Small Laude recounts last moments with father Andres Eduardo

Small Laude with elder sister Alice Eduardo at the hospital where their dad got confined; Small with husband Philip Laude at the interment of Small's dad.
Small Laude on her father’s death on the day she arrived in Manila: “I was expecting mauuwi pa namin ang dad sa house… After one and a half hours, nag-pass on na siya.” On the left photo is Small hugging her dad while sister Alice Eduardo looks on. On lower right photo is Small being consoled by husband Philip. 

PHOTO/S: Screengrab from Small Laude’s YouTube
Small Laude mourns death of father Andres Eduardo - The Filipino Times

Lubos pa ring nagdadalamhati ang socialite at vlogger na si Small Laude sa pagpanaw ng amang si Andres Antonino Eduardo.

Pumanaw si Eduardo, sa edad na 91, noong January 31, 2025.

Sa vlog ni Small kahapon, February 16, isinalaysay niyang nasa gitna siya ng kanyang Los Angeles trip nang makatanggap ng emergency call mula sa Pilipinas.

Nag-video call ang ate niyang si Alice Eduardo.

Dito nakita ni Small na nasa ospital ang ama at halatang “sakit na sakit” habang nilalagyan ng I.V.

Nakapagsalita pa raw ang ama at sinabing, “Small, nasaan ka ba? Wag ka muna kumain.”

Iyon daw ang “hardest and worst call” na natanggap ni Small sa tanang buhay niya.

Kuwento pa ni Small: “Sabi ng doctor, ‘Small, you have to come home and call na everyone.’

“Sobra akong shocked. Sa last vlog ko, sobrang saya pa ni Daddeh. Yun ang last na usap ko sa kanya.

“Sabi ng doctor, baka di ko na maabutan si Dad. I said, ‘No!’”

Nagpasya si Small na umuwi agad ng Pilipinas.

“We booked the first flight out for Manila. 18 hours. It was the longest flight of my life.

“I was praying to God, ‘Lord, I just want my dad alive. Lord, maabutan ko lang si Dad.’”

Small Laude and husband Philip Laude at the interment service for Small's dad Andres Eduardo.
Small and husband Philip Laude at the interment service for her dad Andres Eduardo at Heritage Memorial Park. 

Photo/s: Screengrab from Small Laude’s YouTube

andres eduardo dies soon after daughter small laude visits him AT THE HOSPITAL

Pagdating ng airport sa Pilipinas ay dumiretso raw agad si Small sa ospital kunsaan naka-confine ang ama.

“All my siblings, they were all there. I cannot believe… Sina Ate was crying.

“The doctor said, ‘You really have to say everything.’

“I was expecting mauuwi pa namin ang dad sa house. I was praying, ‘Can you give him several months pa or a year?’ Kasi gusto ko pa mag-bond with my dad.”

Pero noong araw ring iyon ay pumanaw ang kanyang ama.

Emosyonal na sabi pa ni Small: “My dad waited for me. After one and a half hours, nag-pass on na siya.

“I really can’t accept that.”

small laude on PREPARING FOR HER DAD’S FUNERAL

Kinabukasan, February 1, nadurog daw ang puso ni Small habang naghahanda para sa funeral service ng ama.

Pumunta raw siya at ang kapatid na si Alice sa Heritage Memorial Park sa Taguig City para pumili ng casket na paglalagakan sa mga labi ng ama.

“When I saw my dad on the table, wala siyang shoes and everything, that’s the time I realized dad is gone,” sambit ni Small.

Nasabi rin ni Small na maging ang kapatid niyang si Alice — na kilala nitong malakas at laging “guiding light” ng kanilang pamilya — ay lubos ding apektado sa pagpanaw ng kanilang ama.

Dagdag niya, “This time, Ate needed support also. We were both crying.

“It was the most painful and most traumatic for me. Ang sakit, grabe.”

Ipinakita rin sa vlog ni Small ang lahat ng throwback vlogs kunsaan kasama niya ang ama.

Dito ay makikitang madalas na kulitin ni Small ang ama, na waring ayaw na ayaw makunan ng camera.

Kasama rin dito ang mga encounter ng ama sa fans ni Small na nagsabing giliw na giliw rin sila sa ama ng vlogger.

SMALL LAUDE WITH HUSBAND PHILIP LAUDE

Sa huling bahagi ng latest vlog ni Small, mapapanood ang interment service para sa ama nito.

Dito ay makikita ang mister ni Small na si Philip Laude na isa sa mga nagbuhat ng casket sa simbahan.

Nakita ring magkahawak-kamay sina Small at Philip nang maglagay sila ng bulaklak sa casket bago isara ang pinaglagakan nito sa mausoleo.