
Ang pangalan ko ay Claris Dela Cruz pero mas kilala ako ng mga tao bilang Clay. 34 anyos na ako at noong nakaraang Martes nagbago ang buong takbo ng buhay ko. Habang tinititigan ko ang mga numerong tumugma sa lotto ticket ko. Parang bumagal ang mundo. 250 milyon. Iyun ang nakasulat sa screen ng telepono ko. Nanginginig ang kamay ko.
Hindi ako makapaniwala. Pagkatapos ng ilang minuto ng pagkabigla, bigla akong natahimik. At sa gitna ng katahimikan may pumasok na kakaibang desisyon sa isip ko. Hindi ko sasabihin kahit kanino ang tungkol dito. Bakit nga ba? Kasi sa pamilya namin, kapag usapang pera na, siguradong may gulo.
Lumaki akong nakikitang nagtatalo ang mga magulang ko dahil sa utang, sa mana sa kung sino ang mas nakakatulong. Kaya mula non, natutunan kong huwag masyadong magtiwala sa mga kamag-anak pagdating sa pera. Bago pa man ang araw na iyon, simple lang ang buhay ko. Accountant ako sa isang maliit na marketing firm sa Makati at kahit malaki ang kita, sapat na para mabuhay.
Nakatira ako sa isang maliit na apartment sa Cubao. May lumang ref at electric fan na may kalawang. Pero akin iyon. Araw-araw gigising ako ng 6:00, magtitim ng kape tapos haharap sa laptop. Lagi akong pagod pero kailangang magtiis lalo na kapag sumasabay ang bayarin, kuryente, tubig at yung utang sa credit card na ko pa rin natatapos bayaran.
Pero kahit gann wala akong reklamo. Ang tanging luho ko ay ang pagbili ng Php1 na lotto ticket tuwing biyernes. Lagi akong tinatawanan ng pamilya ko. “Clay, sayang lang yan,” sabi ng ate kong si Lisa. “Imposibleng manalo ka.” Pero sa loob ko, may maliit na tinig na laging nagsasabi baka baka sakaling minsan ako naman. At heto na nga nangyari.
Pero imbes na ipagsigawan pinili kong manahimik. kasi kilala ko sila. Ang nanay kong si Minda na laging may hinihing pang-ikot sa negosyo. Ang tatay kong si Rolando na laging may bagong asawa at bagong utang. At ang kuya kong si Jonas na tuwing may problema ako ang tinatakbuhan. Ngayon ako naman ang may sikreto. At ang sikretong ito, magpapakita kung sino talaga ang kakampi ko sa buhay.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang mga numerong tumugma sa ticket at paulit-ulit ko ring tinatanong ang sarili ko. “Totoo ba ‘to?” Pero sa tuwing binubuksan ko ang TV at nakikita ang mga parehong numero, mas lalong tumitibay sa dibdib ko, oo, ako nga ang nanalo. Sa isip ko, parang may dalawang boses na nag-aaway.
Isa nagsasabing sabihin mo sa pamilya mo deserve nila malaman. Pero yung isa, mas malakas kapag nalaman nila. Wala ka ng kapayapaan. Alam ko kung paano magbago ang mga tao kapag may pera na. Lalo na sa pamilyo namin. Kahit noong wala pa akong pera, nag-aagawan na sila sa kung sino ang may mas malaking ambag sa bahay. Paano pa kaya kung malaman nilang may milyonaryo na sa pamilya? Kaya kinaumagahan, nagdesisyon ako. Hindi ako magsasabi kahit kanino.
Hindi sa nanay kong laging may utang. Hindi sa kuya kong mahilig mangam. at hindi rin sa ate kong mayabang na may asawa ng doktor. Sa halip, tinawagan ko ang isang abogadong kilala ng kaibigan kong si Mia, si Attorney Francisco Villanuea. “Magandang umaga po, Attorney,” mahina akong sabi sa telepono. “May gusto po sana akong ikonsulta tungkol sa pag-claim ng lotto price ng hindi nalalaman ng iba.”
Tahimik siya sandali tapos natawa ng mahina. “Ah ‘yung mga gusto ng anonimity naiintindihan ko. Huwag kang mag-alala may paraan tayo, Rian.” Kinabukasan, pumunta ako sa opisina niya sa Ortigas. Tahimik ako habang hawak ang envelope na may lamang ticket para akong magnanakaw ng sariling kapalaran.
“Kung gusto mong manatiling pribado,” sabi ni Attorney Villanueva, habang binabasa ang mga papeles, “pwede kang mag-claim gamit ang trust account. Ibig sabihin, hindi lalabas ang pangalan mo sa public announcement. Legal ito at mapoprotektahan ka.” Tumango ako. Ramdam ko ang pag-igting ng dibdib ko. “Attorney, ayaw kong masira ang buhay ko dahil sa perang to.” Ngumiti siya.
“Tama yan. Maraming nananalo sa lotto pero nauubos dahil sa maling tao. Pero ikaw mukhang alam mo ang limitasyon mo.” Pag-uwi ko, tumingin ako sa salamin. Simpleng babae lang ako. Pero ngayon, may hawak akong sikreto na kayang baguhin ang lahat. At sa unang pagkakataon sa buhay ko, ako ang may kontrol.
Lumipas ang dalawang linggo mula ng makuha ko ang pera. Maayos na ang lahat. na-transfer na ang napanalunan ko sa trust account at may mga investment plan na rin akong pinirmahan. Pero kahit gaano kalaki ang halaga, may kakaibang bigat akong nararamdaman. Sa araw, nagpe-pretend akong normal, pumapasok pa rin sa opisina, nagkakape sa pantry, nagrereklamo sa mga bayarin kasama ng mga katrabaho.
Pero sa gabi habang nakahiga sa kama, hindi ako mapakali. Ang tanong na paulit-ulit kong iniisip, sino kaya sa pamilya ko ang tutulong sa akin kung ako naman ang nangangailangan? Ilang beses ko ng tinulungan ang lahat niyan. Si Ate Lisa noong ikakasal pa lang siya. Si Kuya Jonas noong nagbago na raw siya.
At kailangan ng puhunan pati si mama nang masira ang karenderya niya dahil sa bagyo. Pero nang ako ang mga ilangan dati, puro pangako lang ang sagot. Kaya habang nakatingin ako sa kisamin ng apartment ko, may biglang pumasok na ideya. Subukan ko kaya sila. Hindi ko alam kung tama o mali pero gusto kong malaman kung sino ang tunay na magmamalasakit hindi para gumanti kundi para makita kung may natitirang malasakit pa sa pamilyang akala ko’y akin.
Kinabukasan, tinawagan ko si Attorney Villanueva. “Attorney, secured na po ba ang trust account ko?” “Kumpleto na,” sagot niya. “Walang makaka-access kundi ikaw. Bakit mo naitanong?” Ngumiti ako ng mahina. “May balak lang akong gawin parang maliit na eksperimento.” Pagkababa ng tawag, sinimulan ko ng buuin ang plano. Magpapanggap akong nawalan ng trabaho dahil sa saradong kumpanya.
Sasabihin kong kailangan ko ng Php50,000 para pambayad ng renta at medical bills. Pareho kong kwento sa lahat. Parehong tono, parehong dahilan. Titignan ko kung sino ang tutulong ng walang tanong, walang kapalit. Sinulat ko sa notebook ang mga pangalan Mama at ang asawa niyang si Tito Nestor, Tatay at ang bagong misis niyang si Marites, Ate Lisa at ang Mr. niyang si Dr. Paul, Kuya Jonas, Tita Norma at pinsan kong si Rina. Anim silang susubukin ko at sa dulo malalaman ko kung sino talaga ang may puso at kung sino lang ang marunong humingi pero hindi marunong magbigay.
Hawak ko ang cellphone ko buong umaga. Ilang beses ko ng tina-type ang pangalan ni mama sa contacts. Tapos buburahin ko ulit. Hanggang sa bandang hapon, huminga ako ng malalim at pinindot ang call. Tatlong ring pa lang sumagot na siya. “Oh Clay, buti naman at tumawag ka. Kamusta ka diyan sa Maynila? May trabaho ka pa ba sa opisina?”
“Yun nga po ma,” sinimulan ko na ang script na ilang beses kong pinagpraktisan kagabi. “Bigla pong nagsara ‘yung kumpanya namin. Nawalan ako ng trabaho. Wala pa ring natatanggap na back pay.” Tahimik sa kabilang linya. Narinig ko pa ‘yung tunog ng kutsara sa tasa niya. “Ha? Grabe naman ‘yan eh. Ano plano mo ngayon?”
“Yun nga po ma. Kaya ako tumawag. Wala po akong pambayad sa renta at may medical bills pa akong kailangang bayaran. Kung pwede po sana makihingi ako ng tulong kahit mga Php50,000 lang babalikan ko agad pag nagka-work ako.” Tahimik ulit. Ilang segundo pero parang oras. “Naku anak, alam mo naman si Tito Nestor mo mahigpit sa pera. Kakakuha lang namin ng bagong hulugang tricycle saka may utang pa ako sa paluwagan.”
Tinangka kong ngumiti kahit wala siyang nakikita. “Kahit konti lang puma, kahit kalahati, kahit pansamantala.” “Tignan ko ha. Pero huwag kang umasa masyado. Alam mo naman nagtitipid kami. Baka mas maganda kung kay ate Lisa ka muna lumapit. Mas malaki kita ng asawa niya. Doktor ‘yun ‘di ba?” Ngumiti ako ng pilit. “Sige po ma. Naiintindihan ko.” “Basta magdasal ka anak. Lilipas din yan. Tsaka huwag ka masyadong nag-aalala ha. Kung may extra kami, ako na ang unang magsasabi.”
Pagkababa ko ng tawag huminga ako ng malalim. Inilista ko sa notebook. Mama concerned tone pero walang aksyon. Habang sinusulat ko iyon, may kirot akong naramdaman. Hindi ko alam kung dahil nasaktan ako o dahil totoo nga ang hinala ko na sa oras ng pangangailangan, ang unang taong aasahan mo, siya pa ang unang magbibigay ng dahilan.
At habang lumulubog ang araw, alam kong simula pa lang ito ng mga sagot na baka hindi ko gustong marinig. Kinabukasan, nagpasya akong makipagkita kay tatay Rolando sa isang maliit na coffee shop sa SM Fairview. Nauna ako roon. Habang hinihintay ko siya, paulit-ulit kong ni-rehe ang sasabihin ko. Sa isip ko, baka si tatay ang magpapakita ng malasakit kahit papaano.
Siya yung palaging nagmamalaki dati na hindi niya pinapabayaan ang anak niya. Pagdating niya, bitbit niya agad ang sermon. “Anak, ang payat mo ah. Kumakain ka pa ba ng tama?” Ngumiti ako ng mahina. “Oo naman po, tay. Medyo stress lang kasi nawalan ako ng trabaho.” Itinaas niya ang kilay niya. “Nawalan ka eh. Anong nangyari?”
“Biglaan po ‘yung kumpanya nagsara. May problema raw sa management. Wala pa po akong bagong mapapasukan.” Tumango siya pero hindi nagsalita. Naghintay ako ng kaunting simpatya pero wala. Kaya tuloy ko na. “Tay, kung pwede po sana makahingi ako ng tulong. Kahit Php50,000 pambayad lang ng renta at hospital bills, ibabalik ko agad.”
Amuyo siya ng upo, nilagay ang tasa ng kape sa mesa at nagsimula sa pamilyar niyang tono ng lecture mode. “Alam mo Clay, lagi ko ng sinasabi sa’yo yan. Dapat may emergency fund ka. Hindi pwedeng umaasa ka sa iba. Tingnan mo ako. Kahit maliit ang pensyon ko, marunong akong magtabi.” Tinangguan ko lang siya pero sa loob ko, unti-unting naglalagablab ang lungkot. “Ang problema sa henerasyon niyo,” patuloy niya, “madaling sumuko. Pag nawalan ng trabaho, agad naghahanap ng tulong. Hindi ganyan ang itinoro ko sa’yo.”
Gusto kong sumagot. Gusto kong sabihing ilang beses na kitang tinulungan kahit hindi mo hinihingi pero pinigilan ko. Kailangan kong makita kung hanggang saan. “Tay,” mahina kong sabi. “So ibig sabihin hindi mo ako matutulungan.” Umiling siya. “Hindi sa ganon. Pero mahirap ngayon anak. Alam mo may maintenance ako. May hulog pa sa bahay. Tsaka matuto ka ring tumayo sa sarili mong paa. Magandang leksyon ‘to para sa’yo.”
Ngumiti ako kahit nanginginig ang labi ko. “Sige po tay. Salamat sa payo.” Pag-uwi ko, isinulat ko sa notebook. Tatay, puro aral walang aksyon gamit ang prinsipyo para itago ang kawalan ng malasakit. Habang sinasara ko ang notebook, ramdam kong isa-isa ng natatanggal ang mga ilusyon ko tungkol sa pamilya.
Sabado ng hapon n pumunta ako sa bahay ni ate Lizza sa Ayala Heights, Quezon City. Pagpasok ko pa lang sa gate, sinalubong ako ng malaking garden, mamahaling SUV at amoy ng bagong lutong pasta na galing sa kusina. Sa labas pa lang, halatang hindi sila kinakapos. Pagbukas ng pinto, ngumiti siya. ‘Yung tipong ngiting may halong kumpyansa. “Clay, ang tagal mo ng hindi dumadalaw. Ang payat mo. Kumusta na sa trabaho?”
Nagpigil ako ng ngiti. “Actually ate, kaya nga ako dumaan, nawalan ako ng trabaho. Nagsara bigla ‘yung kumpanya namin.” Natahimik siya saglit pero agad din siyang umupo at sinabayan ako ng kape. “Ha? Grabe naman yon eh. Anong plano mo ngayon?”
“Yun nga ate. Kaya ko sana gustong humingi ng tulong kahit Php50,000 lang. May mga bayarin kasi at may hospital bills na kailangang bayaran. Ibabalik ko agad pag nakaipon ako.” Biglang nagbago ang tono ng boses niya. “Ay naku Cle, timing talaga. Alam mo ba, nagpa-renovate kami ng master’s bedroom tapos yung tuwisyo ng mga bata ang taas. Tsaka kakakuha lang namin ng bagong kotse.”
Tumango ako pilit na ngumiti. “Kahit konti lang po ate, kahit pansamantala lang.” “Hm. Baka pwedeng 10,000 muna. Kakausapin ko si Paul ha. Siya kasi ang humahawak ng pera. Alam mo naman mahigpit sa budget ang mga doktor.” Ngumiti ako “Kahit magkano po malaking tulong na.”
“Saka kung gusto mo pwede ka muna dito tumira. May guest room naman kami pero ginagamit ng mga bata minsan kaya medyo magulo ha.” Alam kong alok lang iyun para makaiwas sa tunay na tulong. “Salamat ate,” sagot ko. “Pero baka mahirapan lang ako mag-commute dito. Saka may mga interview pa ako sa Makati.” “Sige basta update mo ako ha. Ipapakiusap ko kay Paul. Alam mo naman siya hindi agad nagbibigay.”
Tumango ako kahit alam kong hindi na siya tatawag. Pag-uwi ko, isinulat ko sa notebook. Ate Liza, mabait sa umpisa pero may takip na dahilan. May kayamanan pero kulang sa malasakit. Habang nakasakay ako sa jeep pauwi, tinanaw ko ang mga ilaw ng bahay nila sa malayo. Ang ganda ng tahanan nila. Pero napaisip ako, may puso pa ba sa loob niyon?
Kinabukasan, sinubukan kong tawagan si Kuya Jonas. Alam kong madalas siyang offline kaya nag-send muna ako ng mahabang text message. “Kuya, nawalan ako ng trabaho. Wala pa akong natatanggap na back pay at may hospital bills na kailangagang bayaran. Kung pwede sana, makihingi ako ng tulong kahit Php50,000. Babalikan ko agad kapag nakahanap ako ng bagong work.”
Ilang minuto lang nag-reply siya, “Naku sis, sayang. Pero grabe, hirap din ako ngayon. May bayad pa ako sa motor tapos delayed pa ang sahod. Pero tatawag ako mamaya ha.” Alam ko na yon. Ang linya niyang tatawag ako mamaya ay katumbas ng wala ng balikan. Pero umasa pa rin ako kahit konti. Baka ngayon iba na siya. Lumipas ang isang araw wala pa rin siyang tawag kaya ako na ang tumawag.
Una ringing. Pangalawa busy. Sa ikatlo, voicemail na. Ilang oras pa nagpadala ako ng simpleng message. “Kuya, kahit kaunti lang sana. Kahit hulugan ko na lang ‘pag nagkapera ako.” Walang sagot. Kinagabihan habang tinitingnan ko ang Facebook, nakita kong nag-post siya ng picture. Siya kasama ang barkada nag-iinuman sa Tagaytay. May caption na: “Deserve namin to after a long week. Buong-buo.”
Napanghiti ako ng mapait. Hindi ko alam kung maiinis ako o maawa. Paano niya kayang mag-post ng gann samantalang alam niyang humihingi ako ng tulong? Kinabukasan, sinubukan ko pa rin, “Kuya, hindi mo na kailangang ibigay lahat kahit Php5,000 lang panguno sa renta.” Ngunit ilang oras pa rin ang lumipas wala pa rin siyang sagot.
Sa halip, may tumawag. Hindi siya si mama. “Clay. Nakausap ko si Jonas.” Sabi niya, “Huwag ka raw masyadong magpumilit. Wala raw talaga siyang pera. Nagsisimula pa lang ulit.” “Ah, siya po pala nagsabi sa inyo?” Tanong ko. “Oo. Huwag mo siyang masyadong i-pressure ha. Alam mo naman si kuya mo marupok din minsan.”
Napangiti ako kahit kumikirot ang dibdib ko. “Hindi po ma. Naiintindihan ko. Salamat.” Pagkababa ng tawag, sinulat ko sa notebook. “Kuya Jonas, walang sagot. Walang malasakit pero may pambili ng alak.” At habang tinatopic ko ang ballpen sa notebook, napaisip ako. Siguro nga mas madaling tulungan ang taong nangangailangan kaysa asahan ang taong kailan man ay hindi natutong tumulong.
Kinabukasan, matapos kong ayusin ang mga papeles sa opisina, huminga ako ng malalim at tinawagan si Tita Marites, ang pangalawang asawa ni tatay. Sa totoo lang, ilang taon na rin kaming hindi nagkakausap ng maayos tuwing may handaan lang kaming nagkikita. At kahit noon ramdam ko ang lamig ng tingin niya sa akin.
Sumagot siya agad pero ramdam ko na agad ang malamig na tono. “Oh Clarice, ang bihira mo namang tumawag. May kailangan ka siguro.” Napangiti ako ng pilit. “Ah opo tita. Pasensya na po. Medyo nahihiya nga ako kasi ah nawalan po ako ng trabaho. Gusto ko lang sanang humingi ng tulong kahit Php50,000 lang temporary lang po. May hospital bills kasi ako.”
Tahimik siya sandali tapos narinig kong humugot siya ng hininga. “Naku iha alam mo naman siguro hindi ako basta nagbibigay ng pera kung hindi ko naman anak. ‘Ba hindi ko sinasabi ‘yan para masama ang loob mo ha. Pero kailangan kong maging totoo.” Mumiti ako kahit sumasakit ang sikmura ko. “Wala naman pong problema tita. Naisip ko lang po baka may maitutulong kayo kahit maliit lang.”
“Kasi alam mo may mga bayarin din kami ni tatay mo. Maintenance niya, hulog sa bahay tapos may utang pa ako sa kasambahay na pinatapos ko sa anak niya. Hindi biro ang gastos ngayon. Alam mo naman ang inflation.” Narinig ko pa siyang humigop mangkape habang nagsasalita. “Siguro Claris panahon na rin para matuto kang magtipid. Huwag kang masyadong umasa sa tulong ng iba. Tsaka hindi ba accountant ka dapat marunong kang mag-manage ng pera.”
“Ah opo tita. Pasensya na po.” “Sige ha. Baka kasi isipin ang tatay mo. Ako ang masama kung hindi kita matulungan. Alam mo naman ‘yun. Ayoko ng drama. Basta ingat ka na lang. Balitaan mo na lang ako kung may trabaho ka na ulit.” Pagkababa ko ng tawag, sandali akong natigilan. Ang tono niya ay parang magulang na nagpapayo. Pero bawat salitang binitawan niya ay parang karayom sa dibdib.
Isinulat ko sa notebook, “Tita Marites, malamig, maprinsipyo pero walang puso. Pera lang ang sukatan ng malasakit.” At sa gabing ‘yon, napaisip ako, pera nga ba ang nagpapasama sa tao o matagal na silang ganon at pera lang ang naglalantad ng totoo nilang kulay?
Kinabukasan ng linggo, pumunta ako sa Pasig kung saan nakatira si Tita Norma na kababatang kapatid ni mama. Public school teacher siya nakatira sa maliit na apartment na may lumang kurtina at amoy ng nilutong tinola. Sa labas pa lang ng pinto, narinig ko na ang mahina niyang boses. Kumakanta habang naglalaba. Pagkakita niya sa akin, agad siyang ngumiti.
“Claris, anak! Ang tagal mo namang dumadalaw. Halika, halika. Pasensya na ha. Magulo rito ha. Exams week kasi.” Naupo ako sa lamesang kahoy na may bitak sa gilid. “Okay lang po tita. Na-miss ko nga po kayo. Actually, may gusto po sana akong sabihin.” Tiningnan niya ako ng maigi. “Naku, seryoso ang mukha mo. Ano ‘yun, iha?”
Huminga ako ng malalim. “Tita, nawalan po ako ng trabaho. Biglaan pong nagsara yung kumpanya. Nahihirapan po ako ngayon sa renta at sa hospital bills. Kaya po sana kung pwede makihiram ako kahit Php50,000. Ibabalik ko agad pag nakahanap ako ng trabaho.” Hindi siya nagsalita agad. Nilingon lang niya ang maliit na aparador parang nag-iisip, “Ay anak, wala akong ganon kalaking pera.”
Naramdangan kong manghihina na sana ako pero agad niyang dinugtungan. Tumayo siya, pumunta sa kwarto at may kinuha sa ilalim ng kama. Isang lumang sobre na may rubber band. “O oh. Php15,000 lang ‘to. Ipon ko sa bonus ko. Kunin mo muna. Wala akong iba pang maibibigay pero baka makatulong kahit papaano.”
Hindi ako nakapagsalita. “Tita. Hindi po. Sobra na ‘to.” “Walang sobra pag pamilya Claris. Lahat tayo nagkakatulungan. Huwag mong alalahanin yan. Bayaran mo na lang kung kaya mo. Kung hindi, okay lang.” Naluha ako sa harap niya. Siya na halos kulang sa sarili, siya pa ang unang nagbigay. Habang pauwi ako, hawak-hawak ko ang sobre na amoy sabon at papel.
Naramdaman ko ang bigat ng hiya at pasasalamat. Pag-uwi, isinulat ko sa notebook. Tita Norma, walang kayamanan pero may tunay na puso. At sa gabing ‘yon, unang beses kong umiyak hindi dahil sa sakit kundi dahil sa kabutihang totoo na hindi kailangang ipagyabang o ipakita.
Makalipas ang tatlong araw mula ng makuha ko ang sobre ni Tita Norma, nagsimula ng magbago ang ihip ng hangin. Una kong napansin, biglang nag-message sa akin si Ate Lizza sa group chat namin ng pamilya. “Clay, totoo bang lumapit ka rin kina mama at kay tatay para humingi ng pera? Sabi ni mama, nangungutang ka raw sa lahat.” Nabasa ko lang pero hindi ko agad sinagot. Sa halip, pinatay ko ang data ko.
Kinubukasan habang naglalakad ako papuntang grocery, tumunog ulit ang cellphone ko. Si Tita Marites. “Claris, anak, may naririnig akong kung anu-ano. Totoo bang nanghihingi ka ng pera sa magkabilang panig ng pamilya? Hindi maganda ‘yan ha. Nakakahiya. Baka isipin ang mga tao desperada ka.” Tahimik lang ako, “Tita, humingi lang naman po ako ng tulong. Hindi po ako namimilit.”
“Ewan ko sa’yo ha. Pero sana alam mo kung kailan mo kailangan tumigil. Nakakaawa ka tuloy tingnan sa mga kwento.” Pagkababa ng tawag, hindi ko alam kung matatawa ako o maiyak. Nakakaawa ako. Hindi nila alam na sa likod ng mga salitang iyon may nakatagong sikreto na magpapaikot sa buong mundo nila kapag nalaman nila. Sa bahay. Sinilip ko ang messenger. May mensahe si mama.
“Anak, narinig ko kay L humingi ka rin daw kay Jonas. Huwag ka namang ganyan. Parang pinaglalaruan mo kami. Kung wala ka nang makain, sabihin mo na lang ng diretso.” Tumitig ako sa screen ng matagal. Hindi ko alam kung magagalit ako o masasaktan. Paano naging kasalanan ang humingi ng tulong sa pamilyang ilang beses kong tinulungan noon?
Kaya sinulat ko sa notebook. reaksyon ng pamilya. Judgment bago unawa. Chismis bago malasakit. Habang sinusulat ko iyon, tumawag si Tita Norma. “Anak, may naririnig akong mga salita tungkol sa’yo. Huwag mong intindihin ‘yan ha. Kilala kita. Hindi mo kailangang ipaliwanag sa kanila kung anong totoo.” Doon ako napahinga. Sa gilid ng mga bulong, siya lang ang marunong makinig.
At sa gabing iyon napagtanto ko ang pera pala kahit mo ipagsigawan naaamoy ng mga taong may kasakiman. Kinabukasan, dumalaw ulit ako kay Tita Norma. Dala-dala ko ang prutas at ilang grocery items bilang pasasalamat. Pagbukas ng pinto, agad siyang ngumiti. “Ay naku, huwag ka ng gumastos, anak. Ako pa dapat ang magpapasalamat sa’yo. Nakadalaw ka ulit.”
Ngumiti ako pero may mabigat akong gustong itanong. “Tita, sigurado po ba kayong okay lang yung perang binigay niyo? Baka kailangan ninyo po ‘yon.” Umupo siya at humigop ng kape bago sumagot. “Alam mo, Claris, totoo. Medyo mahirap din ngayon. Nagkakataon kasing may maintenance ako sa diabetes tapos mataas pa presyo ng gamot. Pero sabi ko sa sarili ko, kung may kakailanganin ka, tutulungan kita kahit papaano.”
Napatigil ako, “Tita, ibig sabihin kahit may sakit kayo, pinilit niyo pa rin akong tulungan.” Ngumiti lang siya. “Anak, minsan ang tulong hindi nasusukat sa dami ng pera kundi sa tapat ng loob. Hindi ko naman kayang tulungan ka ng milyon pero alam kong hindi mo rin ako pababayaan kung ako naman ang mangangailangan.” Naluha ako habang nagkukwento siya, napansin ko ang maliit na resibo na nakadikit sa ref. Pwn shop transaction, Php3,000.
“Tita, sinanglang niyo po ba yung alahas niyo?” tanong ko. Tahimik siya sandali tapos ngumiti. “Ay, ‘yung hikaw? Oo. Matagal ko na ring hindi nagagamit. Mas mabuting makatulong kesa nakatago lang.” Hindi ko na napigilang maiyak. “Tita, hindi ko po deserve ‘to.” Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko.
“Anak, wala namang deserve o hindi deserve sa pagtulong. Kapag may pagmamahal, kusa kang gagalaw. Hindi mo kailangan maging mayaman para magmalasakit.” Umupo ako sa tabi niya. Pinipigilan ang hikbi. “Salamat po tita. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran.” “Hindi mo kailangang bayaran. Ang gusto ko lang kapag may pagkakataon ka, ituloy mo lang ‘yung kabutihan. Iyun na ang sukli.”
Pag-uwi ko, isinulat ko sa notebook. Tita Norma. Isinangla ang alahas kahit may karamdaman. Ang tunay na tulong, tahimik pero totoo. At sa gabing iyon, habang tinitingnan ko ang envelope ng perang ibinigay niya, naramdaman ko higit pa ito sa salapi. Ito ay pagmamahal na walang kondisyon.
Hindi ako mapakali buoong gabi. Paulit-ulit kong iniisip ang mukha ni Tita Norma. Yung ngiti niyang pilit itinatago ang pagod. Yung mga kamay niya ang may kalyo. Pero laging nakabukas para tumulong. Hindi ko na kayang itago pa. Kailangan niyang malaman ang totoo. Kinabukasan, dumalaw ulit ako sa kanya.
Dala ko ang mga prutas, gamot at isang maliit na cake. “Naku, Claris! Ano na naman ‘to? May okasyon ba?” tanong niya habang tinatanggal ang takip ng cake. Ngumiti ako pero ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. “Tita, may kailangan po akong sabihin. Importante po.” Umupo siya, hawak ang tasa ng kape. “Ano ‘yun anak? May problema ba?”
Huminga ako ng malalim. “Tita, hindi po ako nawalan ng trabaho. Hindi po ako naghihirap.” Napatigil siya. Parang hindi agad nakaintindi. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” “Hindi po totoo yung kwento ko. Sinubok ko lang po ang pamilya ko kung sino ang tutulong kapag ako naman ang nangangailangan.”
Tahimik siya sandali. Tiningnan lang niya ako tapos dahan-dahan niyang ibinaba ang tasa. “Anak, ibig mong sabihin lahat ‘yun palabas lang.” Tumanggo ako halos pabulong. “Opo. At kayo lang po ang tumulong sa akin. Alam kong mali pero gusto ko lang malaman kung sino ang tunay na nagmamahal.”
Huminga siya ng malalim pero hindi siya nagalit. “Claris, hindi ako galit. Medyo nalungkot ng ako na dumating ka sa puntong kailangan mong subukin ang pamilya mo. Pero naintindihan ko.” Naluha ako. “Tita, may isa pa po akong dapat aminin. Tatlong linggo na po mula ng manalo ako sa lotto. 250 milyon po.”
Namilog ang mga mata niya pero hindi siya sumigaw. Hindi nagulat sa paraang inaasahan ko. “Anak, grabe ‘yan. Pero alam mo hindi ako nagtataka kung bakit sa’yo binigay ‘yan ng Diyos. Marunong kang magpasalamat.” Umiyak ako. Tuluyan na. “Tita, gusto ko po kayong tulungan. Lahat ng kailangan niyo. Gamot, bahay, kahit anong gusto niyo.”
Ngumiti lang siya. “Anak, ang gusto ko lang, huwag mong hayaang baguhin ka ng pera. Maging ikaw pa rin, ‘yung Claris na marunong tanaw ng utang na loob.” Sa gabing iyon, alam kong sa wakas may isang taong alam ang sikreto ko at hindi niya ako tinrato na bangko kundi pamilya.
Tahimik kaming nakaupo ni Tita Norma sa maliit niyang sala. Sa labas, naririnig ang ingay ng mga batang naglalaro pero sa loob ng bahay, tanging tunog ng orasan ang maririnig. “Alam mo, Claris,” mahinaho niyang sabi. “Marami na akong nakitang tao sa buhay ko na nagbago dahil sa pera. Yung iba naging maramot. Yung iba nagkaroon ng yabang. Pero ang pinakamasakit, yung mga nagkaroon ng pera pero nawala ang puso.”
Tahimik lang akong nakikinig. “Tita, takot nga po ako doon.” Sabi ko, “Ayokong maging ganon. Ayokong dumating sa puntong hindi ko nakilala ang sarili ko.” Ngumiti siya. “Kaya nga siguro ikaw ang pinili ng Diyos na manalo. Kasi bago ka pa man yumaman, natutunan mo na kung gaano kahalaga ang malasakit. Yung iba nananalo pero hindi natututo. Ikaw natuto muna bago binigyan ng ganting pala.”
Tumulo ang luha ko. “Tita, hindi ko alam kung paano ko magagawang tama lahat. Ang daming gustong lumapit pero hindi ko alam kung sino ang totoo.” “Anak,” sagot niya, “Hindi mo kailangang suklian ang lahat. Ang tulong hindi mo dapat ipilit sa mga hindi marunong tanggap. Magbigay ka pero huwag mong hayaang ubusin ka ng iba. Piliin mo kung sino ang karapat-dapat.”
Tumango ako. “Kayo po ang gusto kong tulungan muna. Gusto kong maayos ang kalusugan niyo at mabibigyan kayo ng bahay na komportable.” “Salamat anak.” Sabi niya habang nakangiti. “Pero huwag mong kalimutan na hindi lahat ng tulong ay tungkol sa pera. Minsan sapat na ‘yung alam mong may nagmamalasakit sa’yo.”
Nagtagal kami sa kwentuhan tungkol sa mga panahong bata pa ako kung paanong siya ang laging sumasalo sa akin tuwing may problema sa bahay. Sa huling bahagi ng usapan namin, tinapik niya ang kamay ko. “Claris, tandaan mo to. Pera lang yan. Pero ang respeto, tiwala at pagmamahal. ‘Yan ang hindi mo kayang bilhin kahit ilang milyon pa ang meron ka.”
Pag-uwi ko, isinulat ko sa notebook. Ang yaman ay sinusubok ang puso hindi ang bulsa. Si Tita Norma ang patunay. At sa unang pagkakataon mula ng manalo ako, nakatulog akong maying ngiti sa labi hindi dahil sa pera kundi dahil alam kong may tamang dahilan kung bakit sa akin napunta ang biyayang iyon.
Lumipas ang ilang araw sa tulong ni Tita Norma, nagdesisyon akong tawagin ang buong pamilya para sa isang simpleng salo-salo. Isang Sabado ng hapon sa Antipolo sa isang maliit na Garden Cafe na madalas naming kainan noon. Gusto kong marinig nila ako hindi bilang Claris na humihingi ng tulong kundi bilang anak at kapatid na matagal nilang nakalimutan.
Isa-isa silang dumating. Nauna si mama nakasuot ng bagong damit at halatang nag-ayos. Sumunod si ate Lizza atyang si Dr. Paul naolo pa. Si kuya Jonas medyo nahihiya pero dumating din. At syyempre si Tita Marites nakataas pa rin ang kilay pero ngumiti ng pilit. Tahimik ang lahat noong nagsimula akong magsalita.
“Salamat sa pagpunta ninyo. Alam kong medyo awkward ‘to pero gusto ko lang maglinaw ng ilang bagay.” Huminga ako ng malalim. “Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa mga tumulong, sa mga nakinig kahit saglit at sa mga umintindi kahit hindi ako perfect,” walang kumikibo. Naririnig ko pa ang paghigop ni mama ng juice.
“Gusto ko lang sabihin,” tuloy ko na, “hindi ko kayo sinisisi kung hindi kayo nakatulong. Lahat tayo may kanya-kanyang problema. Pero sana kahit minsan maalala niyo ‘yung mga panahong ako naman ang tumulong sa inyo. Hindi ko kayo tinanong kung kaya ko basta ginawa ko.” Tumingin ako kay ate Liza. Napayuko siya.
“Clay, hindi namin alam na ganong kalala yung pinagdadaanan mo,” mahina niyang sabi. Ngumiti ako. “Hindi ko rin naman gusto magpaawa. Gusto ko lang makita kung may tunay pang malasakit.” Sumabat si Tita Marites. Nakataas ang kilay. “So sinubok mo kami?” Tumango ako. “Oo tita. Sinubok ko kayo kasi gusto kong malaman kung sino ang tatayo sa tabi ko kapag wala na akong maibigay.”
Tahimik. Walang gustong magsalita. Pagkatapos ng ilang segundo, nagsalita si mama. “Anak, pasensya ka na. Siguro nasobrahan lang kami sa pag-aakala na kaya mo lahat.” Ngumiti ako pero sa loob-loob ko, alam kong hindi pa nila lubos na uunawaan. Sinulat ko sa isip ko, “Hindi mo kailangang magalit para magising ang mga tao. Minsan sapat na ang katotohanan.” At sa sandaling iyon, alam kong nagbago na ang tono ng laro. Hindi pa nila alam ang totoo pero malapit na.
Makalipas ang dalawang linggo mula sa pagtitipon, nagsimula na akong kumilos ng tahimik. Sa tulong ng abogado at financial advisor na kinuha ko, nakabili ako ng bahay sa Tagaytay. Hindi sobrang engrande pero moderno, maaliwalas at may tanaw ng bundok. Lahat ng gamit bago, lahat ng furniture simple pero elegante. Paglipat ko roon, ramdam ko ang bagong simula.
Hindi ko na kailangang magkunwari na naghihirap pero pinili ko pa ring manahimik. Gusto kong makita kung paano kikilos ang mga tao kapag akala nila unti-unti lang akong bumabangon sa hirap. Nag-post ako sa Facebook. “Salamat sa bagong simula. Minsan kailangan mo lang manahimik para bumalik ang lakas.” Wala akong binanggit tungkol sa pera o bahay.
Pero makalipas ang ilang oras, may mga nagkomento. Ate Lza: “Wow ganda naman ng view. Saan yan Clay?” Ma: “Anak, bagong bahay mo ba yan? Ang bilis mo namang naka-recover.” Tita Marites: “Iba talaga agag marunong magtiis. Pero sana huwag mong kalimutan kung sino ang nandiyan sa’yo noon.” Binasa ko lahat pero hindi ako nag-reply. Natwa ako ng bahagya kasi nung nahihirapan ako, tahimik silang lahat. Pero ngayong may nakikita silang kaginhawaan, sila pa ang unang naglalapit.
Ilang araw pa, tumawag si Kuya Jonas. “Clay, balita ko may bagong bahay ka ha. Galing mo. Paano mo nagawa ‘yun?” Ngumiti ako sa telepono. “Swerte lang siguro kuya maraming oportunidad kapag marunong kang maghintay.” “Ayos ‘yan ha. Baka naman may extra ka diyan pang puhunan ko sa negosyo.” Napangiti ako pero hindi na ako nagulat. “Kuya, sa ngayon kailangan kong mag-ipon muna. Next time na lang.” “Ah ganun? Sige.”
Pagkababa ng tawag, napangiti ako ng mapait. Isinulat ko sa notebook. Ngayon ako naman ang may hawak ng kapangyarihan pero pipiliin ko pa rin kung sino ang karapat-dapat. Habang nakatanaw ako sa labas sa malamig na simoy ng hangin ng Tagaytay, ramdam ko ang kakaibang kapayapaan. Hindi na ako galit. Hindi ko na kailangan ng paliwanag dahil minsan ang pinakamagandang ganti ay ang tahimik na pag-angat. Habang ang mga minsang tumalikod sa’yo, sila naman ngayon ang nagtataka kung paano mo nagawa.
Isang gabi habang nagkakape ako sa veranda ng bagong bahay, biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, pangalan ni mama ang nakalagay. Matagal ko siyang hindi nakausap mula nung pagtitipon. Nagdalawang isip pa ako bago sagutin pero sa huli, pinindot ko rin ang accept. “Hello, ma!” Tahimik sa kabilang linya parang may humahagulgol.
“Clay, anak, pasensya na kung istorbo ako. Wala na akong malapitan.” Agad akong napatayo. “Bakit ma? Anong nangyari?” Narinig ko ang mahinang hikbi niya. “Na-stroke si Tito Nestor. Wala kaming pambayad sa ospital. Ang bill umabot na ng 180,000. Wala akong mahugot anak.” Tahimik akong sandali. Ilang linggo lang ang nakalipas, siya rin ang nagsabing wala kaming maitutulungan. Pero ngayon siya ang humihingi.
“Clay, alam kong nasaktan kita noon. Alam kong mali ako pero anak, tulungan mo naman ako kahit ngayon ipagdarasal ko ‘to. Babayaran ko rin pag kaya ko na.” Napatitig ako sa tanawin ng Tagaytay. Mga ilaw ng bahay sa ibaba, parang mga bituing kumikindat. “Ma, huwag na po kayong mag-alala. Ako na po bahala sa lahat ng gastusin.”
Narinig kong napahinga siya ng malalim. “Totoo anak, hindi mo ako tinatanggihan.” Ngumiti ako kahit may luha sa mata. “Ma, kung tinanggihan ko po kayo ngayon, magiging katulad ko rin kayo noon at ayokong ganon ang maging anak ninyo.” Tahimik siya sandali. Tapos narinig ko ang tinig niyang naninginig. “Anak, patawarin mo ako. Hindi ko alam kung paano kita pagbabayaran sa kabutihang ‘to.”
“Huwag niyo na pong isipin yun ma. Ang importante gumaling si Tito Nestor. At sana po magkausap tayo ng hindi lang kapag may problema.” Pagkababa ko ng tawag, napatingin ako sa langit. Isinulat ko sa notebook. Pera ang ginamit nila para sukatin ako pero pagpapatawad ang ginamit ko para tapusin ang laro. At sa gabing iyon, sa unang pagkakataon, hindi ako nakaramdam ng galit kundi katahimikan. Hindi dahil nakabawi ako kundi dahil pinili kong maging tao kahit sila’y nagkulang.
Makalipas ang isang araw mula sa tawag ni mama, nagpasya akong tumulong pero hindi bilang Claris. Ayokong maramdaman nilang may utang sila sa akin. Gusto kong makita kung marunong pa silang magpasalamat kahit hindi nila kilala ang tumulong. Tinawagan ko ang accountant ko si Attorney Ramirez at inutusan siyang magpadala ng Php200,000 sa ospital ni Tito Nestor gamit ang pangalang Maria Teresa Foundation. Isang katang isip na charity na ipinangalan ko Tita Norma bilang parangal sa kanya.
Kinagabihan, tumawag si mama. “Anak, Claris, hindi ko alam kung anong himala to. May nagbayad sa ospital. Full payment daw galing sa Maria Teresa Foundation. Wala kaming alam kung sino.” Ngumiti ako pilit na pinipigilan ang luha. “Talaga po ma? Ang swerte niyo naman. Siguro may mabuting taong ginamit si Lord para tulungan kayo.”
“Grabe anak, hindi ko alam kung paano kami mapapasalamat. Ang sabi ni tatay mo, iiyak na raw siya sa tuwa.” Habang nagsasalita siya parang bumalik sa isip ko lahat ng sandaling tinanggihan nila ako. At ngayon ako ang nagligtas sa kanila ng hindi nila alam. At sa halip na galit, awa at kapatawaran ang naramdaman ko. Kinagabihan, nag-post si ate Lisa sa Facebook.
“Salamat po sa Maria Teresa Foundation. Hindi namin kayo kilala pero ang ginawa niyong tulong ay hindi namin makakalimutan. Pray!” Binasa ko iyon ng paulit-ulit. Ang mga salitang “hindi namin makakalimutan” ironic dahil kung alam lang nila kung sino ang nasa likod noon baka ibang tono ng pasasalamat ang maririnig ko. Sinulat ko sa notebook. Ang tunay na pagtulong hindi kailangan ng pangalan. Ang kabutihan mas malakas kapag tahimik.
Pagkatapos noon, binisita ko si Tita Norma at ikinuwento ko ang lahat. Ngumiti siya ng may luha. “Anak, hindi mo lang sila tinulungan. Tinuruan mo silang makaramdam ng kabutihan. Bihira ‘yan sa panahon ngayon.” Ngumiti rin ako. “Siguro ‘yun ang totoong dahilan kung bakit ako nanalo. Hindi para yumaman kundi parang maipasa ang kabutihan niyong tinuro sa akin.” At sa sandaling iyon, alam kong nagsisimula na akong gamitin ang kayamanan ko hindi para sa ganti kundi para sa layunin.
Lumipas ang tatlong linggo mula ng mabayaran ang ospital ni Tito Nestor. Unti-unti kong napansin ang pagbabago sa kilos ng pamilya ko. Hindi man nila alam na ako ang tumulong pero parang may kakaiba sa tono ng bawat tawag nila. Unang tumawag si mama. “Cly, gusto ko lang magpasalamat. Alam mo dahil sa nangyaring yon, na-realize ko kung gaano kahirap humingi ng tulong. Napahiya ako sa sarili ko. Simula ngayon, gusto ko ng bumawi sa mga taong tinanggihan ko noon.”
Hindi ko napigilang mapangiti. “Ma, huwag na po kayong mag-guilt trip. Ang mahalaga, gumaling si tito.” “Oo nga, anak. Pero promise ko pag bumalik ako sa trabaho, magpapadala ako ng tulong kay Tita Norma. Siya lang pala ‘yung tumulong sa’yo noon,” Sabi ni Liza. Napangiti ako lalo kahit hindi nila alam ang totoo. Gumagalaw ang kabutihan na parang alon umaabot sa iba.
Sunod naman si ate Liza. “Cly, gusto kong mag-sorry. Alam ko naging madumot ako. Saka may bonus ako ngayon kaya gusto kong padalan si mama. Siguro tama ka. Dapat hindi pera ang sukat ng pagmamahal.” “Ang mahalaga ate, natuto tayo. Lahat tayo,” sabi ko. Pati si Kuya Jonas na dati palaging may dahilan, tumawag din isang gabi. “Cly, gusto ko lang sabihin nag-apply ako sa bagong trabaho. Ayoko n maging pabigat. Nakakahiya na. Parang binigyan ako ng Diyos ng second chance.” “Good job, kuya. I’m proud of you,” sabi ko ng taos puso.
Habang pinapakinggan ko silang lahat, unti-unti kong naramdaman ang kakaibang kapayapaan. Hindi ko kailangang ipangalandakan ang totoo sapat ng makita kong nagbago sila. Kinagabihan, binuksan ko ulit ang notebook ko. Isinulat ko: ang kabutihan parang binhing itinanim sa lupa. Hindi mo agad makikita. Pero kapag tumubo, hindi mo na mapipigilan ang paglawak.
Sa unang pagkataon, naramdaman kong bumabalik ang pamilyang akala ko’y nawala na. Hindi man nila alam ang katotohanan, ramdam kong muling bumubuo ang mga sirang pader sa pagitan namin. Hindi dahil sa pera kundi dahil sa kababaang loob at pagbabago. At habang nakatingin ako sa buwan sa labas ng bintana, bumulong ako. “Salamat Tita Norma kasi ikaw ang nagturo sa akin kung paano magmahal ng tahimik.”
Isang umaga habang nag-aalmusal ako sa veranda, tumunog ang cellphone ko. Si Attorney Ramirez ang nasa linya halatang kinakabahan. “Ma’am, may konting problema. Isa sa staff ng ospital ang naglabas ng dokumento tungkol sa Maria Teresa Foundation. Naka-link doon ang pangalan mo bilang donor.” Parang huminto ang oras ha. Ibig sabihin alam na nila. “Posible po may chance na kumalat ‘yung impormasyon.”
Bago pa ako makapaghanda, sunod-sunod na ang tawag na pumasok. Una si mama. “Claris, Anak, totoo ba to? Ikaw pala ang nagbayad ng bill ni Tito Nestor, yung Maria Teresa Foundation? Ikaw pala yon?” Hindi ko agad masagot, “Ma. Hindi ko naman po gustong ipahiya kayo. Gusto ko lang pong makatulong.” Tahimik siya saglit. Tapos narinig ko ang paghigbi niya. “Anak, hindi ko alam kung maiyak ako sa hiya o sa tuwa. Patawad, Claris. Patawad kung hindi kita pinakinggan noon.”
Bago ko pa man maibaba ang tawag, si ate Lisa naman. “Clay, grabe ka. Ikaw pala’y tumulong sa amin. Ikaw rin pala’y may bahay sa Tagaytay. Bakit hindi mo sinabi?” Ngumiti ako ng mapait. “Kasi gusto kong makita kung sino sa inyo ang marunong magmahal ng walang kapalit.” Tahimik siya. “At ngayon alam mo na kung sino ‘yun.” “Oo ate,” sagot ko, “si Tita Norma.”
Kinahapunan, nagtipon-tipon ang pamilya sa bahay ni mama. Pagdating ko lahat tahimik. Walang sermon, walang sigawan, tanging mga mata lang na puno ng hiya at pagsisisi. Si Tita Marites ang unang lumapit. “Claris, anak, mali ako. Masyado akong naging mapagmataas. Salamat. Kahit hindi ako karapat-dapat.” Naluha ako. “Hindi ko ‘to ginawa para ipamukha ang mali ninyo. Ginawa ko ‘to para makita nating lahat kung gaano kahalaga ang malasakit.”
Tahimik ang lahat. Walang ibang narinig kundi ang hangin at mga hikbi. Tapos si mama ang unang yumakap. “Anak, salamat sa pangalawang pagkakataon.” Habang yakap ko silang lahat, napatingin ako sa langit at bumulong, “Salamat, Tita Norma. Lahat ng kabutihang tinanim mo unti-unti ng bumubunga.” At sa sandaling iyon, hindi na ako si Claris na niloko ng pamilya. Ako na ang babaeng tinuruan ng pera kung ano ang tunay na halaga ng tao.
Makalipas ang isang linggo, matapos mabunyag ang lahat, pinuntahan ko si Tita Norma sa bahay niya sa Pasig. Bitbit ko ang maliit na kahon na may kasamang sobre hindi para bayaran siya kundi para ipakita kung gaano ko siya pinahalagahan. Pagdating ko, sinalubong niya ako ng ngiti parang walang nagbago. “Anak, mukhang ikaw na talaga ang pinagpala. Lahat ng balita ikaw ang laman. Pero ang mahalaga nanatili kang ikaw.”
Ngumiti ako. “Tita, kung alam mo lang ikaw ang dahilan kung bakit ko nagawang manatiling ako.” Umupo kami sa lumang sofa. Binuksan ko ang kahon. Sa loob nito may dokumento ng bagong bahay at lote sa Tagaytay na kapangalan kay Maria Teresa Ramos. Siya mismo. “Anak, ano ‘to tita?”
“Bahay po para sa inyo. Para hindi na kayo magrenta, para maayos ang gamutan niyo, at para maramdaman niyo kung gaano ko kayo kamahal.” Napatakip siya ng bibig. Tumulo ang luha niya. “Claris, hindi ko ito tinutulungan para gantihan mo ako ng ganito.” Ngumiti ako. “Alam ko po, kaya nga kayo ang karapat-dapat kasi kayo lang ang tumulong ng walang hinihing kapalit.”
Niyakap ko siya ng mahigpit. Ramdam ko ang tibok ng puso niya payapa, totoo at puno ng pagmamahal. “Anak, sana kahit gaano kalayo marating mo, huwag mong kalimutan kung saan ka nagsimula.” “Hindi ko po makakalimutan tita. Lahat ng meron ako ugat niyo.” Pag-uwi ko sa Tagaytay, tumingin ako sa langit. Ang mga ulap ay kulay ginto sa dapit hapon. Parang yakap ng langit sa akin.
Binuksan ko ang notebook na matagal ko ng sinusulatan at isinulat ko ang huling entry: Sinubok ako ng pera pero tinuruan ako ng kabutihan. Ang yaman nawawala pero ang pagmamahal kapag itanim mo sa tamang puso tumatagal habang buhay. Habang isinasara ko ang notebook naramdaman ko ang katahimikan na matagal kong hinanap wala ng galit wala ng hiya tanging kapatawaran at pasasalamat at sa huling sulyap ko sa langit bumulong ako. “Salamat Lord kasi ginamit mo si Tita Norma para ipaalala sa akin na ang tunay na kayamanan ay hindi kailan man pera kundi puso.”






