INAKIT AT PINAKASALAN NIYA ANG MATANDANG MILYONARYA DAHIL SA PERA, PERO IKAKAGULAT NIYO ANG NANGYARI

Posted by

Inakit at pinakasalan niya ang milyonarya para maging tagapagmana, pero hindi niya inaasahan ang gagawin nito. Si Adam Francis, isang mapanlinlang na lalaking nagdesisyong magpakasal sa isang mayamang matandang babae para makuha ang lahat ng yaman nito at pera. ‘Yun nga lamang ay masyado niyang minaliit ang kakayahan ng matandang babae dahil na rin sa edad nito. Hindi makapaniwala sa panghabang-buhay na leksyong kanyang daranasin.

Si Adam ay isang 23-anyos na lalaking kinukondena ang pagtatrabaho. Siya ay sinusuportahan ng kanyang magulang hangga’t sa abot ng kanilang makakaya. Ang kanyang magulang, nang mapagtantong wala nang mararating ang kanilang anak, ay pinilit nitong maghanap ng trabaho at kumilos sa buhay. Dala ng labis na pagpupumilit ng magulang ay nagawa ni Adam na maghanap ng trabaho at napasok nga siya sa isang cafe. Pero late na siya laging nakakapasok at wala ding pinapakitang pagtatyaga sa kanyang pagkilos.

Sa loob-looban ng lalaki ay ayaw niya ng ganoong buhay. Pero kailangan niya ng pera para makabili ng mamahaling kasuotan, makapunta sa magagandang lugar, pero walang-wala ang kanyang pamilya. Dagdag pa na si Adam ay halos mag-ubos ng pera na nakukuha niya sa kanyang trabaho, kaya sa pagkakataon ng pangangailangan niya at bayarin ay kinakailangan pa niyang sumandal sa iba. Sa kabila ng kanyang magandang wangis at pangangatawan ay bibihira siyang makatagpo ng isang babae na makakayang ibigay ang kanyang kailangan para sa kanyang luho.

Labag man sa loob ni Adam ay nagtatrabaho siya nang nagtatrabaho ng walang tigil nang biglang, dahil sa isang hindi inaasahang bisita sa cafe, ay nagawang magbago ng lahat. Nakasanayan na niyang makakita ng mga trabahador sa araw-araw at ordinaryong mga tao na nais lamang magkape bago pumunta sa kakaiba nilang destinasyon. Nang araw na iyon ay isang magarang kotse ang pumarada sa harap ng kanilang venue. Dumating na ang amo ni Adam.

Isang matandang babae na may puting buhok at mga kulubot sa mukha na nagpapahiwatig pang lalo ng kanyang katandaan. Magara itong nakaayos, naglakad padiretso at pumila para maka-order ng kape. Si Adam noon ay abala naman sa pagseserbisyo sa mga customers. Nang mga sandaling iyon ay nagawang magkasalubong ng tingin ni Adam at ng kanyang amo. Habang inoobserbahan ang matanda sa klase ng suot nito, gayon din sa mga kasama nitong security personnel, ay mabilis na napagtanto ni Adam na hindi lamang isang ordinaryong customer ang babae.

Dito na nagbago ang kanyang pag-uugali at pagkilos, kusa na napangiti na lamang siya at nag-astang mabait. Agad siyang lumapit.

“Hello po, Ma’am. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo para sa tanghaling ito?”

“Isang espresso lang sana ang para sa akin at isang tsaa para sa aking driver.”

Matapos makuha ang simpleng order ng matanda ay nagmadali na si Adam na maasikaso ito at ilang sandali nga lamang ay nagawa niyang maihatid ang orders. Ngayon lamang kumilos si Adam ng ganoong kasinop sa trabaho na halos perpekto niyang nagawa. Matapos maiabot ni Mike sa matanda ang order ay nagawa nang magpakita ni Adam ng apeksyon sa pamamagitan ng kanyang tingin.

“Malinaw sa akin na isa kang negosyanteng babae. Tama ba? Baka lang kasi may tanggapan sa inyong kumpanya na pupwede sa akin nang magkaroon naman ako ng landasin sa buhay. Pakiramdam ko’y labis akong nalilimitahan. Bukas naman ako sa kahit ano pa mang role basta makakatulong sa pag-usad ng aking career.”

Hindi inaasahan ng matanda ang kanyang nadinig dahil ang nais lang naman sana niya ay makapagkape, pero sadyang nakitaan niya ng dedikasyon ng binata kaya’t naisipang bigyan ito ng pagkakataon. Agad naglabas ang matanda ng purse kung saan kinuha nito ang kanyang business card. Ito ay inabot niya kay Adam bago umalis nang mahinahon. Dito nakalagay ang pangalan ng babae at ang kanyang contact number.

Nang mabigyang pagkakataon sa isang magandang oportunidad ay labis na nasabik si Adam sa kauna-unahang pagkakataon. Maraming taon na niyang hinahangad ang ganoong bagay. Kinabukasan ay nagdesisyon agad si Adam na tawagan ang numero ng babae.

“Hello, Miss Judy’s office. How can I assist you?” sambit ng boses sa kabilang linya ng telepono.

Kinumpirma ng sekretarya na nagawa siyang masabihan ng kanyang amo na inaasahan talaga niya ang kanyang pagtawag. Si Adam ay nagkaroon agad ng schedule para sa Job Interview sa susunod na araw, alas-kwatro ng hapon, nang hindi inaalam ang espesipikong posisyon na kanyang tinatanggap nang walang pagtatanong. Gayunpaman, si Adam ay masyadong naging dedikado sa kanyang sarili na nagawa nitong makarating doon bago pa man magbukas ang mismong opisina.

Nagawa niyang makuha ang pansin ni Miss Judy, ang babaeng nakausap niya sa cafe at ang siyang nagmamay-ari ng opisina. Tipikal na hindi si Miss Judy ang tumatanggap ng interviews pero sadyang ninais ng binata nang humiling ito na siya na lamang ang magtanong. Sa pagkakataon na iyon, si Miss Judy ay sadyang napabilib sa binata. Hindi dahil sa pagkagwapo nito kundi sa kung papaano ito manalita sa paraang mabilis makahatak ng tao at matinding pagtutuon rin sa kanyang talento para sa pagtupad sa kanyang pangarap.

Nakabihis na ng maganda si Adam nang masasabi mong pwede itong madala o maisama kahit saan dahil sa mala-gentleman nitong datingan. Walang duda si Miss Judy na matatanggap at agad idirekta si Adam sa sales department ng kanilang opisina, responsable sa pagbabahay-bahay para sa pag-aalok ng ilang mga produkto. Ang matandang babae ay isa ring mahusay na boss na nagawang i-manage ang isa sa pinakamalaking sports equipment sales network sa kabila ng kakulangan ng kaalaman sa sports at karanasan sa pagnenegosyo.

Matapos mapasakamay ni Mrs. Judy ang kumpanya, isang taon na ang nakakaraan mula sa yumao niyang asawa, ay tuluyan nang napunta sa kanya ang malaking imperyo. Sa kabila ng kanyang kamalasan sa negosyo at ang amateurism ay naging ganap namang maayos ang kumpanya higit kaysa dati, kaya nasasabi ang lahat na ang matanda ay may sarili talagang talento at kahusayan pagdating sa ganoong bagay.

Si Adam ay walang kaalam-alam sa detalye ng istoryang kanyang nadidinig at dahil sa kaayusan ng matandang babae sa kabila ng edad nitong 70 years old, ay nakagawa ng plano si Adam para ito’y maligawan at akitin. Iniisip na dahil sa mga kulubot nito at edad ay malamang hindi na rin magtatagal ang maraming taon, pwede umano niya itong mapakasalan balang araw at maghintay na lamang ng kamatayan nito kung saan makukuha na niya ang lahat ng yaman na kanyang inaasam at pinapangarap.

Kayang-kayang gawin ni Adam na linlangin ang matandang si Miss Judy para lamang sa pera sa pagpapakita nito ng peke niyang imahe bilang isang mapagmahal, mapag-alaga, masipag at mabuting tao na karapat-dapat mahalin. Walang problema sa kanya kung para dito ay kailangan niyang magsinungaling at magpanggap sa loob ng ilang taon, lalo’t matinding gantimpala naman ang kanyang matatanggap bandang huli dahil ang mas importante lamang kay Adam ay ang mataas na estado at pera.

Ang plano ni Adam ay mukhang nagagawa naman niya ng walang problema. Ngayon lamang naging dedikado si Adam sa tanang buhay niya na kahit wala pa siyang biasang karanasan sa pagtatrabaho ay nagawa niyang makapagtrabaho bilang salesman na nagawang makapagbigay ng dalawang major clients sa kanilang kumpanya na sadyang sumurpresa sa lahat, lalong-lalo na kay Miss Judy. Dahil sa positibong ugali na pinapakita ni Adam ay nagagawa niyang makuha ang loob ng kahit sino man sa kanyang paligid, sa puntong nagagawa na niya silang utusan ng kanilang dapat na gawin.

Ang kontratang nagawa niyang ma-secured para sa kumpanya ay nakakapagbigay ng magandang profit kaya naman binigyan siya ng kanyang amo ng gantimpala. Bilang reward ay nagawang isama ni Miss Judy si Adam sa isa sa pinakamagandang restaurant sa kanilang siyudad para makasabay sa hapunan para umano mas maging masikap pa ito sa kanyang ginagawa. Hindi naman pinalagpas ni Adam ang pagkakataon na ‘yon.

Agad siyang gumawa ng paraan para maakit ang matanda sa pamamagitan ng kanyang matatamis na komento na ginawa niya ng buong gabi na agad namang naging epektibo. Waring tumalab din naman kay Miss Judy ang lahat ng kanyang sinasabi. Maraming kasinungalingang binitawan si Adam at istorya para lamang maiangat ang kanyang sarili kasabay ang pagnanais niyang maiangat ang kumpanyang iniwan ng yumaong asawa ni Miss Judy. Ang paghahapunan ng mag-amo sa labas ay nasundan pa ng nasundan kaya naisip ni Adam na gumawa ng mas mabilis na aksyon.

Hindi na siya nagsayang pa ng pagkakataon, lalo na’t alam niyang nakuha na niya ang loob ng kanyang amo. Nagawa na nitong alukin na maging kanyang kasintahan. Nagpakita naman ng pag-asa si Miss Judy. Sa kabila ng madalas nilang paglabas ni Adam ay hindi niya inaakalang makakapagsalita ito ng ganoong bagay dahil nirerespeto naman siya nito at ginagalang sa bawat pagkakataon na sila’y nagkakasama. Kaya’t ang tanong na may kinalaman sa pagrerelasyon ay hindi inaasahan ni Miss Judy, lalo na sila’y mag-amo.

Sinubukan naman ni Miss Judy na tumanggi sa pangangatwiran na magiging kakaiba sa lahat ang relasyon ng isang amo sa kanyang empleyado, pero dahil galing sa husay at panunuyo ni Adam ay nagawa pa rin niyang makuha ang matamis na oo na kanyang hinihintay. Nagtataka naman na ang isang gwapong binata na gaya ni Adam ang magkakagusto sa isang matanda na gaya niya. Tinanggap niya ang pakikipagrelasyon na inaalok ni Adam.

At masayang nagkasal ang dalawa ng gabing iyon. Matapos ‘yon, alam ni Adam na umaayon na ang lahat sa kanyang plano pero ang susunod na hakbang na kanyang gagawin ay kinakailangan ng labis na pag-iingat para hindi siya mabuko o mapaghinalaan man lamang. Sinimulan ni pasyal ni Adam si Miss Judy sa ibang lugar na hindi pa nito nalalaman, mga magagandang lugar na sadyang nakakaakit at romantiko. Nagawa niya itong dalhin sa lugar na alam niyang hindi nito makakalimutan.

Mga lugar na maging si Adam ay bihirang mapuntahan dati dahil wala siyang pera kaya naman hindi nakakapagtakang nahulog nang husto si Miss Judy sa kanya. Ngayon lamang nabuhayan ang puso ng matanda dahil sa pag-ibig na ipinamamalas ni Adam sa kanya. Pagkasama ni Miss Judy si Adam ay nagagawa niya ang mga bagay na hindi niya nagagawa dati gaya ng makakilala ng mas marami pang tao at malaman ang tunay na ibig sabihin ng buhay, lalo’t ang kanyang yumaong asawa ay nakasanayan niyang lagi na lamang wala dahil sa labis nitong pagmamahal sa negosyo.

Mas pinili din ng yumaong asawa ni Miss Judy noon na magpa-vasectomy para hindi sila magkaanak na magiging abala lamang sa kanyang pagnenegosyo kaya naman wala ding naiiwan ng tagapagmana si Miss Judy. Pag nagkataon kaya nang mawala ang asawa ay naging isa na lamang talaga si Miss Judy, walang anak at walang pamilya, kaya’t tanging sa negosyo lamang umiikot ang mga natitirang sandali ng kanyang buhay.

Si Miss Judy ay nagawang rentahan ng isang umaga ang isang pinakamagandang penthouse sa kanilang siyudad kung saan nagawa nitong imbitahin ang kanyang kasintahan na hindi sinasabi kung ano nga bang okasyon ang magaganap. Ang binata naman ay nasurpresa matapos itong dumating sa hotel sakay ng isang helicopter, walang ka-ide-idea kung bakit ito pinasundo at pinapunta doon ang kanyang amo na kanya ring kasintahan.

Sa puntong iyon ay nagulat na lamang si Adam nang magawang mag-propose sa kanya ng kanyang amo na siya dapat ang gagawa. Sadyang gumana nga ang kanyang plano. At syempre ay “Oo naman” kaagad ang naging sagot ng binata. Pagkatapos nito ay si Adam naman ang lumuhod at nag-propose sa babaeng kanyang nais pakasalan.

Hindi inakala ni Adam na ganoon na lamang naging kaperpekto ang kanyang plano na nagawang umabot ito sa punto na ang matanda na mismo ang nag-alok sa kanya ng kasal. Isang kasal na naging simple lamang pero magara. Gayunpaman, sa kabila ng kasiyahan ay napuna naman ni Miss Judy ang masamang pag-uugali at pagtatratong ginawa ni Adam sa mga hotel staff. Parang naging bastos ito, pero binaliwala lamang muna ni Judy ang kanyang napansin.

Madali na naman niya itong naoobserbahan sa susunod lalo’t mas madalas na silang magiging magkasama. Kapuna-puna na din ang mga bagay na nagagawang bilhin ni Adam linggo-linggo at simula nang maging kasintahan ni Adam si Judy ay lagi na lamang mamahalin at magaganda ang sinusuot nitong damit kasama ng relo na sobrang kinang ay mapagkamalan mong alahas.

Ang binata’y humarap at umasta sa lahat na para bang isang totoong milyonaryo, wari mo bang ine-enjoy at sinasanay na nito ang kanyang sarili sa ganoong buhay. Ang ilan sa maling pagkilos ni Adam ay nahahalata na ng karamihan pero hindi para sa matandang babae na wari’y nabulag ata ng salitang pag-ibig.

Hanggang sa maipaalam na kay Miss Judy ng kanyang bank manager ang mga kakaibang transaksyon na lumalabas sa kanyang bank account. Ninais naman ni Miss Judy na ma-verify ang sitwasyon para malaman kung nasa ayos lamang ang lahat. Sa kabila ng pagiging mayaman sa loob ng ilang dekada, si Miss Judy ay pinanganak lamang sa isang mahirap na pamilya na nakatira lamang noon sa isang maliit na bahay sa isang nayon.

Naging masikap si Judy sa pagtatrabaho kahit na isa siyang babae hanggang sa siya ay maikasal sa isang lalaki na agad pumasok sa larangan ng pagnenegosyo. Isang negosyo na sumikat agad at nakilala. Mula umpisa hanggang huling sandali ng buhay ng kanyang asawa ay sinuportahan ito ng labis at minahal ni Judy, kung paanong isinumpa nila sa Diyos na sa hirap at ginhawa sila ay magkatuwang.

Ang bawat pagkilos katulad ng tamang paggastos at paggamit sa pera ang siyang nagdala sa mag-asawa patungo sa karangyaan ng buhay. Sa katagalan ay nagsimula nang mapansin ni Judy ang ilang pagkakamali kay Adam na noon ay parang wala naman sa kanya gaya ng pagiging maluho nito at hindi pagkakuntento sa isang bagay, kung paanong makisabay ito sa iba sa tuwing sila ay nasa labas.

Pero ang pinakaimportante sa lahat ay ang mapatunayan ni Judy ang sunod-sunod na transaksyon sa kanyang bank account na hindi niya nalalaman at iisang tao lamang ang pupwedeng gumawa noon. Isang tao na araw-araw at oras-oras ay walang ginawa kundi lustayin ang kanyang pera ng walang paalam. Makalipas ang ilang linggo ay natanggap na ni Judy ang final report ng kanyang detective at labis siyang natulala at natigilan sa naging resulta ng imbestigasyon.

Matagal nang pinagsususpetsahan ni Judy ang kanyang minamahal lalo na ang ginagawa nitong mahabang pakikipagtawaran, pakikipag-meeting. Lagi itong may inililihim sa kanya na ayaw niyang madinig. Maraming pagkakataon na rin na halos hindi umuuwi si Adam sa dahilan na ano-ano, na nag-aasikaso ito ng ibang gawain sa kanilang kumpanya na napag-alaman ni Miss Judy na hindi rin totoo.

Nagpatuloy lamang ang nakakadudang mga gawain ni Adam sa loob ng ilang buwan. Hindi na malaman ni Miss Judy kung kakayanin pa ba niyang mabuhay kasama ang isang lalaking materyalistiko, na tama bang nagdesisyon siya kaagad na ito ay mapakasalan. Walang opisinang pinuntahan si Adam kapag siya ay nawawala, sa halip ay gumigimik lamang ito at nambababae sa bawat club na kanyang napupuntahan.

Sa madaling salita ay gabi-gabing niloloko ni Adam si Miss Judy gamit ang mismong pera nito na nagmula sa kumpanya. Dahil sa pera ni Miss Judy ay nagagawa niyang makabili ng magandang regalo para sa kanyang mga nagugustuhan dahilan para madali silang makuha at mapasunod sa kanyang mga kamay. Matapos makita ni Miss Judy ang lahat ng ebidensya gaya ng mga transaksyon sa bangko ay naglaho na ang kanyang labis na pagtitiwala.

Wala siyang ibang maramdaman kundi labis na pagkadismaya. Ang masayang buhay na inaasahan niya sana ay tuluyan nang nasira, kung sa pakiramdam ni Miss Judy ay nagamit siya ng husto at naloko sa paraang ngayon lamang niya nararanasan.

“Paano niyang nagawa sa akin ito? Nasasabihin niyang mahal niya ako pero ngayon ay nagagawa niya akong pagtaksilan para makasama ang ibang babae,” bulong ni Miss Judy sa kanyang sarili.

Iniisip ng mga sandaling nakilala niya si Adam ay naging bulag siya at walang alam sa kabila ng kanyang edad dahil sa delusyon na pupwede siyang magustuhan ng isang binata at gwapong katulad ni Adam. Alam niyang sa kanyang sarili na hindi niya kakayaning magpatuloy sa ganitong daloy ng buhay kaya’t gagawa na rin siya ng paraan para mabawi at maibalik kay Adam ang panlolokong ginawa nito sa kanya.

Ang unang hakbang na ginawa niya ay ang pagba-block ng credit cards na nasa posisyon ni Adam kasabay ng madaling pagpapaalis kay Adam sa kanyang kumpanya. Kaya sa huli, magbabayad sana si Adam sa isang restaurant matapos silang kumain ng babaeng kanyang kasama ay na-denied ang kanyang card na ginagamit.

Para hindi mapahiya ay nag-isip na lamang si Adam ng dahilan sa kanyang kasama sa pagsasabing baka nagkaroon lamang ng problema sa bangko o nagka-error sa machine para lamang maibaling ang sisi sa empleyado sa restaurant. Tatlong beses nang nagawang i-swipe ang card ni Adam pero wala pa ring nangyari kaya naman tumaas na ang tensyon sa paligid, kaya naman tinawagan na niya agad ang kanyang asawa.

“Malamang na dahil na rin sa iyong kapabayaan, alam mo ‘yun? Kung nagtrabaho ka lang sana ng maayos sa kumpanya ko,” sambit ni Adam sa walang kamalay-malay na waiter na umalis at nagsabing magbabalik din agad-agad.

Pagbalik ng waiter kasama na nito ang manager na agad na lamang hinanapan si Adam ng cash parang pambayad. Sa pagkakataon na iyon ay sinubukan na ni Adam na tawagan nang tawagan ang kanyang asawa pero hindi na siya nito sinasagot pa kaya’t naiwan at naipit na lamang sa sitwasyon na iyon si Adam na hindi na malaman ang gagawin.

Dahil sa pananakot ng manager na tatawag siya ng pulis at sa takot na rin ni Adam na makulong o matulog sa kulungan ay nagawa na lamang iwan ni Adam ang ilan niyang dokumento at cellphone sa manager ng restaurant na nangakong magbabalik siya kinabukasan para mabayaran ng buo ang bill at makuha ang kanyang gamit. Para makaiwas na rin sa iskandalo ay pumayag na rin ang manager sa ganoong kasunduan.

Pagkauwi ay agad hinanap ni Adam ang kanyang asawa para tanungin.

“Bakit hindi nababasa ‘yung credit card ko? At saka, bakit hindi ka sumasagot kanina? Tawag ako ng tawag! Talaga ba? Baka may problema lang sa bangko. Hayaan mo, tatawag ako doon bukas, ipapaasikaso ko kaagad doon. May kakilala naman ako.”

Nais mang itago ni Adam noon ang kanyang pagkainis at galit pero bahagya itong lumalabas sa paraang ito ay mas nakikita na ni Mrs. Judy kung anong klaseng tao talaga si Adam. Kinabukasan ay pumunta naman si Judy sa bangko gaya ng kanyang sinabi pero para hindi resolbahin ang problema sa credit card kundi para baguhin ang kanyang marriage contract at inheritance.

Lalo’t si Mrs. Judy ay walang anak o malalapit pang kamag-anak ay marami talagang nagtatanong kung saan na lamang mapupunta ang malaking yaman nito kapag siya’y nawala na. Isang bagay na ang tanging nakakaalam lang ngayon ng kasagutan ay si Judy, ang abogado at bank manager. Pero ang plano ng matanda ay hindi inaasahang naudlot dahil sa isang biglaang pangyayari.

Hindi lingid sa kaalaman ang ilang mga nakakakilala sa kanya, kahit na hindi niya ito madalas ipakita o sabihin sa iba, na si Mrs. Judy ay tatlong taon nang nakikipaglaban sa sakit na cancer. Noon pa man ay alam niyang mamamatay na siya at hindi na ‘yun magtatagal. At ng mga sandaling iyon, nararamdaman na niya na nasa huling sandali na siya ng kanyang buhay, ay nagawa pa niyang iwanan ng isang liham ang kanyang driver para pasalamatan ito at magpaalam kasabay ng isang pagbibilin.

Si Adam naman ay nagpakita ng kalungkutan at pangungulila nang mamatay ang kanyang asawa. Si Adam ay nakasuot ng itim na suit at nakasuot ng sunglasses para hindi mahalata ng lahat ang hindi niya pagluha. Bilang pagbibilin, ang will ni Mrs. Judy ay binasa mismo sa funeral nito bago siya mailibing. Ang venue ng mga oras na iyon ay napupuno ng mga empleyado sa kumpanya at ilang mga shareholders na naging malapit na rin kay Judy.

Silang lahat ay nag-aalala sa kinabukasan ng kanilang kumpanya. Una nang nagsimula ang will sa pagsasabi ng pasasalamat sa lahat sa kanilang pagdalo at pakikiramay. Kung paanong masaya si Judy ngayon dahil makakasama na rin niya ang kanyang yumaong asawa sa kabilang buhay kung saan sila magsasama na sila lamang at walang hanggan.

Sinasabi sa will ng kumpanya na hahatiin ang pantay-pantay sa bawat shareholders ang kumpanya dahil na rin sa ginawang pagtulong kay Judy noon nung mga panahong nalilito pa siya at wala pang nalalaman. Kung paanong naging maganda silang gabay at maayos na tagapagturo dati para sa kanya, dahilan para makagawa siya ng magagandang desisyon bago pa siya magkaroon ng sariling sapat na karunungan.

Nagtitiwala si Judy na magagawa nilang lahat maiangat ang kumpanya para lalo itong magtagumpay. Tungkol sa pera naman ay mapupunta ito sa isang organisasyon na tumutulong sa mga batang walang magulang at naninirahan sa kalsada para hindi lamang sila mapaglaanan ang pagkain, kasuotan at matutuluyan, kundi matutulungan din sila sa kanilang edukasyon hanggang sa kanilang paglaki at ang pagkakataon na magkaroon ng posisyon sa kanyang kumpanya kapag sila’y ganap nang nakatapos. At doon na nagtatapos ang will na binasa mismo ng abogado ni Judy sa harapan ng lahat.

Hindi maipaliwanag ni Adam ang kanyang nararamdaman matapos mapag-alaman na wala siyang matatanggap sa kanyang asawa kahit na magkano man. Kung iniisip niya na maibenta na lamang ang ilang properties na hindi naisaad sa will ay sinabi na mismo ng abogado na kasamang maibebenta ang mga ‘yon para mai-donate din sa mga batang nangangailangan.

Binigay na lamang ng driver kay Adam ang liham na nais ipaabot sa kanya ni Judy, isang liham ng pasasalamat dahil naging magandang parte din siya ng huling mga buwan ang kanyang buhay na hindi niya nagagawang makalimutan. Kung paanong sa kanya lamang naramdaman ni Judy ang mga bagay na hindi niya nararanasan noon, ang makapunta sa magagandang lugar, makakilala ng mga tao at marami pang iba.

Matapos ang pasasalamat ay may makukuha naman pala si Adam, isang susi na magagamit umano nito sa safety deposit box sa isang kilala at prestihiyosong bangko. Nagkatinginan na naman ang lahat ng malaman ‘yon. Maging si Adam ay napangiti dahil malamang na kung ano man ang nilalaman ng safe ay mga alahas ‘yon o kung anumang mas mahal pang bagay.

Kinabukasan ay nagmamadali namang pumunta agad si Adam sa bangko kung saan sinalubong na rin agad siya ng bank manager. Agad siyang inihatid nito sa itaas na bahagi ng bangko kung saan naroroon ang safety deposit box na kanyang bubuksan. Doon ay agad nang nagawang iwan ang bank manager si Adam na nag-iisa at agad nga nitong binuksan ang safe na ang nilalaman lamang pala ay isang baso ng espresso.

Na mismong kape na in-order ni Judy nung una silang magkakilala. Isang tanda ng una nilang pagkakakilala noon at ng pagtitinginan. Naunawaan na ni Adam ang lahat. Alam na niya ang lahat nang una pa lang. Si Adam ay nagbalik sa dati niyang buhay: walang pera, walang trabaho, walang kahit ano sa kanyang buhay. Si Mrs. Judy ay ganap nang pumanaw nang masaya at mapayapa.