CONSTRUCTION WORKER NAKAHUKAY NG 35 MILLION PESOS NA GINTO | DJ ZSAN TAGALOG FACTS AT MYSTERIES

Posted by

Maganda at mapagpalang araw. DJ Shan here. Huwag kalimutang mag-like, comment at mag-subscribe para sa araw-araw na tagalog facts at mysteries na dagdag kaalaman. Tandaan, knowledge is power. Sa ating kwento ngayon, pag-usapan natin ang istoryang ibinahagi ng isang netizen. Ang netizen nga ay nag-comment sa isang palabas sa TV na ipinost din sa social media.

Nag-comment ang netizen na ito sa palabas tungkol sa isang construction worker na nakahuhukay ng Golden Buddha at gold na alahas habang nasa kalagitnaan ng pagtatrabaho sa kanyang amo. Ayon nga sa netizen ang istorya na ito ay naikwento sa kanya ng kanyang lolo na matagal ng construction worker sa Tagaytay. Ito ay tungkol sa isang lolo na nakahukay ng milyong-milyong ginto sa lupain ng isang mayaman at kinakatakutang pamilya.

Ikaw na nga lang ang bahalang humusga kung ang kwento na sinabi ng ating netizen ay totoo o pawang gawa-gawa lamang. Ang lalaki nga sa istorya ay kinalalang si Ben Venido Cruz, 63 years old o maskil kilala bilang Lolo Ben. Taong 1928 ng isinilang si Lolo Ben sa Noveleta, Cavite. Siya ay lumaki sa tabing dagat at sa lahat sa buhay ngunit sa gana sa sipag at disiplina.

Bata pa lamang hawak na niya ang martilyo imbis na lapis. Hindi siya nakapagtapos ng kahit anong edukasyon ngunit ang kanyang karunungan sa praktikal na buhay ang nagsilbi niyang diploma. Kaya maaga ang namulat sa hirap si lolo Ben. Sa kanyang kabataan, pinangarap niyang maging seafirer tulad ng kanyang tito. Ngunit itinulak siya ng pagkakataon sa mundo ng construction.

A YouTube thumbnail with maxres quality

Sa edad na 25 years old, siya ay naging foreman. At sa edad na 45 years old, naging consultant na siya ng maliit na contractors dahil sa kaniyang husay sa layout reading, structure planning at materials assessment. Sa loob ng 40 years, naging sandigan siya ng iba’t ibang construction projects mula bahay kubo, concrete houses hanggang multistory residences.

Kilala si lolo Ben hindi dahil siya ay mayaman kundi dahil sa paninindigan, malasakit at pagiging tapat sa hanapbuhay. Ang kanyang asawa ay pumanaw ng dahil sa malubhang karamdaman. Kaya simula non, mag-isa na niyang inalagan at pinalaki ang tatlo niyang mga anak. Bukod doon, si lolo Ben na din ang nagpapalaki sa kanyang apo.

Ang palaging katuwiran ni lolo Ben ay mga katagang. Hangga’t kaya ko pa, hindi ako aasa sa iba. Hanggang sa dahil sa kanyang edad, huminto na si lolo Ben sa trabaho sa construction. Paminsan-minsan ay sumasama na lamang siya sa mga kaibigan niyang mangingisda. Subalit naging mahirap ang kanilang buhay nang tumaas ang mga bilihin.

Dahil dito, napilitan si lolo Ben na pasukin muli ang pagtatrabaho sa construction lalo na at kailangan niyang pag-aralin ang kanyang 16 years old na apo na si Miguel. At sa kakahanap ni lolo Ben ng trabaho, napadpad ang matanda sa Barangay Maitim, Tagaytay City. Sa lugar na ito may isang subdivision na kasalukuyang ginagawa ng mga bahay.

Nagtunga si Lolo Ben sa opisina nito para mag-apply ng trabaho. At bago pumasok sa opisina, nabasa ni Lolo Ben ang paskill ng mga katagang Property of Montemayor Land Holdings. Sa isang interview, nagduda ang HR kay Lolo Ben kung kaya pa ba niyang magtrabaho sa kabila ng kanyang edad. Natawa naman si Lolo Ben sa tanong pero sinabi niyang halos buong buhay niya ang nagtatrabaho sa construction.

Binigyan nga ng pagkakataon ng HR si Lolo Ben at itinalaga siya bilang foran sa ginagawa niyang proyekto. Nagsimula ngang magtrabaho si Lolo Ben sa kumpanya ng pamilya Montemayor. Ang pamilya Montemayor ay kilala bilang prominente, maimpluwensya at pinakamakapangyarihang real estate dynasty sa kanilang probinsya.

Nagsalin-salin na sa lahi ng mga Montemayor ang negosyong ito. Nagmula sila sa dating angka ng mga hashindero at abogado. Bukod nga sa real estate, negosyo din ng pamilya ang construction supply chains, transport logistics at underground business networks. Hindi lamang sa Pilipinas namamayagpag ang kanilang mga negosyo.

Nagawa na din kasi nilang mag-expand sa Indonesia, Malaysia at Myanmar. At mayroon nga silang walong mga negosyo. Montemayor Land Holdings, Prestige Build, Gorden Arc Supplies, Supreme Contractor Licensing at Montemayor Media Network at Crown Family Trust. Ang ama at pinunungan ng angkan ay si Don Emilio Montemayor 67 years old at siya nga ay isang multi-awarded business tycoon at walang basta-bastang nakakalapit kay Don Emilyo.

Napapalibutan kasi ang negosyante ng mga security guard na akala mo ay private army. Ang panganay na anak ni Don Emilio ay kinilalang si Felinda Montemayor 43 years old. Bilang abogado, trabaho ni Felinda ang tungkol sa mga permit o approval documents ng lahat ng kanilang mga negosyo.

Walang pakialam ang mga Montemayor kung may matapakan man sila sa kanilang mga ginagawa. Basta ang mahalaga kapag gusto nila ang lupa, tatayuan nila ito ng mga property kahit bawal. At para nga mangyari iyon, lahat ng klase ng lagay o suhol umano ay ibinibigay ni Felinda sa gobyerno basta mabigyan lamang sila ng permit.

Misky lupain na tinitirikan ng bahay ng mga squatters ay kanila umanong inaangkin para gawin ang subdivisyon at ang lupa nga ay nasa Barangay Maitim, Tagaytay City. Nagkaroon nga ng mga protesta at alitan sa pagitan ng mga residente at ng mga Montemayor. Subalit bago iyon, nakapaghanda na ang panganay na apo ng mga Montemayor na si James Montemayor, 26 years old.

Si James ay dating pulis at kalaunan naging head of security sa mga real estate projects ng kanilang pamilya. Ginamit nga ni James ang tauhan ng kanilang pamilya para harangin ang mga nagpoprotesta. Galit na galit ang mga tao dahil mawawalan sila ng bahay kung matutuloy ang subdivision construction. Ang utos nga ni James, walang makakapasok sa lupang nabili ng kanilang pamilya at dapat matuloy ang construction.

Muntik na nga magkagulo dahil susugod na dapat ang mga residente pero isang tauhan ng mga Montemayor ang nagpaputok ng baril. Dahilan para umatras at matakot ang mga reelista. Nang kumalma na nga ang mga tao, nagpakita si James at kinausap ang leader ng mga residente. Inalo-lock ni James ang bawat pamilya ng Php60,000 kapalit ng kanilang pirma na nagsasabing pumapayag na silang lisanin ang squatters area para gawin itong subdivision.

At dahil karamihan sa mga residente ay kapos sa buhay, wala silang nagawa kundi tanggapin ang pera na alok ng pamilya Montemayor. Matapos nga ang lahat, masayang ibinalita ni James sa kanyang lolo Emilo na tuloy ang pagpapatayo ng subdivision. Ang pamilya Montemayor ay iginagalang ngunit mas kinakatakutan dahil sa mga chismis na napapatahimik nila ang sinumang humarang sa kanilang mga plano.

Marami din na nagsabi na hayagan nilang ninanakaw ang lupa kahit ilegal naman nila itong nakuha. Nang narinig ni Lolo Ben ang kwento tungkol sa mga Montemayor, wala naman siyang naramdamang takot o pangamba dahil ang alam niya tapat naman siya sa kanyang trabaho. Pero hindi maiwasan ni Lolo Ben na maawa para sa mga residenteng nakatira sa construction project kung saan siya nakapasok ng trabaho.

Nung unang araw nga sa kanyang trabaho, maayos naman ang ginawang trabaho ni Lolo Ben sa project ng Montemayor Land Holdings. Subalit habang tumatagal ay napansin na ni lolo Ben naganid nga ang mga Montemayor. Sagad kasi sa overtime ang mga construction workers at meron sa kanila ay hindi na kumakain para lamang mapabilis ang kanilang trabaho.

Bilang forman, madalas makausap ni Lolo Ben ang supervisor ng proyekto na si Enger Arman Reyz. Nagulat nga si Lolo Ben sa nakwento sa kanya ni Engineer Arman dahil ayon sa lalaki, bagam’t may safety guidelines ang gobyerno tungkol sa scaffolding at fire retardant materials, pinipilit pala ng mga Montemayor na gumamit ng mas murang materyales upang makatipid ng malaki.

Kaya naman ng May 27 may nangyaring isang aksidente. Dahil substandard ang scaffolding, gumuho ito habang nasa itaas ang mga manggagawa. Mabuti na lamang at galos lamang ang tinamo ng mga construction workers. At dahil nga sa nangyari, muling naghukay sina lolo Ben. Iminong kah matanda na dapat ay laliman na ang gagawing hukay nang sa gayon ay matibay ang maging pundasyon.

At kinabukasan May 28, maaga ngang pumasok si lolo Ben para pangunahan ang paghuhukay gamit ang bakho. At dahil sa karanasan ng matanda, siya na mismo ang nag-operate ng backo na kadalasan ay ginagawa ni R. Maya-maya pa, nagdatingan na nga ang iyo pang mga trabador at ang mismong operator ng Baku.

Kaya naman bumaba na si Lolo Ben sa Baku at nagmased na lamang sa mga nangyayaring paghuhukay. Si lolo Ben ang nagbibigay ng instruction sa operator ng Bako kung saan dapat maghuhukay. Habang ang muscler malalim ang hukay, napansin ni Lolo Ben at ng isa pang manggagawa na si Lino ang isang bagay na tila kumikislap ng tinamaan ng araw.

Dali-dalian tumalon si Lolo Ben sa hukay, hinawi ang putik at tumambad ang isang lumang baol na metal. Ang ba ay may antigong lock na tila sadyang tinago. Nagkatinginan nga sina lolo Ben, Ralp at Lino. Pinagtulungan nilang tatlo na iaangat ang mabigat na ba at pagkahukay nga sa baol, agad na kumuha ng crowbar si Lino para sirain ang lock ng baol.

At pagbukas nga ng baol, hindi semento o lupa ang kanilang nakita kundi mga ginto. Patong-patong na mga gold bars, alahas at iba pa. Ay nga kay Ralph na dating naghukay ng ginto sa bundok, tansya niya 18 hanggang 333 million ang halaga ng mga ginto na ito. Tuwang-tuwa nga sina Lino at Rob sa kanilang nahukay.

Ayon nga sa mga lalaki, yayaman na sila at hindi na kailangan pang magtrabaho. Ganun din ang nasa isip ng matandang si lolo Ben. Naisip niya na kung magpapartey-partihan sila ng ginto, kaya-kaya na niyang pag-aralin ng kolehio ang kanyang mga apo. Subalit nanaig ang pagiging tapat ni lolo Ben.

Sinabi niya kina Lino at Ralph na dapat nilang gawin ang tama at dapat i-report sa mga autoridad ang tungkol sa kanilang nahukay na mga ginto. Kasabay nito nagdatingan na ang iba pang mga tauhan sa construction site at ang apo ng Montemayor na si James. Agad nga nakumalat sa lahat ang tungkol sanahukay ni lolo Ben mga ginto. In-report ito agad ng matanda sa munisipyo at sinabing magpapadala nga sila ng tauhan sa construction site.

Sa kabilang banda, tinawagan naman ni James ang kanyang nanay na si Felinda para ipaalam ang tungkol sa gintong nahukay sa kanilang lupain. Nang nakarating ito kay Don Emilo, ipinag-utos ng matanda na dapat sa kanilang pamilya mapunta ang lahat ng mga ginto. Ay pa kay Felinda, wala siyang paki kung buhay man ang maging kapalit para mapasakamay nila ang mga ginto.

Pagdating nga ni Filinda sa lugar kung saan nahukay ang mga ginto, agad niyang inutos na ihinto ang lahat ng operasyon sa construction project. Tinanong agad ni Felinda kung sino ang nakadiskub na mga ginto at itinaas naman ni Lolo Ben ang kanyang kamay. Sinabi nga ni Lolo Ben na simula ng nakukay niya ang mga ginto, hindi niya ito nahawakan kahit kailan.

Kasama ni Felinda ang iba pang mga abogado, gold assessor at pon appraiser. Sinuri nila kung tunay ba ang lahat na ginto na nahukay ni lolo Ben. Matapos ang pagsusuri, kinumpirma nga ng assessor at appraiser na purong ginto ang mga nahukay ng matanda. At kung susumahin, nagkakahalaga ito ng Php35 milyon noon. Nagulat nga ang lahat sa laki ng halaga ng mga ginto pero mas nagulat ang lahat ng sumigaw si Filinda at sinabing kung sa lupa namin ito nahukay sa Mont Mayor ang lahat ng mga ginto.

Pagkatapos sabay tumawa si Felinda at James. Pero para kay lolo Ben, malinaw na pang-aangkin ang ginagawa ng mga Montemayor. Tumayo nga si lolo Ben at nagsalita. Sinabi nga ng matanda ang mga katagang Oo, sa lupa niyo nahukay. Hindi ko po tinututulan iyon at lalong hindi ako magnanakaw ng hindi akin. Pero ako po ang nakakita at naghukay ng ginto at ako po ang nag-report kaagad-agad sa mga autoridad at dapat pong dumaani ito sa patas na proseso.

Sumagot naman ang isang abogado ng pamilyang Montemayor at sinabing papatunay namin na sa amin ang mga ginto. pa ng abogado. Nahukay ang ginto sa private territorial land. Kaya ang may-ari dapat ng lupa ang umangkin ng mga ito kahit sino man ang nakahukay sa lupa. Matapos iyon, pansamantalang nagkaroon ng katahimikan sa site nang umalis ang mga montemayor at nagpatuloy sa pagtatrabaho ang mga manggagawa.

Subalit ang buong site ay napuno ng security guard ng mga Montemayor. Ang utos nga ni Felinda, huwag hahayaan ang kahit sinong tauhan na lumabas dahil baka nakawin ang mga ginto. Makalipas nga ang ilang sandali, umalis na si Felinda, James at ang kanilang mga abogado sa lugar. At break time nga ng mga oras na iyon, ang ibang trabahador nga ay kumakain habang ang iba naman ay natutulog.

Maya-maya pa, pinalapit nga ni James si Lolo Ben sa isang abogado. Rinig na rinig nga ng lahat kung paano pinipilit ng abogado si Lolo Ben na pirmahan ang isang dokumento. Sa papel, nakasaad na ibibigay ni Lolo Ben sa pamilya Montemayor ang lahat ng karapatan sa ginto na kanyang nahukay. Subalit pinunit ni Lolo Ben sa harap ng abogado at ng mga Montemayor ang papel.

Nanindigan ang matanda na hindi dapat niya pirmahan ang papel dahil alam niyang base sa batas. Dapat sumailalim sa tamang proseso ang pag-claim ng ginto na milyong-milyong ang halaga. Sumagot si James at sinabihan si lolo Ben na mga katagang tanda, huwag ka ng magmatigas dahil lupa namin ang pinaghukayan ng ginto.

Pero giit ni lolo Ben, hindi siya pipirma sa anumang waver. Dito na nga nagalit si James at hinawi ng malakas si lolo Ben dahilan para matumba ang matanda. Matapos nga ang pangyayari, nagbulung-bulungan ang ibang mga construction worker at itinayo naman ni Lino si lolo Ben at pinaupo sa gilid. Dali-dali namang umalis ang mga Montemayor matapos ang gulo.

Sa mga diyaro, nag-viral nga ang litrato ng itinulak ng isang mayaman ang kaawa-awang si Lolob Ben. Kumalatin ang mga chism sa telebisyon at usap-usapan. tungkol sa pag-angki ng isang mayamang pamilya na nahukay umano ng matanda. Bagam’t hindi pinangalanan ang mga Montemayor sa mga balita, tila nga marami na ang nakakaalam na sila ang tinutukoy sa mga chismis na ito.

Umani nga ng iba’t ibang comment ang kwento ng isang lolong may nahukay na milyong-milyong ginto. May mga naantig nga sa pang-aaping dinanas ni Lolo Ben sa kamay ng mga mayayaman. Marami nga ang nasaktan dahil sa edad ni lolo Ben, kailangan niyang magtiis sa pagtatrabaho sa matabobreng pamilya. Mga nagalit sa Montemayor at tinawag silang sakim dahil sa pag-claim nila ng mga ginto na hindi naman nila pinagpagurang makuha.

Mayroon namang mga nagsabi na dapat hati na lamang sina Lolo Ben at ang mga Montemayor sa mga ginto. At dahil nga sa ingay ng mga pangyayari, nakarating sa local government incident response unit ang tungkol sa mga nahukay ng mga ginto. Dinala ang baol sa forensic custody ng munisipyo. Nga sa kanila eimbestigahan nila ang nangyari at nagbigay na nga umano si lolo Ben ng salaysay tungkol sa mga gintong nakuha.

At habang gumugulo nga ang imbestigasyon, ang baol na may ginto ay nasa forensic custody pa din. Sa huli, hindi panayagang basta-basta ang kininng pamilya ang ginto habang hindi pa tapos ang imbestigasyon. Pero ano nga ba ang sinasabi ng ating batas kung saka-sakaling may nahukay kang mga ginto o iba pang treasure sa isang private property? Malinaw sa ating batas na kung meron kang nahukay, na ginto o ano pa man, kailangan mo itong i-turnover sa kinakaukulan.

Sa kaso nga ni Lolo Ben, malinaw na ang mga Montemayor ang may-ari ng lupa at pinayagan o binigyan nila ng pahintulot si Lolo Ben na magtrabaho sa kanilang lupain. Sa ganitong sitwasyon, pumapasok ang article 438 ng Civil Code of the Philippines. Ayah nga sa batas, ang kalahati ng halaga na nahukay ni lolo Ben ay mapupunta sa may-ari ng lupa at ang mga muntemayor nga ang mga ito habang ang kalahati ay mapupunta sa nakahukay o kay Lolo Ben.

Para nga kay Lolo Ben, hindi siya malungkot kung mapunta man sa mga Montemayor ang gold bars na kanyang nahukay. Ang mahalaga kasi para sa matanda ay ang pagkakapantay-pantay tulad niyang mahirap at mayaman. Iniwala nga si lolo Ben na mananaig ang batas kahit na mayaman pa ang mga Montemayor. At ang aral nga naiwan ng kwento ay ang tunay na yaman ay hindi sa ginto.

Ito’y dangalang tao na kahit ibaon sa lupa ay hindi basta-basta makukuha. Ang kwento nga ni lolo Ben ay tila naglaho na parang bula at wala naging naging update kung ang ginto ba na nakaniyang nahukay ay napunta sa mga Montemayor o sa gobyerno. Ikaw na lang ang bahalang humusga kung naniniwala ka sa ganitong kwento ng mga matatanda na kapag minahukay ng mga ginto ang isang indibidwal o sinuman, ito ay kinukuha ng gobyerno.

Ikaw na nga lang ang bahalang humusga kung ang kwento na sinabi ng ating netizen ay totoo pawang gawa-gawa lamang. At yan nga ang ating kwento ngayong araw. Kung may natutunan ka o nagustuhan mo ang ating kwento, huwag kalimutang mag-like, comment at mag-subscribe. I-share mo na rin to sa iyong kapamilya o mga kaibigang mahilig din sa facts, crimes at mysteries.

Hanggang sa muli lagi nating tatandaan sa bawat kaalaman may kapangyarihan.