Pinagpiyestahan ng mga manonood ang February 18, 2025, Tuesday, episode ng FPJ’s Batang Quiapo kung saan bugbog-sarado si David (McCoy de Leon) kay Tanggol (Coco Martin).

Na-Carmi Martin si David! Na-Carmina Burana! Karma is real!!!

coco martin mccoy de leon batang quiapo
Coco Martin and McCoy de Leon in a scene from FPJ’s Batang Quiapo

Nagtala iyon ng 818,949 peak concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Record-breaking… na mas tinaasan pa kinabukasan, Pebrero 19, Miyerkules.

Naka-852,417 peak concurrent views ang episode kagabi kung saan walang prenong tinalakan ni Marites (Cherry Pie Picache) si David sa harap ni Rigor (John Estrada).

Napahiya nang bonggang-bongga si David sa pinakaiidolo niyang ama.

batang quiapo
batang quiapo viewers

THE ULTIMATE SHOWDOWN

Ang aggregate rating ng Wednesday episode ng FPJ’s Batang Quiapo ay 18.2%, kontra sa 8.5% ng Lolong: Bayani ng Bayan ni Ruru Madrid.

Ang dami pang aabangang maaaksyong kaganapan sa mga susunod na episode ng FPJ’s Batang Quiapo.

Kapana-panabik ang pagsugod nina Ramon (Christopher de Leon) at Tanggol sa Quiapo upang maghiganti sa mag-amang David at Rigor.

Wagas na pagtutuos!!!

Huwag palampasin ang maaaksyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo gabi-gabi ng 8:00 P.M. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.

Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Siyangapala, ngayong Pebrero 20, Huwebes, ang ika-30 kaarawan ni McCoy.

Siyempre, may online greeting sa kanya ang Dreamscape Entertainment.

mccoy de leon birthday

NOEL FERRER

Noong Pebrero 13, ipinagdiwang ng FPJ’s Batang Quiapo ang ikalawang anibersaryo nito.

Malapit nang makilala ang mga bagong karakter sa serye na gagampanan nina Jake Cuenca, Andrea Brillantes, Albert Martinez, Angel Aquino, Chanda Romero, Shamaine Buencamino, Juan Rodrigo, Dante Rivero, Michael de Mesa, Celia Rodriguez, Paolo Paraiso, Albie Casiño, at Gillian Vicencio.

 

Ang sabi ni Coco: “Overwhelming para sa akin. Kasi imagine niyo na mapasama lahat kami and mga baguhang artista, tapos makasama namin mga veteran actor na mga icon na sa industry.

“Napakasarap kasi hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon.”

By the way, kahapon, Wednesday, ay naka-10.2% naman ang Incognito, kontra sa 8.1% ng Mga Batang Riles.

GORGY RULA

Sa kabilang banda, magkakaroon ng pagbabago sa Afternoon Prime ng GMA-7 simula sa Lunes, February 24, 2025.

Pagkatapos ng It’s Showtime ay ang Prinsesa ng City Jail na ang susunod. Maganda kasi ang performance nito sa ratings.

Pagkatapos nito ay ang pilot episode ng Mommy Dearest, at panghuli na ang Binibining Marikit ni Herlene Budol.

 

gma afternoon prime

ALEX CALLEJA VISITS GMA-7 SHOWS

Pinag-uusapan ang paglalagare ni Alex Calleja sa mga programa ng GMA-7.

Malaking bagay ang pamamayagpag ng kanyang stand-up comedy special na Tamang Panahon sa Netflix, at naging hot topic siya.

 

Ito marahil ang dahilan kaya nang nag-guest siya sa TiktoClock noong nakaraang Martes, February 12, ay mataas ang rating nito. Naka-3.1% iyon.

Kahapon ay nag-live siya uli sa TiktoClock, at naka-2.7% ito.

Ang dami tuloy nagkakainteres na i-guest si Alex.

Noong Miyerkules, February 19, ay naglagare siya.

Pagkatapos niyang mag-guest nang live sa Fast Talk With Boy Abunda, tumuloy si Alex sa taping ng Family Feud.

alex calleja fast talk
Alex Calleja in Fast Talk With Boy Abunda 

Photo/s: GMA Network

TV RATINGS

Narito naman ang ratings ng afternoon timeslot noong Miyerkules…

Ang It’s Showtime ay 5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 4%.

Ang Binibining Marikit ay 5.8%.

Ang Prinsesa ng City Jail ay 6.8%.

Ang Forever Young na magtatapos bukas ay 6.5%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda ay naka-4.2%, at ang Perfect Marriage Revenge ay 2.4%.

Ang Family Feud naman ay 7.6%.

Ilang araw na ring si Randy Santiago ang nagho-host ng Wil To Win sa TV5, pero halos ganun pa rin ang rating nito. Naka-1.2% ito nung araw na yun.

Samantala, sa darating na araw ay ia-announce na raw ang pagsisimula ng Pilipinas Got Talent, na magbabalik sa Kapamilya Channel.

Abangan natin kung ang ibubunyag nilang “Power Judges” ay sina Mr. Freddie Garcia, Eugene Domingo, Donny Pangilinan, at Kathryn Bernardo.