May ilang araw daw na hindi nagpapansinan noon ang dalawang It’s Showtime hosts na sina Vhong Navarro at Billy Crawford. Ang naudlot na pagsama ni Billy sa isang Hong Kong trip noon ang naging dahilan daw ng nasabing away, ayon sa kanilang interview sa episode ng Magandang Buhay, nitong Biyernes, November 15.

“Siya kasi ang gusto kong ka-roommate e. Kasi gusto ko siya laging kasama e. Every year kasi ginagawa namin ‘yon –may trip kami ng mga ‘kuys’. Tapos parang lately hindi na siya nakakasama,” kuwento ni Vhong sa mga momshie hosts.

Vhong Navarro at Billy Crawford, bakit nga ba nagkatampuhan noon? | ABS-CBN  Entertainment

Paliwanag naman ni Billy, “Nag-oo na kasi ako, and last minute ko nasabi sa kaniya na hindi ako makakaalis. Walang hesitations, as in nag-shut down talaga [sa akin] si Vhong. Hindi niya ako kinakausap, kahit nasa It’s Showtime kami.”

Dagdag ni Billy may isang pagkakataon pa na pinagitnaan sila nila Anne Curtis at Karylle, para maiwasan ang pisikalang away.

“Maraming instances nung time na ‘yon, si Anne at Karylle, umupo sa gitna namin dahil hindi kami pwedeng magtabi, either magsusuntukan kami, or as in mag-aaway na kami,” ani Billy.

Aminado si Billy kaniyang pagkakamali sa kaibigang si Vhong, dahil biglaan at last minute daw ang kaniyang pagsabi nang hindi siya matutuloy.

Sa parehong episode din ay naging bukas si Billy kung paano siya kinompronta at sinabihan ni Vhong sa It’s Showtime, noong mga panahong lulong siya sa alcohol.

“Si Kuys Vhong ang nagpakatotoo sa akin. Tinabihan niya ako at sinabi niya sa akin, ‘Alam mo ba Billy, makakasira ito ng buhay mo. Kung hindi ka magiging propesyunal sa trabaho mo, kung hindi mo seseryosohin to–kasi ang daming may gustong tumungtong sa pwesto mo dito sa It’s Showtime, respetuhin mo kung saan ka.’

“Nung sinabi sa akin ni Vhong ‘yon, may nag-trigger talaga sa utak ko –it was as real and as truthful as possible, sobrang totoo ng sinabi niya sa akin at sobrang nakatulong sa akin.

Bukod sa It’s Showtime, nagkasama na noon si Billy at Vhong sa parody boy group na Kanto Boys, kung saan ay kasama nila sila Luis Manzano at John Lloyd Cruz.