Nananawagan ng dagdag na dasal si Kris Aquino ngayong tila lumalala ang kanyang kondisyon.

Sa Instagram nitong Martes ng gabi, April 1, 2025, nagbahagi ng bagong Reel si Kris kung saan ipinakita nito ang kasalukuyan niyang kundisyon.

Makikita rito ang tila mga pasa sa kanyang balat. Kita rin ang kapayatan ng kanyang katawan.

Kris Aquino recent health update.

Kris Aquino recent health update. 
Photo/s: Courtesy: Instagram

Base sa kanyang caption, nais daw ni Kris makita ng publiko ang kasalukuyan niyang kondisyon para patuloy raw siyang ipagdasal ng mga ito.

Dalawang linggo na rin daw mula nang natuklasang meron siyang lupus flare.

Buong caption ni Kris (published as is): “This is MY NOW… i wanted you to see the pain and struggle so that you will continue to pray. i have a Lupus Flare fever now. It’s been more than 2 weeks.”

Ang lupus flare, ayon sa www.lupus.org, ay ang period “when your lupus symptoms worsen and you feel ill as a result.”

 

KRIS’S HEALTH UPDATE

Noong February 25, 2025, sinabi ni Kris na “not so okay” pa ang pakiramdam niya.

Ito ang ikinuwento ni Kris nang dumalo siya sa People Asia’s People of the Year 2025 para suportahan ang malapit niyang kaibigan na para na rin daw niyang kapatid — ang fashion designer na si Michael Leyva, isa sa awardees.

Sabi niya: “They had trouble waking me up because I started a new medicine last night.

“I’m not so okay. Nahihilo ako [right now].”

 

Naglabas naman siya ng huling health update niya noong February 22.

Dito ay sinagot niya ang espekulasyong nalalapit na ang pagbabalik niya sa telebisyon.

Paglilinaw niya, hindi pa siya maaaring magtrabaho ulit dahil sa timbang niyang 37 kilos o 82 pounds. Sa madaling sabi, siya ay underweight.

Sabi ni Kris: “I haven’t posted anything because I didn’t want all those praying for me to feel sad & lose the faith.

“May I clarify? I’m not yet ‘fit to work’ because i’m very underweight 37 kilos/82 pounds.”

Ibinahagi rin ni Kris na may kinakaharap siyang panibagong health issue.

Ito ay ang pagkakaroon ng fibromyalgia na, ayon sa National Institute of Health, ay isang “chronic disorder characterized by widespread pain, tenderness, fatigue, and sleep disturbances.”

Noong panahong iyon, ibinulgar ni Kris na pito na ang iniinda niyang sakit.

Pahayag niya (published as is): “My deal with my team of doctors (Dr. Jombi, Dr Jonnel, @drkatcee who is now mourning the loss of her father, and Dr. Rainier) is that my WBC [white blood cells] doesn’t fall below 5.5 for 4 straight weeks, my hemoglobin improves to at least a 9.5 (my anemia is both hereditary & nutritional); and my weight holds steady at 90 pounds/40.8 kilos.

“Previously i enumerated 1.Autoimmune Thyroiditis; 2.Chronic Spontaneous Urticaria; 3. EGPA: a rare, life threatening form of Vasculitis; 4.Systemic Sclerosis; 5.Lupus/SLE; and 6.Rheumatoid Arthritis as my diagnosed autoimmune diseases.

“Added to that list is 7.Fibromyalgia.

“I have been exhibiting confirmatory symptoms for 8.Polymyositis as well as 9.Mixed Connective Tissue Disease.”

Dagdag pa niya: “Having complicated autoimmune diseases and being allergic to all NSAIDS [Nonsteroidal anti-inflammatory drugs], steroids, pain relievers, as well as antibiotics and Immunoglobulin Therapy many times the physical pain is overwhelming.”