Sawsaw Ka pa Ha! Vice Ganda Sinupalpal Si Juan Ponce Enrile Sa It’s Showtime

Agad na nagpahayag ng reaksyon si Vice Ganda sa pambabatikos at pagtawag sa kanyang bastos ni Juan Ponce Enrile.Matatandaan na nitong nagdaang araw ay kinoll-out si Vice Ganda ng Chief Presidential Legal Council na si Juan Ponce Enrile. Kung saan nagbitiw ito ng maanghang na banat laban sa kanya.

Ito’y kasunod ng hinaharap nilang suspension mula sa MTRCB dahil sa viral scene nila ni Ion Perez.

“Ang ibinigay na katangian mo sa lipunan ay hindi mo na tinitingnan ang kapakanan ng iba. Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ang ginagawa mo pero bastos ka. Bastos kang tao,” tahasang pahayag ni Juan Ponce Enrile laban kay Vice Ganda.

Juan Ponce Enrile niresbakan ng fans ni Vice Ganda matapos makisawsaw sa  isyu ng It's Showtime: 'Hindi siya kurakot at nagbabayad siya ng malaking  buwis!' | Bandera

Tila hindi naman nagpatinag ang Unkabogable Star at sa latest episode ng It’s Showtime, ipinahayag niya ang kanyang reaksyon sa pambabanat sa kanya ni Juan Ponce Enrile.

Bagama’t hindi tahasang pinangalanan ni Vice Ganda ang lolo na kanyang tinutukoy sa Mini Ms. U segment ng It’s Showtime, alam na ng mga madlang pipol na para ito kay Juan Ponce Enrile.

Nang mapag-usapan nila ni Jhong Hilario ang mga viewers na matatanda bigla na lamang nagbigay ng pahayag si Vice Ganda sa mga lolong galit umano sa kanya.

Vice Ganda, tinawag na “bastos” ni Juan Ponce Enrile; nais mawala at ma-ban  ni Salvador Panelo

“Nakakatuwa, maraming mga lolo na nanonood sa atin, ang daming lolo na nakatutok sa akin at love ako ng mga lolo.”

Dagdag pa ni Vice Ganda, “Maging sa social media ang daming mga lolo na nagsa-shout out sa akin. My God, I am so relevant in so many things. Lalong lalo na yung mga lolo jan na mahal na mahal ako. Maraming salamat po. I love lolos at Lolas.

Hindi pa rito natatapos ang pagpaparinig ni Vice Ganda kay Juan Ponce Enrile, “Itong Showtime kaya patuloy naming ginagawa, lalong lalo na yung Tawag ng Tanghalan kahit may pagkakataon yung mga tao nagsasawa na sila. Ang dahilan kung bakit pinagpatuloy namin ang Tawag ng Tanghalan ay dahil iyan ang paborito ng matatanda.”