Gerald Anderson takes Julia Barretto on a quick road trip

Magkasunod ang pagdiriwang ng kaarawan ng magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson.
Nauna si Gerald noong March 7, 2025.
Marami ang kinilig sa mensahe ni Julia para kay Gerald.
“The kindest, most selfless person. Happy birthday love,” ang post ng Kapamilya actress sa Instagram.
Nagdiwang si Gerald ng 36th birthday ngayong taon.
Kalakip nito ang ilang mga larawan kung saan kasama ni Julia ang kasintahan.

Photo/s: @juliabarretto Instagram
Kasama sa mga larawan ang isang masayang bakasyon sa beach, ang U.S. trip ng dalawa kung saan bumisita sila sa isang national park, at isang larawan na kuha noong 2024 nang ma-promote si Gerald bilang auxiliary captain ng Philippine Coast Guard (PCG).

Photo/s: @juliabarretto Instagram






