TUNAY na DAHILAN ng PAGBAGSAK ng AIR INDIA TUKOY NA?
Pagkalipas ng mahigit isang buwan matapos bumagsak ang Air India Flight 171 ay lumabas na ang preliminary report sa ginawang imbestigasyon at marami ang nagulat at umalma sa mga bagong impormasyong lumitaw lalo na sa voice recording ng usapan ng dalawang piloto tungkol sa pagka-off ng fuel switch ng eroplano.
Pinatay nga ba ng isa sa mga piloto ang mga switch kaya nawalan ng power ang dalawang makina? Kung ito ay totoo, sinadyang ba niya itong gawin at ginusto niyang wakasan ang kanyang buhay pati na ang lahat ng pasaherong sakay ng eroplano? Gaano kaswerte ang nag-iisang pasaherong naka-survive lalo na yung isa na hindi nakasakay dahil na-late siya sa traffic? Yan ang tatalakayin natin ngayon dito lang sa ma.

Goodbye. Yeah.
Noong June 12, 2025, napakainit man ng panahon ngunit maaliwalas naman ang paligid sa siudad ng Amedabad, India. Para bang isa lamang itong normal na araw lalong-lalo na para sa mga biyaherong dadaan sa isa sa mga pinakaabalang airport sa India, ang Sardar Balvig Patel International Airport.
Ng araw na yon kagaya ng nakagawian nitong ruta, lilipad sana ang isang Boeing 787 Dreamliner ng Air India para sa nakatakdang flight 171 mula Amedabad papunta sa London, England. Ito pa lang ang pangalawang biyahe ng naturang eroplano nong araw ding iyon dahil nung umaga nung June 12, kagagaling pa lang nito ng Delhi India at kaka-landing pa lang sa paliparan ng Amedabad.
Lulan ng flight 171 ang 230 na pasahero at lingawang crew para sa isa sanang matiwasay na 9-hour flight papunta sa London Gatwick Airport. Kabilang sa mga pasahero ng eroplano ng araw na yon ay si Pratick Joshi, isang doktor na ilang taon ng nagtatrabaho sa London. Kasama ni Pratick sa flight ay ang asawa niyang si Kamini na kapwa niya doktor at ang kanilang tatlong anak na sina Pradut, Miraya at Naul.
Kaka-resign pa lang ng kaniyang asawa dahil nagdesisyon na silang mag-migrate sa ibang bansa. Bago mag-takeoff ang eroplano, masaya pang nag-selfie ang buong pamilya at batid sa mga kuhang litrato ang kanilang saya dahil sa wakas makakapiling na nila ang isa’t isa at magkakaroon ng panibagong buhay sa London.
Subalit ang hindi alam ng pamilya Joshi na yun na pala ang kanilang mga huling sandali sa mundo. Ang mga pilotong nakatoka sa flight 171 ay ang beteranong kapitan. Ang 55 anyos na si Captain Sumit Saharwal. Ang 32 anyos na si First Officer Clive Kunder, si Captain Sumit ay tinitingala sa Air India dahil isa ito sa mga magagaling na guro ng bagong henerasyon na mga piloto.
Balak na sana ni Captain Sumit na magretiro ng maaga upang maalagaan ang kanyang sakiting ama. Ngunit sino ang mag-aakala na mas mauuna pa pala siya kaysa sa kanyang naghihingalong tatay. Habang naghahanda ang Flight 171 sa paglipad, isang pasahero si Boom Chauhan ang naiwan sa airport dahil na-late ito ng halos 10 minuto.
Kahit ipinagpilitan ni Boomy sa mga boarding officer na sumakay at kahit ilang beses niyang ipinaliwanag na nahuli siya dahil sa sobrang traffic sa Amedabad, hindi pa rin ito pinayagang makasampa sa eroplano. Kahit dismayado at inis na inis, napilitan na lang itong umuwi. Ngunit ang hindi niya alam na ang malubhang traffic pala ang magliligtas sa kanya mula sa isang napakalaking kapahamakan.

Sa hudyat ni Captain Sumit, inihanda na ng mga crew at flight attendants ang lahat para sa isang mahaba-habang biyahe. Matapos makumpirma at ma-check ang status ng eroplano, bandang 1:39 p.m. ay nag-takeoff na ang flight 171 sa napakahabang paliparan ng Sandar Balabhay Patel International Airport. Subalit tila may napansing kakaiba ang mga taong nakasaksi sa pag-takeoff nito.
Ayon sa kanila, parang nahirapan umahon ng eroplano at talagang kinailangan nitong gamitin ng napakahabang runway na aabot sa mahigit 3,500 m. Ngunit ayon sa control tower, ay normal lang itong mangyari lalo na’t napakainit ng panahon at hindi maganda ang air pressure sa paligid. Kaya kinailangan ng eroplano ng mas mahabang oras para makabwelo.
Gayon pa man, tagumpay pa ring nakalipad ang Boeing 787 Dreamliner. Sa unti-unti nitong pag-angat sa himapawid, animo’y ligtas na ang 242 na sakay ng flight 171. Ang airport sa Amedabad ay napapaligiran ng mga bahay at imprastruktura kaya normal lang na maraming tao ang nanonood habang papalipad pa lang ang naturang eroplano.
Pero ilan sa mga taong nasa paligid ang nakapansin na parang papabagsak na ang eroplano patungo sa isang mataong residential area. Wala pang ilang minuto simula ng mag-takeoff ang flight 171 sa altitude na mahigit 190 m. Abay parang hirap na hirap na itong manatili sa ere. Kahit na halatang-halata ang tangka nitong pag-angat, tila ba hindi na mapigilan ang pagbagsak nito pababa.
Sa bilis na 145 m per minute, sobrang tulin talaga ang pagbulusok ng eroplano. Sobrang bilis ng mga pangyayari at ang sumunod na namataan na lang na mga saksi ay ang pag-crash at pagsabog nito sa lupa. Isang nakapanlulumong eksena na animoy mula sa pelikulang Final Destination ang nakuha ng mga camera ng mga nakasaksi sa makapanindig balahibong trahedya. Sa kasawiang palad.
Bumagsak ang Flight 171 sa isang kalapit na college dormitory na kaagad kumitil ng maraming estudyante at guro. Maraming tsismis ang dali-daling lumabas tungkol sa kung ano nga ba talaga ang tunay na nangyari sa Air India Flight 171. Isa sa mga kumakalat na spekulasyon ay baka nagkaroon ng bird strike sa makina. Ngunit wala namang mga ibon sa lugar ng araw na ‘yon at kitang-kita naman na walang spark, apoy o kahit na usok mula sa mga makina ng bumagsak na eroplano.
Ilan naman sa mga nakasaksi sa trahedya ang inisip na baka nakalimutan ng mga piloto na paganahin ang mga flaps ng pakpak ng eroplano. Ngunit para yatang imposibleng makakalimutan nila ang ganitong standard na procedure. Ayon naman sa iba kung hindi nila nakalimutan ay baka nagkamali sila ng napindot na switch kaya maagang bumaba ang mga flaps.
Halos lahat ng mga teoryang ito ay parang binubuntong ang sisi sa mga piloto. Ngunit sa kabila ng samotsaring mga haka-haka at hinala, ang pinakaposibleng dahilan ng disgrasya ay ang hindi inaasahang dual engine failure. At kung bakit tinuturing ng mga aviation expert na ang dahilan ng pagbagsak ng Air India ay dahil sa pag-malfunction ng mga makina nito ay dahil sa isang maliit na bagay mula sa eroplano na makikita mula sa malayo na nahagip ng mga camera.
Makikita sa isang video na para bang may inilunsad na kung ano ang mga piloto sa ilalim ng eroplano ilang segundo bago itutuluyang bumagsak. Mahirap itong matukoy mula sa malayo. Ngunit ayon sa mga eksperto, walang kaduda-duda na ang bagay na ito ay ang tinatawag nilang RAT o RAM Air Turbine.
Ang RAT ay karaniwang automatic na lumalabas sa ilalim ng eroplano kapag mayroong emergency. At nangyayari lang ito dahil sa tatlong dahilan. Ang pagkawala ng kuryente, pagkasira ng hydraulic system o kaya’y complete engine failure. Ngunit matapos ang mahigit isang buwan ay inilabas na ang resulta ng preliminary investigation ng Aircraft Accident Investigation Bureau ng India at lumitaw na ang dalawang fuel control switches ng eroplano ay nasa cutoff position simula ng ito ay nag-takeoff na naging dahilan ng pagkawala ng gasolina sa dalawang makina.

Kaya nawalan ito ng power. Ginagawa lang umano ang pag-switch off sa mekanismong ito tuwing matatapos na ang paglipad ng eroplano at makalapag na ito sa paradahan sa airport. At tuwing may emergency ang makina tulad ng pagkasunog nito na kailangan nilang tanggalan ng fuel upang maiwasan ang lalong pag-aapoy.
Batay sa 15 pahinang report, hindi basta-bastang matataon o aksidenteng mailipat ang nasabing fuel switches dahil kailangan itong itaas at ipihit sa iba’t ibang direksyon bago magagalaw ng mga piloto. Nakasaad din sa cockpit voice recording na narinig ang isa sa mga piloto na nagtatanong sa kasama nito kung bakit pinatay ang fuel supply.
Tumugon naman ang isa na hindi niya ginawa ‘yon ngunit hindi pa binigyang linaw kung sino ang nagtanong at kung sino ang sumagot sa dalawang piloto. Bagamat ayon sa imbestigasyon, ang first officer ang nagpalipad ng eroplano sa panahong iyon at ang kapitan ang nagmo-monitor ng mga flight data at instruments. Dahil dito ay kin-west ng Airline Pilots Association of India o Alpha I ang tono ng imbestigasyon na tila nagtuturo agad na pilot error ang dahilan ng pagbagsak ng eroplano.
Mariing tinatanggihan ng alpha ay ang ganitong palagay at hinihiling ang isang patas at nakabatay sa matibay na ebidensyang imbestigasyon. Ayon pa sa grupo. Samantala, labis ang hinagpis ng mga kaanak na mga biktima sa bagong ulat. Si Badasab Said, 59 anyos na nawalan ng kapatid na si Inayat Zaid. Isang IT professional kasama ang asawa nito at dalawang anak ay nagsabing lalo lamang siyang nabalot ng maraming tanong.
Maaaring naiwasan ba ang trahedyang ito sa panayam ng BBC? Sa isang ulat ng NDTV o New Delhi Television, lumutang ang mas mabigat na posibilidad na maaaring sinadyang ipabagsak ang eroplano. Ayon kay Captain Man, Ran Janathan, isa sa mga kilalang aviation expert sa India, maaaring may intensyon sa likod ng pagalaw sa fuel control switches batay sa mga ebidensya.
Mano-manong ginagawa ito. Hindi ito maaaring mangyari dahil lang sa power failure. Hindi ito sliding switch. Kailangang hilain ito pataas o pababa mula sa slot paliwanag pa ng piloto. At mas lalo pang imposibleng gawin na i-off ang dalawang switch ng sabay. Kaya mas lalong naging palaisipan kung paano ito nangyari.
Sa tanong ng NDTV kung posible bang sinadya ng isang piloto ang pag-off ng fuel upang magdulot ng aksidente. Tahasang sagot niya, “Oo, posible. Posible rin bang may nagsabotahe sa eroplano at in-off ang naturang mga switch bago umalis? Medyo malabo raw ito dahil hindi aandar ang makina ng eroplano kapag ito ay naka-off. Ayon kay Sean Pniki, dating airline accident investigator at aviation expert mula sa America, kung isa sa mga piloto ang nagsara ng fuel switches, sinadyaman o hindi ay napakahalaga na tanong kung bakit niya ito ginawa. Intensyonal ba.





