DJ Koo assures that Barbie Hsu’s assets would be managed by her family.

Barbie Hsu's husband DJ Koo addresses money issues involving Barbie's inheritance.

DJ Koo reveals that he signed a premarital agreement with late Taiwanese and Meteor Garden actress Barbie Hsu. 

PHOTO/S: @djkoo Instagram

Kinumpirma ng South Korean DJ-producer na si Koo Jun Yup o mas kilala bilang DJ Koo na may katotohanan ang lumalabas na balitang nagkaroon sila ng premarital agreement ng asawang si Barbie Hsu.

Ito’y sa gitna ng espekulasyon sa hatian ng napabalitang naiwang multimillion-dollar fortune ng namayapang Taiwanese at Meteor Garden actress.

barbie hsu husband dj koo
Photo/s: Instagram

Nitong Lunes, February 10, 2025, iniulat ng ilang Taiwan media sites ang pag-amin ni DJ Koo na pumirma sila ng prenup agreement ni Barbie bago pa sila ikasal.

Ang prenup agreement ay kasunduan ng mag-asawa para pangalagaan ang kani-kanilang properties at assets.

Isang advantage nito ay mapapangalagaan ang properties ng babae at lalaki kung sakaling magdesisyon silang maghiwalay.

Ngunit sa kabila ng pag-amin ni DJ Koo, napag-alaman ding hindi pala notaryado ang prenup agreement nila ni Barbie.

Ibig sabihin, maaari itong ikonsidera ng korte na invalid at mapawalang-bisa ang kanilang napagkasunduan.

Kapag nagakataon, ang naiwang pera at real estate properties ni Barbie ay maaaring mapunta kay DJ Koo, taliwas sa inaasahang mapupunta lahat ng ito sa naiwang pamilya ng aktres, lalo na sa kanyang ina at dalawang anak.

DJ KOO TO TURNOVER BARBIE HSU ASSETS TO MOTHER-IN-LAW

Noong February 6, nauna nang nagsalita si DJ Koo tungkol sa naiwang ari-arian ng asawa niyang si Barbie.

Iyon ang unang beses na nagsalita siya mula nang maiulat ang pagpanaw ni Barbie noong February 2, sa edad na 48.

Ilang araw nang usap-usapan ang tungkol sa naiwang pera at real estate properties ni Barbie, base sa mga ulat ng iba’t ibang international online news sites.

Naiulat sa Mirror Media na tumanggap si Barbie ng $19M mula sa hatian ng total assets nila ng ex-husband na si Wang Xiaofei, isang Chinese businessman.

Nag-divorce sina Barbie at Wang noong 2021.

Dagdag pa rito ang ulat ng Sohu na may iniwang 720-square-meter villa si Wang para sa dalawang anak nila ni Barbie.

Ayon kay DJ Koo, hindi niya kayang palampasin ang paninira sa kanyang pamilya gawa ng mga isyung may kinalaman sa pera.

Magkahalong Korean at Chinese ang mensahe niya sa Instagram, na naisalin sa wikang Ingles base sa Google Translate.

Tinawag ni DJ Koo si Barbie na “Seo Hee-won” na Korean name ng aktres.

Pahayag ni DJ Koo: “On February 2, 2025, my angel returned to heaven.

“First, I would like to express my deep gratitude to all those who mourned Heewon.

“I am currently going through a time of indescribable sorrow and pain, and a time of heartbreaking pain.

“I had no strength to say anything, and I did not want to say anything.

“But even before the pain of great loss and the time of mourning passed, devilish people began to slander our family and my love.

“Some people pretend to be sad and walk around in the rain, and others try to hurt our family by creating fake news about insurance and expenses.

“I am afraid that such evil people really exist in the world.”

Bago pa nagsalita si DJ Koo, tampulan din ng espekulasyon kung may mamanahin siya o wala.

Bagay na kinondena ni DJ Koo na hindi niya kailanman papakilalaman ang ari-arian at yamang naiwan ng yumao niyang maybahay.

Plano raw niyang ibigay ang lahat ng aniya’y pinaghirapang assets ni Barbie sa ina ng aktres.

Ani DJ Koo: “Please, can you not just stay still so that Heewon can rest in peace? Please, I beg you.

“And I will tell you about the precious legacy Heewon left behind.

“All of that legacy was saved through the sweat and tears of Hee-won while she was alive to protect her beloved family, so I plan to give all authority over me to my mother-in-law.

“I plan to take legal action through a lawyer to protect my children until they become adults so that bad people cannot touch them.”