Daniel at Kyle, nagkainitan sa after-party ng ABS-CBN Ball?
Daniel Padilla, hindi nagustuhan ang pagiging “touchy” ni Kyle kay Kathryn?
Daniel Padilla (left) and Kyle Echarri (right photo, in blue suit) are trending on social media because of their alleged altercation at the after-party of ABS-CBN Ball. The altercation, according to reports, has something to do with Daniel’s ex-girlfriend Kathryn Bernardo (right photo, in gold dress).
PHOTO/S: PEP Alerts / TikTok
Usap-usapan ngayon sa social media ang nangyari umanong kaguluhan sa after-party ng ABS-CBN Ball na ginanap sa Skybar ng Solaire Resort North sa Quezon City noong Biyernes, Abril 4, 2025.
Ayon sa mga nagsisilabasang kuwento, sangkot umano sa kaguluhang ito sina Daniel Padilla at Kyle Echarri.
Base sa salaysay ng isang saksi, nag-ugat ang problema nang mapansin umano ni Daniel na hindi kumportable ang ex-girlfriend niyang si Kathryn Bernardo sa pagiging “touchy” ni Kyle.
Si Kyle ang isa sa mga kasama ni Kathryn sa after-party ng ABS-CBN Ball na may temang “Brighter Together.”
Nakumpirmang magkasama sina Kathryn at Kyle sa after-party dahil sa isang video na in-upload sa social media, kung saan makikitang sumakbay ang kamay ni Kathryn sa kamay ni Kyle habang naglalakad.
Maaaring ito ay pagsuporta ni Kyle dahil malamang ay hirap si Kathyrn sa taas ng mga takong nito.
Kasama nina Kathryn at Kyle sina Dolly de Leon, Donny Pangilinan, at Belle Mariano.
Ayon pa sa mga ulat, naganap ang kaguluhan nang muling magkatagpo sina Daniel at Kyle sa Skybar.
Diumano, may iba pang mga artistang nadamay sa kaguluhan.
NO STATEMENT YET FROM DANIEL AND KYLE
Dalawang araw na ang nakalilipas buhat nang mangyari ang sinasabing insidente na nito lamang Linggo, Abril 6, kumalat.
Tanging ang mga hindi artistang nakasaksi sa pangyayari ang detalyadong nagkukuwento tungkol sa kanilang mga nakita kaya ito ang mainit na tinatalakay ngayon sa social media.
Sa kasalukuyan ay nananatiling tahimik ang mga pangunahing karakter sa kontrobersiya.
Mananatili namang bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mga sangkot dito.
Hindi ito ang unang pagkakataong nagkaroon ng kontrobersiya sa mga pagtitipon ng ABS-CBN.
Noong 2011, pinagpistahan ang kumprontasyon na nangyari sa pagitan nina Coco Martin at Matteo Guidicelli sa Star Magic Ball dahil kay Maja Salvador.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load