Naudlot ang first attempt ng PEP Troika na interbyuhin si John Rendez noong Biyernes Santo, Abril 18, 2025, sa wake ni Nora Aunor sa The Heritage Memorial Park, Taguig City.
Emosyunal kasi siya mula pagdating hanggang sa pag-uwi. Hindi siya mapakali at pabalik-balik siya sa kabaong ni Ate Guy, na siyang palayaw ni Nora sa showbiz. Tuloy, hindi kami nakatiyempo.
Kahapon, Black Saturday, Abril 19, maagang dumating si John sa wake para kumustahin ang Noranians.
Nag-umpisa ang public viewing ng alas-diyes ng umaga.
Dagsa agad ang fans.
May mga tumatawag, nakikipagkamay, kumakaway, nagpa-flying kiss, yumayakap, at nagko-condole kay John, na bumati rin sa kanila.
John Rendez talking to Noranians at the wake of Nora Aunor on April 19, 2025
Photo/s: Jerry Olea
Nagsabi si John na kakain muna siya. Ilang araw na raw siyang walang ganang kumain.
Pero dalawa o tatlong subo pa lang, nagyaya na siyang mainterbyu ng PEP. This time, mas kalmado siya.
JOHN RENDEZ ON NORANIANS
Naging unang topic ang mga Noranians, na tila ka-close niya.
“Opo, opo. Kaya nga sila nandito, para suportahan yung mahal nilang idol, our beloved National Artist, the Superstar,” malumanay na lahad ni John.
“And, ahh, we have to give them importance also because iyan ang gusto ni Ate Guy.
“Ate Guy, ahhh, number one sa kanya ang mga fans niya. Going out of her way pa nga siya para ma-accommodate yung mga fans niya.
“So, I think she would be happy even in her passing away that, ahh, hindi natin puwedeng pabayaan yung mga fans niya.
“So ako, napapasalamat ako na yung pagmamahal nila kay Ate Guy at yung support na nila kay Ate Guy, sa aming dalawa, ahh, ang ganda…na mararamdaman mo, makikita mo talaga.”
Nababawasan kahit paano ang lungkot niya? Kasi minahal din siya ng mga fans? Ang sigurado ay alam nila kung gaano siya kamahal ni Ate Guy.
“Alam mo, lahat tayo, mahal natin si Ate Guy. We all love Ate Guy. No one can say, ‘I love Ate Guy more,’ or ‘Ate Guy loves me more.’
“Lahat iyan, mahal niya. At lahat tayo, nagmamahal sa kanya. Pero, in our own way, we show our appreciation, puwede nating sabihin our devotion to the person through our interactions with each other.
“Kumbaga, paano natin ipapakita sa kanya na mahal natin siya kung yung mga tao sa paligid niya, mga suplado, di ba?
“Hindi naman tayo suplado. Depende naman sa kausap.
“Pero pagdating sa fans, Ate Guy always makes her fans a priority. So, the only way we can do to honor her memory is to show kindness and show importance to the people that, for her, are number one.”
Nasaksihan niya kung paano pinahalagahan ng Superstar ang Noranians all these years?
Tumango si John, “Opo, opo, opo. Alam ko iyan. Matagal ko nang nakita. Matagal ko na pong kasama si Ate Guy.”
Sa puntong ito, gumaralgal ang boses niya.
“Ahhh, pasensiya na po, medyo I’m still at a loss for words, e. I’m still absorbing it, e.
“Pero nakita ko kung paano siya magmahal sa mga fans niya. And yun ang isa sa minahal ko sa kanya.
“Alam ko, yung relationship between her and the fans is very, very personal and very, very special.
“And I just want to be able to honor her memory by showing affection towards the people that she cared about.”
JOHN RENDEZ ON DEATH OF NORA AUNOR
Natanggap na ba ni John ang pagpanaw ni Ate Guy?
Wika ni John, na bakas sa tinig ang pagdadalamhati: “Parang hindi totoo.”
Nora Aunor’s remains will be at Heritage Park until April 22, 2025.
Photo/s: Jerry Olea
“Ganun din ako siguro., hindi ko pa… Pero, we have to face the reality na she’s not here with us anymore.
“So, the things that remind us of her, well, we have to, kailangang bigyan natin ng importance or, how to say it, ahhh, cherish.
“Cherish, cherish those, sabihin natin, moments. Cherish those memories.
“And she’ll always be alive in our hearts. She’ll always be alive in our minds.
“She’ll always be a part of ano, this culture, this country, or, I say, this industry.
“And her legacy will continue on even though she’s not here anymore.
“So, we can honor her legacy by remembering all the good works that she did. Not for the industry also, but for the fans.
“Sa kanya, number one talaga, priority niya ang mga fans. Marami siyang balak sana gawin.
“Sinasabi ko nga, ‘Ate Guy, marami yung lahat ng gusto mo. Marami pang gusto mong gawin. Pero wala na. Hindi mo na rin magagawa.’”
JOHN RENDEZ REMEMBERS NORA AUNOR’S KINDNESS
Andoon ang loyalty ni Ate Guy sa mga tunay na kaibigan. Sinasabing marunong itong tumanaw ng utang na loob.
Sang-ayon dito si John: “Pag minahal ka ni Ate Guy, ipaglalaban ka niya nang patayan.
“Kasi yun lang naman ang hinahanap niya—ipagtatanggol mo siya, e!
“Hindi naman siya puwedeng tumatanggol sa iyo kung wala ka namang, ahh, reciprocate that ano, how do I say it, recriprocate, ahhh, protection.”
Hinayaan na lang ni Ate Guy ang mga nanloko sa kanya. Ipinasa-Diyos?
“Okay, pag niloko ka naman ng tao, hindi naman harap-harapan. Kukunin muna nila ang loob mo tapos bandang huli, di ba?” saad ni John.
“So, sabihin natin, marami ring nagloko kay Ate Guy because she is kind, as they say, to a fault, yeah.
“But I don’t think kindness is a fault. It’s a virtue. Iyan ang minahal ng mga fans niya sa kanya is her kindness.”
Ano ang mensahe niya para sa Noranians?
“Maraming-maraming salamat po sa pagsusuporta nyo, pagmamahal niyo sa our beloved National Artist, our beloved Superstar, Ate Guy,” tugon ni John.
“And thank you po, and sana po, magpakatatag kayo, tanggapin natin na wala na ang Ate Guy natin.
“Pero she lives on in our memories and in the lessons that she taught us about kindness and charity and humility.
“Humble is the key, okay.
“She’s in good hands now. Nasa heaven na siya. Tapos na paghihirap niya.
“Si Jesus nga, He suffered, He died, but He’s at the right hand of God now.
“I think likewise Ate Guy is at the table in heaven. Baka siya pa yung kabisera,” ang nakatawa niyang pagtatapos.
Ang Kabisera ay official entry sa Metro Manila Film Festival noong 2016 na pinagbidahan ni Ate Guy.
HOW IMPORTANT IS JOHN RENDEZ TO NORA AUNOR
Nang nag-celebrate ng 70th birthday ang Superstar, noong Mayo 20, 2023, sa Seda Vertis North, isang hotel sa Quezon City, nagpunta si John.
Naroon din ang limang anak ni Nora na sina Ian, Lotlot, Matet, Kiko, at Kenneth de Leon.
Nora Aunor (with a peace logo) with three of her kids (L-R, standing) Ian and Kiko; (R, seated) Matet. Fellow seated with Matet is her husband Mickey Estrada.
Photo/s: Jerry Olea
Doon nabalitaan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagkaroon si John ng pelikulang pinamagatang Tomacruz… Sa Puso Ng Isang Anak.
Si Nora ang executive producer.
Kasama ni John sa cast ng Tomacruz sina Matet, Ian, Kenneth, at pati na rin si Nora.
Maagang umalis si John sa nasabing pagtitipon.
Doon din nakiusap si Nora sa mga anak na “mahalin” ang lalaking nakasama niya sa loob ng tatlong dekada.
Ang hiling noon ng celebrant: “Sana makita ko na magmahalan kayo. Kasi ako naman, matanda na ako, e.
“Magpasalamat tayo sa kanya na mula noon hanggang ngayon, nandiyan pa rin siya.
“So yun lang, gusto ko lang malaman ng tao na intindihin natin siya, unawain natin siya.”
2023 INTERVIEW WITH JOHN AND NORA
Makalipas ang halos tatlong buwan, noong Agosto 12, 2023, nakapanayam ng PEP si John sa photo shoot nito sa studio ni Edward de la Cuesta sa Sct. Tuason St., Brgy. Laging Handa, Quezon City.
A photo of John Rendez taken August 2023
Photo/s: Jerry Olea
Sabi ng nag-imbitang si Rodel Fernando, si John lang ang iinterbyuhin.
Huwag daw pansinin ang kanyang manager na si Ate Guy.
Kabilin-bilinan pang huwag batiin ang Superstar.
Nora Aunor was wearing her manager’s hat for John Rendez when this photo was taken in August 2023.
Photo/s: Jerry Olea
Aba, utos iyan ng National Artist kaya huwag pansinin at hindi dapat baliin!
Apat ang nag-interbyu kay John—ang publicist na si Rodel, si Bobby Requintina ng Manila Bulletin, si Alex Brosas ng Daily Tribune, at ang inyong lingkod na kinatawan ng PEP.
Nora Aunor (middle) with (L-R, standing) John Rendez and Manila Bulletin’s Bobby Requintina; (L-R, seated) publicist Rodel Fernando, PEP Troika’s Jerry Olea, and Daily Tribune’s Alex Brosas
Photo/s: Jerry Olea
Masaya at no-holds-barred ang interview. May seryosong bahagi, meron ding hagalpakan.
Nakikinig lang si Ate Guy all throughout hanggang sa hindi na ito nakatiis, lumapit, at bumangka.
Ikinuwento ni Ate Guy na kumukuha noon ng talents ang kanyang NV Productions.
Bukod kay John, naging talent daw ng production si Juan Rodrigo, ang pinsan niyang si Marilen, at iba pa.
“Pumirma na ng kontrata. Nagkaroon ng gulo yung production. Kasi, nagkaroon ng inggitan,” pagtatapat ni Ate Guy.
“Alam mo na ang inggitan kung ano yun. So, nasira ngayon, nawala, pinasarado ko yung opisina ng pelikula. So, naano siya, nadamay siya dun. E, ako ang manager niya!” natatawang sabi ni Ate Guy.
“So, ang nangyari, may isang kasama ako noon na siniraan siya [John] nang siniraan dahil nakita niya [John], niloloko ako! Yun ang totoo niyan.
“So, hindi siya nakaano, hindi siya nakatiis noon, isinumbong sa akin.”
Ayaw banggitin ni Ate Guy kung sino iyong nanlokong iyon. Basta, kaibigan daw iyon ng mga reporter.
Pagkunot-noo ni Ate Guy, “Wag na mention. Hayaan niyo nang mag-isip kayo.”
Sambit ni John, “No reason to go any further.”
Pagmumuwestra ni Ate Guy na may konting ismid at kibit-balikat, “So, yun lang naman.”
Marami pang ibang nanloko kay Ate Guy, lalo na pagdating sa pera.
Kaswal na pagsang-ayon ni Ate Guy, “Sobra po.”
May sama ng loob ba siya sa mga nanloko at umabuso sa kanya?
Mabilis na umiling si Ate Guy, “Para ano pa, andun na yun, e. Nangyari na. Sila naman ang magdadala nun.”
Mahigit tatlong dekadang naging talent ni Nora si John—mula nung 18 anyos pa lang si John hanggang mag-fifty-something na ito.
Loyal si John kay Nora?
Sagot ni Ate Guy, “Sobra. Ipinagtanggol ako niyan, e, dun sa anak ng may-ari ng dating tinitirhan namin.”
Singit ni John, “Pinapalayas na siya sa bahay, pati yung gamit. Malapit na raw ang deadline.”
Pagpapatuloy ni Nora, “Sabi ko, ‘E, bayad kami ng ilang ano pa.’ Tapos, nabigyan yata ng pera. E, pinapalayas kami. Dalawang araw, dapat daw umalis na kami sa bahay.
“Ipinagtanggol ako niyan. Kaya kahit anong mangyari, ipagtatanggol ko pa rin iyan.
“Kasi yung ginawang pagtatanggol sa akin ni John, walang makakagawa nun…”
NORA AUNOR: LAST FILM PROJECTS
Napag-usapan kapagkuwan ang mga projects ni Ate Guy, kabilang ang mga pelikulang Pieta, Ligalig, at Mananambal, pati iyong pagsasapelikula at pagsasalibro ng life story niya.
Sagot ni Ate Guy nang kumustahin ang kanyang kalusugan, “Okay naman ako. Inabuso ko rin kasi sarili ko, e.
“Sigarilyo nang sigarilyo, kaya kayo, huwag kayong maninigarilyo, ha? Huwag! Ikaw, ikaw, tumigil ka na sa paninigarilyo mo.
“Diyan ako naospital nang naospital, naku!
“Natigil ko na kasi, namatay na ako, e, di ba? So, mabuti nga, talagang mabait pa rin sa akin ang Diyos, nabuhay pa ako.
“Suspetsa ko, meron pa akong ano, meron pa akong misyon sa buhay. ‘Ano po ang gusto Ninyong ipagawa sa akin?’
“Di ba? Baka may misyon pa rin. Kaya hindi pa rin ano, marami pa tayong pasasayahing tao.”
Matatandaang sa panayam ni Nora kay Boy Abunda noong February 2023, isiniwalat nito: “Namatay na ako ng three minutes.”
Dinala raw siya sa ospital, nanghingi siya ng oxygen, nawalan siya ng malay, at nung nagising siya, nasa Intensive Care Unit na raw siya.
After more than two years na nagpabalik-balik si Ate Guy sa hospital, pumanaw ang Superstar at National Artist noong Miyerkules Santo, Abril 16, 2025.
News
Nakakalokang Clues Tungkol sa Rings nina Coco Martin at Julia Montes: Isang Malaking Sikreto ba ang Itinatago Nila?
The love team of Coco Martin and Julia Montes has captured the hearts of many Filipinos, both on-screen and off….
Ang Lihim na Pagbabagong Pangkalusugan ni Coco Martin na Magiging inspirasyon sa Iyo
“Kailangan po natin bigyan ng time yung sarili natin.” Coco Martin talks about taking stock of his life, and making…
KINILIG ni Coco Martin ang Fans sa Kanyang Ideal Girlfriend Dream! Nagkakaroon ba ng Problema sa pagitan Niya at ni Julia Montes?
Kapamilya actor Coco Martin shared his dream for his long-time girlfriend Julia Montes. In a video uploaded by Coco Martin –…
SH0CKING!! Ang mga Direktor na sina Chad at Cathy ay NAGTAMPO para sa Pelikula nina Kim Chiu at Paulo Avelino!!
In a surprising twist in the entertainment world, two of the most well-respected directors in the Philippines, Direk Chad and…
Kim Chiu and Paulo Avelino performed a special duet for their fans, leaving everyone “sh0cked”
VIDEO VIRAL: Kim Chiu and Paulo Avelino rock ABS-CBN Christmas Special 2024: The feverish performance leaves fans ‘on the edge…
Kim Chiu WILL AGAIN CARRY THE PHILIPPINES FLAG at the International Awards for BEST FEMALE LEAD!!
Recently, the news that Kim Chiu will once again fly the flag for the Philippines in a prestigious international awards…
End of content
No more pages to load