Sam Milby finally confirms breakup with Catriona Gray

Kinumpirma ng aktor na si Sam Milby ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Inamin ni Sam na nagwakas na ang relasyon nila ni Catriona sa eksklusibong panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News matapos ang grand mediacon ng teleseryeng Saving Grace nitong Martes, February 18, 2025.

Dito diretsahang tinanong ni MJ si Sam kung sila pa ni Catriona.
“No,” sagot ni Sam.
Ayon sa aktor, noon pa man ay napagkasunduan na nila ni Catriona na gawing pribado ang kanilang relasyon.
Ito ang dahilan kaya hindi nila agad isinapubliko ang kanilang breakup.
Paliwanag ni Sam: “Kami ni Cat, we’ve always been private about our relationship.
“We share certain things nung na-engaged kami, but in terms of the details and buhay namin, we haven’t really.”
SAM MILBY CLARIFIES THERE’S NO THIRD PARTY
Nilinaw rin ni Sam na walang katotohanan ang kumakalat na espekulasyong dahil sa third party kaya nagwakas ang halos apat na taon nilang relasyon ni Catriona.

Diin ng Kapamilya actor: “There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all.
“It makes me really sad, may babala ako sa mga tao. Please, mag-ingat kayo sa mga nakikita niyo sa online.
“If there’s no evidence, huwag niyong paniwalaan yung nakikita niyo because in this incident, there’s absolutely no truth to it at all.”
SAM ON CATRIONA CRYING AT TJ MONTERDES’ CONCERT
Nausisa rin si Sam tungkol sa pag-iyak si Catriona sa concert ni TJ Monterde, kung saan dalawang upuan lamang ang pagitan ng dating magkasintahan.

February 2, 2025, dumalo si Catriona kasama ang ilang kaibigan sa ikalawang araw ng three-night, sold-out concert ni TJ, ang Sarili Nating Mundo, sa Araneta Coliseum.
Sa mga kuhang video ng netizens sa nasabing concert, makikita ang paghikbi at pagpatak ng luha ni Catriona nang kantahin ni TJ ang single niyang “Hanggang Dito Na Lang.”
Nagawa pang i-flash sa LED screen ang pagiging emosyunal ng dating Miss Universe, na ikinagulat ng ilang concertgoers at dahilan para sila ay mapahiyaw.

Agad namang pinatahan at dinamayan si Catriona ng mga katabi niya sa upuan—kabilang na ang malapit niyang kaibigan na si Isabel Oli.
Bukod kay Isabel, spotted din sa ikalawang araw ng concert ni TJ ang ex-boyfriend ni Catriona na si Sam.
Kung susumahin, dalawang upuan lang ang pagitan nina Sam at Catriona nang manood sila ng concert ng kapwa nila Cornerstone artist na si TJ.
Ikinalungkot ng kanilang mga tagahanga na makita si Catriona na emosyunal habang si Sam ay wala raw ginagawa.
Balik sa panayam ni Sam kay MJ, sinabi ng aktor na kung siya ang tatanungin, hindi niya ito masasagot lalo na’t hindi naman niya alam ang nararamdaman noon ni Catriona.
Ang pagkakaalam daw ni Sam ay maayos sila ni Catriona bago at pagkatapos ng concert ni TJ.
Saad niya: “If you wanna ask her what she was feeling, I can’t speak for her.
“I know that we’re okay, kahit after nung concert I said, I’ll go to the backstage, cause we’re okay.”
CATRIONA GRAY, SAM MILBY CALLED OFF THEIR ENGAGEMENT
Noong Febuary 4, 2024, nagsimulang umugong ang balitang break na sina Catriona at Sam nang mapansin ng netizens na hindi na suot ng dating Miss Universe ang kanyang engagement ring.
February 8, tila binasag ng engaged couple ang hinala sa kanilang relasyon nang maispatan silang magkasama.
Sa litratong in-upload ni John Prats sa Instagram, makikita ang tila pakikipag-double date nila ng kanyang asawa na si Isabel Oli kina Catriona at Sam.
Febuary 24, muli silang naintriga nang naiulat sa isang vlog na totoong break na ang dalawa.
Ayon sa vlog, may nakapagsabing source na matagal nang hiwalay sina Catriona at Sam ngunit nananatiling magkaibigan ang dalawa.
Sa katunayan daw, nang nagdiwang ng ika-30 kaarawan si Catriona noong January 6, 2024, ay wala na sila ni Sam.
Napagtanto raw kasi ng aktor na hindi pa siya handang magpakasal kay Catriona matapos mag-propose ng aktor noong February 16, 2023.
Hanggang noong February 28, 2024, tuluyan nang inamin ng Cornerstone Entertainment, ang talent management agency ng dalawa, na kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona at Sam.
Pero sinusubukan naman daw ng dalawa na ayusin ito.
Bahagi ng pahayag ng talent management company: “We at Cornerstone, as the talent management agency representing artists Sam Milby and Catriona Gray, would like to address the recent rumors surrounding their relationship.
“While it is true that Sam and Catriona are currently facing some challenges in their relationship, they are actively working on resolving these issues together.”
Nakiusap din ang Cornerstone na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang gusot.
“We kindly request that everyone respect their privacy during this time as they navigate through this situation.
“We appreciate the concern and well-wishes from all those who have shown support for the couple.”
May 2024 nang burahin ni Catriona ang engagement photos nila ni Sam sa kanyang social media account.
News
Sh0cking Revelation! Ian de Leon Reveals the Cause of Nora Aunor’s De@th – What Hidden Truth Lies Behind the Passing of a Legend?
Inihayag ni Ian de Leon kung ano ang dahilan ng pagpanaw ni Nora Aunor noong Abril 16, 2025. “Technically and clinically…
Bombshell Truth Revealed! Ian De Leon Opens Up About His Distance from Nora Aunor – John Rendez Accused of Causing an Irreparable Rift in the Family!
BOMBSHELL TRUTH! Ian De Leon Opens Up About Distance from Nora Aunor — John Rendez Accused of Causing Irreparable Rift…
OMG! Emotional Bombshell After the Breakup: Kobe Paras Sends a Heartfelt Message to Kyline Alcantara – His Words Will Leave You Stunned and Speechless!
SHOCKING REVEAL! Kobe Paras Sends Emotional Bombshell Message to Kyline Alcantara After Breakup—What He Said Will Leave You Breathless and…
Step Inside the Legendary Original Home of Nora Aunor – Hidden Corners and Untold Memories Finally Revealed! (VIDEO)
Nora House Tour – Let’s Explore Her Original Home!!! (VIDEO) In an exciting and heartwarming new video, the legendary actress…
Nora Aunor’s Final Will Officially Revealed: Lotlot de Leon Sh0cked by Its Contents – What Did She See That Left Her Completely Speechless?
🔥 LAST WILL NI NORA AUNOR ISINAPUBLIKO NA! LOTLOT DE LEON GULAT NA GULAT SA NILALAMAN NITO! BUONG PAMILYA, NAPATAHIMIK SA…
Kim Chiu secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!
Kim Chiu’s Secret Revealed: She Quietly Gave an Enormous Amount to Nora Aunor—The Reason Behind It Will Break Your Heart!…
End of content
No more pages to load