Sa unang pagkakataon, nag-open up si Chariz Solomon sa dahilan kung bakit naghiwalay sila ng kanyang mister na si Nestor Ng pagkatapos ng anim na taong pagsasama.

Ikinasal sina Chariz at Nestor noong 2012, at naghiwalay noong 2018. May dalawa silang anak—sina Apollo, 11, and Ali, 9.

 

Sa mediacon para sa pelikulang Samahan Ng Mga Makasalanan noong March 27, 2025, sinabi ng comedienne na never pa raw niyang naikuwento ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Nestor.

Ngayon lang daw niya ito gagawin thru this exclusive interview with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Hindi ko talaga kinukuwento iyon. Hindi lang talaga ako ma-share. Dito ko lang sa PEP ikukuwento.”

Bakit sila nagkahiwalay?

“Siyempre, dumarating sa buhay ng mag-asawa na you both grow apart. Nag-iba na kayo ng mga plano sa buhay.

“Hanggang ngayon, okay kami ni Nestor. Kasi ang gusto namin talaga, yung lahat ng ginagawa namin, para sa mga bata na mahal na mahal namin.”

Chariz Solomon and ex-husband Nestor Ng with their firstborn Apollo. This photo was taken in 2014.

Chariz Solomon and ex-husband Nestor Ng with their firstborn Apollo. This photo was taken in 2014. 
Photo/s: File

Pareho na rin silang naka-move on.

Sa mga sumusubaybay sa social-media accounts ng StarStruck alumna, pati na rin sa mga nakabasa sa previous interview niya with PEP, nabanggit na niya ang tungkol sa kanyang blended family.

Sa pagpapatuloy ni Chariz, “Actually, meron na siyang partner. Ako din, meron na. Magkasama lang kami sa isang birthday party.

“We’re very good friends. Tapos yun nga, na-finalize na rin yung annulment namin.”

Na-grant ang annulment nina Chariz at Nestor nito lamang January 2025.

THE TIME CHARIZ SOLOMON FILED THE ANNULMENT

Nag-file si Chariz noong January 2019, pero inabutan daw ng pandemic kaya tumagal ng anim na taon.

Binalikang-tanaw niya ang sad moment na iyon.

“Noong pinirmahan ko na yung papers, nalungkot ako. Kasama ko nga si Buboy [Villar] that time.

“Umiyak ako.

“Sinabi nga ni Buboy sa akin, ang importante ay naging friends kami ni Nestor.

“Actually, I don’t support yung mga marriage na nag-end. Hindi talaga. Kung puwede talagang hindi na lang kago maghiwalay, di ba? Pero may mga bagay talaga na hindi natin mapipigilan.”

 

CHARIZ SOLOMON ON WHY HER MARRIAGE didn’t work

Sinubukan daw nina Chariz at Nestor na isalba ang marriage nila, pero nagpatung-patong ang mga kinaharap nilang problema.

“I think nag-try naman kami. Lahat naman ng marriage, meron talagang mga pinagdadaanan. Pero, yun nga, minsan lang talaga, may mga moments of weakness tayo.

“Madaming dumaan kasi sa buhay ko, e. Namatay tatay ko, ang dami kong sakit, nagsanga-sanga na sa sobrang lungkot.

“Na-depress ako. Pumayat ako sa depression bago ako magkaroon ng third baby. So yun ang time na we separated.

“Siguro, I lost touch din doon sa role ko as a wife. Hindi ko kayang i-share kung ano talaga yun, pero ako, sa tingin ko, yung nagawa kong pagkakamali, masyado ako nag-focus sa motherhood. Na siguro nakalimutan ko yung pagiging wife sa asawa ko.

“Madaming factors talaga. Siguro bata pa talaga ako. Kasi kinasal kami, 21 years old lang ako.”

CHARIZ HAS NO REGRETS, NO BAD WORDS FOR NESTOR

At sa kabila ng mga nangyari, hindi raw pinagsisihan ni Chariz ang chapter na yun ng kanyang buhay.

“I will never regret our marriage,” paglilinaw ng 35-year-old Kapuso star.

“At the end of the day, I will always respect him, I will always advocate for him.

“Ipagtatanggol ko siya. Wala akong sasabihing masama kay Nestor kasi ayoko na paglaki ng mga anak ko, may mababasa sila na hindi maganda. So, open kami mag-uusap sa mga anak namin.

“Kasi ang mga bata, akala mo, hindi nila naiintindihan yung mga nangyayari. Akala nung mga magulang, hindi alam ng mga bata yung nangyayari. Ginagawa nila sa harap mo, sinasabi nila sa harap mo, na parang wala kang naririnig. Pero lahat yun, matatandaan nila.

“So open kami sa mga anak namin at wala kaming tinatago sa kanila.”

Hindi na raw nila sinubukang magpa-marriage counseling.

Ang reason ni Chariz: “Hindi kasi ako naniniwala sa counseling.

“Pero mas naniniwala ako sa prayers. Kasi iba-iba ang opinyon ng tao. Kasi feeling ko makakadagdag lang sa isipan namin.

“At saka, baka may mabubuksan pang mga ano na hindi mo alam, so mas nagpe-pray na lang kami.”

Ano ang maipapayo niya sa mga couples na naghihiwalay?

“Ang importante, sana yung sa mga relationship na hindi talaga mag-work, lalo na kung may anak kayo, maging ano na lang kayo, maging, like, i-try niyo maging friends.

“It takes time, pero as much as possible, sana hindi niyo makalimutan na minahal nyo isa’t isa.

“Ako, mahal ko si Nestor, kahit hindi na kami together. Kasi tatay iyan ng mga anak ko, e.

“And ang laki nang naitulong niya sa akin as a person, dahil marami akong natutunan sa kanya.”

CHARIZ SOLOMON’S FIANCE

Ang nagpapangiti ngayon kay Chariz ay ang non-showbiz partner niyang si Vince Teotico.

chariz solomon and her fiance vince teotico

Chariz Solomon and her fiance Vince Teotico, who is also the father of her third child. 
Photo/s: Electric Fans of Chariz Solomon on Facebook

Nag-propose daw si Vince sa kanya noong December 2023 pa.

“Christmas siya nag-propose, December 25. Over breakfast siya nag-propose. Nasa hotel kami kasi doon kami nag-Christmas. Kasi yung dalawang anak ko, nag-America kasama ng daddy nila. So Christmas morning siya nag-propose.

“Masaya at masarap sa pakiramdam. Pero wala pa kami sa usapang pagpapakasal. Kasi ang inuuna namin ay bibili kami ng house. So doon lahat ng pera namin nakalaan ngayon.

“Yung bahay namin ni Nestor, nakapangalan na sa mga bata iyon. On top of the separation, wala kami pag-aaway kasi, lahat ginawa lang namin para sa mga bata.”

Sina Chariz at Vince ay may four-year-old baby, si Andreas.

Handa na ba si Chariz kung sakaling humiling ulit ng isa pang anak si Vince?

“Bakit hindi? Kung ibigay ni Lord, okay lang. Pero kung hindi, okay lang din po. Pag-uusapan at paplanuhin namin. May ano na kasi, may bara!” sabay tawa niya.

“Okay lang naman sa akin, kaso may kapag nagkakaanak ako, nakakalimutan ko ang magtrabaho.

“Hindi ko nagiging priority ang work. Kumbaga addict na addict ako sa anak ko. May malalang attachment ako sa baby.

“Hindi ko kaya yung dalawa priorities ko. Kapag may anak ako, anak ko lang talaga.”

CHARIZ’S PROJECTS

Kaya naman thankful si Chariz na tuluy-tuloy ang trabaho niya.

Bukod sa regular shows niya sa GMA-7 na Bubble Gang at Pepito Manaloto: Tuloy ang Kuwento, kasama rin siya sa satirical comedy ng GMA Picture at Lonewolf Films na Samahan Ng Mga Makasalanan, kunsaan bida si Kapuso leading man at Pambansang Ginoo David Licauco.


samahan ng mga makasalanan movie poster

Samahan Ng Mga Makasalanan stars (from middle, 1st row, clockwise) David Licauco, Liezl Lopez, David Minemoto, Betong Sumaya, Joel Torre, Chariz Solomon, Buboy Villar, Sanya Lopez. 
Photo/s: PR

Pinasok na rin ni Chariz ang ibang larangan ng sining at ito ay ang paggawa ng sculptured art.

Nagsimula raw ito noong pandemic at natulungan siya ng comedian na si Jun Sabayton, na co-star niya sa Samahan Ng Mga Makasalanan.

“Asawa ko sa movie si Kuya Jun Sabayton. Para talaga akong ni-lead ni Lord sa movie na ito, para ma-meet ko si Kuya Jun.

“Kasi nung pandemic, I started doing sculptured art. So it’s full-time media art. So nag-aral lang ako sa mga videos. Tapos si Kuya Jun, sinali nga ako sa art exhibit.

Ipinakita ko sa kanya yung mga gawa ko during our shoot ng movie, tapos after that, nabuhayan yung loob ko na dapat i-post ko pala para alam ng mga tao.

“Gumagawa ako ng art para sa friends ko, para sa bahay nila. Pero nasa Instagram ko ang sculptured art. Sa canvas siya, tapos parang clay, 3D art siya.

“Hindi ko pa nga iniisip yung mabebenta siya. Ang gusto ko lang, validation. So yung sinali nga ako sa exhibit, yung mga kasama ko, mga veterano na sila. Ako lang yata ang babae na artist.

“Tapos may nag-message akin. Meron siyang parang ka-partner na gallery na nag-invest siya doon na gusto rin i-showcase yung mga gawa ko. Yung work ko sa art exhibit is called May Dusa.”

Nakuha ni Chariz ang hinihiling niyang validation dahil nitong April 4, nag-debut ang kanyang sculptured art na May Dusa sa Kontra Bida exhibit sa Faculty Projects sa Kapitolyo, Pasig City.

Ginamit ni Chariz sa kanyang gawa ang real name niyang Charyze Pagotan.

Tampok din sa exhibit ang mga artworks nina Bijan Gorospe, Jeje Santos, Lourd De Veyra, at Ryan Sandagon.

Ang ivory sculpture ni Chariz ay nagpapakita ng babaeng may screaming face sa gitna at may mga ahas sa kanyang buhok. Parang modern twist ito sa mythological character na si Medusa.

Chariz Solomon artwork May Dusa

Chariz Solomon’s artwork May Dusa 
Photo/s: Electric Fans of Chariz Solomon on Facebook

On Instagram, ni-reveal ni Chariz na si Michael V. ang nagpangalan sa kanyang obra.

Pinuri naman nina Carla Abellana, Chynna Ortaleza, Mikoy Morales, Sheena Halili, at Ashley Rivera ang pinost niyang sculpture sa Instagram.

Kontra Bida opened on April 3 and will run until May 3.

The exhibit aims to start the conversation on who the real villains are, and how they are portrayed in films, society, and politics.