Vice Ganda surprised by “Icon of Children” title given by Star Cinema

 

Vice Ganda on his very successful showbiz career: “Hindi ko akalain na mapapasok ako sa showbiz, na magiging artista, magko-concert, magkakaroon ng album, magkakaroon ng sariling TV show, ng sariling pelikula… lahat sorpresa sa akin ito. Dati nga, akala ko, yun na ang peak. Sabi ko, ‘Ito na, ito na ang peak ng career ko.’ Hindi pa pala.”

Pumirma ng mulit-picture contract sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN, ang comedian-TV host na si Vice Ganda kahapon, February 2.

Nakapaloob sa nasabing kontrata ang dalawang pelikulang gagawin niya ngayong taon; isa kasama ang matalik na kaibigang si Coco Martin at ang Metro Manila Film Festival 2015 entry niya kasama si Daniel Padilla.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, nagpahayag ng excitement si Vice sa mga pelikulang nakalinya niyang gawin ngayong 2015.

“Parehong exciting, pero mas nae-excite ako kay Coco, first time naming magsasama sa pelikula.

“Saka first time din naming magsasama na kaming dalawa yung bida.

“Kasi, yung first time na magkasama kami dati, nung mga panahong puchu-puchu pa kami sa Ligaw Na Bulaklak [2008], pero mga bit roles lang.

“Hindi naman kami bida, e. Ngayon, kami na ang bida, so nakakatuwa.

“Siya yung nakaisip, binato niya sa akin, ‘tapos pinag-usapan naming dalawa.”

CONCERT IN ARANETA. Masaya ring ibinalita ni Vice na magbabalik siya sa concert scene.

“May 22 babalik ako ng Araneta Coliseum kasi hindi ko nagawa ng 2014 yun.

“Yung huling concert ko was 2013, so ngayong 2015, babalik ako ng Araneta.

“Yes, kaya nga nag-comedy bar ako last week, e, three consecutive days.

“Parang nag-comedy bar series of gigs ako, parang praktis-praktis, parang ganun.

 

“Dinama ko uli ang comedy bar, nakakatuwa.”

15TH ANNIVERSARY. Ngayong taong ding ito ang ika-labinlimang anibersaryo ni Vice sa show business.

Sabi ni Vice tungkol dito, “Hindi ba, ‘di natin namalayan kasi kailan lang ba ako napansin?

“Ang tagal ko nang nagpapapansin, ang tagal ko nang nagpupursige.

“1999 nung sumali ako sa Eat Bulaga! sa ‘O Diva,’ ‘tapos 2000 talaga ako nagsimulang mag-perform.

“Actually, lahat ng nangyayari ngayon ay hindi ko nakita.

“Lahat ng nangyayari ngayon, patuloy pa rin akong nasusorpresa.

“Yung mga blessings ngayon, hindi ko na-foresee, hindi ko na-predict.
Read more about

Vice Ganda

“Yung iba nga, ‘di ko winish, pero kusang ibinigay ng Diyos.

“Kaya tuwang-tuwa ako talaga kasi hindi ko naman nakita ang sarili ko na artista talaga dati.

“Kasi dati, gusto kong maging abugado, pero hindi natuloy.

“Nung pumasok ako sa comedy bar, una singer lang ako, hindi ako komedyante.

“Nagsimula ako sa TV as singer, ini-impersonate ko si Regine Velasquez pa dati.

“Nung napunta ako sa comedy bar, dun napansin, nahasa ako sa comedy, so ayun, nagtuluy-tuloy.

“Hindi ko akalain na mapapasok ako sa showbiz, na magiging artista, magko-concert, magkakaroon ng album, magkakaroon ng sariling TV show, ng sariling pelikula… lahat sorpresa sa akin ito.

“Dati nga, akala ko, yun na ang peak.

“Sabi ko, ‘Ito na, ito na ang peak ng career ko.’ Hindi pa pala.”

“ICON OF CHILDREN.” Sa survey na isinagawa ng Star Cinema ay lumabas na malaking porsiyento ng mga tagahanga ni Vice ay ang mga bata.

CONTINUE READING BELOW ↓

Vice Ganda gets Special Jury Citation award from 50th MMFF

Dahil dito ay binigyan tuloy siya ng Star Cinema ng titulong “Icon of Children.”

Lahad niya, “Sa Star Cinema kasi nanggaling yun, kasi parang mayroon silang research.

“Kasi ang Star Cinema, nagre-research sila bago sila nagbibigay ng proyekto sa amin.

“Dun nila nalalaman kung ano yung market, kung sino talaga ang tumatangkilik sa akin.

“Dun sa research, na-surprise ang lahat na puro bata, mostly mga bata ang gustung-gustong nanonood ng pelikula ko at ng palabas ko na hindi namin maintindihan kung bakit.

“Ang saya, iba na ang mga bata ngayon na natutuwa sa akin, sa katulad ko, kinagigiliwan nila ako, at talagang yung mga projects ko ang inaabangan nila.

“Kahit sa kalsada, kahit saan ako magpunta, yung mga bata, tinatawag nila ang pangalan ko.

“Kahit mga nanay nagtu-tweet sa akin na kapag absent ako sa Showtime, umiiyak yung mga anak nila, ‘tapos nagpapadala sila ng mga videos na yung anak nila, kinakanta yung mga kanta, ginagaya yung mga pauso kong sayaw.

“Kaya ayun, sabi nila, ‘Ay, ikaw na talaga ang icon of children.’”

Dahil mga bata ang karamihan sa kanyang mga tagahanga, mas maingat na ba siya sa mga binibitawan niyang mga biro on-cam?

Sagot ni Vice, “Siyempre depende ‘yan sa project.

“Halimbawa, itong project na yun, tina-target namin talaga yung pelikula, hindi puwedeng magpaka-naughty nang todo.

“Siguro yung pagka-naughty ko, itotodo ko na sa mga concerts ko, sa mga live performances ko.

“Sa TV nga, ‘di masyadong puwede kasi may mga regulasyong sumasaklaw.

“Kaya itinotodo ko nang slight sa GGV [Gandang Gabi Vice] kasi dun, gabing-gabi na, ‘tapos SPG, kaya puwede.

“Sa Showtime, hindi puwede, mayroon at mayroong sisita sa amin.

“Mayroon din naman tayong mga obligasyon, marami tayong gustong gawin, marami tayong gustong sabihin.

“Pero mayroon din tayong obligasyon sa audience natin, lalo pa yung mga batang tuwang-tuwa sa akin ngayon.”

HIGHEST-GROSSING FILM. Ang The Amazing Praybeyt Benjamin, ang entry ni Vice sa MMFF 2014, na ngayon ay may record bilang highest-grossing Filipino film of all time.

Ano ang masasabi niya tungkol dito?

Pahayag ni Vice, “Kaya nga sinasabi ko, akala ko nagpi-peak na, pero hindi pa pala.

“Ang Diyos talaga, misteryosong gumalaw, hindi mo alam kung anong klaseng regalo ang ibibigay Niya sa iyo.

“Yung unang Praybeyt Benjamin, laking-laki na ang lahat, yun ang first film na nakaabot ng P300 million.

“’Tapos sumunod yung Sisterakas, nag-400 [million] pa, ‘tapos Girl, Boy, Bakla, Tomboy, P400million plus.

“Every year na lang, tuwing matatapos ang taon, tinatanong nila sa akin, ‘Paano mo tatapatan yun? Paano mo hihigitan yun?’

“Hindi namin lahat alam, pero yung Diyos lang lagi ang nagtatakda na matatapatan natin ‘yan, mahihigitan natin ‘yan every year.

“Kaya hindi mo alam kung kailan talaga ang peak mo, kasi hindi mo alam kung ilan pang sorpresa ang naghihintay sa iyo.”

Sa joint victory party noon ng The Amazing Praybeyt Benjamin at Feng Shui 2 ay nabanggit ni Direk Wenn Derams na dapat ay magpapahinga muna sila sa paggawa ng pelikula ni Vice, at gusto niyang sumubok ng ibang direktor ang komedyante.

Pero hindi ito pinayagan ng Star Cinema dahil subok na sa box-office ang tandem nila.

Para naman kay Vice, si Direk Wenn pa rin ang gusto niyang maging direktor lalo’t nakikita niyang hindi pa rin nawawala ang magic ng kanilang tandem.

Saad ng The PEP List nominee, “Hindi naman kami nagdesisyon na tapusin.

“Kasi lagi namang sinasabi niya [Direk Wenn] sa akin lagi, ‘Oy, ‘pag may gusto kang ibang direktor, okay lang sa akin yun, ha. Kasi si Ai-Ai [delas Alas], si Uge [Eugene Domingo], okay lang sa amin yun.’

“Kasi nga, yung mga tao nagtataka, ‘Bakit laging Vice-Wenn?’

“Kasi ako itong mga sunud-sunod na pelikula ko, gusto ko Wenn Deramas.

“Ako rin mismo ang nagsasabi na gusto ko kay Direk Wenn, kasi yung magic namin, nagwu-work pa.

“Yung tandem namin, sobrang nagwu-work pa.

“Nagkakaunawaan pa kami, gustung-gusto ko yung ideya ng bawat isa sa amin.

“’Tapos nitong huli, sinabi niya sa akin, ‘Oy, baka may naiisip ka na concept na gusto mo namang mag-try ng ibang direktor, go!’

“Sabi ko, oo nga, pero after nung success ng Amazing Praybeyt Benjamin, sabi ni Sir Deo Endrinal mismo, hindi pa puwedeng tapusin ang Vice-Wenn tandem, kasi baka magwala ang masang Filipino.

“Kasi daw, ‘pag pinagsasama kaming dalawa, hit, swak na swak sa panlasa ng masa, yun ang gusto ng masa.

“Yung ideya ninyo na pinagsasama, yun talaga ang gustung-gusto nila.

“Kaya every year, tingnan ninyo naman, tabo kung tabo yung mga projects.”