
Siya ay 94.
Ang malungkot na balita sa pagkamatay ng beteranang aktres ay kinumpirma mismo ng kanyang apo na si Carla Abellana nang mag-post ito sa kanyang Instagram ngayong Linggo, March 16.
Tanging art card lamang ang ipinost ni Carla na nakalagay ang litrato at tunay na pangalan ng kanyang lola na si Lucy May G. Reyes.
Maging ang petsa at kapanganakan at kamatayan nito ay makikita rin dito.
Walang caption na inilagay si Carla.
Hindi rin niya isinapubliko kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Delia.

WHO IS DELIA RAZON?
Si Delia Razon o Lucy May Reyes sa totoong buhay ay itinuturing na isa sa top actresses ng LVN Pictures noong ‘50s nang mag-debut siya sa pelikulang Krus na Bituin.
Mas lalo pa siyang naging tanyag sa showbiz industry nang ipareha siya sa ilang sikat na leading men, kabilang na rito sina Rogelio de la Rosa, Manuel Conde, Nestor de Villa, Carlos Salazar, Armando Goyena, at Jaime de la Rosa.
Ilan sa mga pelikulang ginanapan at pinagbidahan ni Delia ay ang Gitano (1949), Mutya ng Pasig (1950), Rodrigo de Villa at Digmaan ng Damdamin (1952), Senorito (1953), Dambanang Putik (1954), Lapu-Lapu (1955), at Luksang Tagumpay (1956).






