Simple at napaka-intimate ng selebrasyon ng mag-asawang Patrick Garcia at Nikka Martinez na nagdiwang ng kanilang 10th wedding anniversary noong Sabado, March 23, 2025.
Nagkaroon sila ng renewal of vows sa The Lind, Boracay.
Isang Christian ceremony ito na dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan.

Patrick Garcia and wife Nikka Martinez with the pastor who officiated the ceremony for the renewal of their wedding vows
Nandoon siyempre ang Team Kramer ng mag-asawang Cheska at Doug…

Team Kramer: husband and wife Doug and Cheska Kramer (seated) with their kids (L-R) Kendra, Gavin, and Scarlett

Siblings Cheska Kramer and Patrick Garcia, who started their showbiz careers in Ang TV Kids

Garcia siblings Cheska Garcia-Kramer (L), Patrick Garcia (2nd from R), and Pichon Garcia (R) with Patrick’s wife Nikka Martinez-Garcia (2nd from L)
…at ilan sa close friends sa showbiz na sina Paolo Contis, Kaye Abad, at Isabel Oli.
Nagkita raw sa okasyon ang mag-ex na Paolo at Isabel, pero hindi na ako sinagot ng aktor nang tinanong ko kung nagkatsikahan ba sila.
Nag-confirm na darating si John Lloyd Cruz, pero hindi ito nakarating dahil nagkaroon daw sa kanila ng emergency. Hindi naman sinabi kung anong nangyari.
Sa loob ng sampung taong pagsasama nina Patrick at Nikka bilang mag-asawa, nagkaroon sila ng apat na anak.

Cheska Kramer (2nd from L) with the daughters of her brother Patrick: Chelsea (R), Nicole Patrice (L), and Francisca Pia (2nd from R)
Kitang-kita ang saya nila, lalo na si Patrick na sumasayaw-sayaw pa pagpasok nito sa lugar kung saan ginanap ang seremonya.
Congratulations sa mag-asawang Patrick at Nikka!

Cousins Chelsea Garcia, the eldest of Patrick Garcia and wife Nikka, with Gavin Kramer, the unico hijo of Doug and Cheska Kramer
JERRY OLEA
Matagal nang nag-confirm si Paolo na dadalo siya sa renewal of vows nina Patrick at Nikka.
Kaya hindi siya makakadalo sa Star Awards for Television ngayong gabi, March 23, Sunday night, sa Dolphy Theater.
Nagwagi si Paolo bilang Best Actor in a Single Performance kung saan ginampanan niya ang role ng businessman/vlogger at dating manager ni Herlene Budol na si Wilbert Tolentino sa Magpakailanman.
Mukhang may binubuong magandang project ang magkakaibigang Patrick, Paolo, at John Lloyd.
Ayaw nilang sabihin kung pelikula o TV show ito, pero mukhang isang TV show na pagsasamahan nilang tatlo.
Hindi lang namin sure kung kasali rin ba si Kaye Abad na naka-base na sa Cebu.
NOEL FERRER
A-attend din talaga ako dapat sa renewal of vows nina Patrick at Nikka, pero ang dami lang talagang ganap dito, at nagpasabi na ako sa mag-asawa.
Bagama’t na-miss ko ang event, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal at paggalang ko sa kanilang dalawa at kung paano nila inayos ang kanilang buhay lalo na ang kanilang pamilya. Nakaka-proud talaga.

patrick and nikka garcia at the renewal of thheir wedding vows
Pareho rin silang awarded for their great performance sa kanilang work bilang financial advisers.
At bilang aktor, naghihintay lang kami ni Patrick ng magagandang roles na worth his time para mag-leave sa kanyang day job at iwan ang kanyang pamilya pansamantala, if ever.
Sana, ito na ngang niluluto nilang proyektong magkakaibigan kung sakali.
In the meantime, soon to be released na ang pelikulang ConMom tampok sina Kaye, Paolo, at Patrick, kasama rin si Empoy Marquez. Abangan natin ito!
News
SH0CK: Marjorie Barretto, Hindi Na Nakapagpigil: ‘My Kids Are Hurting Dahil Kay Dennis Padilla’ – Hindi Niyo Alam Ang Nangyayari Behind Closed Doors!
As she bares details of Dennis’ alleged physical, verbal, financial, and emotional abuse (From left) Marjorie Barretto and Dennis Padilla….
Julia Barretto BINANATAN si Dennis Padilla sa Kasal ni Claudia — Lahat na-SH0CKED sa Mga Binitawang Salita Niya!
Julia Barretto NAGSALITA NA laban sa AMA na si Dennis Padilla | Claudia & Basti Lorenzo Wedding MANILA, Philippines –…
Nakakaiyak! Olivia Rodrigo Naiyak On Stage Habang Inaalala ang Kanyang Pinoy Roots!
Filipino-American singer Olivia Rodrigo shared an emotional moment from her GUTS tour, which took place during her performance of “Enough for You”…
WATCH: Naiyak si Olivia Rodrigo Pagkatapos ng PH Concert – Fans Naiwan sa Sh0ck ng Emosyonal na Video!
Olivia Rodrigo couldn’t help but shed some tears after her concert at the Philippine Arena in October. An emotional moment…
PILITA CORRALES, Legend of Filipino Music, Passes Away at 85 – Sh0cking Cause of Death REVEALED!!
Isang malungkot na balita ang sumalubong sa mga tagahanga at tagasubaybay nang pumanaw si Pilita Corrales sa edad na 85. Ang kanyang…
LUCY TORRES BREAKS DOWN IN TEARS! SH0CKING SECRET REVEALED on Richard Gomez’s 50th Birthday – YOU WON’T BELIEVE THE TRUTH! (WATCH THE VIDEO!)
Umiiyak si LUCY TORRES! SOBRANG SHOCKING REVEAL! ANG PAGKAKATAO ni Richard Gomez❤️Ika-50 Kaarawan ni Lucy Torres Gomez, TINGNAN NATIN ANG…
End of content
No more pages to load