UPDATED: Kris Aquino “painful truth” about past relationship

May bagong health update ang TV host-actress na si Kris Aquino.
Kasabay ito ng pagbabahagi niya sa napagdaanang heartbreak nang magkahiwalay sila ng ex-boyfriend na si Dr. Mike Padlan.
Sa Instagram ngayong Sabado, March 16, 2025, ipinost ni Kris ang mga larawan niyang karga-karga siya ng anak niyang si Bimby papuntang restroom dahil hirap si Kris sa paglalakad.

Sa caption ng post, inilahad ni Kris ang “painful truth” na kanya ngayong kinakaharap dulot ng kanyang autoimmune diseases.
Ito raw ang rason ng paghihiwalay nila ni Dr. Padlan.
Kris Aquino on breakup with doctor boyfriend
Ayon kay Kris, gusto raw ni Dr. Padlan na makabiyahe nang malaya na walang ibang iniisip lalo na ang kalagayan at kalusugan ni Kris.
Wala naman itong anumang kumpirmasyon kay Dr. Padlan.

Pagpapatuloy ni Kris, maluwag daw sa dibdib na tinanggap niya ang dahilan ng nobyo.
Pero kamakailan, napagtanto raw niyang hindi siya talaga minahal ng doktor.
Mababasa sa kanyang post (published as is): “During this time of uncertainty, i choose to share MY PAINFUL TRUTH, the doctor i loved left me because he wanted the freedom to travel, to break free from needing to care for & the reality of KRIS AQUINO who had multiplying autoimmune diseases w/ so few treatment options.
“Enough time has passed: he did not love me. In my defense he did receive the correct professional fees- even when we were a couple.
“End of that chapter (never akong natakot umamin ng katotohanan).”
Kuwento pa ni Kris, prinangka rin siya ni Dr. Padlan.
Saad ni Kris, “The TRUTH, in his words ‘INIWAN KITA DAHIL MAHIRAP KANG MAHALIN, sobrang sikip ng paligid.’”
Nang magkahiwalay, kung anu-ano umano ang naririnig ni Kris mula kay Dr. Padlan na masasakit na salita.
May pagkakataon pa raw na tina-trash talk nito ang kayang mga kaibigan at ilang doktor na ngayo’y nangangalaga sa aktres.
Hiling ni Kris kay Dr. Padlan, “[M]y prayer is that he will now STOP trash talking & cursing my best friends and doctors who are still doing all they can to improve my quality of life, proving everyday genuine love, compassion & loyalty.”
Muli, walang kumpirmasyon ang ganitong mga akusasyon ni Kris sa dating nobyo. Ayon sa ilan, maaaring ito ay mga salita ng a woman scorned.
KRIS AQUINO AND DR. PADLAN’S RELATIONSHIP
Noong June 29, 2024, nang isapubliko ni Kris ang relasyon nila ni Dr. Padlan.
Nangyari ito nang makapanayam si Kris ng talent manager/comedian/vlogger na si Ogie Diaz nang bisitahin ng huli si Kris sa Orange County, California.
Pagbubunyag noon ni Kris: “He’s a doctor.
“And I think that’s part of the reason why it was easy. Kasi alam niya anong pinagdadaanan ko.
“And he’s part of the reason why I’m confident na puwede akong umuwi.
“Kasi alam ko na there’s someone who will help in taking care of me.”
Madali raw nahulog ang loob ni Kris kay Dr. Padlan dahil pakiramdam niya ay lubos siyang maalagaan nito sa kabila ng malubha niyang karamdaman.
Ani Kris, “The reason siguro that I felt comfortable about him is because I feel na aalagaan niya ako.
“And important yun sa taong may nararamdaman na mahirap gamutin. Kasi you need someone na puwede mong sandalan. Yan lang yun siguro.”
KRIS AQUINO’S HEALTH UPDATE
Bukod sa nakaraang heartbreak, ibinahagi rin ni Kris ang kasalukuyang estado ng kanyang kalusugan.
Kuwento ng aktres, hindi siya ngayon makalakad dahil sa steroid na itinuturok sa kanyang tuhod. Parte ito ng gamutan sa kanyang lupus arthritis, polymyositis, at acute fibromyalgia.
Patuloy din daw ang pagbawas ng kanyang timbang na nakakaapekto sa kanyang paggalaw at paglalakad.
Ani Kris (published as is): “Last night my rheumatologist tried ultrasound assisted targeted steroid shots on my knees…. My body reacted the same way i did when we tried 34 months ago the steroid challenge.
“Bimb is now doing MMA training and i weigh less than 80 lbs, only 36 kilos.
“I cannot walk, each step is agony. The excruciating pain is from my knees all the way to my feet, a combination of deep bone pain (lupus arthritis, Polymyositis, and acute fibromyalgia).”
KRIS AQUINO ON SONS’ LOVE
May mensahe pa si Kris sa huling bahagi ng kanyang latest IG post.
Umaasa raw siya na maging inspirasyon at pag-asa siya ng lahat ng mga taong ngayon ay may pinagdaraanan sa buhay.
Sa kabila ng pagtalikod umano ng iba, panatag daw si Kris na ang pagmamahal ng kanyang pamilya, lalo na ng dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby, ay mananatili at magiging lakas niya sa pagharap sa iba pang hamon sa kanyang kalusugan.
Sabi niya (published as is): “I decided to post my current reality because i want to give HOPE.
“When you are unconditionally loved, when like me you are blessed with a son who will do all to lessen his mama’s physical & emotional suffering – HINDI KA SUSUKO.
“TINITIIS ko yung matinding sakit na parte na ng bawat araw ko dahil ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas.”
Tiwala rin daw si Kris sa kalooban ng Diyos sa matagal na niyang hiling na pagpapagaling.
“Life is difficult for all of us- but faith in God and REAL love proven by ACTION gives ALL the needed willpower to persevere.
“Thank you God, thank you TO ALL for your continued prayers for my healing, and to MY “northern star” – Bimb for being much more than your mama deserves.
“I love you ATE. Thank you ate @celdasan for taking care of kuya now. TULOYANGLABAN.”
Postscript: Makalipas ang ilang oras, in-edit ni Kris ang kanyang IG post at tinanggal ang ilang bahagi ng kanyang pahayag patungkol sa dating nobyo.
Pero nanatili ang kanyang pagsusuma sa hiwalayan nila ng kanyang doctor-boyfriend na pakiramdam niya ay hindi raw siya nito tunay na minahal.
Sabay kabig din niya sa huli, umasa siya dahil sa panahong magkasama sila ay “I DID FEEL SAFE.”
Sabi pa ni Kris: “I don’t regret loving you completely. Sanay akong mabigo.”
Kapansin-pansing nagbago ang tono ni Kris sa edited version ng kanyang post.
Tila aminado rin siya dahil may paliwanag siya rito.
Ani Kris, in-edit niya ang kanyang post alang-alang sa dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh.
May tinukoy din siyang “M and M” na nagpangiti sa kanya at nagturo ng mga “simple pleasures” sa buhay.


Wala pa ring reaksiyon si Dr. Padlan tungkol sa mga binitiwang pahayag ni Kris hanggang sa kasalukuyang sinusulat ang dagdag na impormasyong ito.
Nananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Dr. Padlan kaugnay ng artikulong ito.
News
BFF ni Kathryn Bernardo, May Mahahalagang Habilin Kay Alden Richards – Alamin Ang LATEST Update Sa KathDen Na Magpapa-Wow Sa Lahat!
Sina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ang minamahal na on-screen duo na tinawag na “KathDen,” ay muling nakakuha ng atensyon…
Kathryn Bernardo at Alden Richards, Grabe ang Pagdanas sa Movie Nilang “Hello, Love, Again” – Isang Tagumpay na Dinumog ng Fans, Alamin ang mga Lihim sa Likod ng Kakaibang Karansan!
Ipinagdiriwang nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang Kahanga-hangang Tagumpay ng Hello, Love, Goodbye Sequel: Hello, Love Again Patuloy na nangingibabaw sa Philippine…
OMG! Tony Labrusca BREAKS HIS SILENCE and CLARIFIES the Sh0cking Gay Rumors: “Have You Heard About My Boyfriend?” – The Unexpected Revelation That Will Leave You Stunned!
Tony Labrusca CLARIFIES the issue regarding rumors of being gay: ‘I feel like I’m being lied to from behind.’ Tony…
OMG! Prince Stefan, Ibinunyag na Noon, Nilapitan at Niyaya Si Aljur Abrenica Mag-Bathtub – Ang Sh0cking Flirting Moment na Magpapabigla sa Lahat!
Prince Stefan once flirted with Aljur Abrenica: “Niyaya ko siyang mag-bathtub.” Prince Stefan: Niyaya ko siyang mag-bathtub. In a recent…
Kapatid ni Kris Aquino, Hindi Naitagong Pagluha at Humagulgol ng Iyak Nang Makita ang Katawan ni Kris – Ang Hindi Malilimutang Sandali na Magpapaluha sa Inyo!
Isang nakakagulat at emosyonal na balita ang nag-viral sa social media at naging laman ng mga headlines kamakailan. Ang aktres…
Emosyonal na Paalam sa ‘It’s Showtime’: Vice Ganda at Mga MC, Hindi Mapigilang Maluha Nang Magkaroon ng Hindi Inaasahang Paalam mula sa Kanilang Mga Kaibigan – Ano ang Naitagong Lihim sa Huling Sandali ng Pagkikita?
A wave of sadness swept through the It’s Showtime family this week as one of their long-time friends and collaborators made an…
End of content
No more pages to load