Ina Raymundo on Erika Portunak and Kobe Paras breakup

Ina Raymundo (left) on breakup of daughter Erika Poturnak and Kobe Paras: “Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work. It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing.”

Kinumpirma ni Ina Raymundo na nauwi sa breakup ang relasyon nina Erika Rae Poturnak, 21, at Kobe Paras, 25.

Si Erika ay anak ni Ina at Canadian husband na si Brian Poturnak; habang si Kobe ay anak ng ex-couple na sina Benjie Paras at Jackie Forster.

Sa simula pa lang ay walang kumpirmasyon mula sa dalawa sa totoong estado ng kanilang relasyon.

Noong June 2022, agaw-pansin ang ibinahagi nilang sweet photos na kuha sa bakasyon nila sa Bali, Indonesia.

Pero pagsapit ng September 2022, nag-unfollow sila sa isa’t isa sa Instagram matapos nilang magbakasyon sa California.

Nag-follow back din sila kalaunan, pero sinasabing nag-unfollow-an uli noong January 2023.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), tinanong namin si Ina sa isyung break na sina Erika at Kobe.

“No, they’re not together,” pagkumpirma ni Ina.

Diin niya, “Basta wala na, yun lang. Hindi nag-work. Long distance does not work.Are Kobe Paras And Erika Poturnak Back Together?

“It’s a mutual decision. They’re good, no bitterness, nothing.”

April 2021 nang umalis si Kobe sa U.P. Maroons varsity team para ipagpatuloy ang kanyang basketball career sa U.S. at kalaunan ay sa Japan.

Nito lamang Marso 2023 ay na-terminate na ang kontrata niya sa koponang Altiri Chiba ng Japan B.League Division II.

Si Erika naman ay kasalukuyang nag-aaral sa Berklee College of Music sa U.S.

INA ON 20-year MARRIAGE with canadian husband

Nakapanayam ng PEP.ph si Ina sa press conference ng “A Date With Our Solmates” ng Entrasol Platinum.

Dito ay kinumusta namin ang married life ng aktres na namayagpag sa sexy films noong ’90s.

May 20 years nang kasal si Ina sa asawang si Brian Poturnak.

Sa dami ng celebrity couples na naghihiwalay, ano ang sikreto ng lasting relationship nila?

Sagot ni Ina, “Alam mo talaga ang secret, pick the right person for you. Don’t ignore the red flags.

“Hindi porke’t mayaman, go. Porke’t mayaman ang pamilya, go.

“You have to know the person really, really well. Kailangan compatible kayo sa lahat ng bagay. Kailangan kilalanin mo talaga.”

Lalo na raw kung usapang lifetime commitment.

“Halimbawa, ikakasal ka na, tapos may doubt ka, you cannot really ignore that.

“Kailangan you cannot avoid red flags because when you marry the right person for you, it would last.”

Ayon sa aktres, masasabi niyang teamwork ang relasyon nila ng asawa kaya rin ito nagtagumpay.

“We’re good. Twenty years na kaming kasal. We’ve known each other so well. We have five children, so we’re always busy with our kids.

“Now he’s in Canada with our son. He travels a lot. Most of the time din I’m a single mom to our daughters kasi siyempre talagang teamwork kami.

“Yung dalawang anak namin nasa U.S.A. na, yung tatlo naman nandito, so kailangan may balance talaga.”

Para kay Ina, advantage sa mga tulad niyang artista ang makapag-asawa ng foreigner dahil sa liberated na pananaw ng mga ito sa buhay.

“Yun ang maganda pag foreigner ang napangasawa mo, very liberated, open-minded, understanding, supportive.

“I’m so blessed na yung napangasawa ko, Canadian pa. Yung mga Canadian, they’re known for being nice. I’m blessed na nahanap ko talaga yung perfect partner for me.”

Dahil nasa dugo ang pag-aartista, kinakikitaan ni Ina ang bunsong anak ng interes na pasukin din ang showbiz.

“Hindi ko masabi, pero yung bunso ko, yun talaga sinasabi niya, ‘I want to be an actress.’

“But she’s only ten years old, so we’ll see.”

Hindi raw niya hahadlangan ang anak kung sakali.

“Papayagan ko, ah, yeah. Pag gusto niya talaga, ano ang magagawa ko? Ako pa? I’m not a killjoy mom talaga.

“I support my kids so much, pag may gusto sila. Of course, there’s guidance all the time.

“Pero priority dapat schooling, lalo na kung matalino, sayang naman kung magsu-showbiz agad kung puwede namang mag-aral.”

Binansagang “Sabado Girl” nang ’90s, si Ina ay minsang hinangaan ng aktor na si Piolo Pascual.

Pero paglilinaw ni Ina, “Hindi siya nanligaw, pero siyempre nakakakilig. Papa Piolo yan, di ba?

“Wala, ‘Hi, hello.’ He’s always been nice to everyone naman na makasama niya.

“At that time, ang nade-date ko talaga, non-showbiz. For some reason, yun ang nagwu-work for me. Non-showbiz talaga.”

IS INA OPEN TO DOING SEXY ROLES?

Aktibo pa rin sa kanyang showbiz career, kasama si Ina sa pelikulang Pieta, na pinagbibidahan ni Nora Aunor, sa ilalim ng direksiyon ni Adolf Alix Jr.

Nanghinayang si Ina dahil hindi raw niya nakaeksena si Nora. Isang araw lang daw kasi ang shooting niya sa pelikula.

“Si Alfred Vargas ang kaeksena ko. Pero I heard that, of course.

“Imagine, nandun si Gina Alajar, Jaclyn Jose, and the Superstar Ms. Nora Aunor. Bembol Rocco nandun din.

“Maganda yung istorya, very dark actually.”

May iba pa raw guest appearances na nakalinya para kay Ina.

“Lagi akong nai-invite to shoot for their movies kahit one-day shoot lang, special appearance.

“I’m all for that kasi I can play different characters, tapos tapos agad. Di ka natatali ng husto.

“May series din, may mga future projects ako, so I might start taping sa April.”

Gumanap si Ina ng sexy roles sa ilang pelikula tulad ng Tuhog at Burlesk Queen Ngayon.

Posible bang gumawa uli ng sexy roles si Ina?

Tugon niya, “Basta magaling yung director na alam kong aalagaan ako, tapos pang-acting talaga.

“Kumbaga, it will take me to the next level, yung magmamarka.

“Pero yung exposure, hindi na, hindi na ready ang body ko for exposure.

“Hindi na tulad nung dalaga ako, iba pa rin nun. Puro stretchmarks na ako.”

ON KEEPING FIT AT 47

Sa edad na 47, napanatili ni Ina ang pagiging maganda at sexy.

Pero aminado siyang marami nang nagbago sa pangangatawan niya.

“Yung digestion, it’s important that our diet is a high-fiber diet. If you miss one day, parang ang bigat ng pakiramdam.

“So, yun ang important na maano mo, yung health ng intestine mo very healthy.

“Of course, you wanna feel stronger, di ba? You don’t wanna feel lethargic na parang may kine-crave ang katawan mo, na may kulang, na you feel weak.”