Rikki Mae Davao remembers last thing she told dad Ricky

Rikki Mae Davao says “small moments” with dad Ricky were the best.

Rikki Mae Davao recalls last words to dad Ricky Davao before he passed away.

Rikki Mae Davao on dad Ricky’s love language: “Yung mga mundane things, yung mga maliliit na bagay. Pero si Papa dun niya pinakita yung pagmamahal niya. Even as simple as checking on us, ‘How are you?’ Or actually, nag-joke kami. Yung nagtatanong siya, ‘May chichirya pa ba?’ It’s showing lang na he thinks of us.”
PHOTO/S: @getyourfrikon Instagram

Kita kay Rikki Mae Davao ang katatagan ng loob sa kabila pagdadalamhati sa pagpanaw ng amang si Ricky Davao.

Noong May 9, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at 24 Oras si Rikki Mae sa huling gabi ng lamay para sa yumaong actor-director.

Ibinahagi niya na limang buwang nasa ospital ang ama, pero noong huli ay hiniling nitong umuwi na ng bahay.

Isang linggong nasa bahay si Ricky bago ito binawian ng buhay noong May 1, 2025.

Pumanaw si Ricky sa edad na 63 dahil sa kumplikasyong dulot ng cancer.

“We were able to take him home. And he was able to stay in the house for one week,” lahad ni Rikki Mae.

“Kasi yun talaga yung hope ko na maiuwi namin si Papa because I don’t want him to end up sa hospital.

“So, yung last moments namin is we were, when we had an idea na medyo, you know… the doctor said, baka time na rin to say our goodbyes.

“We each went in the room. We talked to him individually.

“And he was not able to speak because he was medicated na rin.

“His eyes were closed, pero alam mo, he had tears falling from his eyes.

“So, ako alam ko na narinig niya ako.”

Ano ang sinabi niya sa ama?

“Yung last words ko kay Papa is ‘Thank you for being the best, Papa. And I will always be your baby girl,’” ani Rikki Mae.

Noong nakakapagsalita pa si Ricky, simple lang daw ang usapan nilang mag-ama.

Kuwento pa ni Rikki Mae: “During those times na we could still communicate better, more of nag-chitchat lang siya sa akin. ‘How are you?’

“Kasi siyempre ako, ayoko siyang i-bother. Parang, ‘Relax ka lang, Dad. We’ll play music for you.’

“We just want him to be relaxed.”

Nanghihingi rin daw si Rikki Mae ng acting tips mula sa ama.

“Yung mga pinapag-usapan namin was actually yung mga taping ko.

Rikki Mae Davao’s eulogy for dad Ricky Davao

“Kasi that time I was still shooting Widow’s War. So, I would show him my [scene], kasi para ma-distract din siya.

“Parang, ‘Dad, tingnan mo yung scene ko. What do you think?’”

Pagpapatuloy ni Rikki Mae: “Si Papa, director yun, e. So, whether good or bad, sasabihin niya sa akin, nagbibigay siya ng feedback, nagbibigay siya ng tips sa akin.

“So, yun din yung mga bonding moments namin na hindi ko na makakalimutan.

“Kasi he really loved what he did talaga.”

Bago pa ma-confine sa ospital si Ricky, bumida pa siya sa musical play na Silver Lining.

Na-miss daw nang husto ng ama ang pagtatrabaho noong nagkasakit ito.

“Wala talaga akong masabi sa work ethic ni Papa.

“Even when he was starting to have issues with his neck at home, nagbabasa pa rin siya ng script.

“Kasi he’s waiting. Pag okay na siya, gu-go na siya ulit.

“And he had to actually pull out from some projects kasi hindi na rin siya mahintay because of matagal na rin talaga [siya na naka-leave of absence].

“But, you know, he was able to finish two movies last year.

“Tapos actually now, lalabas pa siya sa isang show na it hasn’t shown yet in GMA.”

Rikki Mae says she and dad Ricky would often check on each other via text messages, and she even showed some of them during her eulogy.

Rikki Mae says she and dad Ricky would often check on each other via text messages, and she even showed some of them during her eulogy. 
Photo/s: @getyourfrikon Instagram

EULOGY FOR RICKY DAVAO

Ikinuwento rin ni Rikki Mae na “sobrang emosyonal” ang lahat sa eulogy para kay Ricky noong huling gabi ng lamay.

Nagsalita raw ang malapit na kaibigan nitong si Bibeth Orteza, na ani Rikki Mae ay kaisa-isang taong “kinatatakutan” ng ama.

Nag-eulogy din ang pinsan ni Rikki Mae na si Janine Gutierrez at producer ng Silver Lining na si Jack Teotico.

May pagbibigay-pugay din sina Jackie Lou, ang anak na si Ara, at si Rikki Mae.

“Grabe yung emotion. Kasi grabe din yung pagmamahal na nararamdaman namin sa mga tao na naman.

“And I’m sure na si Papa, sobrang kinikilig yun na watching, listening, and everything.”

Sa parte ni Rikki, sinabi niyang hindi raw style ng ama ang “grand gesture.”

Pero pinakatumatak kay Rikki ang pagiging komedyante at maalalahanin ng ama.

“Actually, may dala akong PowerPoint presentation. Nagpapakita ako ng mga screenshots of our messages.

“Yung mga mundane things, yung mga maliliit na bagay. Pero si Papa dun niya pinakita yung pagmamahal niya.

“Even as simple as checking on us, ‘How are you?’ Or actually, nag-joke kami.

“Yung nagtatanong siya, ‘May chichirya pa ba?’ It’s showing lang na he thinks of us.

“And he’s always looking out for us, his friends… So yun yung mga shinare ko [sa eulogy].”

ON MOM JACKIE LOU’S CLOSURE WITH RICKY

Hiningan din ng PEP ng komento si Rikki Mae sa madamdaming speech ng kanyang inang si Jackie Lou.

Bukod sa kuwento ni Jackie Lou na nagkaroon sila ng closure ni Ricky, madamdamin din ang tagpong pagkilala nito sa partner ni Ricky na si Malca.

Apat na taong magkarelasyon sina Ricky at Malca, at nagpasalamat si Jackie Lou sa pag-aalaga ni Malca sa actor-director.

“My mom kasi, she’s really such a good person.

“And yung nangyari sa kanila ni Papa, matagal na rin naman kasi siya na naghiwalay sila.

“Pero siyempre, may awkwardness.

“So ako bilang anak, masaya lang ako na before he passed, she was able to say her piece.

“And I think that they were able to be at peace with kung ano man yung nangyari sa kanila.

“And my mom really gave a beautiful eulogy honoring my dad.

“Not just as yung dati niyang partner, pero bilang tatay, bilang lolo, and bilang tao na, kumbaga, a person na she learned so many things from along the way.”