Garabe ang ayuda nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa pelikula nilang My Love Will Make You Disappear.

Bukod sa mensahe ng pelikula, ipinaramdam nila rito na sila na.

Lalo na sa bed scene nila, wow, tinodo na ni Kim. Kumbaga ay napag­handaan niya ang mga eksena nila ni Paulo.

Totoo ang sinabi ng direktor ng pelikula na si Chad Vidanes na kakaiba umanong romcom ito kung saan naipakita nila kung paano nagiging “wild and fun” dahil sa magic of love.

Malayo-layo sa KimPau na minahal ng publiko sa Kapamilya hit series na Linlang at What’s Wrong With Secretary Kim.

Ate ni Kim boto kay Paulo, hindi nnagulat sa unlimited kissing scenes

Level-up lalo na sa laplapan nila. Unlimited. Hahaha. Na nauna nang ikinaloka maging ng mga kaibigan ni Kim na sina Angelica Panganiban at Bela Padilla.

Kaya naman hiningan namin ng komento si Ate Lakambini ni Kim tungkol sa ibang chemistry ng KimPau.

“Okay lang. Syempre, hindi tayo magugulat kasi may mga milestones naman ang career ng isang artista. So, it’s about time na rin for mature roles. And hindi na ‘yung princess na pa-tweetums na pa-cute-cute,” chika ni Ate Kam sa amin sa ginanap na block screening the other night na dinaluhan pati ng ama ng aktres.

At doon na naitanong namin, kung anong masasabi niya tungkol sa aktor, boto ba siya rito?

“Siyempre oo naman,” she quickly replied. “Me as ate, parang I don’t want naman na parang maging protective. We have our own lives, so kung saan siya masaya. And I know she’s happy, so happy na rin kami,” katwiran niya pa.

Aniya hindi na rin kailangang sabihin ni Kim sa kanya na masaya siya sa kasalukuyan. “Makikita mo talaga sa mata niya, ramdam talaga. Inspired,” pahayag pa ng nakakatandang kapatid ni Kim na nagsisilbing ina sa actress.

Nasa edad na aniya si Kim at hindi siya nakikialam pagdating sa love life nito.

Tungkol naman sa hitik na hitik na kissing scene, pakiramdam ni Ate Kam, panahon na para mag-iba naman ang kapatid ng role.

“Tsaka para kasi silang (fans) nabitin nung [sa What’s Wrong with] Secretary Kim, tapos Linlang. Binigay na ng buong-buo ni Direk Chad dito sa pelikula,” pahayag pa ni Ate Kam.

Sa ngayon ay hinahayaan ni Ate Kam na mag-enjoy ang kapatid.

Pero may mga payo ba siya kay Kim or paalala? “Yes. We have our own naman na mga own characteristics. So parang ang atake ko, it’s for her to learn a lesson. Let her explore. Kasi ‘pag ini-spoon-feed mo, parang hindi na natural ‘yung dating. Hayaan ko lang siya, yes. Mature na siya, eh.”

Anyway, tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng MLWMYD sa takilya.

Kumita na ito ng P40 milyon sa loob ng apat na araw sa bansa.

Maganda rin ang naging opening day gross ng pelikula sa North American box office na US$200,000, na halos katumbas ng unang araw na kinita ng pelikula sa Pilipinas.

Simula noong Huwebes (Marso 27) ay napapanood na rin ang kauna-unahang KimPau movie sa Australia, New Zealand, Singapore, Malaysia, at UAE. Palabas na rin ito sa Canada, Hong Kong, Macau, Guam, Saipan, at Brunei noong Biyernes (Marso 28), at sa Europa noong Sabado (Marso 29).

Nakatakda rin itong mapanood ng mga taga-Italy, Qatar, Saudi Arabia, Bahrain, Oman, at Kuwait ngayong araw at mapapanood din ito sa Austria sa Abril 5 at Cambodia sa Abril 18.

Nagbukas ang My Love Will Make You Disappear sa mahigit 380 na sinehan sa bansa noong Miyerkules (Marso 26) at gumawa rin ng kasaysayan bilang highest first-day grossing local film sa taong 2025 na umabot sa P12 million ang kinita sa unang araw.

Umiikot ang kwento ng pelikula kay Sari (Kim), isang babaeng naniniwala na siya ay may sumpa na biglang nawawala ang mga lalaking minamahal niya. Mag-iiba ang lahat nang makilala niya ang heartbroken na si Jolo (Paulo). Matapos malaman ang tungkol sa sumpa ni Sari, gagawin niya ang lahat para mapaibig ang dalaga para matakasan ang problema at tuluyan na siyang mawala.