Pagkatapos nang pinagdaanang kontrobersya ni Maricar Reyes-Poon noong 2009 na may kinalaman sa isang video scandal, ay dumating sa buhay niya ang napangasawang si Richard Poon.

Sa panayam ni Maricar kay Toni Gonzaga-Soriano sa Toni Talks vlog nito ay naikuwento niya kung paano siya bumangon pagkatapos ng iskandalong iyon sa buhay niya.

Matagal ang naging proseso ng healing ni Maricar and at one point, inakala raw n’yang hindi na siya makapag-aasawa pa. Akala raw niya ay wala ng lalaking magmamahal at mag-aalok sa kanya ng kasal dahil doon. Feeling din niya ay she did not deserve anyone because of the humiliation associated with the scandal.

Tatlong taon daw tila floating ang relationship nila ni Richard Poon, ayon kay Maricar Reyes. And by the time na gusto na n'ya tong i-let go dahil feeling niya ay hindi naman ready mag-commit, saka naman daw ito nagtanong if she could be his girlfriend. Thus, one day in June 2012, she, in her words, "became the girlfriend of a decent man that I admired." On June 9 the following year, they exchanged vows ang became man and wife. Last June, they marked their 9th wedding anniversary.

Inihahanda na raw niya ang sarili sa single blessedness dahil baka ito raw ang plano sa kanya ng Itaas.

“Baka gusto ni God single nalang ako forever and I have to accept that as part of His (God) plan for me kung ganu’n man,” pagtatapat ni Maricar.

“Pero dumating si Richard?” hirit ni Toni.

“Dumating si Richard,” nakangiting sang-ayon ni Maricar. “Si Richard was always around, he was always around pero he tried to keep his distance kasi siya rin mayroon din siyang mga pinagdadaanang stuff, he also had some bad relationships. So, hindi siya tumatalon agad pag mayroon siyang nagugustuhan.”

At dahil nga may ganoong personality si Richard, kaya umabot ng tatlong taon ang no-label stage nila. And by the third year, tila nakaramdam na raw siya ng inip dahil tila hindi naman ready’ng mag-commit ang singer sa kanya.

“Ang ganda nu’ng incident do’n sa car na when he said na ‘This is it. Okey na, itutuloy na natin…’” hirit ni Toni para i-guide si Maricar sa dapat niyang ibahagi base sa nabasa na niya sa libro ni Maricar. “Tapos galit na galit ka…”

“[OoGalit na galit ako kasi the day that he said na gusto na niya ako (okami na… 2012 [‘yon].  So, after three years, ayoko na. Parang lagi na lang ako naghihintay. Saka sawa na ako at nagkaroon na ako ng enough foundation with God na hindi na ako masyadong naghahanap ng boys. Natanggal na sa utak ko ‘yung a relationship will help me solve things.”

Gusto na raw n’yang bumitiw pero hindi naman n’ya mapangatawanan.

“I really wanted to cut him off. Pero every time, kahit sabihin ko sa sarili ko na para, ‘Ay, hinde, ayoko na.’ I’ll just talk to him for five minutes at a party or any event, gusto ko na siya ulit. So, naiinis na ako sa sarili ko. And at the same time, siya din.

One day in June 2012, Richard decided to make their relationship official. And she, in her words,  “became the girlfriend of a decent man that I admired.’

“So, either it’s the worst timing in the world or the best timing in the world. Then tumawag siya [Richard] na sabi niya, ‘I need to talk to you’ and then from there, nu’ng nag-usap kami sabi siya na ‘Hindi na ako aalis.’ Nu’ng sinabi niya ‘yon, doon ako nabuwisit, ha, ha, ha! Kapal ng muka mo talaga! Haha! Bakit ngayon lang? Kung kailan ko sinabi sa sarili ko na ayaw ko na, heto ka na, na totoo?

“But this is what I love about him, sabi niya, ‘Alam mo kung bakit ka galit? Kasi gustung-gusto mo ako.’ Sinabihan niya ako nang ganu’n. Sabi ko na lang, ‘Oo nga.’

“Kasi if he did not matter to me, I would not be affected.  So, kahit nagagalit ako, tawa pa rin siya nang tawa.”

Aniya, isa sa nagustuhan n’ya about being with Richard was that he made her feel safe. To be specific, his honesty made her feel safe.

“Yes, the honesty. Coming from a background na very politically correct…kasi nga iwas-away ako, e.  So, very nice-nice. I don’t say what I feel. I don’t say what I need to say para lang may peace. So, I thought that was something na that made me feel safe.  Pero nu’ng nangyari ito, parang na-expose na hindi ‘yon nagwo-work. It was actually kabaligtaran.

“It was the brutal honesty that made me feel safe. Ito lang ‘yung guy na ganu’n. Walang guessing game sa kanya. And that was the first time na meron akong nakilalang lalaki na ganu’n,” patuloy na kuwento ni Maricar.

At dahil nga honest ito, he expected the same from her. Gusto raw nito na maging very open sila sa isa’t isa. Meaning, no secrets. Kaya nu’ng minsang may hindi siya nasabi dito ay nagalit si Richard.

“Sabi niya, ‘I want to know everything—good or bad, especially the bad. Kasi ‘yung good madaling sabihin ‘yan.’ So, doon ako na-touch kasi pati ‘yung bad…

Para kasing fake if you’re just gonna tell me the good. ‘How was I supposed to love you as a whole, how are we supposed to know if we love each other nang buong-buo? So, ngayon mo na ilatag sa akin at ngayon ko rin ilalatag sa’yo. Kasi if there’s something about me that you don’t like, at least you know now,’”  pagre-recall ni Maricar sa mga nasabi sa kanya ni Richard bago sila magpakasal.

With Richard, she started on a clean slate. Kaya nga nasabi niya sa libro na: “How wonderful to have a relationship that is celebrated and I don’t have to hide anything from my love ones anymore. It all felt so clean and new. This was the start of a new life indeed.”

At literal na clean dahil ang first kiss nila ay naganap noong araw na ikasal sila.

“Nanibago ka ro’n?” tanong ni Toni.

“Sobra! Kasi my relationship before him, kasama (kiss) ‘yun, e. Pero for him, parang this is the guy na he wants to commit to me and I cannot kiss him?” natatawang kuwento ni Maricar.

Saad naman ni Toni: “Binigyan ka niya ng lalaki who will value your first kiss. And ‘yung first kiss n’yo sa altar was in front of him, in front of all your family and friends and in front of the people who will celebrate your love.”

Ang wedding day daw niya, more than to her, ay mas naging emotional moment para sa kanyang ina, na nag-akalang wala nang magnanais magpakasal sa kanya.

Sa pagbabalik-tanaw niya, sa libro n’ya at kay Toni, priceless naman daw ang mga natutunan niya.

“I am not thankful to the scandal, nor would I want to relive it all over again…but I would never trade the lessons I learned.”

Ang those lessons, mainly, can be summarized into being true.

Kasi ako before ang life ko talaga ang daming tinatago and I didn’t realize that I was wrong.”