Maraming nagpaparamdam ngayon para manligaw sa Kapamilya A-lister na si Kathryn Bernardo.
Ito ang kinumpirma mismo ng ina ni Kathryn na si Min Bernardo sa eksklusibong panayam sa kanya ni MJ Felipe sa On Cue ng ABS-CBN News noong March 29, 2025.
Diretsahang tanong ni MJ kay Mommy Min, “May nanliligaw [kay Kathryn]? Marami?”
Mabilis ang pagtango ni Mommy Min sabay sabing, “Siyempre naman. Ang panget ba naman ng anak ko kung walang manliligaw, hindi ba?”
Dugtong ni MJ, “Tsaka single naman siya, single naman si Kath.”
Pagsang-ayon ni Mommy Min, “Oo, [single naman siya].”
MIN BERNARDO ON KATHRYN’S LOVELIFE
Sa usapin pa ring lovelife, tinanong si Mommy Min kung suportado ba niya ang anak pagdating sa pagpili nito ng mamahalin.
Ayon sa ina ng aktres, noon pa man ay malaki na ang tiwala niya kay Kathryn sa mga desisyong ginagawa nito sa buhay, lalo na pagdating sa lovelife.
Hinahayaan daw niya ang aktres mamili at magdesisyon kung sino ang kanyang gugustuhin at mamahalin.
Ngunit hindi naman daw ibig sabihin nitong hindi na siya makikialam kung saka-sakaling may makita siyang mali sa mga desisyon ng anak.
Saad ni Mommy Min: “Hinahayaan ko lang siya pero nandiyan pa rin ako sa side na bumubulong, ‘Hindi tama yan, hindi okay yan’ — mga ganun.
“Pero at the end of the day, mahirap kasi sa isang nanay na may sinasabi ka [pero] hindi ka pinakikinggan.
“Ngayon, ina-accept ko na lang na, ‘Sige na nga, matanda ka na, ikaw na magdesisyon by your own. Pero sana isipin mo hundred times kung sino man yan, ano man yan, kasi mahirap magkamali.’
“Especially sa stature niya ngayon, maraming naghihintay na magkamali siya.”
MIN talks about CHILDREN’S MARRIAGE
Kung saka-sakaling magkanobyo ulit si Kathryn at magdesisyon itong magpakasal, handa na kaya si Mommy Min?
Sagot niya: “Yung wala pang artista sa mga anak ko, ang gusto ko, lagi kong sinasabi, ‘At the age of twenty-five dapat mag-asawa na kayo.’
“Kasi ako, nineteen akong nag-asawa. Siguro lang din pinalad ako na kahit papaano naging successful yung marriage ko.
“Pero ayun nga, walang nag-asawa ng twenty-five.”
Gustuhin man daw ni Mommy Min na maikasal na si Kathryn bago ito mag-trenta ay hindi raw niya madidiktahan ang anak dahil habang tumatagal ay pausod daw nang pausod ang edad na sinasabi ng aktres kung kailan nito gustong magpakasal.
Noong March 26, 2025 ay nagdiwang si Kathryn ng kanyang ika-29 kaarawan.
Ani Mommy Min: “Si Kath, sabi niya last year siguro mga thirty-three, tapos pausod nang pausod.
“Nung isang araw narinig ko nga, thirty-four daw.
“Sabi ko nga sa kanya, may expiration ang babae hindi sila katulad ng lalaki.”
Amid speculations about Kathryn Bernardo’s (left) relationship status, her mother Min Bernardo (right) sets the record straight by saying that while the actress has many suitors, she is single at the moment.
Photo/s: Kathryn Bernardo Instagram
KATHRYN’S RUMORED SUITORS
Matagal nang bulung-bulungan ang mga lalaking nanliligaw umano kay Kathryn makaraan nitong mahiwalay sa longtime boyfriend niyang si Daniel Padilla.
Kabilang na rito ang Kapuso actor na si Alden Richards at si Lucena City Mayor Mark Alcala.
Wala pang kumpirmasyon kung totoo ito at kung may pinayagan si Kathryn sa dalawa na ligawan siya.
Sa kabila ito ng pag-aming handang-handa na siyang pumasok sa isang relasyon kung sakaling dumating ang lalaking muling magpapatibok ng kanyang puso.
Sinabi ito ni Kathryn sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa GMA-7 talk show na Fast Talk With Boy Abunda noong October 28, 2024.
Diretsahang tanong sa kanya noon ni Boy, “Kathryn, yes or no, are you ready to fall in love again?”
Mabilis na sagot ni Kathryn, “Yes!”
Diin pa niya “Kahapon pa. Reding-ready na, yes.”
News
‘You Betrayed Us All!’ – Matet De Leon’s Explosive Statement Against Ian Sparks National Outrage Over Family Secrets and Long-Buried Conflicts
Matet De Leon Breaks Silence: Files Abuse Case Against Ian, Exposing Painful Truths Behind Their Family Feud In a revelation…
“He Was More Than My Past”—Jackie Lou Blanco Breaks Silence on Ricky Davao’s Death with Heartfelt Farewell
“He Was More Than My Past”—Jackie Lou Blanco Breaks Silence on Ricky Davao’s Death with Heartfelt Farewell Jackie Lou Blanco…
“He Was Hiding It for Years” — Ara Davao’s Revelation About Ricky Davao’s Secret Illness Before Death Leaves Everyone Speechless
MANILA, Philippines — Actress Ara Davao confirmed that her father, award-winning actor Ricky Davao, passed away after a battle with cancer….
KRIS AQUINO BREAKS SILENCE: Her Will Exposes Unexpected Fortune Division — What She Left for Ex-Lovers James Yap and Philip Salvador Leaves the Public Completely Speechless
Kris Aquino Breaks Her Silence: Final Will Reveals Shocking Exclusion of James Yap and Philip Salvador in Favor of Sons…
Legendary Actress Nora Aunor Shocks the Public After Revealing That Her Enormous Wealth Will Go Entirely to Ian de Leon — Here’s the Heartbreaking Reason Behind Her Decision
Nora Aunor’s Final Wish Revealed: Her Son Ian de Leon Named as Major Heir in Surprising Turn of Events The…
Fans Mourn Ricky Davao’s Sudden Death—But Jackie Lou Blanco’s Unusual Reaction Sparks Even More Questions
Jackie Lou Blanco’s Emotional Tribute to Ex-Husband Ricky Davao: A Love That Endures Beyond Goodbye In a deeply moving moment,…
End of content
No more pages to load