Pau Fajardo on moving on from breakup with Scottie Thompson

Pau opens up about biggest lesson after painful breakup with Scottie.

Pau Fajardo, Scottie Thompson
Pau Fajardo on biggest lesson after painful breakup with boyfriend of eight years Scottie Thompson: “I’ve learned na aside from loving that person, you have to love yourself talaga. Mas mag-invest ka sa sarili mo rather than investing to other people. Di mo alam kung nandiyan pa rin yung talagang inalalayan mo.”

PHOTO/S: Melba Llanera / @scot_thompson6 Instagram

Hindi itinago ng model at social media influencer na si Pau Fajardo na lubos siyang nasaktan sa hiwalayan nila ng shooting guard ng Barangay Ginebra San Miguel na si Scottie Thompson.

Bisperas ng Bagong Taon ng 2021 nang ma-engage sila, pero pagsapit ng April 2021 ay tinuldukan ng dalawa ang kanilang walong taong relasyon.

June 2021 nang naiulat ang pagpapakasal ni Scottie sa isang stewardess.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pau sa contract signing niya bilang bagong endorser ng Healthy Arrow collagen gummies, na ginanap sa Quezon City noong April 9, 2022.

Dito ay inamin ni Pau na nasa proseso pa rin siya ng moving on.

Tanong ng PEP.ph: napatawad na ba niya ang ex-fiancé?

Natawa muna si Pau, na halatang hindi sanay na mausisa tungkol sa kanyang pribadong buhay.

Sa follow-up question kung ayaw niyang pilitin at naghihintay pa siya ng right time para rito, saka sumang-ayon si Pau.

“Kailangan [hintayin yung right time] kasi what happened is hindi ganun kadali,” simpleng saad ni Pau.

Pero siniguro niyang nakabangon na siya sa tulong ng pamilya na naging kanlungan niya.

“Okay naman, nandiyan naman ang family ko na talaga namang tinulungan ako to stand up again.

“Talagang wala ka namang tatakbuhan kundi yung family mo, yung mga taong totoong kilala ka.”

Sa kabila ng sakit na pinagdaanan, maraming natutunan sa nangyari si Pau at isa na rito ang self-love.

“Phase yun ng buhay natin, e, mararanasan at mararanasan talaga.

“Nasa tao kung paano nila tutulungan din ang sarili nila. Hindii puwedeng dumepende ka sa ibang tao. Nasa sarilli mo lang.

“I’ve learned na aside from loving that person, you have to love yourself talaga,” saad ni Pau.

Malaman ang sumunod niyang mga salita.

Aniya, “Mas mag-invest ka sa sarili mo rather than investing to other people. Hindi mo alam kung nandiyan pa rin yung talagang inalalayan mo.”

Single pa si Pau at hindi pa raw siya nag-e-entertain ng manliligaw.

Aniya, “Huwag na muna, personal choice ko muna yun.

“Time frame? Wala naman pero personal choice ko na huwag na muna.”

ON SUPPORTERS AND BASHERS

Nagmomodelo at nag-eendorso si Pau sa social media ng iba-ibang brands.

Noong kasagsagan ng isyu, aminadong nag-social media detox siya hanggang sa kumalma ang kinasangkutan niyang kontrobersiya.

“Ayoko kasi na parang nakikita ng mga tao, especially ng mga sumusuporta sa akin, na down [ako] kasi pati sila malulungkot.

“Parang nagla-lie low o di na muna ako nagso-social media talaga.”

Bagamat marami ang nakisimpatiya kay Pau nang iwan siya sa ere ni Scottie, hindi maiiwasang may mas kampi sa sikat na basketball player.

CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Pau, nirerespeto niya kung anuman ang opinyon ng ibang tao sa nangyari sa kanila ni Scottie.

Pahayag niya, “Unang-una sa mga sumusuporta sa akin, talagang nagulat ako kasi di ko in-expect yung love and support na ibinibigay nila sa akin.

“Dun sa mga bashers, hindi naman talaga natin maiiwasan. Thank you kasi nandiyan pa rin sila. Sinusundan pa rin nila kung ano ang ginagawa ko.”

ON CAREER OPPORTUNITIES

Kuwento pa ni Pau sa PEP.ph, malaking tulong ang naibigay sa kanya ng mga oportunidad na dumating sa buhay niya.

“Siguro mas itinuon ko ang sarili ko sa mga opportunities na dumarating sa akin with the help of Ms. Therese, family ko, na naka-support din sa akin,” ani Pau.

Ang tinukoy niyang “Ms. Therese” ay ang manager niyang si Therese Ramos.

Patuloy ni Pau: “Yung tiwala mo sa sarili mo na kaya mong magtrabaho at patunayan mo ang worth mo.

“Nakakatuwa kasi nung time na ganun, hindi ko inisip na may ganitong darating.

“Wala nga sa isip ko ang mag-enter sa showbiz, yung mga ganito iniiwasan ko talaga.

“Sabi nga ni Ms. Therese, nandiyan na iyan, grab mo na lang yung mga opportunities na dumarating. Open naman ako.”

Bukas ba siya sa posibilidad na pumasok sa pag-aartista ngayong nasimulan na niya ang pag-eendorso ng produkto?

“Parang hindi ko pa yata kaya,” sagot ni Pau.

“Parang dito muna ako sa pag-promote ng mga products, pero kung may opportunity naman, open naman ako.

“As long as okay ako, okay kay Ms. Therese. Kay Ms. Therese pa rin talaga ako.”

Pero kung sakali, nabanggit ni Pau kung sinong artista ang nais niyang makatrabaho.

“Hindi ko masabi pero drama puwede naman. Alam naman ng mga tao na idol ko si Zanjoe Marudo.”