Sagrado para kina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz ang mga bagay na ginagawa lamang ng totoong mag-asawa.

At dahil magkasintahan pa lamang sila, tinitiyak ng dalawa na huwag gawin ang mga bagay na hindi pa dapat.

Saad ni Julie Anne: “Parang ano po kasi, very… ako po, personally po talaga, kasi yung family ko, very traditional talaga.

“Tsaka, very conservative.

“And ako po, parang ako, tanggap ko naman po yun na, siguro in time, magagawa naman namin yung mga bagay na yun.

“Like, mag-travel, ganyan.

“Siguro ano, ako, wala naman po kaso din sa akin, di ba?

“And for me, yung bagay kasi na yun, talagang nirerespeto po ni Ray.

“Sobrang wala po ako masyadong masabi, talagang sobrang laki po ng respeto niya sa akin and sa family.”

Kahit sleepover?

Natatawa niyang sagot, “Wala po. Wala po!”

NO MAJOR MISUNDERSTANDING

Halatang nag-uumapaw ang kaligayahan sa puso ni Julie Anne tuwing mapag-uusapan ang masayang relasyon nila ng boyfriend.

Katunayan, sinabi ni Julie Anne na never pa silang nagkaroon ng matinding away ni Rayver.

Kung nagkaroon man daw, ito ay maliliit na tampuhan lamang.

Pagbabahagi ng singer-actress: “May mga ano, may mga petty.

“May mga petty stuff, but it’s wala, e, wala talaga.

“Parang walang something heavy, wala.

“Kasi, everything is just so easy with him.

“Parang, kunyari misunderstanding lang, nare-resolve namin siya agad ng minuto lang.

“Hindi na namin pinapatagal ng araw or days, di ba?

“So talagang, I think, pareho naman na kaming… hindi naman na kami mga bata.

“Hindi na kami teenagers, di ba?”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne noong nakaraang linggo sa presscon ng Slay, ang pinagbibidahan niyang murder-mystery series na napapanood na ngayon sa GMA Prime.

Julie Anne San Jose during the presscon of Slay, the new murder-mystery series now showing on GMA Prime.
Julie Anne San Jose during the presscon of Slay, the new murder-mystery series now showing on GMA Prime. 

JULIE ANNE SAN JOSE is NO. 1 defender of rayver cruz

Si Julie Anne din ang No. 1 na tagapagtanggol ng boyfriend kapag may bashers ito.

Aniya: “Ako, lagi ko kasing sinasabi sa kanya na, ‘Hindi mo dapat pinapakinggan yung mga ganito.’

“And minsan, minsan lang naman, minsan lang naman na may nangyayari na kunwari, napanghihinaan siya ng loob.

“I always make sure that I’m there to console him and to make him feel better.

“Parang, para kasi sa kanya, motivation yun para maging better siya as a person and as an artist, di ba?

“Pero minsan kapag sobrang, like, under, below the belt na, talagang, like…

“Di kasi talaga ako pumapatol talaga, di talaga ako nagsasalita.

“Pero if I have to, sobrang, as in, sasabihin ko in a nice way pa rin naman.

“Kasi ano naman yun, e, at the end of the day, you always have to be the bigger person.

“Intindihin mo na lang because baka mamaya may pinagdadaanan din sila or something, di ba?

“So I always reply. I always say in a nice way pa rin.

“Kahit paano, kahit masakit yung mga sinasabi nila, I always, you know, I always reply to them nicely.”