
Isang kasambahay na nagtatrabaho sa isang marangyang hotel ang nakapansin na may pumasok na isang mayamang kliyente papunta sa kanyang penthouse suite kasama ang isang maliit na batang babae. Inakala niyang anak ito ngunit agad niyang naramdaman na may kakaiba. Marumi ang damit ng bata at namangha ito sa karangyaan ng hotel, bagay na hindi dapat bago kung tunay ngang anak ng isang mayaman. Nang nagkaroon ng pagkakataon ang kasambahay na linisin ang kanilang kwarto at sumilip sa ilalim ng kumot, ang kanyang nakita ay nakakapanginig sa kanya.
Habang bumababa ang elevator, pilit inaalis ni Dana sa isip niya ang mga pagdududa. Hindi naman dapat pakialaman ang mga bisita, lalo na ang mayayamang tulad ni Mr. Langley. Pero kahit anong pilit niyang ngumiti at maging kalmado, nananatiling mabigat ang pakiramdam sa dibdib niya, para bang may malamig na kamay na humahawak sa sikmura niya.
Pagdating niya sa lobby, ang malawak na espasyo ay tila mas malamig at mas tahimik kaysa sa karaniwan. Tanging ang mahinang ugong ng air conditioner at tiktak ng malaking antique clock ang maririnig. Dahan-dahan siyang naglakad, ang mamahaling wine tray sa kamay, habang papalapit sa restaurant. Lalo niyang nararamdaman ang bigat ng sitwasyon.
Pumasok siya sa dim-light restaurant na kahit madilim ay eleganteng-eleganteng tingnan. Nakita niya si Thomas, ang bartender na pinupunasan ang mga basong kristal.
“Magandang gabi, Thomas,” bati ni Dana.
“Magandang gabi rin, Dana,” tugon nito na may magaan na ngiti. “Anong kailangan mo?”
“Château Margaux 2015 para sa Room 1845, please.”
Napataas ang kilay ni Thomas. “Wow, mahal ‘yun. $1,500 US per bottle ‘yan.”
Tumango lamang si Dana habang inaayos ni Thomas ang wine sa tray.
Nagtanong si Dana, “May order na ba silang pagkain?”
Umiling si Thomas. “Wala pa. Bakit? May kailangan ba?”
“Wala naman. Curious lang ako. Gutom daw kasi ‘yung bata.”
Tumango si Thomas at inabot sa kanya ang tray. Pagkatapos, nagtungo si Dana sa housekeeping area para kunin ang bathrobe. Pagbukas niya ng warming cabinet, kumalat ang amoy ng malinis at mainit-init pang tela. Kumuha siya ng isang malaking robe para sa lalaki at isang maliit para kay Sophie.
Habang naglalakad pabalik sa elevator, naglalaro sa isip niya ang mga nakita at narinig. Ang bata, walang dalang gamit maliban sa lumang backpack at murang sapatos. Ang pagkamangha nito sa elevator, ang pagbanggit ng mom, at ang lalaking sobra kung umasta, parang may tinatago.
Sumakay na siya ng elevator paakyat ng penthouse level. Tahimik ang buong biyahe. Ramdam niya ang kabog ng puso niya sa loob ng maliit na espasyong iyon. Paglabas niya ng pasilyo, tumingala siyang sandali para huminga nang malalim bago kumatok sa pinto ng 1845. Tahimik, walang sumasagot. Maya-maya ay may mga yabag. Bumukas ang pinto, si Mr. Langley.
“Narito na po ang wine at bathrobe ninyo, sir,” sabi ni Dana nang may pilit na ngiti.
“Pasok,” sagot niya sa malamig na boses.
Pagpasok ni Dana, agad hinanap ng mata niya si Sophie. Nandon ang bata, nakaupo sa sofa, nakatalungko at parang takot. Nawala ang sigla nito kagabi.
Habang inaayos ni Dana ang wine, nagsalita si Sophie. “Pwede po ba akong humingi ng grilled cheese sandwich?”
Napakunot ang noo ni Mr. Langley. “Later, Sophie. I said later.”
Marahan lamang tumango ang bata pero halatang gutom.
“May kailangan pa po ba kayo, sir?” tanong ni Dana.
“None, you may leave.” Iniabot niya ang ilang dolyar kay Dana. Malaking halaga. “And I want a quiet night. Walang staff na dadaan sa hallway.”
Tumango si Dana kahit may kaba. Paglabas niya ng pinto, narinig niya ang mahina ngunit malamig na boses ng lalaki.
“You’ll get used to it. We’ll be here for several days.”
Kinalabutan si Dana. Pinilit niyang bumalik sa normal na gawain niya sa hotel pero hindi mawaglit sa isip niya ang mukha ng bata. Nagpunta siya sa staff room at kinausap si Ronald tungkol sa nararamdaman niya. Pero imbis na makinig ay pinagalitan siya.
“Dana, rich people are different. Huwag kang makialam. Isa pa, importante sa hotel ang guest na ‘yon. Focus on your work.”
Pero hindi mawala ang bigat sa dibdib niya. Nagpunta siya sa kitchen para kumain ng noodles. Doon niya nalaman kay Carlos na ang dami nilang inorder kagabi. Burger, fries, spaghetti, mac and cheese at kung ano-ano pang mamahaling pagkain na para bang nagpiyesta. Hindi kumalma si Dana, lalo lang lumala ang kaba niya.
Pagbalik niya sa staff room, nakatulog siya sandali. Paggising niya ay 6:00 a.m. na. Oras na para simulan ang morning cleaning, kabilang ang penthouse floor. At doon ay may nangyari.
Pagdating sa pasilyo ng penthouse, biglang bumukas ang pinto ng 1845. Lumabas si Mr. Langley. Mukhang puyat, magulo ang buhok at may parang takot o pagkabahala sa mga mata.
“Good morning, sir,” bati ni Dana, pilit na maging kalmado.
Tumango ang lalaki. “When does room cleaning start?”
“Now po, sir. Gusto niyo po bang linisin ko ang room?”
“Yes, I’m going to the gym. Clean the living room and the bathroom only. Do not enter the bedroom.”
Tumayo ang balahibo ni Dana. “Sir, may dahilan po ba? Natutulog pa po ba ang anak niyo?”
“Just do what I say,” putol nito. Malamig ang tono.
Naglakad na ito papunta ng elevator at naiwang mag-isa si Dana na may takot. May dalawang pagpipilian siya: sundin ang utos at huwag pumasok sa kwarto, o alamin kung ligtas ang bata. Pero nang nasa harap na siya ng pinto, ang puso niya ang nagdikta. Binuksan niya ang pinto gamit ang master key at doon nagsimula ang tunay na bangungot.
Pagkapasok ni Dana sa suite, mabilis niyang itinulak papasok ang cleaning cart at tumingin-tingin sa paligid. Ngunit ang unang tanawin ay nagpatigil sa paghinga niya. Ang living area na dapat ay medyo magulo lang dahil sa isang gabi pa lang na paggamit ay parang dinaanan ng bagyo. Nakasabog ang mga unan sa sahig. May amoy na maasim at hindi maganda. Ang dining table ay puno ng kalat, tumapong wine, natuyong red sauce, mac and cheese na nagdidikit-dikit, mga piraso ng karne at tinapay. Para itong malaking handaan na sinira ng isang batang hindi huminto sa pagkain.
Huminga ng malalim si Dana at sinimulan ang paglilinis kahit nanginginig ang loob niya. Isa-isang inilagay ang mga pinggan sa ilalim na layer ng cleaning cart habang pinupunasan ang mesa, lalo siyang kinakabahan. Bakit ganito kagrabeng kalat? Bakit parang wala man lang nag-alaga sa bata? At bakit napakaaga niyang pinalinis ang kwarto?
Pagkatapos linisin ang table, nilingon niya ang saradong pinto ng bedroom. Doon dumapo muli ang hindi maipaliwanag na kaba. Natutulog pa raw si Sophie, pero bakit siya iiwan? Sa limang taon niyang pagiging maid, bihira ang guest na nagpapa-cleaning habang may natutulog, lalo na ang bata.
Dahan-dahang lumapit si Dana sa pinto. Hinawakan niya ang doorknob, malamig at tahimik sa loob. Isang hinga at marahan niyang binuksan ang pinto, at doon tumigil ang kanyang mundo. Si Sophie halos walang malay.
Pagpasok, madilim ang kwarto maliban sa kaunting liwanag na pumapasok mula sa kurtina. Akala muna ni Dana walang tao. Pero nung lapitan niya ang malaking kama, doon niya nakita ang maliit na katawan ni Sophie. Nakatagilid, halos nakalubog sa kumot, naka-face down at suot pa rin ang parehong maruming damit kagabi.
“Sophie!” bulong niya, pero wala itong galaw.
Lumapit pa siya. Nanginginig ang kamay habang hinahawi ang makapal na kumot. “Still, no response.”
Saglit lang pero parang oras na ang lumipas bago niya nakita ang bahagyang pagtaas-baba ng likod ng bata. Mahina at mabagal. Doon sumirit ang luha sa mata ni Dana sa sobrang ginhawa at takot.
“Thank God, buhay ka.”
Pero hindi ‘yun sapat. May mali, may sobrang mali. Maingat niyang hinaplos ang balikat ng bata.
“Sweetie, gising ka ba? Sophie, pakinggan mo ako.”
Hindi gumagalaw kahit hinahawakan niya ang lutang na katawan, parang walang lakas ang kalamnan. Nang marahan niyang itinagilid si Sophie para hindi nakalubog ang ilong sa kama, may nakita siyang pulang mantsa ng wine sa bedsheet. Eksaktong pinagdikitan ng bibig ng bata.
Diretso ang tingin ni Dana sa bedside table at doon halos mabitawan niya ang kumot. Tatlong bote ng wine, isang capsule na may pulbura. Ang nasabi niya ay malinaw na pang-aabuso. Sa tabi ng kama may tatlong ubos na bote ng wine, isang maliit na capsule na may puting pulbos na nagkalat. Isang baso na may bahid na pulang inumin, mga guhit ng natutuyong tulo ng wine. Hindi na kailangan ng doktor para malaman ni Dana. Lasing ang bata at posibleng may droga pa.
Sumirit ang panginginig sa dibdib niya. Nararamdaman niya ang pag-ikot ng mundo. Humawak siya sa kama para hindi matumba.
“Diyos ko, anong ginawa niya dito sa bata? Anong ginawa niya kagabi?”
Siguro kaya pinipilit ni Mr. Langley ang robe para paliguan niya ang bata. Siguro kaya ayaw ng bata sa tubig. Siguro kaya gutom siya. Pagod at takot. Tila pinipiga ang puso niya. Kailangan niyang kumilos. Kailangan niyang tawagin ang pulis.
Pero biglang narinig niya ang sound ng key card sa may pinto. Bumalik na si Mr. Langley. Panic, takot, pero kailangan niyang kumilos. Mabilis pero maingat niyang ibinalik ang kumot kay Sophie. Tinakpan ang anumang senyales na gumalaw siya sa kwarto at marahang isinara ang bedroom door. Paglabas niya, nagkunwari siyang naglinis ng shelf kahit ang puso niya ay kumakabog na parang sirena.
Pagpasok ng lalaki, agad tumitig ito sa kanya.
“I thought I told you not to enter the bedroom,” sabi sa malamig na tinig na halos nakamamatay.
“Hindi po ako pumasok,” sagot ni Dana, pinipigil ang pag-alog ng boses. “Dito lang po ako naglilinis kagaya ng bilin ninyo.”
Nanlisik ang mga mata ni Mr. Langley. Parang hindi siya naniniwala. Pagtagal ng isang napakahabang sandali ay sinabi niya:
“That will be all. You can leave.”
Agad niyang kinuha ang cart pero nang paalis na ay inabot ng lalaki ang isang basang towel mula sa gym.
“Throw this away.”
Kumunot ang noo ni Dana. Mainit-init pa ang towel at para bang may smell ng alcohol. Tinanggap niya ang towel. Tumingin sa lalaki. Kapag lumabas siya ng kwartong iyon, ilang minuto na lang at may gagawin ulit si Mr. Langley kay Sophie. Hindi pwede at hindi na.
Paglabas niya sa hallway, halos nanghina ang tuhod niya at napasandal sa dingding. Sa loob ng dibdib niya, nag-iisang malinaw na boses.
“Hindi na kita papabayaan, Sophie. Kahit masisante ako, kahit mapagalitan ako, tatawag ako ng pulis.”
At mula roon, nagsimulang mabuo ang planong magligtas sa buhay ng bata. Nang marating ni Dana ang lobby gamit ang service elevator, para siyang hinihingal kahit hindi naman siya tumatakbo—hindi dahil sa pagod kundi dahil sa takot, galit at desperasyon na pinipigilan niyang sumabog. Ang lobby, malawak at maliwanag, ay parang naging maliit na masikip para sa kanya. Ang bawat tunog at tiktak ng malaking orasan at ingay ng aircon, malalambot na yabag ng staff ay parang lumalakas sa tenga niya.
Hawak pa rin niya ang cleaning cart. Mabilis siyang naglakad papunta sa reception desk. Doon niya nakita si Ronald. Nakatingin sa monitor ng computer. Kausap ang ilang night staff. Tumatawa sila. Nagbibiro. Walang kaalam-alam sa bangungot na nasa taas ng hotel.
Hindi na naghintay pa si Dana. Tumawid siya mula sa harap ng desk papunta sa likod, sa mismong lugar na bawal puntahan ng housekeeping staff.
“Dana!” gulat na sabi ng isang receptionist. “Bawal ka diyan!”
Pero hindi siya tumigil. Diretso siyang dumampot ng landline phone. Si Ronald agad ang sumugod sa kanya.
“Dana, anong ginagawa mo?” sigaw niya.
Habang nanginginig ang daliri ni Dana, dinayal niya ang 9. Ngunit bago pa niya maipasok ang 1, dinampot agad ni Ronald ang telepono mula sa kamay niya at ibinaba ang hook sa switch.
“Stop that!” galit na sabi nito, halos pasigaw. “Nasisiraan ka ba?”
Huminga ng malalim si Dana. Sinubukang kontrolin ang boses. “Ronald, kailangan kong tumawag. May emergency sa 1845.”
“Anong kalokohan ‘to?” mariing sabi ni Ronald. “Bakit ka tatawag ng pulis para sa isang VIP guest? Naiintindihan mo ba ang consequences niyan?”
Ngunit hindi na nagpasindak si Dana. Tumitig siya kay Ronald ng diretso. Unang beses sa tagal ng pagtatrabaho niya sa hotel.
“Ronald, hinimatay ang bata. Lasing. May droga sa tabi niya at hindi niya anak si Sophie.”
Nanlaki ang mata ni Ronald, parang hindi makapaniwala, pero hindi pa rin niya ibinaba ang pader na nakapaligid sa utak niya.
“Dana! Hindi mo ba alam ang sinasabi mo? Kung mali ka, bagsak tayong lahat. Pati itong hotel, trabaho natin. Ako, ikaw, lahat.”
“Hindi ako nagkakamali,” sagot ni Dana, halos pabulong pero puno ng galit at katotohanan. “Kung hahayaan natin ‘to, tayong magiging kasabwat. Ronald, mamamatay ang bata.”
Muling kinuha ni Ronald ang telepono. Pero sa pagkakataong ito, mas mabilis si Dana. Hinila niya ang telepono. Itinulak ng marahan ngunit matapang si Ronald papalayo at mabilis na dinayal ang 911.
Nayanig ang lobby staff ngunit walang kahit isa ang lumapit para pigilan siya. Tumigil ang lahat para makinig. Nang sumagot ang operator, naputol ang katahimikan.
“911, what’s your emergency?”
Nanginginig pero diretsong salita ni Dana. “This is Dana Morales. I work at Grand Evermore Hotel. There is a child in danger. Room 1845. She is unconscious, possibly intoxicated. Please send police and paramedics immediately.”
Kahit nanginginig si Ronald sa galit, hindi na niya nagawang pigilan si Dana. Nakinig siya at nang marinig ang salitang child danger, nakita ni Dana ang pagbabago sa mukha niya. Mula pagkainis tungo sa pagkataranta. Pagkababa niya ng telepono, sinabi ni Ronald nang mababa:
“Dana, marami kang nilabag. Pasensya na, pero you’re fired.”
Huminga si Dana ng malalim. Matagal pero matapang. Kung dati ay nanglulumo siya sa ganitong balita, ngayon ay hindi na.
“Hindi ‘yun ang mahalaga. Okay,” sagot niya. “Kung trabaho ang kapalit para mailigtas ang bata, tatanggapin ko.”
Pero hindi sila nakapaghanda sa mga susunod na mangyayari. Mula sa gilid ng lobby, may marahang naglakad at nagpatigil sa lahat. May staff na bumulong:
“Oh my God, si Mr. Langley.”
Naglakad siya papunta sa exit. May karga siyang bata. Si Sophie. Halos lumalaylay ang ulo nito. Walang malay. Hindi man lang niya kayang hawakan ang sarili niyang ulo. Halos masuka si Dana nang makita iyon. Agad siyang tumakbo palabas mula sa likod ng desk.
“Mr. Langley, stop!” sigaw niya.
Lumingon ang lalaki, galit, desperado at takot. “What the hell do you think you’re doing?” sigaw nito.
Hinarangan ni Dana ang daan. Hinawakan niya ang kamay ni Sophie.
“Ano mang paliwanag mo? Hindi mo siya pwedeng ilabas. Hindi mo siya anak.”
Lumakas ang bulung-bulungan sa lobby. Ang ibang staff natigilan, ang iba napaatras. Magsasalita sana si Mr. Langley pero naputol siya. Nang bumukas ang main entrance at dalawang pulis ang pumasok, diretso ang tingin nila kay Langley at doon nag-collapse ang poker face ng lalaki. Kita sa mata niya ang takot at pagkabisto.
Gamit ang isang mabilis na desperadong kilos, itinulak niya si Sophie papunta kay Dana.
“Take her. I don’t care about what that brat brought anyway. She’s a hassle.”
Halos mabuwal si Dana dahil sa bigat at pagkabigla. Ngunit agad niyang niyakap ang bata.
“Freeze!” sigaw ng pulis.
Nanginig si Mr. Langley. Wala siyang magawa. Inaresto siya at nilagyan ng posas. Sa sandaling ‘yon, umuungol ang pagdating ng ambulansya. Ang mga bisita ay nagtipon-tipon. Ang staff ay halos hindi makahinga. Pero si Dana, niyakap niya si Sophie. Hinahaplos ang buhok nito.
“You’re safe now, sweetie. Safe ka na.”
Dumating ang mga paramedics. Mabilis at sanay na ang kumilos habang binubuksan ang pinto ng ambulansya. Lumapit sila kay Dana na may hawak pa rin sa nanghihinang si Sophie.
“Ma’am, kami na pong bahala sa bata,” sabi ng isa, mahinahon ngunit mabilis.
Maingat na inilapat ni Dana si Sophie sa stretcher. Nakatingin lang ang bata nang malabo. Halos hindi maunawaan ang nangyayari. Habang tinitingnan ang vital signs, may narinig si Dana.
“Blood pressure is low, possible intoxication. We need to flush her system.”
Napahigpit ang kapit ni Dana sa braso niya. Parang may sumaksak sa puso niya. Dumating ang isang pulis at lumapit kay Dana.
“Ma’am, ano pong nakita ninyo sa room?” tanong nito, seryoso ang tono.
Habang nanginginig, mabilis na sinabi ni Dana ang lahat.
“Nakita ko po si Sophie sa kama, hindi gumagalaw. Tatlong bote ng wine sa tabi niya. May capsule na may puting pulbos. May mantsa ng wine sa bedsheet. Halatang inalok siya ng alcohol. Baka may droga rin.”
Tumango ang pulis. Matigas ang panga sa galit. “Ma’am, tamang ginawa niyo. Nakatulong kayo sa bata.”
Habang nagsasalita sila, biglang gumalaw si Sophie. Bumukas ang mga mata niya nang kaunti, malabo, parang may nakalutang.
“My head hurts,” bulong niya. “I feel sick.”
Agad siyang binigyan ng vomit bag ng paramedic at doon siya nagsuka. Hindi ininda ni Dana ang amoy. Agad niyang pinunasan ang bibig nito gamit ang panyo niya.
“It’s okay, sweetie. Andito lang ako. Ligtas ka na,” bulong ni Dana.
Sinimulan naman ang pagtatanong ng pulis kay Sophie. Lumuhod ang pulis upang magpantay ang mata nila ni Sophie.
“Hi Sophie. Kailangan lang naming magtanong. Kaya mo ba? Anong buong pangalan mo?”
Huminga nang mababaw si Sophie. Nanginginig.
“My name is Sophie Lane,” sagot niya. Mahinang-mahina.
Tumango ang pulis. “Sophie, saan ka nakatira?”
“On the streets… with my mom,” sagot ng bata. “She told me I was going to spend some good time with this man. He said he’d take me to a fun place to play and get nice things to eat.”
Namilog ang mga mata ng pulis at si Dana ay napakuyom ang kamao. Natahimik ang paligid. Mula sa malayong dako ng lobby, nag-ingay si Mr. Langley kahit nakaposas na. Napag-alaman na si Mr. Langley ay binayaran ang adik na ina ni Sophie upang makuha niya ito.
“She lived like a princess last night, better than the streets!”
Parang tinusok ang bawat staff sa lobby sa mga sinabi niya, kahit ang mga pulis ay napatingin sa isa’t isa, puno ng pagkadismaya at galit. Habang si Sophie naman nang marinig iyon ay biglang nagsalita ulit.
“We ordered so much food. I danced on the table. He liked it.” Napahawak siya sa tiyan. “But my belly hurts so much and I want to throw up again.”
Napapikit si Dana. Gusto niyang umiyak at sumigaw pero kailangan niyang maging matatag para sa bata.
“Sophie,” bulong niya nang dahan-dahan. “Anong ininom mo? May pinainom ba sayo si Mr. Langley?”
Tumango siya nang mahina. “It was red and sweet. I thought it was juice. He said it was okay.”
Halos malaglag ang puso ni Dana. Sabi niya ang kinatatakutan niya. Pinainom si Sophie ng alak at posibleng droga habang tinatrato siyang laruan.
Isa sa mga pulis ang sumigaw. “Kumuha ng arrest warrant para sa nanay. Right now!” Ang isa naman ay nakikipag-usap na sa social worker.
Habang hinahanda ng paramedics ang pag-alis papuntang ospital, tinignan nila si Dana.
“Ma’am, kailangan naming dalhin ang bata. Pwede kayong sumama kung gusto niyo.”
Hindi nagdalawang-isip si Dana. “I’m coming with her. Hindi ko siya iiwan.”
Tumango ang paramedic. Kahit ang pulis ay napangiti nang bahagya, isang pahapyaw na pagpapakita ng respeto. Inilagay si Sophie sa loob ng ambulansya. Sumakay si Dana sa tabi niya. Hawak ang kamay ng bata. Hinahaplos ang buhok nito at sinasabing:
“You’re safe now, Sophie. I promise hindi kita iiwan.”
Habang papalayo ang ambulansya, sa labas si Mr. Langley sinakay na sa police cruiser. Pilit na sumisigaw ngunit walang nakikinig. May pulis na nakikipag-ugnayan para hulihin ang ina ni Sophie. May social worker nang nakatalaga para sa kaso.
Ang buong lobby ay nakapirme, nakamasid kay Dana habang paalis ang ambulansya. Sa loob ng ambulansya, tahimik si Sophie. Nakahawak kay Dana. Si Dana naman nakatingin sa kanya nang may halong awa, galit at determinasyon. At sa loob-loob niya, may malinaw at matatag na pangako.
“Hindi ka na babalik sa impyernong pinagdaanan mo. Ako ang magtatanggol sayo hanggang dulo.”


