Carla Abellana posts her letter to grandma Delia Razon when she was just a kid.
Carla Abellana describes late Mamang Delia as "most beautiful"
Kapuso actress Carla Abellana on late grandmother Delia Razon: “The strongest, bravest, fiercest and most beautiful.”

PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Ipinagluluksa ng pamilya ni Carla Abellana ang pagpanaw ng kanyang maternal grandmother na si Delia Razon.

Si Delia ay pumanaw noong Sabado, March 15, 2025.

Siya ay 94.

Sa Instagram, inanunsiyo ni Carla ang pagpanaw ng kanyang lola kahapon, March 16.

Ngayong araw, March 17, nagbahagi si Carla sa kanyang Instagram ng mga larawan ni Delia, na tinatawag din nilang Mamang, noong kabataan nito.

Si Delia ay itinuturing na isa sa top actresses ng LVN Pictures noong ‘50s.

Paglalarawan ni Carla sa kanyang lola sa caption: “The strongest, bravest, fiercest and most beautiful [dove emoji]

CARLA ABELLANA’S LETTER TO MAMANG WHEN SHE WAS A CHILD

Kasama sa pictures na ibinahagi ni Carla ay ang sulat niya sa kanyang lola noong bata pa ang Kapuso actress.

Tungkol ito sa pambatang Bibliya.

Ang pinagsulatan ni Carla ay stationery letter ni Delia, kung saan nakasulat ang totoong pangalan ng yumaong aktres — Lucy May Grytz Reyes.

Narito ang nilalaman ng sulat ni Carla (published as is):

“Dear Mamang,

“Can i barow the book, the Children’s bible

“Just check here ___yes ____no

“I promiseI will finish it because it is all about Jesus

“thank you for giving it to us and let us read it always

“Want a good book’s and all about Jesus you now wy I want to borow it because I want to read it thank you.

“Love Carla

“P.S.

“I love you very very very much”

Carla Abellana's letter to grandma