Kumusta ang ratings ng bagong teleserye nina Sofia Pablo at Jillian Ward?

sofia pablo jillian ward issue
Sofia Pablo (left) on Jillian Ward (right): “Kumbaga, it’s a feud na sobrang tagal na, and I think one of the things kung bakit hindi namin siya naayos because we never got to talk about it.”

PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Magkasabay na nag-pilot ang mga programa nina Jillian Ward at Sofia Pablo noong Lunes, Enero 13, 2025.

Si Jillian ay tampok sa primetime series na My Ilonggo Girl, habang si Sofia naman ang bida sa Prinsesa ng City Jail.

Ang My Ilonggo Girl, na sumunod sa Widows’ War, ay naka-6.2% sa pilot episode nito. Ang katapat nitong PBB Gen 11 ay 3.1%.

jillian ward my ilongga girl
Jillian Ward in My Ilongga Girl 

Photo/s: GMA Network

Malaki naman ang posibilidad na maging prinsesa ng Kapuso afternoon prime si Sofia dahil sa magandang rating ng pagsisimula ng Prinsesa ng City Jail, na napapanood pagkatapos ng Atty. Lilet Matias: Attorney-At-Law.

Sa pilot episode nito noong Lunes, ang Prinsesa ng City Jail ay nakapagtala ng pinakamataas na ratings sa lahat ng afternoon drama ng GMA-7. Naka-7.2% ito.

sofia pablo prinsesa ng city jail
Sofia Pablo in Prinsesa ng City Jail 

Photo/s: GMA Network

JILLIAN WARD-SOFIA PABLO ISSUE

Nagbida noon sina Jillian at Sofia, kasama si Althea Ablan sa Prima Donnas.

Sa interview ni Nelson Canlas sa 24 Oras na umere kagabi, Enero 13, nagsalita si Sofia tungkol sa kanila ni Jillian.

Ani Sofia: “I’ve always said na hindi kami magkaaway, hindi rin kami magkasundo or something.

“But the truth is I say that para iwas-isyu na sa amin both.

“Kumbaga, it’s a feud na sobrang tagal na, and I think one of the things kung bakit hindi namin siya naayos because we never got to talk about it.”

Hindi niya maipaliwanag kung saan nagsimula ang hidwaan.

“Gulat na lang ako bakit biglang hindi na. Ganun yung nangyari sa amin and after nun, we never talked anymore.

“We’re close tapos biglang wala na. Like, literal, wala na. Wala pong buwelo na ilangan, literal stopped.”

Sabi pa ni Sofia, “Ayoko na rin nai-issue kami both lalo na pareho kaming nasa peak ng careers.

“You can’t force friendship to reconcile out of nowhere lalo na pag wala pa kayong reasons na… hindi naman reasons.

“Parang, wala pa kayong ways na paano nga tayo magkakaayos, e, walang gusto na ano ang nangyari?”

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Jillian tungkol sa isyung ito.

JERRY OLEA

Narito ang ratings ng iba pang programa mula noontime hanggang hapon…

Ang It’s Showtime ay 5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.3%.

Ang Lilet Matias ay naka-6.9%, at ang Forever Young naman ay naka-6.3%.

Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 4.4%, at ang katapat nitong Wil To Win ay 1.5%.

Sumunod ang Love at First Night na naka-3.2%.

Ang Family Feud ay 9.5%.

PRIMETIME RATINGS

Pagdating sa primetime, nananatiling mataas pa rin ang 24 Oras. Naka-12.8% ito nung Lunes.

Ang Frontline Pilipinas ay 4%, at ang TV Patrol ay 3.3%.

Patuloy pa ring namamayagpag ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin na hindi bumababa sa 15% ang aggregated ratings nito. Naka-15.5% ito.

Maaksyon ang episode ng Mga Batang Riles nung Lunes, at naka-8.5% ito.

Ang Widows’ War ay 8.1%, habang ang Lavender Fields ay naka-7.6%.

Nasa finale week na pareho ang dalawang teleseryeng ito.

Simula Enero 20, Lunes, ang kapalit ng Lavender Fields ay ang Incognito.

Makakatapat ng Incognito ang Mga Batang Riles na uurong ang timeslot sa 8:50 P.M.

Sa Lunes ang pilot ng Lolong: Bayani ng Bayan, na tatapat sa FPJ’s Batang Quiapo.

Iyong Lolong ni Ruru Madrid ang “nagpatumba” noon sa FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Co-star noon ni Ruru sa Lolong si Christopher de Leon, na ngayon ay nasa FPJ’s Batang Quiapo.

Ang “kapalit” ni Christopher bilang kontrabida sa Lolong: Bayani ng Bayan ay si John Arcilla, na isa sa labintatlong hurado ng 50th MMFF.

NOEL FERRER

Nakakatuwa na umaalagwa nang bonggang-bongga ang career ni Michael Sager, na isa sa mga paboritong young actor ni Tito Jerry.

Buti na lang at nagtapos na ang panghapong programa na Shining Inheritance.

Sa umaga ay nasa TiktoClock si Michael, at sa gabi ay nasa My Ilonggo Girl.

Totoo bang may ilang Kapuso actors nang nag-react na mas pinapaboran daw ngayon itong Canadian boy kesa sa mga lumaki at nakilala na talaga sa GMA-7?

May nag-comment daw na bakit mas paborito pa raw si Michael na co-managed sa Cornerstone, gayung ang iba ay homegrown talents na solong mina-manage ng Sparkle?