abogado ni Jam na magkakaayos pa ang dalawang kampo.

“My client, he is trying to mend with his girlfriend para sana ma-settle ito out of court or out of the fiscal’s office para hindi na humaba kasi pinagpipiyestahan sila sa social media.

“Hindi naman kailangan umabot sa ganung sitwasyon. Dahil usapin ito na puwede naman nilang i-settle between themselves.”

JAM IGNACIO IN JAPAN

February 22, 2025, sunud-sunod ang pag-upload ni Jam sa kanyang Instagram Stories ng update tungkol sa sarili.

Lumalabas na lumipad si Jam sa Japan matapos bumisita sa NBI office.

Unang ibinahagi ni Jam ang litrato ng isang pakpak ng eroplano na nagpapahiwatig na siya ay nasa himpapawid.

Jam Ignacio Japan

Sinundan niya ito ng larawan ng train station sa may Keihin-Tohoku Line, na nag-uugnay sa mga siyudad ng Saitama, Kawaguchi, Tokyo, Kawasaki, at Yokohama sa Japan.

Jam Ignacio Japan

Ipinakita rin ni Jam ang mga pagkaing in-order niya—ramen at gyoza.

Jam Ignacio Japan

Samantala, hindi pa nagbibigay ng bagong pahayag si Jam matapos niyang humingi ng tawad kay Jellie dahil sa pambubugbog niya rito.

Pero nanindigan si Jellie na hindi na siya magpapakasal kay Jam kahit napatawad na niya umano ito.

Pahayag ni Jellie sa isang panayam noong February 21, “Wala na pong kasal na magaganap o matutuloy yung mga napag-usapan namin dahil po sa nangyari.”

Sabi pa ni Jellie, hindi katanggap-tanggap ang rason ni Jam na napuno lang ito at dahil sa sobrang pagod kaya’t nasaktan at nabugbog niya ang nobya.

Saad ng club DJ: “Hindi po puwedeng napuno lang siya, e.

“Paano [na lang] po kapag pinagbigyan ko pa siya ng second chance, paano kung napuno po siya sa akin ulit, gagawin po niya ulit yon, mas grabe pa?”

Sa pinakabagong pahayag ni Jellie, sinabi nito: “I’m getting better.

“Kung makikita niyo, may pasa pa ako sa mata at yung ngipin ko, basag pa rin.

“Pero naka-schedule na po ako sa dentist ko sa Tuesday kaya magagawa na po siya.

“Ang labi ko, okay na po siya. Tuyo na ang sugat.”

Bagamat tila hindi na maibabalik ang dating relasyon ng dalawa, nananatili pa ring naka-follow sa isa’t isa sina Jellie at Jam sa Instagram.

Jellie Aw still follows Jam Ignacio on Instagram
ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓
Jam Ignacio still follows Jellie Aw on Instagram