Umiiyak si Lotlot de Leon habang binabasa ang huling habilin ni Nora Aunor: “Hanggang huli, iniisip pa rin ni Mommy ang pamilya namin.”

Puno ng emosyon at hindi mapigil ang pag-iyak ni Lotlot de Leon matapos basahin ang huling habilin ng kanyang yumaong ina na si Miss Nora Aunor. Habang nagluluksa ang buong industriya ng showbiz sa pagpanaw ng nag-iisang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula, nagsidatingan ang mga kaibigan, kapamilya, at katrabaho ni Nora upang magbigay respeto sa kanyang huling hantungan.

Lotlot de Leon, inilarawan ang relasyon kay Nora Aunor | ABS-CBN Entertainment

Isa sa mga pinagusapan ng mga naroroon ay ang pagdating ng dating asawa ni Nora na si Christopher de Leon. Ayon kay Lotlot, wala nang kailangang ipaliwanag sa pagdalo ng kanilang ama. “Siya ang Daddy namin. Siya ang naging asawa ni Mommy, at natural lang na nandito siya. Laging nandyan si Daddy para suportahan kami,” emosyonal na pahayag ni Lotlot.

Binasag din ni Lotlot ang katahimikan tungkol sa mga akusasyon na may hidwaan sila ng kanilang ina. “Hindi totoo ‘yan. Wala kaming isyu ni Mommy. Mahal na mahal namin siya, at mahal na mahal din niya kami. Ang mga tao lang ang nagbibigay kulay sa relasyon namin,” dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Lotlot ang isa sa mga huling mensahe ni Nora bago ito pumanaw. “Ang huling text niya sa akin: ‘Anak, huwag mong pabayaan ang mga anak mo. Sila ang kayamanan mo.’ Kahit nasa kritikal na kalagayan na siya, iniisip pa rin niya ang pamilya,” kwento ni Lotlot habang pinipigilan ang luha.

Aminado si Lotlot na matagal nilang itinago sa publiko ang totoong kondisyon ni Nora, na matagal nang may sakit na COPD. Ayaw kasi ni Nora na may mag-alala sa kanya. “Kahit hirap na siya, sinasabi pa rin niya, ‘Okay lang ako, anak. Huwag kayong mag-alala,’” ani Lotlot.

Nang araw na pumanaw si Nora, agad tumawag si Tita Emelda kay Lotlot upang humingi ng tulong. Mabilis siyang tumakbo sa ospital, ganoon din si Ian de Leon. “Na-revive pa siya, pero flatline siya ng 30 minutes,” kwento ni Lotlot. “Sabi ng nurse, ‘Ma’am, ginawa ng mommy mo ang lahat para lumaban.’”

Hanggang huli, si Nora Aunor ay nanatiling ilaw ng tahanan at inspirasyon sa kanyang mga anak. Para kay Lotlot, ang kanilang ina ay isang dakilang ina, artista, at Pilipino—na kahit wala na, patuloy na mamahalin at aalalahanin ng sambayanang Pilipino.