NAGPANGGAP ANG MAYAMANG DALAGA BILANG KATULONGUPANG MALAMAN ANG TUNAY NA UGALI NG STEPMOM NITO

Posted by

“Stupid! Simpleng utos ko hindi niyo pa magawa,” singhal ni Molly kay Ara at sa iba pang katulong.

Hindi naman makapaniwala si Ara sa ugaling ipinapakita ng babaeng pinakasalan ng kanyang ama. Dinuro pa siya nito. “‘Di ba sinabi ko naman sa’yo na ayoko ng patanga-tanga dito? Tinanggap kita dito sa mansyon ko kasi kulang na kulang ako sa mga maids. Pero kung ganyan ang ipinapakita mo, I have nothing to do with you. You can leave my house.” Inirapan si Ara.

Galit na galit naman si Ara at nais na sanang sagutin ang stepmother niya ngunit mas pinili niyang magtimpi at hayaan na muna itong sulitin ang paghahari-harian sa mansyon ng kanyang Daddy. “Humanda ka kapag dumating na si Daddy. Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin at sa iba pang katulong dito,” sambit ni Ara sa kanyang isip.

Kung bago ka pa lang sa channel na ito, Ate Jane TV, huwag kalimutang pindutin ang notification bell and subscribe button. Sana po hindi naman malaking abala sa inyo ang pagpindot ng subscribe button dahil ang kapalit po nito ay ang pagsuporta para makapag-produce ng mga libreng stories sa mga channels ni Ate Jane. Maraming salamat!

Ilang buwan na ang nakalipas… “Do you still have stocks there?” kausap ni Ara ang Mommy niya through Facetime.

“Yes Ma,” magiliw naman ang sagot ni Ara.

“Mommy, are you coming by Christmas?” sunod na tanong naman ni Ara.

May sarili ng pamilya ang mommy ni Ara. Isang taon simula nang maghiwalay ang parents niya, ngayon ay namumuhay ng mag-isa si Ara sa America simula ng annulment. Masakit para sa kanyang nangyari pero nasanay na rin si Ara sa paglipas ng mga panahon.

“Uhm anak, I still don’t know pa eh. You know naman I can’t decide for that. Hindi pwedeng basta-basta ibyahe ang kapatid mo kasi baby pa siya,” sagot naman ng Mommy niya.

Nakaramdam naman ng pagkalungkot si Ara. “If you want we can send you an invitation para makapunta ka naman dito sa amin para magkasama tayo this Christmas,” nakangiting alok naman ang mommy niya.

“You don’t need to do that Mom, I’m good,” paluha dahil babagsak na ang luha ay in-end na ni Ara ang Facetime nila ng Mommy niya. Chinat na lang niya ito na na-lowbat ang phone niya. Gusto niyang sumbatan ang mommy niya dahil simula nang nagkaroon ito ng sariling pamilya ay hindi na sila nagkita pa nang personal. Gusto niyang magalit ngunit inintindi na lamang niya ito dahil never naman siyang pinabayaan ng kanyang mga magulang sa financial needs niya. Kung minsan naman ang Daddy niya ay dinadalaw siya kapag may business trip ito sa America.

Nakatulog na lamang si Ara na umiiyak ng gabing ‘yon. Kinabukasan ay nagtaka si Ara kung bakit walang message sa kanya ang Daddy niya. Sanay kasi siya na every morning pagkagising niya ay meron na agad itong message at greetings for her kaya naman tinawagan niya ito.

“Hello?” boses ng babae ang kanyang narinig.

Nagtaka si Ara kung bakit babae ang sumagot sa phone ng kanyang Daddy. Sino ang babaeng ‘to? Hindi naman nagsalita si Ara.

“Is that you Ara?” Kilala siya ng babae.

“Yes. Who’s this? Where’s dad?” diretsong tanong ni Ara sa babaeng may hawak ng phone ng Daddy niya.

“Hi! It’s nice to finally hear your voice iha,” feeling close na sabi pa sa kanya ng babae.

Maya-maya pa narinig niya nang kinuha ng Daddy niya ang phone nito. “Hello baby girl?” Si Don Marshall, ang Daddy niya na ang nasa kabilang linya.

“Dad what’s the meaning of this?” tanong agad ni Ara.

“Ah… I’ll explain it to you later on anak. I just need to prepare now because I have an urgent meeting today. Is that okay with you?” paglalambing naman ni Don Marshall.

“Yes, you need to explain everything to me,” at binaba na ni Ara ang tawag ng walang paalam sa Daddy niya.

Nagmakaawa face naman si Don Marshall kay Molly, ang babaeng nakausap ni Ara. Ito na pala ngayon ang kasintahan ng kanyang ama pagkatapos ng maraming taon na wala itong karelasyon.

“I’m sorry honey, hindi ko naman sinasadya eh. And besides, I really wanted to meet your daughter na. I’m so excited to know how it feels to be a mother. I love you and I love her as well,” paliwanag ni Molly.

“She’s mad, I know but she’ll understand. Nagtatampo lang ‘yon, kilala ko ‘yung anak kong ‘yon,” tugon naman ni Marshall.

“All right, I need to go,” at umalis na kaagad si Don Marshall pagkahalik sa nobya.

Naiwan namang nakataas ang kilay ni Molly. Sinadya pala niyang pakialaman ang phone ni Don Marshall dahil nakita niyang si Ara ang tumatawag. Sa kabila ng kabaitan at kasweetan na pinapakita niya kay Don Marshall ay nakatago sa kanyang anino ang isang demonyitang katauhan na inilalabas lamang niya kapag wala ang nobyo.

Nang nagkaroon ng free time si Don Marshall ay tinawagan nito si Ara upang magpaliwanag. “Gusto kasi ni Daddy na maging masaya,” and he smiled at Ara, malambing na tanong nito sa anak.

Ara smiled back. “It’s not about that Dad. Nagtatampo lang ako kasi bakit kailangan mo pang ilihim? Sino ba ako? Wala ba akong right para malaman?” pagtatampo naman ni Ara.

“No anak, I didn’t mean to keep it from you. Actually I have plans. I decided to spend Christmas with you at isasama ko si Tita Molly. I want you to meet her personally,” paliwanag pa ni Don Marshall.

“Hmm… how did you guys meet?” tanong ni Ara.

“Oh, nasiraan ako that time and Molly saved me. If it’s not because of her I’ll stay for the night sa gitna ng mahabang kalsada ng Expressway,” nakangiti pa si Don Marshall habang nagkukwento kung paano niyang nakilala si Molly. “And it all started there,” dagdag pa nito.

“Are you sure about her?” patuloy na tanong ni Ara.

“Hmm you know I’m getting older Ara and I need someone that can be my partner for a lifetime. I saw it from your Tita Molly, the way she cared and loved me.”

In love na in love ang daddy ni Ara at masaya siya para sa ama dahil hindi naman ito nagkulang ng pagmamahal at suporta sa kanya. May na ring pamilya ang mommy niya kaya panahon na rin siguro para lumagay na rin sa tahimik ang Daddy niya. Ayaw niyang maging selfish sa part na hindi payagan ang Daddy niya na magkarelasyon ulit. May isa lamang hiling si Ara.

“I’m not yet prepared to talk to her nor meet her Dad please understand. And one more thing, please huwag mong papakita sa kanya mga pictures ko. Ayokong makita niya ako. I want her to see me personally but not now,” kundisyon ni Ara.

“Ah… I don’t know what’s your reason but okay, I’ll go for it,” tugon naman ni Don Marshall.

Kalaunan rin ay naikasal din si Don Marshall at Molly. Kahit hindi sigurado si Ara sa babaeng pinakasalan ng kanyang Daddy ay hinayaan na lamang niya ito. Basta masaya ang kanyang Daddy ay masaya na rin siya. Hindi siya umattend ng kasal ng Daddy niya dahil may iba siyang plano. Nasunod kasi ang kondisyon niya sa Daddy niya na hindi malaman ng stepmother niya ang kanyang itsura.

“Bakit ayaw mong sabihin sa akin kung kailan ka uuwi anak? Para naman makapaghanda ako at ma-prepare ko lahat ng favorite food mo. For sure miss na miss mo na mga Filipino food right?” ka-Facetime ni Don Marshall si Ara.

Nag-Facetime sila kapag nasa opisina si Don Marshall para siguradong hindi makikita ni Molly. “It’s a surprise Dad,” nakangising sagot naman ni Ara.

“Okay anak, I just want to remind you na this coming week I will be out of the country. That’s why I want to make sure kung kailan ka uuwi dito para ako mismo ang magsusundo sa’yo sa airport,” paalala ni Don Marshall.

Lalong nabuo ang plano sa isip ni Ara. Sinasadya niya ang lahat ng mga bilin sa ama at mas lalo siyang natuwa nang malaman na wala si Don Marshall sa mga susunod na araw. Kaya naman nagpa-book si Ara ng ticket ng araw na umalis sa bansa ang kanyang Daddy. Wala ni isang tao ang sinabihan niya o nakakaalam ng kanyang pag-uwi at present.

“Ho! It’s nice to be back,” ang tanging nasambit ni Ara na makalapag na siya ng Pilipinas. Nasa airport na siya.

Sa tagal ng panahon na hindi siya nakauwi ng Pilipinas simula nang maghiwalay ang parents niya nung bata pa siya, ay sobrang daming nagbago. Nag-check in na muna siya sa isang mamahaling hotel upang doon tumuloy. Nagpahinga na muna siya dahil sa sobrang haba ng biyahe niya.

Kinabukasan ay nagpunta na kaagad siya ng mansyon hindi upang makipagkilala bilang anak ni Don Marshall. Nag-apply si Ara bilang katulong. Ito ang nabuo niyang plano upang makilalang mabuti ang madrasta, kung sino at anong klaseng babae ang taong pinakasalan ng kanyang Daddy. At sa unang araw pa lang na nagkita sila ay negative na agad ito kay Ara.

“So you’re the new maid?” tiningnan ni Molly si Ara mula ulo hanggang paa.

Hindi naman tumingin si Ara sa mga mata nito dahil nangangamba siyang makilala nito. Pareho kasi sila ng mata ng Daddy niya na brown ang kulay lalo na kapag nasisikatan ng araw. Nagsuot na lamang siya ng contact lens para hindi masyadong mahalata.

“Manang!” tinawag ni Molly ang mayordoma. “Are you sure about her? Parang hindi naman makakahawak ng basahan ‘to eh.” Nakataas pa ang kilay. “I mean look at her, her skin, look at her hands! Maid ang kailangan ko dito iha,” bumaling ito kay Ara, “not an artist.” Nakataas pa rin ang kilay, mataray na sambit ni Molly.

“Eh kulang na kulang po kasi tayo sa tao Madam eh, mabait naman po si Tisay kaya tinanggap ko na po. Marami naman daw po siyang alam na gawaing bahay tsaka may experience naman daw po siya,” paliwanag ni Manang.

Pagsisinungaling na lamang ni Ara ang sinabing may experience siya as a maid para mabilis siyang matanggap. Pero kung sa usapang mga gawaing bahay ay medyo may alam naman talaga siya dahil sa matagal na pamumuhay ng independent sa America.

“All right, basta ayusin mo ang trabaho mo okay?” tinaasan pa rin ng isang kilay si Ara at umalis na si Molly.

Para namang gustong sumabog ng puso ni Ara. Kaya pala mabigat ang dibdib niya nang tanggapin na pakasalan nito ng kanyang ama ngunit dahil nga sa mahal ito ng Daddy niya ay wala naman siyang magawa. Maiyak-iyak si Ara sa awa niya sa sarili. Parang nais na niyang umatras sa plano dahil hindi niya na kinakayang ginagawa ng madrasta niya. Huminga siya ng malalim at nag-isip. Kailangan niyang magpatuloy para ito sa Daddy niya. Kailangan niya pang mas kilalanin ang madrasta at makakuha ng sapat na ebidensya para maipakita ito sa Daddy niya at mapatalsik si Molly sa mansyon. Hindi niya na payagan pang mag-stay ang babaeng ito sa sarili nilang pamamahay. Her Dad doesn’t deserve this. Kung nagkamali man ang Daddy niya ng taong napili upang makasama, siya ang magtatama nito.

“Iha, okay ka lang ba?” tanong sa kanya ni Manang.

Wala na ni isang katulong ang nakakakilala sa kanya. Lahat ng mga tauhan ng Daddy niya ay napalitan na sa sobrang tagal ba naman ng panahon na wala siya dito ay sadyang maraming magiging pagbabago.

“Ah, okay lang po ako,” nakangiting sagot naman ni Ara.

Gumaan naman kahit papaano ang kanyang dibdib dahil andiyan si Manang para i-comfort siya. Naisip niya hindi dapat siya panghinaan ng loob. Kailangan niyang maging matapang sa planong ginawa niya. Nasimulan niya na ito kaya kinailangan niyang tapusin para sa kapakanan ng kanyang ama at ng mga taong nagtatrabaho sa mansyon.

Kinabukasan nang nag-iikot si Ara sa mansyon, wala naman ang bruha niyang madrasta kaya nagagawa niya ito nang malaya. Sobrang daming nagbago dito. Nakakamiss ‘yung mga panahon na buo pa kami, sa isip-isip ni Ara habang lumilinga-linga sa paligid.

“Wow! Mommy ang sarap ng luto mong spaghetti,” puri ng batang si Ara sa luto ng Mommy niya.

“Of course naman baby, it’s for you,” sabay halik sa pisngi ni Ara.

Biglang dumating ang Daddy niya. “Oh Dad! Kain ka na,” sabay abot ng pinggan sa asawa.

Humalik naman si Don Marshall kay Ara at sa mommy nito. “Wow! Looks delicious,” puri din ito.

Bigla namang bumalik ang magagandang ala-ala ng nakaraan ni Ara habang nakatingin sa hardin. Naroon pa kasi ang table set na madalas nilang kainan noon. Niluma na ito ng panahon ngunit buhay na buhay pa rin ang mga ala-ala. Lumapit siya upang hawakan ang table set. Naluluha si Ara habang nakapikit at iniisip ang magagandang nangyari sa kanila nang buo pa ang family niya. Pabagsak na sana ang luha niya nang may isang lalaki na biglang lumapit sa kaniya.

“Bago ka lang ba dito?” tanong ni Philip kay Ara, isang hardinero sa mansyon.

Nagulat naman si Ara sa boses na narinig mula sa kanyang likuran. Pinunasan niya ng mabilis ang kaunting patak ng mga luha sa kanyang pisngi. “Ah… eh…” English sana ang isasagot nito. “Oo eh,” mautal-utal na naman na sagot ni Ara. Medyo hirap na kasi itong mag-Tagalog kaya slang na rin si Ara na magsalita.

“Philip nga pala,” sabay lahad ng kamay kay Ara.

Tinanggap naman ni Ara ang kamay nito at nagpakilala rin. “Ako si Tisay nga pala.”

Walang maisip na pangalan si Ara dahil kilala siya ng madrasta sa pangalan niya kaya naman naisip ni Ara na gamitin na lamang ang pangalan na ibinansag sa kanya ni Manang. Kung sa tuwing tatanungin ay biodata na lamang ang binigay ni Ara kay Manang para mas makatotohanan na wala talaga siyang alam. Iniba niya ang pangalan niya dito at maging ang ID na binigay ay pasadya.

“Hm, bagay na bagay sa’yo ang pangalan mo ah, Tisay,” tugon naman ni Philip.

Ngumiti naman si Ara. Medyo nakakaramdam siya ng ilang dahil hindi siya sanay na kinakausap ng lalaki lalo pa’t hindi naman niya kilala si Philip pero feeling close na ito.

“Nga pala huwag kang mailang sa akin ha? Hindi naman ako masamang tao lalong hindi naman ako manyak,” sabay tawa pa ni Philip dahil nahalata niyang naiilang si Ara. “Hardinero ako dito kaya madalas ako dito sa garden,” dagdag pa nito.

Ngumiti na lang din muli si Ara. Hindi naman kasi siya interesado sa sinasabi ni Philip. May pagkasuplada kasi si Ara kaya gustuhin man niyang huwag nang pansinin si Philip ay wala naman siyang magawa kung hindi ngitian na lamang ito. Saglit pa ay nagpaalam na siya dito.

“Ah sige… Ah may gagawin pa kasi ako,” sabay ngiting matipid ni Ara at bumalik na siya sa loob ng mansyon.

Naiwan namang nakatanaw sa kawalan si Philip. Sobra siyang nabighani sa kagandahan ni Ara. Sino ba naman ang hindi mabibighani dito? Napakaliit ng mukha na parang manika, singkit ang mga mata at may maliit na labi, makinis at maputing kutis, mahaba at itim na itim ang buhok idagdag pa ang magandang hubog ng katawan nito. Simula ng araw na iyon ay hindi na nawala sa isip niya ang magandang mukha ni Ara.

The next day ay umalis muli ang madrasta ni Ara kaya malaya na naman siyang nakakaikot sa mansyon. Napapansin din niyang masaya ang mga katulong at iba pang tauhan ng mansyon kapag walang madrasta nito sa bahay.

“Manang? Pwede pong magtanong?” sinubukan niyang tanungin ang mayordoma.

“Oo naman iha,” tugon naman ito.

“Sadya po bang mataray si Madam Molly?” tanong ni Ara.

Napatawa naman si Manang. “Pasensya ka na iha at hindi ko nasabi sa’yo na masamang ugali ng magiging amo natin. Hindi ko na sinabi kasi alam kong magba-back out ka. Pero kapag narito naman na si Don Marshall, mabait naman siya kunwari sa amin,” dire-diretsong kwento ni Manang.

“Eh bakit hindi niyo po isumbong kay Don Marshall?” alanganin pang sabihin ang pangalan ng ama, tanong pa ulit ni Ara.

“Naku nasanay na rin kami. Isa pa, nagsalita na siya sa amin na kahit magsumbong daw kami hindi naman daw maniniwala si Don Marshall. Sa bagay may point naman siya eh, kaya mas pinili na lang namin na huwag na lang magsalita. Kapag kasi nalaman niya kung sino ang nagsumbong sa Don, naku mananagot kami sa kanya at patatalsikin niya pa dito,” walang prenong kwento pa ni Manang.

Lalo namang nanggigil ang mga laman-laman na ni Ara. Hindi siya pabor sa ginagawang paghahari-harian ng madrasta sa sarili niyang pamamahay. Bagaman asawa ito ng kanyang ama ay mas may karapatan siya dito dahil siya ang anak.

“Okay ka lang ba Tisay?” tanong naman ni Manang dahil kitang-kita ang galit sa mga mata ni Ara.

“Ah opo.”

Umayos naman ng mukha niya si Ara at lumabas para makahinga at makapag-isip ng maayos para sa susunod niyang plano. Tama si Manang, kailangan niya ng ebidensya upang mapatunayan kung anong klase ng babae ang pinakasalan ng kanyang Daddy.

Rest day ni Tisay kaya naman naisip niyang umuwi na muna ng condo niya at tawagan ang Daddy niya. “Mahal kong anak it was nice to see you again! I’ve been calling you pero hindi ka naman online kahit sa number mo out of reach ka. What happened?” sunod-sunod na tanong ni Don Marshall.

“I really miss you Dad,” sa dami ng sinabi ng ama ay ito lamang ang mga katagang binitawan ni Ara.

Sobrang miss na miss niya na ang Daddy niya. Naaawa siya dito dahil wala man lang itong kaalam-alam sa tunay na pagkatao ng babaeng pinakasalan nito. Napakadali na lang na sabihin sa Daddy niya na narito na siya sa Pilipinas ngunit kailangan niyang magsinungaling at tiisin ang ama upang hindi masira ang kanyang plano.

“Oh, I miss you too baby so much,” tugon naman ni Don Marshall. “Don’t worry we’ll see each other very soon okay?” dagdag pa nito.

Ngumiti naman si Ara at iniba na lamang ang usapan dahil mas malungkot siya sa scenario nila ng Daddy niya kung ganito ang usapan. “How’s everything there Dad? I mean why it took you so long para bumalik dito, I mean sa Pinas?” Muntik na pa siyang madulas.

Nasa Malaysia kasi si Don Marshall. Napabuntong-hininga ito. “I really want to go back actually but I can’t. Me and my team were investigating the half billion loss of funds of my other company. I can’t leave them hanging,” na-stress naman bigla si Don Marshall.

Nanlaki naman ang mga mata ni Ara. “Are you saying there’s a thief inside our company?” tanong pa niya.

“Probably, but I’m not yet sure who it is,” nakahawak sa noo ang Daddy niya.

“Are you okay Dad?” tanong ulit ni Ara.

“Yeah yeah, don’t mind me anak. Gumagawa na ng way ang team ko para ma-trace kung sino nagnanakaw sa kumpanya ko. I can have it all back. I will,” positibong sagot naman ni Don Marshall.

“Yes Dad. You will,” determinado si Ara sa kanyang sinabi.

Dahil may nararamdaman at naaamoy siyang kakaiba sa pagkakawala ng bilyones na pera ng kanyang ama. Nararamdaman niyang may kinalaman si Molly dito.

“Ah! This can’t happen!” naghuhurumiyak si Molly sa kanyang opisina, kausap niya ang taong pinagkakatiwalaan niya sa kabilang telepono. “Do something! Paano hindi mo alam ang mga credentials ni Marshall? You have to find a way para malaman ‘yon. Paubos ang budget ko at marami pa akong dapat bayaran sa casino!” at ibinagsak ang telepono.

Tama ang hinala ni Ara na maaaring may kinalaman nga ang kanyang madrasta at hindi nga siya nagkamali dahil tunay ngang may kinalaman ito at hindi lang basta kinalaman dahil ito pala ang utak ng pagkawala ng malaking pera ng kumpanya ni Don Marshall. Pinakasalan lamang pala niya si Don Marshall para sa pera. Hindi niya tunay na mahal ang Don at wala naman talaga siyang pagmamalasakit dito. Kinuha lamang niya ang loob nito upang mapaibig sa kanya ang Don at pakasalan siya.

Plano ni Molly na makakuha ng access sa mga kumpanyang hawak ni Don Marshall upang mapabilis siyang makapagnakaw dito. Na nagsimulang mag-isip ng paraan si Ara para malaman kung paano mahuhuli ang kanyang madrasta. Naging mahirap ito para sa kanya dahil palagi nang nagsa-stay si Molly sa mansyon.

“Psst!” sinitsitan si Ara ni Philip.

Natoka kasi si Ara para magdilig ng hardin. Naiinis naman si Ara sa ginawa ni Philip dahil ayaw na ayaw niya sa lahat ay ang sinisitsitan siya kaya inirapan niya ito.

“Ang taray mo naman Tisay,” hindi na nakatiis si Philip at lumapit na siya kay Ara.

“Huwag mo nga akong sitsitan!” umirap ito. “Hindi ako aso okay?” mataray na singhal nito sa binata.

“Sorry naman. Pasensya ka na akala ko kasi okay ka lang sa ganon,” sincere sa pagso-sorry naman si Philip.

Natuwa naman si Ara sa sinabi ni Philip at paghingi ng paumanhin nito pero hindi siya umimik at hindi niya iyon pinahalata dito.

“Ano ‘yun?!” biglang sumigaw si Philip at itinuro ang bandang tagiliran ni Ara.

Nagulat naman si Ara at ninerbyos. “Ano ba ‘yon?!” nainis na tanong ni Ara.

“Ay caterpillar lang pala,” sagot naman ni Philip.

Nang-aasar lang pala ito. Nainis si Ara at siniraan niya ng tubig si Philip sa mukha. Tinapat sa mukha ni Philip ang hose. Sumigaw naman si Philip na mabilis na mabasa dahil sa lakas ng impact ng tubig. Habol-habol nito ang kanyang hininga dahil halos nalulunod na ito.

Hindi naman maintindihan ni Ara ang nararamdaman ngunit masayang-masaya siya sa ginagawa niya. Humagalpak na ito ng tawa habang sinisiraan ng tubig si Philip sa mukha hanggang sa napagod na ito at nangalay na sa paghawak ng hose ang kanyang mga braso. Binaba na ni Ara ang hawak na hose ngunit hindi pa rin makapag-move on sa labis na kasiyahan sa ginawang ganti kay Philip. Hanggang sa hindi niya na napansin na nakatingin na lang pala sa kanya ang binata.

“Masaya ka na ba?” hinahapo-hapo pa ang tanong nito kay Ara.

Biglang tumahimik naman si Ara at kinagat ang labi. Tinalikuran niya ang binata at tumakbo palayo. Naiwan naman si Philip na napapailing.

Kinabukasan ay may iniutos si Molly na ipabili kay Ara sa palengke.

“Madam, ako na lang po ang mamimili. Hindi pa po kasi alam ni Ara dito sa atin eh baka po maligaw,” pag-aalala ni Manang.

Tumaas naman ang kilay ni Molly. “Hayaan mo siyang matuto. Eh ‘di kung maligaw pabayaan! Ganon ba siya katanga para hindi gamitin ang bunganga niya at magtanong sa mga tao?” sabay irap kay Ara.

Bigla namang naawa si Manang. Minsan na kasi niyang isinama si Ara sa palengke at naligaw ito kaya alam niyang wala itong alam sa lugar nila. Lumabas na si Ara ng mansyon. Naaawa siya sa sarili niya dahil wala siyang magawa sa ginagawang pagtataray sa kanya ni Molly. Kung pwede lang niyang sagutin na ito at ipamukha niya kung sino ang sinasabihan nito ng mga hindi katanggap-tanggap ng mga salita. Gustong-gusto niya ng patulan pero hindi pa pwede dahil wala pa siyang nakukuhang ebidensya.

Tumulo na lamang ang mga luha ni Ara. Nagulat siya dahil may biglang nag-abot ng panyo sa kanya. Si Philip. Kinuha na ito ni Ara upang ipunas sa mga mata.

“Thank you,” garalgal ang boses ni Ara.

“Pasensya ka na kay madam ha. Nakita pala nito kung paano siya pagsalitaan ng madrasta. Bumalik ka na doon baka hanapin ka no’n mamaya,” sagot niya pa kay Philip.

“Hay sa wakas kinausap na rin ako,” nagsenyas pa ng pasasalamat sa itaas si Philip.

Napatawa naman si Ara sabay pumara ito ng tricycle at pagsakay niya ay nagulat siya dahil sumakay din si Philip dito. Sobrang dikit na sila sa isa’t isa. Nailang tuloy si Ara.

“Saan ka naman pupunta?” Hindi niya alam kung maiinis ba siya kay Philip o matutuwa. Ibang pakiramdam ang kanyang nararamdaman ngayong sobrang lapit niya na sa binata. Mas natititigan niya ito at nalalanghap ang natural na amoy ng katawan ni Philip, lalaking-lalaki. Ngayon lang niya napagtanto na gwapo rin pala ang binata at nakakahawa ang mga ngiti at tingin nito.

“Sasamahan kita. Bakit masama ba?” sagot nito.

Hindi na nagsalita pa si Ara. Nakarating na sila ng palengke at inilibot siya dito ni Philip habang namimili.

“Oh,” iniabot kay Ara ang palamig.

“Sige salamat,” tanggi naman ni Ara.

“Wala ‘yang gayuma ha. Doon ko ‘yun binili oh,” tinuro ang tindahan sa kanilang tapat. “Alam ko kasing nauuhaw ka,” dagdag pa nito.

Upang huwag mapahiya si Philip ay tinanggap na lamang ni Ara ang ibinigay nitong palamig at ininom sa harapan ng binata. Pagkatapos ay nagulat na naman siya dahil nahuli niyang nakatitig sa kanya si Philip. Nailang tuloy si Ara. Umiwas siya ng tingin kay Philip.

“Ah edie alam mo na dito ha. Next time hindi ka na maliligaw,” pagbaling ni Philip sa ibang bagay. Ramdam rin niya kasi ang pagkailang ni Ara sa mga ginagawa niyang pagtitig dito.

Lumilinga-linga si Ara. “Halika na nga,” hinigit bigla ni Philip ang kanyang kamay at pumara na ng tricycle.

Bumalik na sila ng mansyon. Hindi naman makatulog si Ara kaya naman naisip niyang lumabas muna ng hardin. Nami-miss niya ang nakaraan noong buo pa ang kanilang pamilya kaya naman naisip niyang pumunta ng hardin. Hindi niya naalintana kung naroon ba si Philip. Pag-upo niya sa upuan ay umub-ob siya sa mesa.

“Daddy, please don’t leave us,” nagmamakaawa ang batang si Ara sa kanyang Daddy. Dito rin sa hardin na ito sila nag-uusap ng mga panahon na iyon.

“Anak, Daddy needs to go. If hindi siya aalis wala ka nito… big house, a lot of food, toys ‘di ba?” paliwanag naman ang mommy niya.

Paalis na kasi ang daddy niyo papuntang Japan dahil may business trip ito at ito ang kauna-unahang pagkakataon na maiiwan silang dalawa ng Mommy niya na may muwang na siya samantalang noon na baby pa siya madaling nakakaalis si Don Marshall dahil hindi naman masyadong humahabol si Ara. Unlike now na maiisip na siya.

“Don’t worry anak it will not take too long. Uuwi ako kaagad,” hinalikan si Ara sa noo.

“How long are you going to stay there Daddy?” umiiyak pa rin si Ara.

“Uhm… a week maybe?” hindi sigurado sa mga sagot niya si Don Marshall.

Niyakap niya ang kanyang mag-ina. Kinabukasan lumipad na papuntang Japan si Don Marshall at lumipas isang linggo at mga buwan ay hindi ito kaagad nakauwi at ito ang madalas nang pag-awayan ng mommy ni Ara. Naging workaholic si Don Marshall at tumutok sa pagpapayaman. Uuwi siya ng Pilipinas ngunit dalawa hanggang tatlong araw lamang ang nailalaan niya kasama ni Ara at ng Mommy niya pagkatapos ito ay aalis na muli ng bansa at matagal na muling babalik. Hindi na kinaya ng mommy ni Ara ang kalungkutan at pagkasabik sa asawa kaya sumuko na ito at humiwalay kay Don Marshall.

“Good evening po,” nabigla si Ara sa boses ng lalaking bumati sa kanya. Nagising tuloy siya sa pagbalik-tanaw ng nakaraan niya.

“Oh my God!” hindi na napigilan ni Ara na sabihin.

“Aba at may pa Oh my God Oh my God ka pala diyan. Pwede naman na Diyos ko,” biro pa ni Philip.

Napatawa naman si Ara. “Yan dapat ganyan, dapat palagi kang nakatawa,” nahuli naman ni Philip ang mga binitawang ngiti ni Ara.

“Ano ba naman kasing ginagawa mo dito? Papatayin mo pa ako sa nerbyos talaga,” nabubulol pa si Ara sa pagtatagalog pero pinanindigan niyang marunong pa siyang mag-Tagalog.

“Hmm bulol ka ba?” diretsong tanong ni Philip dahil nauutal si Ara sa pagtatagalog. Wala namang kamuwang-muwang si Philip na amo niya ang kaharap.

Humagalpak naman sa tawa si Ara. Nagulat naman si Philip sa malakas na tawa nito. Napakasarap sa pakiramdam ni Ara na nakatawa siya ng ganito, ‘yung isang halakhak niya ay wala ng mga lungkot at dahil sa simpleng joke lang ni Philip ay nadala na ang lahat ng kanyang lungkot.

“Grabe naman ang tawa mo na ‘yon,” tumawa na rin si Philip. “Eh ba’t ka nga pala narito?” tanong niya bigla kay Ara.

Nawala naman ang mga ngiti sa mukha ni Ara.

“Ah kahit huwag mo na lang pala sabihin. Sige magtawanan na lang tayo,” pagbibirong muli ni Philip dahil alam niyang naiilang na naman si Ara.

“May parents ka pa ba? Ah ano… magulang pala,” nahirapan isipin kung ano ang Tagalog sa magulang tanong ni Ara kay Philip.

Umiling pa si Philip. “Bata pa lang ako wala na sila. Magkasunod silang namatay parang limang taon pa lang yata ako non tapos ayun kung saan-saan na ako napadpad,” pagkukwento ni Philip na nakatingin sa maliwanag na kalangitan dahil sa maraming bituin.

Parang kinurot naman ang puso ni Ara nang malaman niya ang tunay na buhay ni Philip. Maswerte pa pala siya dahil kahit hiwalay na ang kanyang mga magulang ay pinagpapasalamat niya na buhay pa ang mga ito at hindi siya pinababayaan. Nakatitig siya kay Philip nang bigla itong bumaling sa kanya. Napahiya tuloy si Ara at iniwas ang mga mata sa binata.

“Nakakaawa ako hindi ba?” biglang tanong nito.

“Ha?” Wala namang maisagot si Ara.

“Teka lang bakit ba ako tinatanong mo eh ikaw nga ‘yung tinatanong ko kung bakit ka nandito?” tinapik ang ibabaw ng mesa.

“Hmm… wala lang. Bakit masama bang tumambay dito?” mabilis na tugon ni Ara dahil hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Philip.

“Ang labo mo naman,” napakamot sa ulo si Philip. “Eh ikaw taga-saan ka ba? Nasan naman ang magulang mo?” tanong pa nito.

“Malayo pa ang pinanggalingan ko and oo buhay pa ang parents ko at grateful ako doon,” napangiti si Ara. Ang kalungkutan niyang nararamdaman kanina ay bahagyang napawi nang marinig ang kwento ni Philip. “Pero hiwalay na sila,” dagdag na lamang niya. Wala naman kasing masama kung i-share na rin niya ang tungkol dito.

“Kaya ka ba nagtatrabaho kasi wala ding sumusuporta sa’yo katulad ko?” tanong ni Philip.

Tumango na lamang si Ara dahil wala naman na siyang pwedeng ikwento pa dito. Kailangan niyang mag-ingat sa kanyang mga salita dahil baka bigla siyang madulas at maikwento ang hindi dapat nitong malaman.

“Laban lang, ang mahalaga ay nariyan pa sila at buhay. Pwede mo silang mayakap at makasama, pwede mong mapagsabihan ang mga problema. Kaya sulitin mo ang bawat oras na nariyan pa sila at nakakausap. Tingnan mo ako, sarili ko na lang kinakausap ko ngayon,” seryoso ngunit bigla namang nagbiro si Philip.

Natutuwa naman si Ara sa kanya dahil kahit ano ang pagsuplada niya sa binata ay hindi ito sumusuko na hindi siya kausapin. Napapasaya siya ni Philip kahit sa mga simpleng biro lang nito at sa saglitan nilang usap ay maraming napababatid ang binata at ‘yun ay ang pagpapahalaga sa parents niya. Naisip niya ang mommy niya na naaalala niyang naka-block pala sa kanya ng araw na huling usap nila.

“Anak kamusta ka na? Akala ko hindi mo na ako kakausapin eh,” sabi ng mommy ni Ara.

Nagkaroon kasi siya ng chansa umuwi ng condo niya dahil busy si Molly.

“I’m okay Mommy. I’m so sorry for being so selfish,” hindi na napigilan ni Ara na hindi mapahagulgol. “I’m sorry if I made you feel bad,” hindi magawang tumingin ni Ara sa harap ng camera.

“Shhh Ara please stop crying. It was so hard for me looking at you while crying in front of the screen. Gusto kitang yakapin, gusto kong iparamdam sa’yo how much I love you and I want you to know na kahit malayo si Mommy I will always be your comfort zone. I am so glad na nagparamdam ka na. I was so worried about you, I even tried to contact your Dad pero nagulat ako na bigla niya akong blinock. I don’t know,” sabi pa ng Mommy niya.

Inayos naman ni Ara ang kanyang sarili. “Dad is already married Mom,” tanging sagot na lang ni Ara.

Natigilan naman ang mommy niya. Alam nito na si Ara ang sobrang maaapektuhan dito. Wala naman na siyang magagawa kung gusto na rin bumuo ng sarili niyang pamilya si Don Marshall. Nauna naman siyang magpakasal sa iba at may sarili na namang buhay ito. Nag-aalala lang siya para kay Ara dahil sobrang close sila ng Daddy niya at ngayon ay wala nang magpupuno ng minsan niyang pagkukulang sa anak sa tuwing busy siya sa kanyang second family.

“How are you?” then tumulo ng mga luha ng Mommy niya.

“I’m good mom. Actually I want to share you something pero maybe not now,” tago ni Ara.

“Ha? Bakit hindi pa ngayon?” pagtataka naman ng Mommy niya habang nagpupunas ng luha.

“Buse I just want to talk and see you. Where’s my baby sister?” iniba na ni Ara ang topic.

Kinuha naman ng Mommy niya ang baby nito. “Ah say hi,” sabi pa ng Mommy niya.

Matagal-tagal din ang pag-Facetime nilang mag-ina.

“Love you Honey,” si Don Marshall na ipinakita sa kanyang mga pasalubong nito.

“Hmm akin ba lahat ‘yan Daddy?” sinusubukan ni Ara ang ama kung anong isasagot nito.

“Umm… Yeah apparently,” tago naman ito.

“I’m sure of that,” sinimulan niya na ang pagkukunwaring pagiging spoiled brat para magkaroon siya ng lakas ng loob na tanungin ang ama.

“Daddy?”

“Yes?” sagot naman ni Don Marshall.

“What if ayaw ko naman talaga kay Molly?” diretso at walang paligoy-ligoy na tanong sa Daddy niya.

“Ara please stop calling her that way,” saway naman ni Don Marshall pero mahinahon.

Tumigil saglit si Ara. Bumuntong-hininga naman ang daddy niya. “Okay baby you can call her whatever you want,” sabay ngiti na napipilitan.

Ngumiti naman si Ara dahil sa sinabi ng Daddy niya. Dito pa lang ay ramdam niya na mas panalo na siya kay Molly. And what more if malaman na ng Daddy niya ang tungkol sa ginagawa nitong pagnanakaw sa pera ng kanilang kumpanya.

“What’s a sudden cold with her Honey?” bigla naman nagtaka ang Daddy niya sa biglang pagbabago ni Ara.

“I had a talk with mom and she told me that she’s been trying to reach you,” mabagal na kwento ni Ara.

“And then?” atat naman na tanong ng Daddy niya.

“Someone blocked her,” diretsong sagot ni Ara.

“How can you say that?” nakakunot ang noo ni Don Marshall.

“So ikaw ang nagblock kay Mommy?” sagot ni Ara.

Kumunot naman ang noo ni Don Marshall. “Mamaya pa ay may tumawag dito. Okay I need to go baby I’ll talk to you later,” at nag-off na si Don Marshall ng phone.

Alam ni Ara na na-trigger niya ang Daddy niya sa mga sinabi niya about kay Molly. Ayaw man niyang pag-isipin ang Daddy niya pero gusto niya na magkaroon ito ng hint sa ginagawang kababalaghan nito sa likod niya.

“I’m sorry Dad,” ang tanging nabanggit ni Ara.

“Tisay iha, okay lang ba na ikaw na muna ulit ang magdilig sa garden?” tanong ni Manang kay Ara nang bumalik ito sa trabaho.

“Ah sige po.”

Hindi naman maintindihan ni Ara kung bakit nae-excite siyang pumunta ng hardin. Pagkarating niya doon ay abot hanggang langit ang ngiti ni Ara nang makita ang bagong pintura at varnish ang table set na paborito nilang tambayan ng Mommy at Daddy niya.

“Who did this?” mangiyak-ngiyak siyang lumapit sa table set, hinawak-hawakan ang bawat sulok ng mesa.

“Nagustuhan mo ba?” biglang sumulpot si Philip sa likuran niya.

Bigla namang yumakap si Ara dito. Tumalbog ang puso ni Philip sa pagkakayakap ni Ara. Nararamdaman niya ang init ng katawan at ang bawat tibok ng puso nito. Saglit pa ay natauhan si Ara na mahigpit niya palang niyayakap ang binata. Bigla siyang bumitaw.

“Ah sorry!” hindi makatingin sa mga mata si Ara dahil sa sobrang hiya.

Ganun din si Philip dahil may after shock pa siya. Sobrang kilig na naramdaman nito.

“Ah gusto ko lang sanang magpasalamat sa pag-varnish mo sa table set na ‘to,” sambit ni Ara.

“Walang anuman. Naisip ko lang kasi na magugustuhan mo kung i-va-varnish ko ‘to. Madalas ka kasi dito kaya gusto kong maayos siya kapag tatambay ka dito. Eh teka bakit nga ba gustong-gusto mo dito?” bigla namang tanong ni Philip.

Sinubukan ni Ara na umiwas kaya kumuha na siya ng hose para makapagsimula na siyang magdilig. Lumapit naman si Philip.

“Ganito kasi ‘yung pangarap kong table set kaya gustong-gusto ko dito,” palusot na lang ni Ara para tumigil na si Philip.

Nagkibit-balikat na lang si Philip. “Pero seryoso, nagustuhan mo ba talaga ang ginawa ko?” ulit pa ni Philip.

“Alam mo ang kulit mo! Gusto mo bang mabasa ulit?” natatawa itinuro kay Philip ang hose.

Mabilis naman nakaiwas si Philip. “Ah ganun ah!” sabay kuha din ni Philip ng isa pang hose at binasa na rin si Ara.

“Ay!” napatili naman si Ara dahil binasa talaga siya ni Philip pero imbes na magalit ay ginantihan ito ni Philip at binasa din ang binata gamit ang hose na hawak.

Naglaro silang dalawa sa gitna ng malawak na hardin ni Don Marshall animo’y mga batang paslit na nakawala sa pagkakakulong sa loob ng bahay dahil ayaw palabasin ng ina. Takbo dito, takbo doon, nagpapalitan ng mga tawanan at magagaang hampasan. Sobrang saya ni Ara dahil nakawala ang sarili niya ng panandalian sa kulungan ng nakaraan.

“Sana palaging ganito ‘no?” sa isip-isip niya.

Pagkatapos silang maglaro sa ilalim ng sikat ng araw ay biglang nilagnat si Ara kinagabihan. Mabuti na lang at hindi pa rin umuuwi ang kanyang madrasta at kung naroon ito ay siguradong pag-iinitan na naman siya nito.

“Oh iha kumain ka na ha para makainom ka na ng gamot,” nilapag ni Manang ang isang mangkok ng lugaw at may mga gamot din itong dala.

Ang pumukaw naman sa mga mata ni Ara ay ang magagandang mga bulaklak na kasama ng pagkain na dinala ni Manang. “Ang ganda naman ng mga bulaklak na pinitas ninyo Manang,” pinilit na maupo ni Ara dahil gusto niyang kumain.

Tinulungan naman siya ni Manang. “Ay hindi naman ako ang pumitas niyan iha,” sagot ng matanda.

Inaamoy-amoy pa ni Ara ang bulaklak. “Eh sino po?” tanong nito.

“Si Philip iniabot sa akin kanina nung nagdilig ako ng bulaklak. Hinahanap ka niya. Sabi ko nilalagnat ka tapos ibigay ko daw sa’yo.”

Nahuli naman ni Manang na ngumingiti si Ara. “Hmm… umamin ka nga Tisay, nanliligaw ba sa’yo ang batang ‘yon?” tanong bigla ni Manang. “Kinikilig ka diyan ah,” sabay asar kay Ara.

Namula naman si Ara. “Hindi po ah,” tanggi naman ni Ara dahil hindi naman talaga nanliligaw si Philip.

“Asus! Pero okay lang ‘yon. Napakabait ng batang ‘yon at sa tagal ko na dito sa mansyon na ‘to ngayon lang siya nagkatipon ng babae. Aba’t may taste din naman pala at ikaw pa talagang napili,” tumatawang kwento pa ni Manang.

Ngumiti naman si Ara. Wala naman na siyang masabi kay Manang dahil hindi naman din ito maniniwala na wala pa siyang panahon para pagtuunan ng nararamdaman ni Philip para sa kanya. Kung alam lang ni Manang ang tunay niyang goal kaya siya bumalik ng Pilipinas.

Gumaling na rin si Ara the next day. Isang araw ay nagkaroon pa ng pagkakataon si Ara na mag-imbestiga dahil umalis muli ang madrasta niya papuntang casino. Siya pa ang naatasan na maglinis ng kwarto nito kaya buenas dahil mas mapapabilis ang kanyang paghahanap ng ebidensya. Binuksan niya kaagad ang drawer sa kwartong iyon at tumambad sa kanya ang mga tape ng CCTV ng buong mansyon ganon din ang mga files na naka-bundle sa isang portfolio.

Hindi niya malaman pero biglang kumabog ang kanyang dibdib habang kinakalkal ang mga gamit ng madrasta. Alam niyang mali dahil hindi naman niya mga gamit na ito ngunit para sa kapakanan ng mansyon at ng mga tauhan nila lalo na para sa kapakanan ng kanyang Daddy ay susugal na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ka-transaksyon ni Molly ang hardinero nilang si Philip. Ito ang nakapirma sa lahat ng mga papeles na nagiging witness sa mga lupain na binebenta ng madrasta niya. Ganun din ang mga access na sine-send ni Molly ay nakapangalan kay Philip para ma-hack ang mga accounts ng Daddy niya.

Mabilis niyang sinalang ang mga tape na hawak at mas lalo siyang nagulat dahil naroon at nakabungad kung paanong pagnakawan ni Molly ang kanyang Daddy.

“Paano niyo nagawa sa daddy ko ‘to?” sambit ni Ara sa kanyang sarili.

Kitang-kita niya na naka-lookout sa pinto si Philip. Bigla siyang napaiyak. Hindi niya akalain na kasabwat pala ito ng kanyang madrasta. Nababaitan pa naman sana siya dito.

Kinuha na ni Ara ang lahat ng ebidensya at itinago. Maluwag na ang kanyang paghinga dahil hindi na siya mapapahiya kapag isinumbong niya na ito sa Daddy niya. Naghihintay na lamang siya ng tamang tiyempo.

“Tisay!” si Philip naman ang humahabol kay Ara nang matyempuhan siya sa may hardin.

Halos mag-iisang linggo na kasi na iniiwasan niya ang binata dahil sa nalaman niya. Hindi na muna niya ipinaalam na siya ang anak ng Don dahil may isa pa siyang plano. Hinihintay na lamang niyang umuwi si Don Marshall upang ito na mismo ang magpakilala sa kanya bilang anak nito. Gusto niyang mapahiya si Molly.

Hindi naman pinapansin ni Ara si Philip. Bigla siyang hinigit nito. Nainis naman si Ara at nadala ng galit, hindi niya na napigilan ang sarili at sinampal si Philip. Nagulat naman si Philip.

“Ano ‘yun?!” singhal nito. “Ano bang problema mo?” tanong niya kay Ara.

“Don’t you dare touch me!” Hindi na napigilan ni Ara na ilabas ang tunay na siya, ang tunay na pagkatao niya sa likod ng suot na uniporme na pangkatulong.

Lalo namang nagulat si Philip. “H-ha?” tanging nasambit nito.

“Ayaw na kitang makita! Ayaw na kita makausap and one more thing, huwag na huwag mo akong kakausapin! No! Lalapitan!” galit na sambit ni Ara.

“Eh hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan pero ang hirap naman ng gusto mong mangyari Tisay,” diretso sagot naman ni Philip.

“It’s not Tisay! It’s Ara! Ara!” tinapat niya na ito.

Nanlaki naman ang mga mata ni Philip. Natigilan ito, tiningnan mula ulo hanggang paa si Ara at iniwas ang mga tingin sa dalaga. Napapahiya siya.

“Ma’am Ara…” yumuko si Philip.

Lumapit si Ara dito. “Bakit niyo nagawa ‘yun sa daddy ko?” diretso ang tanong niya kay Philip.

Tumingin naman sa kanya pabalik si Philip. Blangko ang mga mata nito. Umatras si Ara.

“I want you out of my house tomorrow morning habang hindi pa nakakauwi si Daddy kung ayaw mong mapasama sa amo mo at mabulok sa kulungan,” madiin na sabi ni Ara.

Tatalikod na sana ito. “Alam kong hindi sasapat na humingi lang ako ng patawad sa’yo kahit na lumuhod ako sa harapan mo pero hayaan mo sanang makabawi ako at bigyan pa ng isang pagkakataon,” pakiusap ni Philip.

Natawa si Ara. “Are you joking? Nagpapatawa ka ba? Pagkatapos ng ilang taon na panloloko sa daddy ko ganyan kadali ka hihingi ng pagpapatawad?” galit na galit si Ara.

Maya-maya pa tumunog ang telepono ni Philip. “Hello?” ni-loudspeaker nito ang boses ng kausap.

“Saan ka? Nasa kabilang linya na kanina pa ako tumatawag sa’yo! Ano ba ang ginagawa mo?” tanong pa nito.

“Ah nandito po kasi ako sa bayan Madam, bumibili ng mga pataba sa halaman,” palusot ni Philip.

“Ah okay call me when you get home. May ipapagawa ako sa’yo, importante,” sabi pa nito sa kabilang linya.

“Eh ano naman po ba ‘yan Madam? Kung tungkol na naman po kay Don Marshall, alam niyo naman pong ayokong madamay pa diyan,” diretso namang sagot ni Philip.

“Yeah I know right pero last na ‘to Philip. We already talked about this and I promise you na last na ‘to. Pauwi na rin kasi ang amo mo kaya maglayo muna din ako,” pagpilit pa rin ni Molly.

Nakatitig lang si Ara kay Philip at may nais na sabihin. Mata sa mata niyang sinenyasan ang binata. Buti na lang ay na-gets kaagad ni Philip.

“Ah sige po Madam. Tawag na lang po ulit ako mamaya,” at inoff na ni Philip ang pagtawag. Binalikan niya si Ara na naliwanagan na.

Nahihiya naman sa mga mata ni Ara dahil sa mga narinig. “Naniniwala ka ba na malinis ang intensyon ko ngayon sa daddy mo? Oo noon wala akong konsensya na patuloy ang panloloko namin ni Madam sa daddy mo pero…” yumuko ito saglit at inangat din ang mukha, “pero nung nakilala kita Ara, nabago ang lahat. Nag-iba ang pananaw ko sa buhay at kaya kong magbago para sa’yo. Sana bigyan mo…”

May sasabihin pa sana si Philip ngunit tinakpan ang bibig niya ng daliri ni Ara. “Shhh!” sabi ni Ara.

Ayaw na muna niyang marinig ang confession ni Philip kahit alam niyang may nararamdaman ang binata para sa kanya. Mas nanaig sa kanya ang magantihan ang taong pangahas na pumasok sa buhay ng Daddy niya at ‘yun nga ay si Molly. Kaya naman may panibago siyang plano.

“Shut up please and listen to me,” suplada pa rin ang dating kay Philip.

Tumigil naman ang binata at napabuntong-hininga na lamang. “Pumayag ka sa gusto niyang mangyari Philip. Can you do that for me?” nakataas ang kilay ni Ara na hinahamon si Philip.

“Tisay naman eh… ah ay Ma’am Ara pala,” nabubulol pa si Philip.

“Hey! Will you please stop calling me that way hangga’t wala pa si Dad? We have to stick with my plans. I will be Tisay as is,” nakataas pa rin ang kilay ni Ara.

Umirap naman ng bahagya si Philip. “Oh why?” mataray pa rin na tanong ni Ara.

“Eh wala. Eh bakit mo ba gustong gawin ko ‘yung pinapagawa ni Tita Molly? Gusto mo ba akong mapahamak?” angal naman ni Philip.

“Hmm ikaw kasi ang magiging susi ko para ma-trap natin siya. ‘Di ba sabi mo babawi ka?” nakangisi si Ara.

“Oo,” sagot naman agad ni Philip.

“All right then you can do it as a piece of a cake,” sabay talikod na ni Ara.

Naiwan naman si Philip na napakamot na lang sa ulo.

“Mabuti naman at nagbago ang isip mo,” kausap ni Philip si Molly.

Hindi nagsalita si Philip.

“Magkakaroon ka naman ng porsyento sa gagawin natin kaya huwag ka nang makonsensya pa. Life is all about money remember that?” ngumisi pa si Molly.

“Eh ano po bang gagawin?” diretso ng tanong ni Philip.

May iniabot naman sa kanya na isang envelope. “Akala ko po ba wala na kayong access sa mga bank account ni Don Marshall?” nagtatakang tanong ni Philip.

“Wala ka bang bilib sa akin? Of course I have source inside and outside of the company. What Molly wants, Molly gets,” nakataas pa ang kilay ni Molly. “I want you to get all the money sa account na ‘yan and transfer it to my secret account,” dagdag na utos pa ni Molly.

“Magkano po kaya ang laman ng account na ‘yon?” tanong pa muli ni Philip.

“It’s $500,000,” sagot agad ni Molly.

“Ha? Eh seryoso ka ba diyan Madam?” nabuwal sa pagkakaupo si Philip dahil nagulat siya sa sobrang laki ng halaga na ipapakuha sa kanya ng amo. Kung wala pa nga silang plano ni Ara ay hindi na naman siya para pumayag pa sa inuutos ni Molly.

“So ano na? Paano na ‘yung setup niyo?” kausap ni Ara si Philip sa may hardin.

Tinataon naman nila na wala ang Madam Molly.

“Seryoso ka na ba sa plano mo?” tanong ni Philip kay Ara dahil hindi mawala ang pag-aalala niya.

“Don’t tell me you’re still out of focus!” mataray na sabi tuloy ni Ara.

“Oo naman nagtataray agad. Gagawin ko naman ‘yung gusto mo pero syempre kinakabahan pa rin ako,” angal naman ni Philip.

Nakataas naman ang kilay ni Ara at naiinis pa rin kasi siya kay Philip dahil hindi naman ganon kadaling magpatawad ito sa lalaki ng kasalanan nito sa kanyang Daddy. Ginagamit na lamang niya si Philip upang mahuli na sa sariling bitag niya si Molly. Dito na rin niya malalaman kung talagang sincere na nga ba ang binata na magbago para sa kanya.

“Para mapatunayan ko sa’yong babawi ako sa inyo ni Don Marshall, gagawin ko ‘to,” determinadong sambit ni Philip.

Tiningnan lang siya ni Ara ng mata sa mata. Samantala…

“Honey bakit ngayon walang sinagot ang calls ko?” si Molly habang kausap si Don Marshall.

Umuwi siya ng mansyon para isakatuparan na ang plano niya ngunit bago pa ‘yon ay tinawagan niya muna ang Don dahil ilang araw na rin niya itong hindi nakakausap.

“Honey?” ulit pa nito.

“Bakit mo pinapakialaman ang account ko?” diretso ang tanong ni Don Marshall.

“Ha? What are you talking about?” tanggi pa ni Molly.

“You can’t fool me Molly. I hired an IT para malaman ko kung sino nagblock sa account ng mommy ni Ara and they traced that was from your phone.”

Galit si Don Marshall pero magkakaila pa sana si Molly bigla na lang itong umiyak. “Why are you getting mad then? Wala ba akong karapatang gawin ‘yon?” pagbabaliktad niya sa topic.

“Remember what we had talked about bago kita tinanggap sa buhay ko Molly? It’s my own family first before you,” diin ni Don Marshall.

“But she’s your ex-wife and I think it was a valid reason if I got jealous,” sagot naman ni Molly.

“She’s the mother of my child! My only daughter! And kahit balik-baliktarin mo man ang mundo Molly, you will never change that even if we’re already married! You will never replace her! Me and her Mom need to have contacts about Ara and what did you do? You blocked her because of your damn selfishness!” Galit na galit si Don Marshall.

Hindi niya kasi halos akalain na lalampas na si Molly sa mga napagkasunduan nila. Unang-una pa lang ng kanilang pagsasama ay alam na ni Molly kung saan ang boundary niya ngunit lumalampas na ito at lumalabas na paunti-unti ang ugali.

“I can’t believe that you’re now showing off your true color,” ang huling nasabi na lang ni Don Marshall at bigla na lamang inoff ang call.

“Ahhhh!” Galit na galit na sumigaw si Molly sa kanyang kwarto.

Narinig naman siya ni Ara na nasa kabilang kwarto lang din. Hindi mapigilan ni Ara na matuwa sa narinig niyang pagtatalo ng Daddy niya at ng madrasta. Umaayon sa plano niya ang mga nangyayari kay Molly.

Maya-maya pa ay tumawag naman ang Daddy niya sa kanya. Hindi niya ito maaaring sagutin dahil nasa mansyon pa siya. Malayo pa rin ang araw ng rest day niya kaya hindi pa niya ito kayang entertain ng Facetime. Tiniis na muna niya ang Daddy niya at hindi sinagot ang tawag. Nag-aalala tuloy si Don Marshall at nag-isip na munang umuwi ng Pilipinas upang ayusin ang gusot sa pagitan nila ng anak at ng bago nito ang asawa. Iniisip ni Don Marshall na galit sa kanya ang anak na si Ara kaya naman nagpa-book na agad ito ng ticket.

Kasalukuyan namang sinisimulan na ni Molly ang masamang balak nito sa isang account ni Don Marshall. Nakita ni Ara si Philip na pumasok ng kwarto ni Molly. Sinenyasan niya ito sa mata.

“What took you so long?” naiinis naman ang tanong ni Molly.

“Kakagising ko lang po kasi,” palusot naman ni Philip.

“Aiya! Halika na simulan mo na ‘to!” Hinatak si Philip at inuupo sa isang working table niya. “Andiyan na lahat ng kailangan mong tools para ma-hack mong mabilis ang account ni Marshall. Gawin mo ‘yan ng mabilis at nararamdaman kong uuwi ‘yon. I know Marshall very well in 10 years sa pagsasama namin. We’re not in good terms right now,” diretso naman ang daldal ni Molly.

Pero wala namang pakialam na si Philip. “Lalabas lang ako because I want some fresh air. Let me know when you’re done,” pairap na tinalikuran si Philip.

Bumaba ito para pumunta sana sa hardin nang may naamoy siyang parang nasusunog sa kusina. Nang i-check niya ito ay nakita niyang makapal na usok mula sa nasusunog na kawali. Nagsisigaw siya at naging hysterical. Naiskandalo ang lahat ng mga katulong at tauhan sa buong mansyon, maging si Philip ay napababa.

“Stupid! Simpleng utos ko lang sa inyo hindi mo pa magawa!” singhal ni Molly kay Ara at sa iba pang katulong.

Hindi naman makapaniwala si Ara sa ugaling ipinapakita ng babaeng pinakasalan ng kanyang ama. Dinuro pa siya nito. “‘Di ba sinabi ko naman sa’yo na ayoko ng patanga-tanga dito? Tinanggap kita dito sa mansyon ko kasi kulang na kulang ako sa mga maids. Pero kung ganyan ang ipinapakita mo, I have nothing to do with you. You can leave my house!” Inirapan si Ara.

“Who’s leaving the house?” biglang nagsalita si Don Marshall.

Nagulat ang lahat ng biglang pagdating nito. Nakatalikod ni Ara kaya hindi agad napansin ang ama. Nakangiti na si Ara kay Philip. Nanlaki naman ang mga mata ni Molly at kinabahan ng sobra dahil hindi niya inaasahan na dadating ang Don. Alam niyang nakaharang sa kwarto nila ang ginagawa nilang pagnanakaw sa account ng Don.

“Honey…” patay-malisya na bati nito kay Don.

“What are you doing here with the maids? Why are you shouting at them this way? Hanggang sa entrance gate I can hear your voice,” tumaas ang boses ng Don.

“Ah… I’m sorry pero kasi sino ba naman ang hindi magagalit? Halos masunog ang mansyon dahil sa katulong na ‘to,” dinuro si Ara. “Tinanggap ko siya dito dahil sa awa pero may plano palang sunugin ang mansyon,” pag-iimbento pa ni Molly.

Hindi naman pinansin ni Don Marshall ang sinabi ni Molly dahil hindi na naalis ang tingin niya sa katulong na dinuro-duro ni Molly. Nakikilala niya ang mga tindigan ni Ara. Hinarap niya ang babaeng nakatalikod.

“Ara?” Nanlaki ang mga mata nito at niyakap ang anak.

“Dad!” yumakap din si Ara ng mahigpit.

Gulat na gulat naman lahat lalo na si Molly. Hindi siya makapaniwala na si Tisay at Ara ay iisa. Para siyang napipi at hindi makapagsalita.

“What happened to you my love? Why are you wearing this maid’s clothes?” tanong ni Don Marshall.

Binalingan ni Ara ang madrasta. “Because of her,” binalik niya ang mga duro sa kanya ni Molly simula nang bumalik siya ng mansyon.

“What?” nakakunot naman ang noo ni Don Marshall.

“I don’t know Ara! I’m so sorry I didn’t recognize you sweetheart! Honey please I didn’t mean it,” lumapit kay Don Marshall at nagmakaawa.

Napapailing naman siya. “There’s more Dad,” nakataas ang kilay ni Ara. “Philip!” tinawag ang binata at sinenyasan. Gets na agad nito ang gagawin dahil nakaplano na ito.

“What are you trying to do Philip?” nangangatog na ang buong laman-laman na ni Molly dahil si Philip na ang tinawag ni Ara. Ito lang ang kaisa-isang tao na pinagkatiwalaan niya ngunit ngayon ay babaliktad na.

Parang walang narinig si Philip at dire-diretsong umakyat upang kunin ang lahat ng ebidensya. Pagbaba nito ay dala niya na ang lahat pati na rin ang kakagawa pa lang nila bago dumating ang Don. Lahat ‘yon ay pinakita ni Ara sa kanyang ama: ang mga CCTV footages at ang lahat ng mga transactions ni Molly sa pagnanakaw sa mga account ni Don Marshall. Naroon din ang mga record ni Philip simula nang kinausap siya nito sa telepono para sa huli nilang plano hanggang sa kanina nung nasa taas pa siya.

Parang gusto nang lumubog ni Molly sa kinatatayuan. Bumaling sa kanya ang Don.

“I loved you Molly and I accepted you here to be part of my family, to be the second mother of my daughter. How could you do this to her? To me? I trusted you with all my heart! I thought you’re an angel but it was all a disguise. You’re an evil!” Galit na galit si Don Marshall.

Pinakalma naman ito ni Ara. Maya-maya pa dumating ang mga pulis dahil tumawag na pala si Manang.

“Honey please Ara patawarin niyo ako! Hindi ko naman sinasadya!” nagwawala si Molly habang sinusuotan ng posas.

Tinalikuran ng mga pulis pero naalala nito si Philip. Bumalik ito. “Bakit ako lang? Philip was also involved! He’s my assistant! This can’t be!”

Parang walang narinig ang mga pulis dahil kung sino lang ang nireklamo ng Don ay iyon lang ang dinampot nila. Nakatingin naman si Don Marshall ng masama kay Philip. Napayuko naman si Philip at ipinakitang nagsisisi siya sa ginawa. Lumapit siya kay Don Marshall.

“Don Marshall, patawarin niyo po ako.”

Nanlaki ang mga mata ng mga katulong sa nalaman. Nagulat sila lalo na nang biglang hinablot ni Don Marshall ang kwelyo nito at akmang susuntukin. Mabuti na lang ay humarang si Ara.

“Dad please!” awat niya sa Daddy niya.

Nagpaawat naman si Don Marshall at napaupo na lamang sa sofa. Nanatili namang nakayuko si Philip. Katahimikan saglit pa. Hindi na kinaya ni Don Marshall ang tensyon dahil pagod na din siya sa biyahe. Umakyat na ito ng kwarto at dinismiss na ang lahat ng mga tauhan na naroon sa malaking sala.

Naiwan si Ara at Philip. Saglit pa rin na katahimikan ang nangibabaw sa paligid. Maya-maya pa ay nagsimula ng humakbang si Ara palayo upang bumalik na rin sa kwarto.

“Ara…” tawag ni Philip. Hindi siya nilingon ng dalaga. “Ganun lang pala ‘yon? Sana sinabihan mo naman ako para hindi ako umasa na magiging okay pa rin tayo pagka napakulong na si Madam Molly,” parang paiyak ang boses ni Philip.

Nanatiling tahimik si Ara.

“Ara please kausapin mo naman ako,” pagmamakaawa pa ni Philip.

Nilingon na siya ni Ara. “Akala mo ba ganon kadali ‘yon Philip? Nakita mo naging reaksyon ni Dad ‘di ba? It’s not that easy para harapin ka niya and my Dad needs me now. I had a long day at ikaw din. Baka gusto mo munang magpahinga. Pasalamat ka nga’t hindi ka namin pinakulong eh,” tumalikod nang muli si Ara.

Pahabol pa si Philip, “Sana nga pinakulong mo na lang ako para hindi ko maramdaman ‘yung sakit.”

Nilingon ito muli ni Ara ngunit mabilis nang nawala ang binata. Bigla namang tumulo ang mga luha ni Ara. Naaawa siya dahil alam niya ang nararamdaman ni Philip. Alam niya ring may mali siya dahil pinaasa niya ito ngunit ayaw niyang dayain ang kanyang puso. Ayaw niyang magsinungaling at plastikin ang sarili na okay na sa kanya si Philip. Malaki pa rin ang kasalanan nito sa kanya at ang pagtulong nito sa kanya para mahuli si Molly ay hindi sasapat para mapatawad si Philip ng ganun-ganon na lang. Tiwala ang pinag-uusapan dito at mahalaga ‘yon kay Ara.

“Dad?” kinakatok ni Ara ang Daddy niya kinabukasan.

“Please come in.”

Gising na pala ito. Pagpasok niya sa kwarto ay nakakahon ang mga gamit ni Molly.

“How are you now?” tanong ni Ara.

Nakatanaw si Don Marshall sa kawalan.

“Dad?” ulit muli ni Ara. Lumapit siya sa ama at niyakap ito ng mahigpit. “I miss you Dad,” niyakap niya pa ito ng mas mahigpit.

“I miss you too anak,” hinalikan niya sa noo si Ara at niyakap pabalik.

“I’m sorry Dad kung ganon naging eksena natin yesterday. I didn’t mean to hurt you. I just want all the best for you and the true love that you deserve,” paiyak na sabi ni Ara habang nakahawak sa kamay ng ama.

Tiningnan naman siya ng kanyang ama ng mata sa mata. “You don’t have to say I’m sorry anak but let me thank you for helping me para magising sa katotohanan. Molly put me on a spell that she thought no one could have saved me pero narian ka anak at niligtas mo ako. While I was here staring blankly and just felt bad for what I had done back when we were still complete… Patawarin mo ako anak if Daddy was weak and didn’t give you the family you wish you have,” hinalikan ang kamay ni Ara at umiyak ng tuluyan si Don Marshall.

Bigla namang napahagulgol si Ara dahil hindi niya akalain na naramdaman pala siya ng Daddy niya buong buhay niya. Inakala niyang siya lang at ang sarili niya ang magkaamay.

“Don’t feel bad Dad. Yes I don’t have the perfect family na hiniling ko but I have the best mom and dad in the whole world. I have more than anything else and I’m so grateful na buhay kayo at malakas para sa akin. I don’t know what to do kapag mawala kayo sa buhay ko Dad,” hindi na tumigil ang kakaiyak si Ara.

“Salamat anak sa pagmamahal kahit ganito tayo. In fairness fluent ka ng magtagalog ha,” biro pa nito at napatawa naman si Don Marshall.

“Dad naman eh,” pinunasan naman ni Ara ang kanyang mga luha at napalitan na ng mga ngiti.

Ilang araw ang dumaan ay parang hindi na napapansin ni Ara ang hardinero nilang si Philip.

“Good morning po Miss Ara,” bati ni Manang kay Ara na nakatambay sa table set na paborito niyang tambayan.

“Ano po ba kayo Manang, you can still call me Tisay kung ‘yun po ang gusto ninyo basta huwag niyo lang po akong mina-ma’am ma’am diyan,” saway naman ni Ara.

“Tisay?” Naroon din si Don Marshall at nagkakape. “Why are you laughing Dad?” natatawa na din singhal ni Ara sa Daddy niya.

“Nothing. Is that part of your plan? Pati ‘yung name mo papalitan?” nang-aasar na si Don Marshall.

“I didn’t choose that name Dad. Si Manang ‘yung tumawag sa akin non since nag-disguise nga ako as maid, pinanindigan ko na,” paliwanag naman ni Ara. “‘Di ba Manang?”

Ngumiti naman si Manang dahil natutuwa siya sa mag-ama.

“Anyways Manang, may I ask where is Philip?” biglang tanong ni Ara kay Manang.

Napatingin naman si Don Marshall. Hindi alam kung anong isasagot ni Manang kaya si Don Marshall na lamang ang sumagot. “He’s in jail. Hindi mo ba alam?” sagot ni Don Marshall.

Nagulat na naman si Ara. “Ah what?! How did that happen? Pinakulong mo siya Dad?” pagtataka ni Ara.

“Of course not! Tumawag sa akin ‘yung pulis na may hawak ng kay Molly. He told me that Philip surrendered himself,” paliwanag ni Don Marshall.

“Pero Dad bakit ka pumayag?” Hindi naman maintindihan ni Ara ang sarili pero bigla siyang nag-alala para kay Philip.

“I did Ara but Philip didn’t listen. What can I do?” nakataas ang balikat ni Don Marshall. “And what’s with that guy? Why…” Nagtaka namang bigla si Don Marshall.

Hindi naman nakasagot si Ara dahil maging siya hindi niya alam kung bakit nga ba siya nag-aalala dito. “I just feel bad for him Dad. Naawa ako sa kanya. That’s all,” tanging sagot na lang ni Ara.

Hindi na rin kumibo pa si Don Marshall. Ara then thought to herself, “Awa ba talaga?”

Dumaan ang mga araw at linggo na kapag napatambay si Ara sa may hardin ay hindi niya mapigilan ang hindi maisip si Philip. Nami-miss niya ang binata. Minsan ay hindi niya napipigilan ang hindi maluha kapag nahahawakan niya ang table set na nilagyan nito ng varnish para sa kanya. Hinugot siya ni Philip sa kalungkutan mula sa mga malulungkot na ala-ala ng table set na iyon. Ngayon ay nalulungkot naman siya para sa ala-ala nila na magkasama, hindi kalungkutan kung hindi ang masaya nilang mga tagpo.

Nawalang bigla ng gana si Ara sa lahat ng bagay. Hindi niya na napansin na pati ang gana niya sa pagkain ay nawala na rin.

“Where is Ara Manang?” tanong ni Don Marshall dahil mag-isa lang siya sa mesang kakain.

“Ah Don Marshall, nasa kwarto po niya,” sagot naman ni Manang.

“Kumain ba siya?” tanong pa ulit nito.

“Ah hindi po,” umiling si Manang.

Napabuntong-hininga naman si Don Marshall. “Why is she doing this? Is this about that guy Philip? Boyfriend niyo ba ‘yon?” diretsong tanong pa nito.

“Ah hindi po Don Marshall. Kaso nga po sobrang naging close po sila, naging matalik po silang magkaibigan. Si Philip po ‘yung kauna-unahang tao na pinagsabihan ni Miss Ara tungkol sa pagdi-disguise niya,” kwento ni Manang.

Tumango naman si Don Marshall. “No wonder,” sabi pa nito.

Pagkatapos kumain ay sinamahan pa ni Manang si Don Marshall sa hardin. “Who did this?” tanong ito, tinutukoy ang table set.

“Si Philip po Don Marshall,” nakangiting sagot naman ni Manang. “Ginawa niya rin po ‘yan para kay Miss Ara. Simula po kasi ng dumating si Miss Ara dito sa mansyon eh madalas na po siya dito at si Philip lang po ang naging kadamay niya,” dagdag pa ni Manang.

Parang naluha naman si Don Marshall dahil alam niya kung gaanong kaimportante kay Ara ang table set na ito. Nararamdaman niya ang nararamdaman ng anak na nangungulila sa alaga ng magulang.

“Ara?” nabosesan ni Ara si Manang na nasa labas ng kanyang kwarto at ginigising siya.

Tumayo siya kahit napipilitan upang pagbuksan ang mayordoma ng pinto. “Yes po Manang?” pupungas-pungas pa ang mata na tinanong si Manang.

“Ah, kain na sa baba at naghanda na ng maraming pagkain ang Daddy mo,” yaya naman ni Manang kay Ara.

“Ah masama pang pakiramdam ko Manang,” tanggi ni Ara.

“Alam mo nagtatampo ang Daddy mo sa’yo eh. Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? Pagbigyan mo naman siya ngayon iha na makasabay ka niya sa pagkain. Doon kami naghain sa paborito mong pwestuhan,” pagyaya pa rin ni Manang.

Sumilip naman si Ara sa may terrace ng kwarto niya dahil tanaw doon ang hardin. Nakita niya na naroon ang Daddy niya at kumaway sa kanya. Ngumiti naman si Ara pabalik.

“Ah maliligo lang po ako Manang,” nakangiti niyang tugon kay Manang.

Maya-maya pa ay bumaba na rin si Ara at dumiretso na sa hardin.

“Good morning Dad,” bati niya sabay halik sa Daddy niya at naupo na.

Pagkaupo ay nakita niyang bulaklak na katulad na katulad ng mga bulaklak na binigay sa kanya ni Philip noong nilalagnat siya, nasa tabi ito ng kanyang pinggan. Luminga-linga siya. “Ah Dad, did you make this?” itinaas ang bulaklak at pinakita sa Daddy niya.

“No, not me but him,” sabay turo kay Philip na nasa likuran na pala ni Ara.

Dala nito ang mas maraming bulaklak katulad ng hawak ni Ara. Inabot ngayon kay Ara. Hindi naman makapaniwala si Ara sa nakikita niya.

“I thought you were in…” maluha-luhang sambit ni Ara.

Tumingin naman si Philip kay Don Marshall. Ngumiti naman ito. Wala pa ring masabi si Ara bagkus ay naupo na lang ito at nagtaka naman si Don Marshall sa pinakikita ng kanyang anak. Hindi nito pinapansin si Philip. Nanatili na lamang na tahimik si Philip.

“What’s wrong with you Ara?” hindi na napigilan ni Don Marshall na hindi magtanong.

Hindi pa rin ito nagsasalita.

“Ara?” sinubukan ni Philip na siya naman ang magtanong ngunit tumayo si Ara at nagtakbo pabalik sa loob ng mansyon.

Naiwan si Don Marshall at Philip sa mesa. “I’m sorry Philip. I’ll talk to her later. Please stay here at huwag natin siyang sukuan. I’m afraid Ara is having a hard time deciding for herself kung ano ba talaga ang gusto niya para sa sarili niya. She is in denial,” pakiusap naman ni Don Marshall.

Pumayag naman si Philip kaya nagdesisyon siya na mag-stay pa rin sa mansyon kahit nahihirapan na siyang ispellingin si Ara. Bumalik naman sa dati si Ara, ‘yung dating masigla at palagi ng kasabay si Don Marshall sa pagkain. Ang tanging tao lang na iniiwasan niya pa rin ay si Philip. Iniiwasan rin niyang pumunta sa hardin kapag naroon ang binata.

“How are you now iha? It’s nice to have you back as my daughter,” na-corner ni Don Marshall na mag-open up kay Ara.

Kumunot naman ang noo ni Ara. “It’s still me Dad, nothing changed,” sabi naman ni Ara na kumakain. “What makes you think like that?” dagdag pa nito.

“I’m your dad Ara. Of course I know, I can feel and I have instincts too,” sagot naman ni Don Marshall.

Nagkibit-balikat na lang si Ara.

“And how about Philip?” tanong ni Don Marshall.

Napatigil sa pagnguya si Ara. “What about him?” patay-malisya na tanong din ni Ara.

“He’s here now iha. Bakit ayaw mo siyang kausapin? Hindi ba dapat ako ‘yung magalit sa kanya? But what did I do? I forgave him because he already did his part para mabayaran ‘yung mga kasalanan at pagkakamali niya sa akin, sa atin. Pero hindi lang ‘yun ang tiningnan kong basehan. Alam mo kung ano? It’s the table set na inayos niya para sa’yo, para mapasaya ka. I knew then that Philip have a good heart,” patuloy na kwento ni Don Marshall.

Ngunit nanatiling matigas si Ara. Wala siyang sagot at comment na sa sinasabi ng Daddy niya. “I’ll go ahead now Dad,” bagkus ay nagpaalam ito.

“Oh, saan ka naman pupunta?” nagtataka naman ang Daddy niya.

“Somewhere na makakapag-relax ako Dad,” at tuluyan na nga itong umalis. Napailing na lang ulit si Don Marshall.

Sa airport pala pupunta si Ara dahil sinundo niya ang mommy niya. Umuwi pala ito ng Pilipinas at ayaw muna nitong ipaalam sa daddy ni Ara dahil masama pa rin ang loob niya dito dahil sa pang-blackmail. Niyakap siya ng mahigpit ng Mommy niya dahil sobrang tagal na nilang hindi nagkikita.

“Oh I miss you anak!” maluha-luhang sambit ng Mommy niya. “I’m sorry honey, hindi pinayagan si baby na ibyahe ng pedia niya. She’s under treatment ngayon because of her allergies but she’s fine,” paliwanag pa nito dahil mag-isa lamang itong bumyahe.

Tiningnan siya sa mga mata ni Ara at bigla na lang tumulo ang mga luha nito. “Oh why anak?” niyakap naman siya ng Mommy niya.

“Nothing mom, I just can’t believe na kasama na kita ngayon tapos solo,” sagot naman ni Ara habang naiiyak na natatawa. Nagyakapan silang muli, yakap na walang kasing higpit sa sobrang pagka-miss.

Nag-stay na muna si Ara sa condo na nirent ng Mommy niya habang nasa Pilipinas ito. “Are you staying for the night anak?” tanong ng Mommy niya habang nagluluto ito.

“Yes Mommy,” mabilis na sagot naman ni Ara habang nakaharap sa mommy niya na nagluluto.

“Nag-inform ka na ba sa Dad mo?” tanong nito.

“Just now,” tago naman ni Ara.

“Sweetie pie Dad, I can’t be home tonight but we need to unwind,” binabasa ni Don Marshall ang message ni Ara. Tinawagan niya ito.

“Oh my god! Mommy, Daddy’s calling!” pabulong na sabi ni Ara sa mommy niya.

“Why don’t you answer it? I’ll shut my mouth here,” sumenyas pa ng zipper sa bibig at bumalik na sa kusina.

“Hello Dad?” sinagot na ang tawag.

“Where are you now?” tanong naman ni Don Marshall.

“Ah um… with my friend Dad. Don’t worry I’m fine here,” explain naman ni Ara para hindi na rin mag-alala ang Daddy niya.

“Are you sure? I just call to check on you. Remember I have Philip here, one call away he’ll go to find you,” sabi pa ni Don Marshall.

“Dad!” narinig niya na tumawa sa kabilang linya si Don Marshall.

“Just be safe okay? I’ll expect you to be here by morning. I love you Sweetheart. Bye,” at inoff na nito ang tawag.

Natigilan naman saglit si Ara at hindi niya alam kung bakit napapangiti siya nang biniro siya ng Daddy niya na ‘One Call Away’ lang si Philip para hanapin siya. Bigla namang sumulpot ang mommy niya, tinawag na siya for dinner.

Pagkatapos nilang kumain ay nag-shower sila together as bonding. Sobrang saya ni Ara dahil kasama niya ang mommy niya. Ito ang nag-blower ng buhok niya para matuyo. Puro joke ang mommy ni Ara sa sobrang na-miss niyang marinig dahil joker talaga ito kahit nung bata pa siya. Pati ang story about kay Molly ay naikwento na rin niya sa mommy niya.

“Now she’s in jail, she deserve that,” nakataas ang kilay ng mommy ni Ara. “Kung nandun lang ako nung inaapi ka niya, naku manghihiram siya ng mukha sa aso! Baka mapatay ko pa siya,” galit na sabi pa nito.

“Hey mom enough, chill,” kinalma naman ito ni Ara. “By the way speaking of that Molly, bakit hindi mo po kausapin si Dad? It was Molly who did block you mom kaya hindi ka dapat magalit kay daddy,” pagdepensa ni Ara sa Daddy niya.

“Hay naku, huwag na muna anak. Susulitin ko na muna ‘yung oras ko na tayo munang dalawa,” niyakap si Ara. Yumakap naman pabalik si Ara, mahigpit na mahigpit.

Kinabukasan, sinunod nga ni Ara ang Daddy niya na umuwi ng maaga. Naabutan niya ito sa may sala at nagpapahinga.

“Good morning Dad,” bati niya dito sabay halik sa pisngi like the usual na ginagawa niya.

Naupo naman si Ara sa tabi ng Daddy niya. “Kumain ka na ba?” tanong nito.

“Ah yes Dad,” sagot naman ni Ara. “Ah Dad…” nagsimula na magsalita si Ara. Magpapaalam pala siya dito.

Tumingin lang sa kanya ang Daddy niya.

“Dad, I will be gone for a week,” diniretso niya na ang daddy niya.

Hindi ito nagsalita.

“Dad?” pangungulit pa rin ni Ara.

“Is that about your friend last night?” tanong pa nito.

“Yes,” nakangiting sagot ni Ara.

“Talk to Philip and let him drive you with that friend you called whoever,” striktong bilin ni Don Marshall.

“No Dad!” angal naman ni Ara.

“If I were you, walang aalis,” tumayo na si Don Marshall at lumakad pabalik ng kwarto niya.

Naiwan namang umuusok ang ilong ni Ara. Wala siyang magawa kung hindi ang sundin ang Daddy niya dahil ayaw niyang ma-miss ang bawat araw na narito sa Pilipinas ang kanyang Mommy. Kaya naman pinuntahan niya si Philip sa garden.

“Pag-drive mo ako,” mataray na approach niya dito.

Nagulat naman si Philip. “Ah… Sure ka ba diyan?” hindi naman makapaniwala si Philip.

Nakataas naman ang kilay ni Ara. “I’ll just pack more things then aalis na tayo,” at tumalikod na ito para mag-ayos ng gamit.

Maya-maya pa ay bumaba na si Ara. Pagkasakay na pagkasakay ng sasakyan ay tinanong kaagad siya ni Philip kung saan siya pupunta.

“Saan tayo pupunta Miss Taray?” asar nito kay Ara.

Umirap naman si Ara. Bigla siyang napaisip. Paano kung makita ni Philip ang mommy niya? Paano kung sabihin niya ito sa Daddy niya? Hindi man ito kilala ang mommy ni Ara ay alam niya na kaagad kung paano ito magde-desisyon. Gusto sana niyang sabihin na mag-ingat ito.

Pagtanong niya kay Ara ay ang bilis itong nakapasok sa loob ng condo at hindi niya na matanaw. Dahil one way ang harapan ng condo ay kinailangan niya pang umikot sa likod ng condo para makalabas. Sa kanyang pag-ikot ay may natatanaw siyang babae na pasuray-suray, naliliyo ito. Itinabi ni Philip ang sasakyan at mabilis na bumaba. Huli na ang lahat dahil nawalan na ito ng malay.

“Ma’am! Ma’am!” sinubukan niya itong gisingin.

“Mommy I’m here!” Pumasok na si Ara sa loob since may card naman siya.

Pagpasok niya parang walang tao sa loob. “Mommy?” hinanap niya ang mommy niya sa may kusina, sa may banyo, maging sa laundry area pero wala ito. Sinubukan niya itong tawagan sa phone nito ngunit naiwan pala sa kwarto dahil naririnig niya itong tumunog doon. “Nasaan ka Mommy?” nag-aalala na si Ara.

Saglit pa ay narinig niyang nagbukas ang pinto kaya sinalubong niya na ito dahil alam niyang mommy niya ang papasok. Nagulat siya na makitang si Philip ang umaalalay sa mommy niya papasok ng unit.

“What happened to you Mom?” Tinulungan niya si Philip na alalayan ang Mommy niya para maihiga sa sofa.

“I don’t know, I lost my sight. Nahilo ako tapos buti na lang itong si totoy nakita niya ako doon sa kalsada. If not with him, naku nabanggaan na siguro ako ng sasakyan doon,” nagpa-panic na explanation ang mommy niya.

“Okay calm down Mommy, thank God you’re safe,” kumuha ng tubig at gamot si Ara upang ipainom dito.

Saglit pa ay nakatulog na ang mommy niya.

“Ah aalis na ako,” nagpaalam na rin si Philip.

Ngumiti naman ng tipid si Ara at hinatid niya na ito sa pinto. Hindi na lumingon si Philip.

“Philip!” bigla naman siyang tinawag ni Ara at saka ito lumingon. Hindi naman nagsalita si Ara. “Oo na, hindi ko na sasabihin kay Don Marshall,” at ngumiti ito kay Ara at kumaway.

“Philip!” tawag muli ni Ara.

“Ano?” tanong naman ni Philip.

“Salamat,” nakangiting tugon naman ni Ara at ngumiti naman si Philip.

“Oh mommy okay ka na ba?” nagulat pa si Ara pagkagising niya ng umaga at nagluluto na ang mommy niya.

“Oo naman, nag-take naman ako ng gamot. I forgot to take my maintenance sa sobrang carried away happiness ko kasi kasama na kita,” tugon naman ang mommy niya.

“Ah that’s so sweet of you Mommy,” yapos sa mommy niya.

“Oh siya siya, let’s eat na.” Naghain na ito ng pinggan at nagulat si Ara dahil tatlong pinggan ang nilatag ng Mommy niya.

“Why?” tanong niya dito.

Bago pa man makasagot ang mommy niya, tumunog na ang doorbell nila. “Please open the door for our visitor anak, I’ll just continue preparing the table here,” pakisuyo ng Mommy niya.

May iba namang naramdaman si Ara sa bisita ng Mommy niya. Malakas ang pakiramdam niya na kilala niya ang bisita nito at hindi nga siya nagkamali dahil kilala niya ang taong dumating.

“Good morning,” nahihiyang bati nito dahil si Ara ang sumalubong sa kanya.

“What are you doing here Philip?” bulong niya dito.

Bigla namang lumapit ang mommy niya. “Oh hi!” bati nito kay Philip. “Come in, the food is ready,” sabay hatak sa kamay ni Philip.

Ngumiti na lang ng plastic si Ara pero naiinis siya kung bakit narito si Philip at close din ang mommy niya ah. “No wonder you cooked a lot Mommy,” napangiti ring plastic si Ara.

“Oo naman, remember Philip saved my life yesterday and this is the only thing that I can do for him in return,” magiliw na sabi pa ng mommy ni Ara.

“Ah kahit wala naman pong kapalit Ma’am, mahalaga po eh ligtas kayo,” tugon naman ni Philip.

“Hey! Don’t you dare call me ma’am again! Just call me Tita,” insist ng mommy ni Ara.

“Mommy!” sumingit naman si Ara.

“Why?” Wala namang pakialam ang mommy niya sa mga pasubali ni Ara. “Let’s eat! Huwag ka nang madaldal diyan anak,” patuloy pa nito.

Napapailing naman si Ara ngunit natatawa sa ginagawa ng Mommy niya.

“So tell me Philip, paano mo nakilala ang anak ko? I was asking her last night pero ayaw naman niyang sabihin,” nagsimula ng magdaldal ang mommy ni Ara.

Hindi naman alam ni Philip kung paano magsisimula ng kwento. “Gusto mo ba talagang malaman Mommy? Okay, Philip is working in the mansion. Tauhan siya ni Daddy,” diretso ang sagot ni Ara.

Natigilan naman ang mommy niya. “Oh ‘di ba I told you hindi mo magugustuhan ‘yon,” sabi ni Ara.

“Eh ano naman? I don’t care! Pero mas maganda nga ‘yun eh kasi talagang kilalang-kilala ko ang palaging kasama ng anak ko, safe ka pa,” patuloy na pagdaldal naman ang mommy niya.

Napatawa naman si Ara. “I thought you’re gonna be mad kapag sinabi ko ‘yun Mommy, lalo ka pa pala matutuwa.”

Masayang naghuntahan ng mag-ina. Samantalang si Philip naman ay masaya ding nagmamasid sa kanila. Masaya siya dahil nakikita niya na ang tunay na mga ngiti ni Ara. Ang mga ngiting hinahanap niya noon nasa hardin nito kasama siya, mga ngiting pilit niyang pinalalabas noong ng mga panahon na nagpapanggap pa ito bilang Tisay. Ang mommy lang pala niya ang makakapagpalabas dito. Eh paano pa kaya kung kumpleto sila?

“Eh maiba tayo Mommy, how did you contact Philip?” pagtataka naman ni Ara.

“Oh bakit? Kinuha ko ‘yung number niya,” sagot naman ng Mommy niya.

“OMG!” Natatawa pa rin si Ara.

“Eh ano naman ngayon anak?” natatawa din naman ang tanong nito.

Napatingin siya kay Philip at nahuli na naman niyang nakatitig ito sa kanya. Napahiya naman si Philip at agad na iniwas ang mga mata. Nakaramdam naman ng pagkailang si Ara.

Pagkatapos silang kumain ay biglang naghain ng champagne ang mommy ni Ara.

“Mommy ano ba ‘yan?” nagulat naman si Ara.

“Ano ka ba minsan-minsan lang naman,” naglabas na rin ito ng wine glass. Inabutan nito si Philip ng isang wine glass at sinalinan ng champagne.

“Hoy! Nainom ka ba?” bulong ni Ara kay Philip.

“It’s okay anak. Hindi naman siya malalasing diyan,” paliwanag naman ang mommy niya.

Sinubukan naman ni Philip na tikman at nagustuhan niya ang lasa.

“Oh ano?” tanong ni Ara.

“Sarap,” sabay smirk pa.

Napatawa na naman si Ara. Nakakaisang bote pa lang ay nakaramdam na ng antok ang mommy ni Ara at nauna na itong matulog. Naiwan naman si Ara at Philip na may natira pang isang bote ng champagne na halos isang baso pa lang ang nababawas.

“Ah uuwi na ako,” nagpaalam na si Philip.

“No you’ll stay for a while, ubusin natin ‘yan,” si Ara naman na medyo may tama na rin pala. Hindi rin kasi sanay uminom kaya may talab sa kanya ang champagne.

Naupo naman balik si Philip.

“Ano masaya ka na ba?” tanong bigla ni Ara.

“Ah ha?” Nagtaka naman si Philip.

“You’re good at lying you know,” sabi pa nito.

“Ah ano bang sinasabi mo?” parang naiinis na si Philip.

“Ara stop it,” sabi pa nito.

“Smd akala mo hindi ko napapansin ano? Sinasadya mong kunin ang loob ni Mommy at Daddy para madali mong makuha ang loob ko tama?” diretso nitong tanong kay Philip dahil malakas na ang loob nito.

“Matulog ka na Ara,” tugon ni Philip.

“No!” tumaas ang boses nito.

Sa inis ni Philip ay tumayo na ito at dumiretso na sa pinto. Nilingon na muna niya si Ara bago lumabas ang pinto ngunit hindi tumitingin si Ara kaya naman dumiretso na siya sa labas. Nakakailang hakbang pa lang si Philip ay may bigla siyang naalala. Dala niya kasi ang isa sa mga sasakyan ni Don Marshall at napansin niyang wala palang susi. Agad siyang bumalik at pagbalik niya ay naroon na sa labas si Ara at nag-aabang. Hawak nito ang susi ng sasakyan. Kinuha niya ito.

“Salamat,” sabay talikod muli ni Philip.

“Kahit anong gawin mo hindi na babalik ang tiwala ko sa’yo,” sabay talikod ni Ara.

Parang may sumabog sa puso ni Philip nang marinig ang mga sinabing iyon ni Ara. Alam niyang totoo ang sinabi nito dahil nakainom at sa mga binitawang salita ni Ara ay itinatak na lamang ito ni Philip sa kanyang puso at isip. Pagkatapos ng gabing ‘yon, kinabukasan ay nahimasmasan na si Ara.

“Ano, naaalala mo pa ang ginawa mo kagabi?” tanong ng Mommy niya.

“Ah why Mom?” nagtataka naman si Ara.

“Well inaway mo lang naman si Philip. I heard everything,” paliwanag ng Mommy niya.

Napahawak naman si Ara sa ulo. “Ah oo nga Mommy, naaalala ko na… Mommy kasi it’s your fault! Sabi mo walang talab ‘yung champagne!” angal niya tuloy sa mommy niya.

“Yes pero hindi mo naman sinabi na hindi ka rin umiinom,” sermon pa nito kay Ara. “So paano na ‘yan? Gusto mo bang kausapin ko si Philip? I’ll invite him again, nakakaawa naman ‘yung tao anak, napakabait niya. If you will give me the chance to choose the man for you ay bongga si Philip. Yes he’s not rich pero rich ang puso niya para sa’yo anak at mahal niya kami ng Daddy mo,” pagkonsensya niya pa kay Ara.

“Sige na nga try to call him,” at pumayag naman si Ara kaya sinubukan ng Mommy niya na tawagan si Philip ngunit hindi na ito sumasagot at pinapatayan na sila ng tawag. Nakaramdam naman ng kaba si Ara.

“Mommy let me call him.” Kinuha niya ang number ni Philip at siya na ang diretsong nag-contact dito. Tinawagan na rin niya si Philip ngunit pinapatayan na rin siya ng tawag nito. Nagpakilala na rin siya through text pero wala ng pakialam si Philip hanggang sa sumuko na lamang si Ara.

Lumapit ang mommy niya para i-comfort siya. “Okay ka lang ba anak?” tanong nito.

“I don’t know Mom… Okay na siguro ‘to, hayaan na lang natin siya.” Wala ng pag-asa si Ara na maging okay ulit sila ni Philip.

“Malapit na akong umuwi anak. Araw na lang ang bibilangin at isa ko pang inaalala na maiiwanan ka dito. Iba ang pakiramdam ko kung andiyan si Philip sa tabi mo, alam kong hindi ka niya pababayaan,” hinaplos ang buhok ni Ara.

“Apaka busy lang ni Philip Mommy but he’ll be here later, magpapasundo ako,” confident ang sagot naman ni Ara.

Kinabukasan ay tumawag si Ara sa Daddy niya, nagpapasundo na siya. Excited si Ara na magbukas ng pinto at lumabas ang driver na si Philip para salubungin siya ngunit ibang tao ang bumaba. Sobrang nadismaya si Ara.

“Good morning Ma’am,” bati nito.

Bumaling si Ara sa mommy niya, sumenyas siya dito na wala si Philip. “Asan si Philip? Bakit ikaw ‘yung nagsundo sa akin?” diretso nitong tanong sa driver.

“Ah wala na po si Philip Ma’am, pinaalis na po siya ni Don Marshall,” sagot nito.

Bigla na lamang napaluha si Ara. Lumapit naman ang mommy niya. “Why? What happened?” tanong nito.

“Bakit pinalayas?” tanong pa rin ni Ara sa driver.

“Eh nalaman po kasi niya ‘yung pag-stay niyo dito sa mommy ninyo. Galit na galit po si Don Marshall kay Philip dahil nagsinungaling siya,” paliwanag nito.

Naaligaga si Ara, ganon din ang mommy nito. “I’ll come with you,” sabi naman ng Mommy niya.

“But how about Dad?” pag-aalala ni Ara.

“What can I do? Kailangan kong i-explain sa daddy mo na ako ang may pakana nito na ilihim ‘yung pag-uwi ko. Philip saved my life and now it’s my turn to help him,” nakangiti ito habang hawak ang kamay ni Ara.

Maiyak-iyak naman si Ara at nagpunta na sila ng mansyon. Pagdating nila doon ay sinalubong na agad sila ni Don Marshall, pumapalakpak ito ng malakas.

“Magaling! Magaling! Ito bang itinuro mo sa anak mo, ang magsinungaling sa akin?” singhal nito sa dating asawa.

Humarang naman si Ara. “Dad please stop,” sabi pa niya.

Umabante naman ang mommy niya. “I’m not here to argue with you Marshall, I’m here to explain myself. And not for myself but for Philip na pinalayas mo. Hindi niya kasalanan na itago niya ang pag-uwi ko ng Pilipinas, it was my idea,” paliwanag naman ang mommy ni Ara.

“I don’t care! Where the hell is Philip right now? I thought he’s on my side but he still lied,” tumaas na bahagya ang boses ni Don Marshall.

Napaiyak na lang si Ara. Niyakap naman siya ng Mommy niya.

“And now you’re crying? What is that for Ara? You’re pushing him away right? And now I already kicked him out of the mansion, iiyak-iyak ka diyan?” sermon naman ng Daddy niya.

“Enough Marshall!” naiinis na ang Mommy ni Ara.

“Ikaw ang enough!” sigaw naman ni Don Marshall.

“You stop Daddy!” tumaas ang boses ni Ara. Natigilan ang lahat. “Bakit ba hindi mo man lang kami hinintay ni Mommy na magpaliwanag? Walang kasalanan si Philip! Pinagtakpan niya kami dahil utos namin ‘yon pero sa’yo pa rin ang side niya. Sobra-sobra nang masasakit na salita ‘yung sinabi ko sa kanya Dad at hindi ko man lang nabawi. It’s too late for me to realize na kailangan ko siya, that I needed Philip and it’s a big mistake na itinaboy ko siya,” humagulgol si Ara.

Lumapit bigla si Don Marshall at niyakap si Ara. “I’m sorry about this sweetie but you’re not even sure of what you feel for Philip hindi ba? So I guess much better na wala siya,” suyo naman ni Don Marshall.

“No Dad! I love Philip and now he’s gone! I don’t know how to start over again,” mata sa matang pag-amin ni Ara sa Daddy niya.

Nang biglang… “Sure ka na ba diyan?”

Pamilyar ang boses na ‘yon. Humarap si Ara at laking gulat niya dahil si Philip ang nasa kanyang harapan. Biglang tumulo ang kanyang mga luha. Lumapit si Philip sa kanya mas malapit.

“Tatanungin ulit kita, mahal mo na ako?” tanong pa muli ni Philip.

Umiiyak pa rin si Ara. “Mahal kita. I love you! Saranghaeyo! Kahit mo in any language basta naiintindihan mo please Philip huwag ka nang umalis,” buo ang loob na tugon ni Ara kay Philip.

Hinalikan ni Philip si Ara sa noo. “Mahal din kita Ara. Mahal na mahal kaya huwag kang mag-alala, hinding-hindi ako aalis sa tabi mo ngayon. Ngayon pa ba na aking-akin ka na,” sabay yakap kay Ara.

Masayang-masaya naman ang Daddy at Mommy ni Ara gayon din ang mga tauhan nilang naging saksi ng pagtatapat ng nararamdaman nila para sa isa’t isa. Naglabas ang inumin at mga pagkain ng mga katulong at nagsalo-salo sila sa garden at doon sa table set na madalas nilang tambayan, sila bumuo ulit ng masayang mga ala-ala.

“Ang galing niyo Mommy and Daddy ha,” sabi ni Ara habang kumakain sila.

“It was your Mom’s plan,” tinuro ang mommy niya.

“Uy pumayag ka rin naman ‘di ba? Besides I know Ara very well from head to toe. It’s just that hindi ko siya kayang paaminin in a nice way ‘di sa prank ko nating gagawin,” paliwanag nito at nagtawanan ang lahat.

Plano lang pala ang lahat. Sa condo pa lang nang sinundo si Ara ay naka-set na ang prank para sa kanya. Lahat ay kasabwat.

“Thank you po Tita and Don Marshall sa support niyo sa amin ni Ara,” lubos ang pasasalamat ni Philip sa mga magulang ni Ara.

“Hey Philip will you stop calling me Don? Stand by Tito, okay?” biro ni Don Marshall.

Nagpalakpakan naman ang lahat. Nahihiya naman si Philip. “Wait everyone, I want to hear it,” sabi ni Ara. Ngumiti si Philip. “Tito,” sabi ni Philip at nagsigawan ang lahat.

Sobrang saya ni Philip dahil ang babaeng pinapangarap niya lang noon, ngayon ay kasintahan niya na. Hindi man laging maganda ang kanilang simula ay naging perpekto naman ang prank na binuo nila para lumabas ang tunay na nararamdaman ni Ara para sa kanya. Kung gaano kasaya si Philip ay doble naman ang nararamdaman ni Ara. Bukod sa declared official on sila ni Philip ay nagkaroon na rin sila ng reunion ng family niya at natupad na ang matagal niyang pinapangarap na mabuo sila kahit isang araw lang. Naging sports mind din naman si Don Marshall para sa dating asawa dahil inimbitahan niya ito sa mansyon upang sunduin ang mommy ni Ara. Nagkaroon sila ng pagkakataon na magkausap.

Masarap sa pakiramdam na magpalaya ng galit sa puso, ang i-let go ang mga malulungkot na ala-ala ng nakaraan, yakapin ang kung anong meron ka ngayon at mga taong pinahahalagahan ka ng totoo. Masarap mabuhay sa mundo ng walang hinanakit at dinadalang sama ng loob. Mahirap kimkimin kung hindi naman kayang dalhin. Isa si Ara sa mga taong napatunayan na minsan siyang naging mahina ngunit dahil sa pagmamahal niya sa kanyang magulang ay naging matatag siya. Hindi naging dahilan ang pagiging broken family nila at ang hindi niya paglaki sa magulang para hindi maging mabuting tao.

Wala man madalas sa tabi niya noon ang kanyang Mommy at Daddy ay natuto si Ara sa kung paano magpakatao at piliin ang tamang taong dapat na pagkatiwalaan. Oo natakot siya sa pagpasok sa isang relasyon ngunit dahil dumating ang ginamit na instrumento ng Diyos para malaman ang tunay niyang nararamdaman, ay nakita niya ang tamang daan patungo sa puso ni Philip at ang instrumentong ‘to ay ang kanyang mga magulang. Ito ang sinasabi nilang destiny. Tunay na tinadhana si Ara at Philip. Sa unang mga tingin pa lang nila ay mahal na nila ang isa’t isa, hindi man nila alam sa sarili nila ngunit alam ng mga puso nila.

Lumipas ang mga taon ay nagpakasal na rin sina Ara at Philip. Naging maayos ang kanilang pagsasama dahil narian palagi ang Panginoon na gumigitna sa kanilang pagmamahalan. Hindi na rin sila pinababayaan ng mga magulang ni Ara dahil palagi silang nakagabay sa bawat desisyon ng mag-asawa. Pinagkaitan man si Philip ng masayang pamilya noong bata pa siya, ngayon ay sobrang sobra naman ang kapalit. Nariyan ang kanyang mabait na biyenan at mapagmahal na asawa. Binayayaan din sila ng isang malusog at magandang baby girl. Labis ang pasasalamat ni Ara at ni Philip sa itaas dahil mapait man ang kanilang naging nakaraan noon ay isang magandang pamilya naman ang nabubuo nila ngayon. Nangako sila sa isa’t isa na hindi maghihiwalay. Nag-aaway man sila ay hindi pumapayag si Philip na hindi sila magkaayos. Naroon ang pag-intindi at ang mga pagsuyo. Nanatili silang matatag sa lahat ng pagsubok kahit na anong bagyo pang dumating ay makakaya na nilang dalawa dahil sa aral ng nakaraan na ayaw na nilang iparanas pa sa kanilang anak at sa susunod pang magiging miyembro ng kanilang pamilya.

Kung bago ka pa lang sa channel na ito, Ate Jane TV, huwag kalimutang pindutin ang notification bell and subscribe button. Sana po’y hindi naman malaking abala sa inyo ang pagpindot ng subscribe button dahil ang kapalit nito ay ang pagsuporta para makapag-produce ng mga libreng stories sa mga channels ni Ate Jane. Maraming salamat!