Lumaban sa ratings ang pilot episode ng Lolong: Bayani ng Bayan noong Lunes, January 20, 2025.

Nag-trending din sa X at pinag-usapan online ang action-fantasy series ni Ruru Madrid..

Hindi natalo ni Lolong: Bayani ng Bayan ang rating ng katapat nitong FPJ’s Batang Quiapo, na talagang pinapatindi ni Coco Martin ang mga eksena, pero naka-double digit ito.

ruru madrid lolong bayani ng bayan
Photo/s: GMA Network

Ang Lolong: Bayani ng Bayan ay naka-10.8%, habang ang FPJ’s Batang Quiapo ay namayagpag sa rating nitong 15.9%.

coco martin batang quiapo

INCOGNITO VS MGA BATANG RILES

Noong Lunes din nagsimula sa Kapamilya Channel ang Incognito, na sumunod sa Batang Quiapo at naging katapat ng Mga Batang Riles, na sumunod naman sa Lolong.

Ang Incognito ay nakapagtala ng rating na 8.7%, habang ang Mga Batang Riles ay nakaungos nang bahagya sa rating nitong 8.9%

Kapansin-pansing halos action ang tema ng mga napapanood ngayon sa primetime.

Kailan kaya tayo makakapanood ng mga drama na dating sinusubaybayan natin?

Forte pa naman ng mga magagaling nating artista ang drama. Ngayon ay nag-aaksyon na rin sila.

JERRY OLEA

Patuloy ang paghahari ng FPJ’s Batang Quiapo kung saan kasama si Christopher de Leon, at hindi nakaporma rito ang Mga Batang Riles.

Hindi na tayo nagulat na taob din sa FPJ’s Batang Quiapo ang pilot episode ng bagong season ng Lolong ni Ruru Madrid.

Malaking bagay na kinabog ng Mga Batang Riles nina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Bruce Roeland, Raheel Bhyria, at Antonio Vinzon ang Incognito nina Daniel Padilla, Richard Gutierrez, Maris Racal, Anthony Jennings, Baron Geisler, Ian Veneracion, at Kaila Estrada.

mga batang riles
(Top) Miguel Tanfelix and Kokoy de Santos; (bottom) Raheel Bhyria and Antonio Vinzon in Mga Batang Riles 

Photo/s: GMA Drama Facebook

Streaming kasi itong Incognito sa Netflix, kaya nabawasan siguro ang sumusubaybay rito sa free TV.

incognito cast
Incognito cast: (from left) Anthony Jennings, Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Barol Geisler, Daniel Padilla, and Kaila Estrada 

Photo/s: Star Creatives Facebook

NOEL FERRER

Ang magandang nagaganap ngayon ay doble ang sigasig ng lahat sa produksyon para pagandahin ang mga programa nila.

Pati sa pagpo-promote ng mga palabas na ito, aligaga ang lahat.

Kanya-kanyang pakulo sa pagpo-promote: may pag-attend ng fiesta, ground events, mall shows, at kahit na school tour at mga LED billboards at merchandising, pinapasukan na ng lahat.

Hindi puwedeng maging kampante, dahil puwedeng mapag-iwanan.

Medyo expected ang pamamayani ng FPJ’s Batang Quiapo, pero tulad ng Lolong Book 1, puwedeng tiyagain at patuloy pang pagandahin ang Lolong: Bayani ng Bayan.

At least, double digit silang pareho. Ibig sabihin, nandoon ang manonood!

Mabuhay ang Telebisyon!