Viral ang madamdaming mensahe ni Barbie Hsu sa kanyang Pinoy fans nang bumisita siya sa bansa noong 2003 para sa kanyang concert.
Sino si Barbie? bakit minahal siya ng mga Pinoy?
Si Barbie Hsu, o mas kilala bilang si Shan Cai sa Meteor Garden, ay isang Taiwanese actress, singer, at host na minahal ng mga manonood sa buong mundo, lalo na sa Pilipinas.
Ipinanganak siya noong October 6, 1976, sa Taipei, Taiwan, at nag-aral sa Taipei Hwa Kang Arts School.
Bago pumasok sa mundo ng acting, nagsimula si Barbie bilang bahagi ng pop duo na “S.O.S.” kasama ang kanyang kapatid na si Dee.
Kilala siya sa kanyang magandang boses at mahusay na pagganap sa telebisyon at pelikula.
Ang kanyang pagganap bilang si Dong Shan Cai sa Meteor Garden noong 2001 ay naging daan upang makilala siya hindi lamang sa Taiwan kundi sa buong Asia, lalo na sa Pilipinas.
Ang seryeng ito ay naging bahagi ng pop culture sa bansa, kaya’t hindi nakapagtataka na agad siyang minahal ng mga Pilipino. Kasama ang F4—Jerry Yan, Vic Chou, Ken Chu, at Vanness Wu—nagmarka sa puso ng mga tagahanga ang kwento ng isang simpleng babae na nahulog sa isang mayamang binata.
Barbie Hsu : cause of death
Ngunit isang malungkot na balita ang bumalot sa entertainment industry at sa mga tagahanga ni Barbie matapos ang kanyang biglaang pagpanaw nitong February 2, 2025, sa edad na 48.
Ayon sa kanyang kapatid na si Dee Hsu, pumanaw si Barbie matapos tamaan ng flu na kalaunan nauwi sa pneumonia.
Samantala, kasunod nga ng biglaang pagpanaw ni Barbie, nag-viral sa social media ang mensahe niyang ito sa mga Pinoy nang bumisita siya sa bansa noong 2003.
Barbie Hsu concert : Pinoy fans timeline
Matatandaang bilang bahagi ng kanyang popularity, bumisita si Barbie sa Pilipinas ng dalawang beses noong 2003 para sa mga concert at promotional tours.
Sa kanyang unang concert dito, kasama ang kanyang kapatid na si Dee, nagbigay siya ng isang espesyal na mensahe sa kanyang Filipino fans.
Habang kinakanta ang “Qing Fei De Yi,” ang sikat na theme song ng “Meteor Garden”, nagpasalamat si Barbie sa kanyang Pinoy fans.
Ayon pa kay Barbie, mahal niya ang mga Pinoy, at sana umano hindi siya kalimutan ng mga ito.
Aniya, “Mahal ko kayo, Philippines! Don’t forget us, okay? We hope to see you soon.”
News
Ice Seguerra SHOCKINGLY REVEALS the Famous Actor Who Donated the Sperm for Their IVF Baby with Liza Dino—You Won’t Believe Who It Is! 😱
Ice Seguerra recently made a heartfelt revelation about the sperm donor for his and Liza Dino’s IVF baby, shedding light…
Sunshine Cruz Bares It All in Bold & Intense Scenes with Enzo Pineda—A Shocking Transformation on Screen!
Enzo Pineda Goes Bold in “Malamaya”—Strips Down for Intimate Scenes with Sunshine Cruz! Enzo Pineda, known for his wholesome image…
SHOCKING EMOTIONAL BREAKDOWN! Kris Aquino Breaks Down in Tears After Boy Abunda’s Heartbreaking and Unexpected Request—What Did He Say?!
Boy Abunda Napaiyak Sa Kahilingan Ni Kris Aquino Hindi napigilan ng King og Talk na si Boy Abunda na maging…
UNBELIEVABLE! Julia Montes & Coco Martin’s ‘Secret Wedding’ in This ABS-CBN Teleserye – From On-Screen Romance to Real-Life Marriage?!
Remember when Julia Montes and Coco Martin got married in a teleserye? This happened in their first drama series together, Walang Hanggan, which aired in…
SHOCKING REVELATION: Coco Martin Secretly Flies Julia Montes to Germany for the Birth of Their Baby Girl – The Hidden Truth Uncovered!
The entertainment industry is abuzz with excitement as reports emerge that Coco Martin and Julia Montes have welcomed their first…
Celebrity Godparents EXPOSED: Famous Kapamilya Stars Secretly Playing a Huge Role in These Celebrity Kids’ Lives!
Raising a kid is definitely one of the most challenging yet fulfilling things that could ever happen in a person’s…
End of content
No more pages to load