Nagpakita ng suporta si News5 anchor-reporter Gretchen Ho sa kapwa anchor-reporter na si Mariz Umali ng GMA Integrated News.
Ito ay sa gitna ng akusasyon ng mga masugid na tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “biased” o hindi patas ang pagbabalita ni Mariz at ng mga kapwa nito TV reporters.
Sina Gretchen at Mariz, pati na si Zen Hernandez ng ABS-CBN News, ay nasa The Hague, Netherlands, para sa coverage ng akusasyong crime against humanity laban kay Duterte na dinidinig ng International Criminal Court (ICC).
Read: Who are the key players in Rodrigo Duterte’s ICC trial?
Nagkalat sa social media ang videos nina Mariz, Zen, at Gretchen habang nagbabalita sa mga kaganapan sa The Hague.
Sa captions at text overlays ng mga post na ito ay pinararatangan silang “biased.”
Ang videos na ito na kuha ng Duterte supporters na nasa The Hague ang siyang ipinapakalat sa social media.
Narito ang ilang screenshots mula sa mga mapanirang videos laban sa tatlong reporters na naka-upload sa social media:

Screenshots mula sa mga mapanirang videos laban sa reporters na sina Gretchen Ho, Mariz Umali, at Zen Hernandez kaugnay ng coverage nila ng crime against humanity case ni former President Rodrigo Duterte sa The Hague.
MARIZ FACES ANGRY CRITICS; gretchen’s witty response TO BASHERS
Sa isang recent viral video, makikita si Mariz na kinukunan ng video ang Duterte supporters na nahaharangan ng isang barrier sa The Hague.
Sa video, makikitang may mga dumuduro kay Mariz habang nagbi-video ito.
Maririnig ang pagsigaw nila ng “Duterte!”
May ilan ding sumisigaw ng “biyas” patungkol kay Mariz.

Ni-repost ni Gretchen ang video na ito na tampok si Mariz.
Sa caption ay nagpahayag siya ng suporta kay Mariz.
“Biyas!!!! Mabuhay ka! Mariz Umali Love and light,” mensahe ni Gretchen na may kalakip na smiling and heart emojis.
Ang “Biyas” na tinukoy ni Gretchen sa caption ay ang pagbigkas ng ilang Duterte supporters sa salitang “bias” habang kinukunan sila ng video ni Mariz sa The Hague.

Maging si Gretchen ay inulan din ng batikos at pinaratangang “BIAS,” kagaya nina Mariz at Zen.
Sa recent Instagram post ni Gretchen na kuha sa Netherlands, tinawag siyang “BIAS” ng mga kritiko sa comments section.
Pagtatama naman ni Gretchen sa mga ito: “BIAS with ED” po. Biased. Thanks powh.”

Ipinost din ito ni Gretchen sa kanyang X (formerly Twitter), na sinundan niya ng komento tungkol sa tamang paggamit ng salitang “based.”
Kalakip nito ang screenshots ng mga basher na tumawag sa kanya ng “BIAS.”

Sa kabilang banda, may ilan namang Duterte supporters na nagkomento na ang ginagawa ng reporters tulad ni Mariz ay trabaho lamang.
MARIZ UMALI GOES VIRAL
Nag-viral si Mariz kamakailan matapos mag-live ang isang vlogger na nakatabi ang Kapuso anchor-journalist sa The Hague.
Nahagip ang komento ni Mariz tungkol kay former executive secretary Attorney Salvador Medialdea.
Nahimatay si Medialdea habang bumibisita kay Duterte sa The Hague Penitentiary noong March 18, 2025, kaya isinakay siya sa ambulansya.
In-upload ng netizen ang nahagip na pahayag ni Mariz.
Sa caption ng uploader, sinabi nitong tinawag umanong “matanda” ni Mariz ang hinimatay na si Medialdea.
Sinunggaban ng mga kritiko ang pagkakataon para batikusin si Mariz dahilan para mag-viral ang reporter.
Bilang sagot, naglabas ng pahayag si Mariz para klaruhing mali ang pagkakarinig sa kanya dahil hindi “matanda” ang sinabi niya patukoy kay Medialdea, kundi “mata niya.”
Paglilinaw ni Mariz, ito ang kanyang sinabi: “Tingnan mo yung ‘mata niya’ [Medialdea], nakabukas siya nung una pero nung nakita niya ako, pinikit.’”
Read:
- Ramon Tulfo draws flak for inappropriate comment about Mariz Umali
- Raffy Tima cheers on wife Mariz Umali amid viral video
MARIZ UMALI POSTS ABOUT POSITIVITY
Sa gitna ng mga matinding batikos na natatanggap niya ngayon, makahulugan ang recent posts ni Mariz sa Instagram tungkol sa pagiging positibo.
Sa pinakahuli niyang Instagram posts ay nag-post siya ng mga larawan niyang nakangiti kasama ang ilang kasamahan niya sa Netherlands.
Caption niya: “’Radiating positivity in a world that needs more light. Good vibes only—no space for hate.’ Thanks guys! You are angels sent from above”
Sa ilang Instagram Stories naman niya, nag-post siya ng Bible verses tungkol sa pagharap sa mga hamon na magagapi sa pamamagitan ng pananampalataya.


News
JUST IN: ZOREN LEGASPI BINUGBOG SI RUSTOM PADILLA? DAHIL SA PANLOLOKO! 😱🔥
Isang kontrobersyal na balita ang lumutang kamakailan kung saan lumabas ang ispekulasyon na nagkaroon ng mainit na komprontasyon sa pagitan…
We Think This Is Kathryn Bernardo’s Sexiest Photo Shoot Ever—Check Out Her 29th Birthday Content
Midnight snack post-Bench Body of Work? You definitely deserve a bag of chips! Asia’s Superstar Kathryn Bernardo welcomed her 29th birthday by…
The Look of Love: Kim Chiu and Paulo Avelino Level Up the ‘Kilig’ in Their Team-Up’s Debut Film
While there’s so much interest surrounding their movie, there’s an equal, if not even greater, curiosity about the relationship between Paulo…
Here’s What Kim Chiu And Paulo Avelino Wore For The Premiere of ‘My Love Will Make You Disappear’
The most awaited movie this summer is finally in cinemas this weekend! At the premiere of My Love Will Make You…
Bimby, Napaiyak sa Harap ng Press! Matinding Rebelasyon Tungkol kay Kris Aquino, Ikina-shock ng Netizens! 😱💔
Bimby, Napaluha sa Harap ng Press! Matinding Rebelasyon Tungkol kay Kris Aquino, Ikina-shock ng Netizens! Isang nakakagulat na tagpo ang…
SHOCKING NEWS: JULIA MONTES NA AKSIDENTE HABANG NASA TAPING, KALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT | COCO MARTIN NAIYAK
Isang nakagugulat na balita ang lumabas kamakailan tungkol sa aktres na si Julia Montes, matapos siyang maaksidente habang nasa taping…
End of content
No more pages to load